Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Agosto 18, 2010

Militants held simultaneous pickets at DoLE offices

Press Release
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)-PMT (Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon)
August 17, 2010

Militants held simultaneous pickets at DoLE offices

Coinciding with the scheduled preventive mediation hearing, workers belonging to the militant labor organization, BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino) and PMT (Pagkakaisa ng Manggagawa sa Tranportasyon (PMT) trooped in front of the office of the Department of Labor and Employment and held a picket in support to the beleaguered workers from FASAP (Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines).

FASAP, a union mostly composed of flight attendants and stewards has threatened to go on strike last month and is set to file a notice of strike with the Department of Labor and Employment. The preventive mediation hearing was meant to conciliate with the workers to avert the looming strike. Issues on job security were laid down as the basis of why FASAP is keen on pursuing such drastic move.

Leody De Guzman, BMP President pointed out in his speech during the picket rally that “Today’s labor dispute at PAL is reminiscent of the 1998 debacle where the Management pursued a 10-year CBA moratorium. For three years now, FASAP is indeed negotiating of what they believed as a threat to their job security as contained in their CBA, the lowering of retirement age of 40 from the mandated law requirement age of 60. Even if stipulated in the CBA, the workers can still question what has agreed upon for as long as such agreement clearly violates the rule of law and at the expense of the workers’ rights and welfare”.

The workers firmly believed that the issue is beyond job security and that the PAL Management is not only keen on implementing the policy of contractualization but a conscious effort to ultimately destroy the unionized workers at PAL. The plan to retrench 2,600 ground crew workers was part of such grand design.

Dante Lagman, PMT Secretary General for his part articulated that “The government should be made responsible in case the issues of the workers will be left untouched. We cannot think of possible government takeover, not even the perceived change of management to resolve the on-going labor dispute for as long as the workers’ rights are indeed being violated. The government must intervene to ensure that the workers truly enjoy full protection of law.”

In a related development, Goldilocks workers castigated corrupt officials in a picket held in front of the office of the DoLE-NCR for what they described as truly unthinkable move of the department. Despite the order from the court to hold a certification of election, these officials are deliberately delaying the process. For two weeks now, they kept on saying that they have already sent communication to the parties concerned but until now the workers is yet to receive the said document. The workers were totally dismayed of the wrongdoings of these officials, an irony to what P-Noy stood for in his crusade to cleanse the government of corrupt officials.

“P-noy may have stopped the “Wangwangs” but not the many “Kalawangs” that dwell in the Department of Labor and Employment.” Joel Lachica, Goldilocks Union President stressed during the picket.

The group vowed to step up its campaign against the crooks and corrupt officials in the labor department and is set to hold series of mass mobilizations and actions. (30)

Linggo, Agosto 8, 2010

Bakit Dapat Kasama Tayo sa Laban ng Manggagawa ng PAL?

BAKIT DAPAT KASAMA TAYO
SA LABAN NG MANGGAGAWA NG PAL?

Agosto 6, 2010

Mga kamanggagawa at kababayan,

SA IKALAWANG pagkakataon, inaatake ni Lucio Tan ang manggagawa ng PAL. Gagawing kalahati ang sweldo! Gagawing kontraktwal ang mga empleyado!

Ang mga piloto na sumusweldo ng P150,000 kada buwan sa PAL ay ililipat sa Air Philippines, na pag-aari rin ni Lucio, at pasasahurin ng P75,000. Dahilan para lumipat sa ibang bansa ang ilan na sa mga piloto. P400,000 kada buwan ang average salary ng piloto sa ibang bansa. 26 na ang umalis at may 50 pa ang nagbabalak umalis na piloto.

Ang mga ground crew [nag-aasikaso ng bagahe ng PAL], maintenance [mekaniko sa lahat ng eroplanong lalapag sa NAIA] at catering [nagsusuplay ng pagkain at inumin sa mga eroplano ng PAL] regular employees na sumusweldo ng P20,000 ay pasasahurin ng P10,000 bilang kontraktwal na empleyado matapos ihiwalay ang mga departamentong ito sa kumpanyang PAL. Pag-aari rin ni Lucio ang mga bagong kumpanya ng ground crew, maintenance at catering. Kamakailan lang ay pinahintulutan ng DOLE si Lucio na tanggalin ang 2,600 na manggagawa sa pamamagitan ng pagbabaklas ng departamento ng ground crew, maintenance at catering mula sa PAL upang bigyang-daan ang kontaktwal na relasyon ng mga dating permanenteng manggagawa sa bagong kumpanyang itatayo ni Lucio sa mababang sweldo at benepisyo.

