Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Huwebes, Nobyembre 30, 2017

Reaction to pro-Duterte “Rev-Gov”: Gat Andres Bonifacio is turning in his grave

BMP Press Release
November 30, 2017

The socialist labor group Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) criticized pro-Duterte groups who planned to mobilize today, November 30 to call for a “revolutionary government” that would change the Constitution in favor of federalism and opening up the local economy to compete foreign ownership. 

BMP president Leody de Guzman said, “It is the height of poetic injustice that pro-Duterte groups would commemorate Bonifacio Day by going against ideals that the plebeian hero fought and died for. He would be turning in his grave for such antics that would ultimately serve the interests of foreign monopolies, warlords and political dynasties, and the lust for wealth and power of the pro-Duterte clique of the ruling elite”. 

Charter Change for foreign monopolies

De Guzman added, “The clamor for Chacha by certain factions of the ruling classes has always existed since the Ramos administration. They favor the dismantling the protectionist provisions to fully liberalize the economy in order to entice foreign investments. 

This means the recolonization of our country not through bullets and cannons but through capital and commodities. These business interests now hide behind the cloak of federalism but they know all to well that Duterte’s Cha-cha would not limit itself to changing political provisions of the 1987 Constitution”. 

Federalism for warlords and political dynasties

The labor leader explained, “Pro-duterte rev-group adherents say that by decentralizing the national government into federal states, taxes and public funds collected from the countryside would be benefit the rural poor. This argument is a sham. We know all too well that each province and region are controlled by warlords and political dynasties that rule over their territories with iron gloves without an iota of respect for due processes of law. 

They are the Singsons and the Marcoses, the Enriles and the Dys, the Arroyos and Pinedas, the Duranos and Osmenas, the Dutertes and the Ampatuans, etc. Federalism means a decentralized Philippines under warlords and political dynasties”. 

RevGov is still elite rule, through fascism not liberal demoracy

“A truly revolutionary government means genuine social transformation by dismantling the long-standing rule of the elite. The pro-Duterte “RevGov” is its complete opposite. How can we believe that the people are indeed calling on Duterte to lead a revolutionary government, when these assemblies are organized by the same elite – governors, mayors, representatives of congress, and trapos, who benefit from the present rotting and unjust social order? 

They exploit the desperation of the impoverished majority. They offer positions to lowly barangay officials, aside from free food and allowances to the hungry masses, for their attendance to these pro-RevGov rallies. Duterte’s revolution is a poor copy of the Marcosian ‘revolution from the center’, which ended up in fascism and tyranny,” de Guzman asserted. 

Not in defense of 1987 Constitution

Meanwhile, the BMP clarified that its position against the pro-Duterte Rev-Gov is not tantamount to a mere defense of the 1987 Constitution. “There are groups that call for the defense of the 1987 Constitution but want to create an Edsa Dos scenario with Robredo assuming the presidency via constitutional succession. 

The existing charter is not only teeming with defects. It is inherently defective. It fosters the illusion of equal rights of separate individuals. It does not hold the primacy of the rights and interests of the whole over individuals, of the right to decent lives over property rights, the welfare of the toiling majority over the privileged elite. It is the unity and struggle of the Filipino people, led by the working class, not the elitist “RevGov” – that will change the Charter in accordance to the democratic and just ideals of Andres Bonifacio. #

Miyerkules, Nobyembre 29, 2017

Manggagawa, pangunahan ang laban! Labanan ang Kontra-mamamayan at Pasistang Rehimeng Duterte Isulong ang Gobyerno ng Masa

NANANAWAGAN tayo sa lahat ng kasapi ng ating Bukluran: FULL MOBILIZATION tayo sa Nobyembre a-trenta. Sa halip na tayo ay magpahinga sa piling ng ating mga mahal sa buhay o mag-obertaym para sa double-pay sa isang pyesta opisyal. 

Mangalsada at magmartsa tayo. Hindi lang upang gunitain ang araw ng dakilang manggagawang si Gat Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan na namuno sa anti-kolonyal na pakikibaka laban sa mga Kastila. 

