Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Mayo 2, 2014

Mula Calabarzon hanggang Maynila, nakiisa ang BMP-ST sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa

Mayo 1, 2014 - Mula pa sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ay sumama sa pagkilos ng libu-libong manggagawa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola ang balangay (chapter) ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Southern Tagalog (BMP-ST). Kasama nilang pinapula ang kalsada ng Maynila upang ipakita ang prinsipyado at militanteng paninindigan ng uring manggagawa para sa isang lipunang makatao, may pagkakapantay-pantay, at walang pagsasamantala ng tao sa tao.

Ang pangulo ng BMP-ST ay si Ka Domeng Mole.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Mga Mensahe sa Plakards ngayong Mayo Uno, 2014

Mayo 1, 2014 - Ngayong Araw ng Paggawa, ipinakita sa pamamagitan ng mga plakard ang mensahe ng mga manggagawa, mga mensaheng prinsipyado, mga mensaheng ang bawat hakbang ay patungo sa pinapangarap na lipunang, isang lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, isang lipunang wala nang dukha dahil kinikilala at nagtatamasa na ang bawat tao ng tunay na kalayaang may dignidad, pagkakapantay, at walang kaapihan.

Pinaghirapang ipinta nina kasamang Mike Garay at Barnel ang mga plakard na ito. Halina't basahin at namnamin natin ang mga panawagang ito upang maging gabay natin sa ating mga pagkilos.Mabuhay ang uring manggagawa!

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

SWAC - Solidarity of Workers Against Contractualization

Mayo 1, 2014 - Dumalo sa unang pagkakataon sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa ang mga kasapi, tagasuporta at tagapagtaguyod ng SWAC o Solidarity of Workers Against Contractualization. Sila'y nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola.

Layunin nilang organisahin ang mga manggagawang kontraktwal na pinahihirapan ng salot na sistema ng kontraktwalisasyon, na imbes na maging regular ang mga manggagawa ay umiiwas ang mga kapitalista't may-ari ng kompanya sa pagbibigay ng benepisyo sa kanilang mga manggagawa.

Para sa anumang katanungan hinggil sa SWAC, mangyaring makipag-ugnayan sa telepono blg. 4345478, at hanapin si Gie Relova.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.


Huwebes, Mayo 1, 2014

Miyerkules, Abril 30, 2014

Manggagawa, nagprotesta sa harap ng tanggapan ng NLRC sa bisperas ng Labor Day

Abril 30, 2014 - Naglunsad kanina ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo ng manggagawa sa harapan ng tanggapan ng NLRC (National Labor Relations Commission) upang kondenahin ang mabagal na hustisya at panawagang mag-resign na sa pwesto si NLRC Commissioner Gerry Nograles. Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng AGLO (Association of Genuine Labor Organizations), BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino), MAKABAYAN (Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan), SUPER (Solidarity of Unions of the Philippines for Empowerment and Reforms), DEU (Digital Employees Union), KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod), PWU (Philtranco Workers Union), at Koalisyon ng Manggagawa Laban sa Korapsyon. Naroon din ang una pa lang dumalo sa rali na mga manggagawa ng Sun Spring Printing sa Quiapo na inaayudahan naman ni Benny Nacer ng SUPER-BMP.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng grupong Chopsuey ng awiting Lupang Sinira. Nagpahayag din ang mga kinatawan ng nasabing mga grupo, pati na rin si Atty. Miralles.

Ang NLRC ay tinawag ng mga manggagawa na National Lagay and Racket Comisyon, na pinagsamang lagay, raket, at komisyon na pawang mga salitang tumutukoy sa katiwalian sa nasabing ahensya. Bago magtapos ang programa ay sinunog ng mga manggagawa ang tarpouline ng mukha ni Nograles, habang inaawit ang Internasyunal.

Nagsimula ang programa ng bandang ikasiyam ng umaga at natapos ng alauna ng hapon. Balak sanang mag-vigil ng mga manggagawa sa gabi hanggang kinabukasan, Mayo Uno, Araw ng Paggawa, ngunit kinansela na ito ng mga nag-organisa, upang mas bigyan pa ng panahon ang preparasyon ng mga gaganaping aktibidad sa mismong Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.



May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996