Ang mga flight attendants at stewardesses ay 3 taon ng di tumataas ang sweldo at benepisyo dahil sadyang pinatatagal ng kumpanya ang negosasyon. Negosasyong karaniwang tumatagal lang ng 3-6 na buwan. Bargaining in bad faith ito na labag sa Labor Code. Dagdag pa, ipinilit ng kumpanya ang patakaran nitong mandatory retirement age na 40-45 anyos sa mga babae. Samantalang ang kapwa nila empleyado sa PAL sa lahat ng departamento ay 60 anyos ang retirement age.

Ang ginagawang ito ni Lucio ay walang katulad sa Pilipinas at sa buong mundo!

Minsan na niyang ginawa ito sa PAL noong 1998. Sinuspindi niya ng 10 taon ang CBA o collective bargaining agreement – walang wage at benefit increases — ng Philippine Airlines Employees Association o PALEA. Ito ang unyon ng ground crew, maintenance, catering at ticketing. Maramihan niyang tinanggal ang mga piloto at opisyales ng Airline Pilots Association of the Philippines o ALPAP, flight attendants/stewardesses/ at ilang opisyales ng Flight Attendants and Stewardess Association of the Philippines o FASAP at ground crew/ maintenance.

Nagawa ito ni Lucio noon katulong ang gubyerno ni Erap at mga ahente ng kapital sa masmidya, kasama na rito ang napanood natin sa TV na male-maletang pera na nagkakahalaga ng 50 milyong pisong ibinayad ni Lucio sa ilang opisyal ng unyon sa PAL. Naitulak nilang pansamantalang sumuko noon ang mga manggagawa ng PAL dahil ginamitan nila ng blackmail ang mga manggagawa: 10-year CBA moratorium o isasara ang PAL.

Pero ang epekto ay di lang sa PAL employees. Ang ginawa ni Lucio at ng gubyerno noon sa PAL ay naging huwaran sa ibang kapitalista. Nauso ang moratoryum sa mga CBA negotiations sa maraming kumpanya. Nagkakapirmahan sa mga CBA na walang lamang wage increase! Sinisertipikahan ang mga CBA ng Department of Labor kahit alam na ang mga ito ay “sweethearts contracts” na labag sa Labor Code! Kaya naman marami ang di umaabot ang sweldo sa minimum wage. Hanggang ngayon, ito ang trend sa relasyong manggagawa-kapitalista.

Ngayon, makalipas ang 12 taong pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa sa PAL at pagholdap sa kanilang dagdag na sweldo at benepisyo, pumangalawa na si Lucio Tan kay Henry Sy sa pinakamayamang tao sa ating bansa. 12 taong walang CBA. 12 taong nakatipid ng labor cost si Lucio Tan!

Mga kamanggagawa at kababayan.

Ang ginagawa ni Lucio Tan ay gyera laban sa mga manggagawa ng bansa. Gerang walang fixed battle lines. Kumikilos ito nang marahan. Minsa’y bumibigwas nang biglaan. Di mawari ang pinanggagalingan. Lagpas sa mga batas, kumbensyon at kalakaran.

Bagong pakana itong ginagawa ni Lucio. Nagseset ito ng bagong trend. Kakalahatiin ang sweldo! At gagawing kontraktwal ang lahat ng empleyado! Wala ng regular. Wala ng permanente.

Kagaya ng nauna, gagayahin din ito ng ibang kapitalista. Kagaya ng nauna, kakampihan din ito ng gubyerno! Kagaya ng nauna, ito ang magiging BAGONG kalakaran!

KUNG hahayaan nating ang ALPAP, PALEA at FASAP lang ang lalaban. Kung iisipin nating problema lang nila yan at di natin problema. Kung amor propio ng sariling organisasyon ang ating mas pahahalagahan kaysa kapakanan ng buong uring manggagawa.

MAGSAMA-SAMA TAYONG LAHAT para kondenahin at puspusang labanan ang pakana ni Lucio Tan. Hindi lang ito para sa mga empleyado ng PAL. Para rin ito sa ating lahat. Para ito sa lahat ng mga namamasukan o mga mamamasukan sa hinaharap sa alinmang kumpanya. Kapag tuluyang nagtagumpay ang eksperimento ni Lucio Tan sa kanyang kumpanya, lalaganap yan sa lahat ng employer sa buong bansa.