Higit dito, ipakita natin ang pwersa ng mamamayang tumututol sa pakanang “Rev-Gov” na isinusulong ngayon ng mga pwersang maka-Duterte. 

Ano ang isinusulong ng maka-Duterteng Rev-Gov?

Ang “revolutionary government” ay isa sa bagong pauso para ipatupad ang Cha-cha at pederalismo, na diumano’y kongkretong anyo ng islogang “Change is coming” na pinasikat nila noong halalang 2016. 

Ayon sa mga nagsusulong ng “RevGov”, kailangan daw bigyan ng absolutong kapangyarihan ni Duterte dahil hindi raw sapat ang balangkas ng Saligang Batas para masugpo ng pangulo ang kapangyarihan ng “oligarkiya”, “mga trapo”, at ng “narco-politics”. 

Ito ay imitasyon ng “revolution from the center” na katuwiran diktadurang Marcos para diumano’y isalba ang bansa mula sa Kanan (oligarkiya) at Kaliwa (komunistang rebelyon), ngunit nauwi sa pandardambong sa kaban ng bayan at sa ating ekonomya ng pamilya Marcos ang kanilang mga kroni. 

Ano ang layunin ng Cha-cha ni Duterte?

Ang pang-ekonomikong layunin ng Cha-cha ay ang paglalansag sa mga proteksyunistang probisyon na nagtitiyak na ang ekonomya ng bansa ay nagsisilbi sa mga Pilipino, imbes na sa mga dayuhan. Ilan dito ay ang limitasyong 40% ng dayuhang pag-aari sa anumang korporasyon na magnenegosyo sa bansa. Ito rin ang limitasyon sa pag-aari sa likas-yaman ng bansa. 

Ang Cha-cha ni Duterte ay ekonomya ng Pilipinas para sa dayuhan. Matagal na itong adyenda ng mga kapitalista para lalupang hikayatin ang dayuhang pamumuhunan – mula pa sa rehimen ni Ramos, Erap, GMA, at Noynoy Aquino.

Tinututulan natin ang ganitong disenyo ng pag-unlad. Sapagkat nangangahulugan ito ng “muling pananakop o rekolonyalisasyon” ng mga dayuhan sa ating bansa, ngunit hindi sa pamamagitan ng bala at kanyon kundi sa paraan ng kapital at kalalakal. Ang iskemang ito ng kaunlaran ay sumusunod sa interes ng mga transnasyunal na monopolyo. 

Ang pampulitikang layunin ng Cha-cha ay ang paglalansag sa sentralisadong gobyerno tungo sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga warlord at dinastiyang pulitikal sa kanya-kanyang mga “kaharian”. 

Sa pederalismo, sinasabing mas makikinabang na ang mga mamamayan, laluna sa mga probinsya, mula sa pondo ng gobyerno dahil ito ay hindi na isesentralisa sa pambansang gobyerno. 

Kalokohan! Sino ang makikinabang dito? Ang mga gaya ni Singson at Marcos sa Ilocos, ang mga Pineda at Arroyo ng Pampanga, ang mga Dy ng Isabela, ang mga Enrile ng Cagayan, ang mga Romualdez ng Leyte, ang mga Durano ng Cebu, ang mga Duterte ng Davao, atbp., atbp. 

Ang mga warlord sa kanayunan ang pinakareaksyonaryo sa hanay ng mga naghaharing uri sa bansa. Naghahari sa bawat teritoryo na tulad ng mga pyudal na monarkiya. Umaasa sa dahas at walang pakundangan kung lumabag sa mga “due process” ng batas. Ang mga angkang ito ang may track record sa pagtatakbo o pagbibigay-proteksyon ng jueteng, droga, malakihang sugal, atbp. sa kanya-kanyang mga lugar. 

Ang tanging interes nila ay ang habambuhay na paghahari ng kanilang mga angkan nang walang hinahangad na “pambansang pag-unlad”, na makauring interes sana ng lokal na burgesya, kung nanatili itong independyente sa dominasyon at kontrol ng imperyalismo. Kung gayon, ang Cha-cha ni Duterte ay Pilipinas para sa mga pamulitikang angkan.

