May 1, 2014 - Kaarawan ng uring manggagawa sa buong daigdig. Isa ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang sa makasaysayang tulay ng Mendiola upang ipahayag ang prinsipyado at militanteng tinig at paninindigan ng uring manggagawa. Ipinahayag nilang wala pa ring pagbabago sa lipunan hangga't naghahari lamang sa lipunan ay ang iilang nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon. Nais ng BMP na patuloy na magkaisa ang mga manggagawa, mamulat sa kalagayan ng lipunan, at gampanan ng uring manggagawa ang kanilang rebolusyonaryong papel upang itayo ang isang lipunang makatao, lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, kinikilala't iginagalang ang pagkatao at dangal ng bawat tao, at magaganap lamang iyon kung maitatayo ang sariling lipunan ng uring manggagawa - ang sosyalismo.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.