Gusto ba nating bukas makalawa ay kakalahati na lang ang sweldo at puro kontraktwal na ang empleyado sa lahat ng kumpanya?

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Miyerkules, Agosto 4, 2010

Tunay na Boss ni P-Noy: Kapitalista, Trapo at Elitista

KAPITALISTA, TRAPO AT ELITISTA
ANG BOSS NI P-NOY HINDI ANG MASA!

Kompleto na ang ating batayan para magbigay ng kongklusyon kung ano ang kahihinatnan nating mga manggagawa sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Tapos na ang SONA, ang huling okasyong ating hinihintay upang alamin ang opisyal nyang plano para sa mga manggagawa at sa masa ng sambayanan.

Walang plano para sa masa! Ipagpag mo man ng sampung beses ang walong pahinang speech ni Noynoy Aquino noong sona, wala kang makikitang kongkretong programa para pabutihin ang kalagayan ng mga manggagawa at ng iba pang naghihirap nating kababayan.

Inubos ang oras sa pagbubulgar ng katiwalian at kurapsyon ng nagdaang administrasyon at sa waldas na pamumuhay ng mga opisyal ng pamahalaan at manager ng mga korporasyong pag-aari ng gobyerno. Popular ang naging presentasyon para sa masa, subalit hindi lang ang paglaban sa katawalian at korapsyon ang solusyon sa ating problema bukod pa sa katotohanang hindi kailan man mawawala ang korapsyon sa ilalim ng kapitalistang sistema.

Hindi totoong kung walang kurap ay walang mahirap. Mali at mapanlinlang ang linyang ito ng katwiran. Pero, kahit ipagpalagay nang walang kurap sa loob ng gobyerno, kung walang trabaho ang marami sa ating mga manggagawa ay magpapatuloy ang kahirapan. Kahit walang kurap, kung kinukunsinte ng gobyerno ang mga kapitalista na kontraktwal ang sistema ng pagtatrabaho, mababa ang sweldo at pagkalipas ng limang buwan ay tapos na ang kontrata sa trabaho ay siguradong may mahirap pa rin. Kahit walang kurap kung di naman mapipigilan ang mga kapitalista sa pagtataas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay patuloy na lalaganap pa rin ang kahirapan.

Ang kanyang pagbubulgar ay ginawa lamang upang ipuslit ang kanyang planong ipagpatuloy ang patakarang pribatisasyon (Hal. MWSS, North Luzon HighWay at Navy HQ) at hingin ang pang-unawa ng masa dahil inubos na ng kampo ni Gloria ang pondo.

Bakit pagpapaubaya na naman sa pribado ng mga pag-aari ng gobyerno ang solusyon sa kawalan ng pondo? Bakit hindi ang gawin ay ang matagal na nating panawagang huwag munang magbayad ng utang? Kung magagawa ito, humigit kumulang P500 bilyon agad ang matitipid na pondo sa loob ng isang taon lamang. Bakit ayaw bawasan ang kikitain ng mga kapitalista at bakit patuloy pang bibiyayaan?

Hindi tuwid na daan ang landas ni P-Noy para sa Masa. Ang tuwid na daan ay para sa mga kapitalista. Ang mga kapitalistang lokal at dayuhan ang patuloy na mamamayagpag sa administrasyon ni P-Noy. Walang banta sa kanilang hanay na katulad ng banta sa mga kurap na opisyal ng pamahalaan. Business as usual para sa kanila, tuloy ang ligaya.

Ipinwesto na sa mga importanteng posisyon sa loob ng Gobyerno ang mga kinatawan ng mga malalaking korporasyon sa bansa tulad ng CEO ng SM ni Henry Sy, CEO ng Maynilad, CEO ng Manila Water, President ng Makati Business Club at si Purisima na tagapagtaguyod ng interes ng mga kapitalista.

Higit dito, ipagpapatuloy ang patakarang Pribatisasyon,Deregulasyon, Liberalisasyon, at Labor Flexibilization. Mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga nagdaang administrasyon. Patakarang nagbigay ng laya kina Henry Sy ng SM, Gokongwei ng URC and Comp., Lucio Tan, Pangilinan, Ayala at Lopez na magkamal ng limpak-limpak na tubo kapalit ng labis na pagdarahop ng masang Pilipino.

Pansinin na lang ang parang malalaking kabuting nagsusulputang SM Mall sa halos lahat ng lugar, ang tripleng tinubo ni Gokongwei noong 2009 at ang P38B na kinita ng PLDT ni Pangilinan noon ding 2009 mula sa P27B noong mga nagdaang taon.