Paano nila babaguhin ang Konstitusyon? 

May dalawa nang nakahain. Una ay ang Constituent Assembly o CON-ASS. Sa paraang ito, ang lehislatura (senado’t kongreso) ang bibigyan ng kapangyarihan bilang mga kinatawan ng mamamayan. Sinumang may tapat sa sarili at tumitindig sa tama at totoo ay mapapasinungalingan ito. Ang mga bulwagang ito ay pinamumugaran ng mga representante ng mga bilyonaryo’t milyonaryo. Sila ay mga parasitikong hindi kalahok sa paglikha ng yaman ngunit nagpapasya kung paano mapunta sa kanilang mga bulsa ang kaban ng bayan! Kung sila ang magpapasya sa Cha-cha, maisasalaksak sa lalamunan ng taumbayan ang klase ng pagbabago sa Konstitusyon na nagsisilbi sa dayuhang kapital at mga pampulitikang angkan. 

Dahil ang Con-Ass ay halatadong palspikadong porma ng pagbabago ng Konstitusyon dahil ang mga magdedesisyon dito ay pawang mga representante ng kapitalista’t asendero, nagpauso si Duterte ng tinawag niyang Constitutional Commission, isang panel ng mga “eksperto” at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na appointed ni Duterte. Subalit ito ay “consultative” lamang at walang kapangyarihan kundi magpayo lang sa Con-Ass ng mga trapo.

Sa ngayon, ang bagong paraan ng pagbabago ng Constitution ay sa pamamagitan ng “RevGov” at magmumula sa mga asembliya ng organisadong taumbayan. Mainam sana kung ito ay wastong-wasto at totoong totoo. Pero hindi! Nagsisimula na itong magtipon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sino ang nagpapatawag ng pulong? Ang mga pulitiko – mga gubernador, mayor, atbp. – gamit ang makinarya ng mga barangay (na naghahabol ng pwesto sa tinaguriang “RevGov”! 

Paano ito magiging rebolusyonaryong gobyerno kung ang nagsusulong nito ay ang mismong nakikinabang sa umiiral na bulok na kaayusan at humahadlang sa tunay at totoong pagbabagong panlipunan? Isang panlalansi! Hindi kailanman magpapaloko ang taumbayan sa disenyong ito ng ganap na panunumbalik na diktadura at paggawad ng absolutong kapangyarihan sa iisang tao. Sawa na tayo sa dilim at lagim ng Batas Militar! 

Ipinagtatanggol ba natin ang 1987 Constitution? 

Hindi. Ang kasalukuyang konstitusyon ay depektibo. Umaasa ang mga pwersa ng mga Dilaw sa pagtatanggol nito dahil ang hinahangad nilang maulit ang senaryong Edsa Dos, nang magsalubong ang pangangalsada ng taumbayan – kalakhan ay pwersa ng panggitnang-uri – at ang pagbaliktad ng pulis at militar, at nauwi sa panunumpa ng dating bise-presidente na si Gloria bilang “constitutional successor”. Nais nilang maulit ang ganitong senaryo sa katauhan ni VP Leni Robredo. 

Subalit, higit dito, ang tuwirang depekto ng 1987 Constitution ay ang ilusyon ng “pantay na karapatan” ng burges na demokrasya. 

Pinagpantay ang karapatan ng nagsasamantala at pinagsasamantala sa lipunan, bilang hiwa-hiwalay na mga indibidwal. Halimbawa, ang iilang kapitalista ay may property rights na salalayan ng kanyang “management prerogative”; ang masang manggagawa ay may karapatan sa paggawa (labor rights). 

Dahil ito ay “pantay” lamang sa papel, ang nagaganap ay ang pagsandig ng estado sa minoryang nagsasamantala sa mayoryang walang yaman at kapangyarihan, imbes na hayagang ideklara nito ang kanyang pagkampi sa mahihirap sa ngalan ng hustisyang panlipunan.

Ano ang konsepto natin ng karapatan? Ang interes ng indibidwal ay nakapailalim sa interes ng kabuuan. Ang interes ng nakararami ay mas higit sa interes ng iilan. Ang karapatang mabuhay ng disente’t marangal ng masang anakpawis ay higit sa karapatan sa pag-aari ng mga kapitalista. Sa ganitong balangkas natin nais na ipundar ang bagong konstitusyon, na maisasabatas lamang ng isang matagumpay na rebolusyon ng masang Pilipino sa pangunguna ng uring manggagawa. 

Kung gayon, nananawagan tayo sa ating Bukluran na simulan ngayong Nobyembre hanggang sa 2018 ang pagpapatawag ng mga pagpupulong ng taumbayan – hanggang sa antas-pabrika at komunidad – para ilahad ang ating tindig laban sa Cha-cha at pederalismo, na isinusulong ngayon sa paraan ng “Rev-Gov”. 

Ibulgar na ang Cha-cha at pederalismo ni Duterte ay hindi kalutasan sa mga problemang kinahaharap ng manggagawa’t mamamayan sa kanilang pang araw-araw na hirap na pamumuhay – ang kontraktwal na empleyo, ang kawalan at kakulangan sa trabaho, ang kawalan ng serbisyo sa mura at dekalidad na pabahay, edukasyon at kalusugan, ang sumisirit na presyo ng bilihin. 

Sapagkat ang ating paglaya ay wala sa mga elitistang manunubos gaya ni Duterte kundi nasa ating mga kamay. Nasa pagkakaisa’t pakikibaka ng manggagawa’t mamamayan. At iyan ang makasaysayang aral mula sa buhay ng isang Gat Andres Bonifacio. # 

Martes, Nobyembre 7, 2017

Pahayag sa Sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre 1917

Sa Sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre 1917 sa Rusya:
IPAGBUNYI ANG SENTENARYO NG TAGUMPAY NG REBOLUSYONG 1917 AT ANG PAGTATAYO NG SOSYALISTANG REPUBLIKA NG URING MANGGAGAWA!
Ipinagdiriwang ng manggagawang Pilipino, kasama ang uring manggagawa ng buong daigdig, ang sentenaryo o ika-100 taon ng matagumpay na pag-aalsa ng manggagawa na nagbagsak sa kapitalistang estado at nagtatag ng gobyerno ng manggagawa sa Rusya.

Tinagurian itong “rebolusyong sobyet” dahil sa pagtatayo ng mga konseho (soviet) ng mga kinatawan ng mga manggagawa, mahirap na magsasaka, at mga sundalo, na siyang pundasyon ng pampulitikang kapangyarihan na hindi lamang nagtatakda kundi nagpapatupad din ng batas. Ito ang pagkakaorganisa ng manggagawa bilang naghaharing uri.

Ang Rebolusyong 1917 ang ikalawang matagumpay na pagtatangkang itayo ang gobyerno ng manggagawa. Ang una ang ang Paris Commune, na itinatag ng mga manggagawang Pranses sa sentrong lungsod ng kanilang bansa subalit tumagal lamang ito ng dalawa’t kalahating buwan noong Marso hanggang Mayo 1871.

Malaki ang naging papel ng kababaihan dahil sila ang nagsindi ng mitsa upang maging matagumpay ang Rebolusyong Oktubre. Naglunsad ng malawakang pag-aaklas at pagkilos ang mga manggagawang kababaihan noong Marso 8, 1917 (Gregorian Calendar) o Pebrero 23, 1917 sa lumang kalendaryo. Hiniling nila noon ang Kapayapaan at Tinapay (Peace and Bread). Kumalat sa iba’t ibang pabrika ang kilusang welga at sumiklab bilang Rebolusyong Pebrero at napatalsik ang Tsar at mga kaalyado nito, at itinayo ang isang probisyonal na gobyerno o pansamantalang pamahalaan.Isa itong malawakang proseso na tumungo sa Rebolusyong Oktubre 1917 nang pinamunuan na ang pag-aalsang ito ni Vladimir Lenin at ng mga Bolshevik (salitang Ruso sa “majority”), pinatalsik ang probisyunal na gobyerno, itinayo ang unyon ng mga konseho (soviet) at nagpabago sa kalagayan ng mamamayan. Nagsimula ang matagumpay na pag-aalsang ito noong Oktubre 25, 1917 (Julian Calendar) o Nobyembre 7, 1917 (sa kasalukuyang Gregorian Calendar). 