Masama ang privatization dahil kapag napasakamay na ng mga kapitalista ang ano mang pag-aari ng gobyerno para sa serbisyo, ito ay natatransporma bilang negosyo. Pinagtutubuan at dahil may deregulasyon sa pagpepresyo, walang hanggang pagpapatong ng tubo ang ginagawa ng mga kapitalista. Katulad ng bayarin sa tubig, langis, kuryente, bahay, iskwela, hospital, toll fee at pamasahe. Tumaas ito mula 600% (Tuition Fee) hanggang 2,500%. (Toll fee sa NLEX)

Masama rin ang Deregulation. Dahil nagbunga ito ng walang habas na pagsasamantala ng mga kapitalista sa pagpepresyo ng produkto at serbisyo. Tulad halimbawa ng deregulation sa pagpepresyo ng produktong petrolyo. Dahil deregulated, walang Kontrol ang Gobyerno, sinasamantala ng mga kapitalista at walang tigil sa pagpapataas kayat halos 3 doble na ang itinaas nito kaysa sa dati.

Ang liberalisasyon naman ay masama dahil nagbubunga ito ng monopolyo ng mga malalaking kapitalista at sa huli ay ang wala ring tigil na pagtaas ng presyo ng likhang produkto at serbisyo.

Kaya dahil sa patakarang Pribatisasyon, Deregulasyon at Liberalisasyon, mabilis at legal na napunta sa kamay ng iilang negosyante ang yamang likha at pinagpaguran ng mamamayan. Higit na napalaki pa ang kinamal na kita dahil naman sa patakarang Labor Flexibilization, na wala namang ibang ibig sabihin kundi ang transpormasyon ng mga regular na manggagawa tunggo sa pagiging kontraktwal. Mababa ang sahod at walang karapatang magreklamo o lumaban dahil hirap na sumali o magbuo ng unyon.

Resulta: sa gitna ng kasaganaan ng iilan, nalublob sa matinding krisis ang buhay ng masa. Dumami ang bilang ng pamilyang nakakaranas matulog ng di naghahapunan at nagkakasakit nang di nadadala sa hospital.

Mapagpahirap at mapang-api ang mga patakarang ito. Mga patakarang dikta ng mga malalaking kapitalista at institusyon sa mundo na ipinatupad nina Cory, Ramos, Erap at Gloria Arroyo.

Ang masama ngayon ito pa rin ang riles ng pang-ekonomiyang patakaran ni Noynoy Aquino.

Hindi rin tayo ang totoong Boss ni P-Noy. Ang totoong Boss nya ay ang mga kapitalista, ang Liberal Party na kanyang partido at ang mga elitista. Kaya ang boses at ang kagustuhan ng mga kapitalista, mga elitista at trapo ang masusunod at hindi tayo.

Wala syang ipinagkaloob sa hanay ng masa. Walang lider ng kilusang masa ang ipinasok at pinahawak ng importanteng posisyon sa loob ng gobyerno. Wala ring ibinigay sa mga kahilingang ipinaabot ng iba't ibang grupo at kilusan ng masa sa kanya noong panahon ng kampanya at nitong siya ay pangulo na.

Hindi pinakinggan ang ating mga kahilingang:

1. Itigil ang kontraktwalisasyon at ang Marahas na demolisyon!

2. I-repeal ang Oil Deregulation at Automatic Appropriation Law.

3. Isabatas ang Nationwide Accross the Board Wage Increase at ang pagbubuwag sa Wage Board!

4. Ang pagsasabatas ng Unemployment Insurance at ang Mandatory Trust Fund ng Manggagawa.

5. Ang Pagtatapos ng Repormang Agraryo at Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal.

Hindi totoong ang pagresolba sa kahirapan at kaapihan ng masa ang programang bitbit ni P-Noy kundi ang pag-iistabilisa at pagpapatuloy ng paghahari ng mga kapitalista, trapo at elitista sa ating bayan. Wala tayong maasahang pagbabago kay P-noy sa kabuhayan at kaapihan ng masang Pilipino.

Kaya't sa ngayon ay di na natin dapat pag-usapan pa kung ano ang magagawa sa atin ni P-Noy dahil wala syang magagawa para sa masa ng sambayanan. Ang mas mainam na pag-usapan ay kung ano ang magagawa natin para obligahin ang administrasyon ni P-Noy na gumawa para sa atin!

Kaya palakasin natin ang ating kilusan, palakasin natin ang ating partido!

BMP August 2010

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga Tagasubaybay

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996