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang lipunan ay pinamahalaan para sa benepisyo ng lahat, para sa lahat ng manggagawa, ng mga maralita at inaapi. Ang prosesong ito ng pagkakamit ng rebolusyon ang siyang naglatag din ng daan upang unti-unting kilalanin ang karapatang pantao, at magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa gabi ng tagumpay ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyon ng Oktubre at pagkakatatag ng gobyernong Sobyet, agad na ipinatupad nina Lenin ang pagwawakas ng paglahok sa daigdigang digmaan, pagkumpiska ng mga lupain mula sa mga panginoong maylupa, at pamumuno sa mga pabrika.

Isang inspirasyon sapagkat itinuturo nito sa mga manggagawa ng daigdig ang kakayahan ng uring manggagawa na mamuno at pangasiwaan ang isang pamahalaan. Kaya niyang ibagsak ang kapitalistang estado. Kaya niyang itatag ang sarili niyang gobyerno. Inspirasyon ang Dakilang Rebolusyong Oktubre ng 1917 sa manggagawa at uring api na nagnanais kumawala sa gapos ng mapagsamantalang sistemang kapitalismo.

Isang inspirasyon ang Rebolusyong Oktubre upang kumilos at magkapitbisig ang mga manggagawang Pilipino at mga manggagawa sa ibang bansa at isulong ang pakikibaka upang maitayo ang kanilang sariling pamahalaan - o gobyerno ng uring manggagawa, hanggang sa ganap na maitayo ang lipunang sosyalismo.

Iminarka ng Rebolusyong Oktubre ang tagumpay ng mga Bolshevik sa pagtatatag ng gobyerno ng manggagawa, sosyalistang konstruksyon, kolektibisasyon at mekanisasyon ng agrikultura, pag-unlad ng edukasyon at kultura ng anakpawis. Ang tagumpay na ito ang nagdala sa Rusya (na sa kalaunan ay naging USSR o Unyong Sobyet ng mga Sosyalistang Republika) sa rurok ng sosyalistang pag-unlad noong unang bahagi ng ikadalawampung siglo. Bagamat ganap na nawasak ang Unyong Sobyet noong taong 1991, ang Rebolusyong Oktubre ng 1917 ay nananatili at nagsisilbing aral at inspirasyon sa uring manggagawa sa kasalukuyan na naghahangad ng pagbabago at paglaya mula sa pagsasamantala ng kapitalismo, at sa mga nagmimithing maitatag ang lipunang sosyalismo at mawakasan na ang pagsasamantala.

Ang karanasan ng uring manggagawa sa Rusya ay tanglaw sa mga manggagawang Pilipino at sa buong sangkatauhan upang lumaya sa pagsasamantala. Ang masusing pagsusuri at pag-aaral ng tagumpay na ito ay gabay sa praktikal na pagkilos ng mga manggagawa upang lumaya mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao. 

Gawin nating pagkakataon ang selebrasyon ng sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre upang palalimin at ipalaganap ang mga aral ng kasaysayan, at ilunsad ng malawakang pakikipag-ugnayan sa lahat ng manggagawa. Magpunyagi tayo at panghawakan ang mga aral at mga karanasan mula sa Rebolusyong Oktubre! 

Salubungin natin at ipagdiwang ang diwa ng Rebolusyong 1917! Mabuhay ang pakikibaka ng uring manggagawa sa lahat ng bansa! Mabuhay ang Dakilang Rebolusyong Oktubre 1917! 

Nobyembre 7, 2017

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga Tagasubaybay

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996