Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Mayo 6, 2020

Solidarity with the 11,000 displaced workers of ABS-CBN

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Press Statement

SOLIDARITY WITH THE 11,000 DISPLACED WORKERS OF ABS-CBN

The BMP expresses solidarity with the 11,000 displaced workers of ABS-CBN, who are victims to the infighting of the elite - Duterte and the Lopezes - not just for political but for economic interests.

Eleven thousand working class families were driven to starvation and uncertainty, in a time of pandemic, with an incompetent government that could not provide for the basic needs of a hungry and quarantined population. The BMP stands in solidarity with the thousands of ABS-CBN workers and their families. You are kapamilya. We are kauri.

Much has been said about the obvious. The failure of Congress to renew the ABS-CBN franchise was clearly driven by political motives. It is an attempt by the dominant faction of the elite to forcefully control the country’s largest media outfit, an institution that has influenced electoral politics in the country in the post-EDSA 1986 period.

Duterte and his gang clearly has an aversion to the prim-and-proper rules of liberal bourgeois democracy. The attack on the Lopezes is a signal to all private media outfits to toe the line of the administration, in this sense, it is an offensive against so-called press freedom.

The shrewd politician in Rodrigo Duterte knows that the chances of his faction to remain in power lies in the maintaining the illusion that they created in the 2016 elections. The previously uncontested popularity of Duterte has waned due to his too blatant display of incompetence and stupidity in the government response to the COVID19 pandemic.

Other than naked political contest, what drives this attack on the Lopezes is unashamed economic gain. Despite the lockdown, which has halted nearly all economic activity aside from consumption, advertising money kept pouring in to the Lopezes and ABS-CBN.

Driven by greed and envy, the ruling elite faction pushed to through with their plans against the renewal of the ABS-CBN franchise - without care or regard to the need to keep the public informed as we face the COVID19 global health crisis. Cronies will now play highest bidder on who would take over the market space that was left by the Lopezes.

This heightened appetite of the Duterte faction for plunder and absolute power, even with a ravaging pandemic, also points to one thing. Time is almost up and it would cash in on anything and everything; unfortunately for the Filipino people that includes the trillions for the COVID19 response, in the form of collected taxes, of discretionary budget to the executive, and of grants and loans from financial institutions.#

Biyernes, Mayo 1, 2020

Pahayag ng BMP sa Mayo Uno

BMP STATEMENT MAYO 1, 2020
(Mababasa rin dito: bit.ly/mayouno2020)

KALUSUGAN, KABUHAYAN, KAPAKANAN, AT KAPANGYARIHAN SA MASANG MANGGAGAWA

Sa Araw ng Paggawa ngayong taon - sa gitna ng pananalasa sa maraming bansa ng sakit na COVID19 at sa malawakang kagutuman ng milyon-milyong Pilipinong hindi makapaghanapbuhay dahil sa kwarantina, tahasan nating idinedeklara na:

Makakamit lamang ng masang manggagawa ang malusog na katawan at isipan, regular na hanapbuhay na may sapat na kita, at panatag na buhay na may maalwang na kinabukasang maipamamana sa susunod na henerasyon - kapag nakamit na ng uring manggagawa, ang totoong mayorya sa lipunan, ang kapangyarihang pampulitika para distrungkahin ang kasalukuyang bulok na kaayusang nakabatay sa tubo at sa pribadong pag-aari ng iilan.

Hangga’t ang may hawak sa kapangyarihan ay ang mga kinatawan ng interes ng kapital, na organisadong pwersa ng dahas at panunupil ng iilan sa nakararami, ang batas na kanilang babalangkasin at ipapatupad ay maglalagay sa panganib sa buong sambayanan.

Ang patunay ng peligrong hatid ng paghahari ng minorya sa mayorya ay makikita kung ano ang nilalaman at paano ipinapatupad ang lockdown o kwarantina, na kanilang ipinataw sa sambayanang Pilipino.

KALUSUGAN NG MASA: ISINAKRIPISYO SA NGALAN NG TUBO

Bago pa man ang pandemyang COVID19, naghihingalo na ang health care system ng bansa. Mayroon lang tayong 101,688 hospital beds, na nakakalat sa 1,223 ospital sa buong bansa. 75% ng ospital ay pribado.

Ang ideyal na bilang ay 44 health care workers (doktor, nars, medtech) sa bawat 1,000 Pilipino. Sa ngayon, mayroon lamang tayong 19 health care workers sa bawat 10,000 katao. Ang bilang ng ventilator (na kailangan ng pasyente ng COVID) sa bansa ay nasa 1,572 lamang, kung saan 423 ang nasa Metro Manila.

Taon-taon may 26,000 nars ang nakakapasa ng board exam mula 2012 hanggang 2016. Subalit sa panahon ding ito, 18,500 nars kada taon ang lumilikas para maging OFW. Tinayang may kakulangan ng 23,000 nars sa buong bansa. Samantala, nasa 150,000 nars ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Estados Unidos.

Kung ang transmisyon ng COVID19 ay nasa 10% sa 107 milyong populasyon, at kung 10% ng magkakasakit ang mangangailangan ng ospitalisasyon, ito ay nasa 1.07 milyon pasyente na (ibig sabihin nito, isa sa bawat sampung maoospital sa COVID19 ay walang hospital bed!).

Subalit hindi naman lahat ng nagkakasakit ay nagpapaospital, ayon sa datos, 6 sa bawat 10 Pilipino ang namamatay nang hindi nagpapakonsulta sa doktor. Lagpas kalahati (56%) kasi ang dumudukot sa sariling bulsa (own-pocket) kapag naoospital. At marami (kahit mga may-kaya) ay lumalabas sa ospital nang naghihikahos. Sabi nga ni manong taxi driver, na nainterbyu, sa simula pa lang ng lockdown, “Mahirap maging mahirap”.

Ito ay sa usapin pa lamang ng health care system, na nakatuon sa pagpapagaling ng may-sakit. Paano naman ang prebensyon ng sakit? Kailangan ay may maayos na nutrisyon at malinis na tubig.

Ang problema sa kakulungan sa nutrisyon ay ramdam sa mga kabataan. Sa bawat araw, 95 bata ang namamatay sa malnutrisyon. 27 sa bawat 1,000 bata ang hindi umaabot sa ika-limang taon. Isa sa bawat tatlong bata ang maliit kumpara sa kanyang edad. Ang dalawang taong pagkaantala sa nutrisyon ay maaring maging permanente, di na kayang maihabol pa, o nakamamatay.

Ibang usapin pa ang kawalan ng malinis na tubig, hindi lang dahil ito ay batayang pangangailangan ng katawan ng tao. Bukod dito, ang paghuhugas ng kamay sa minimum na 20 segundo ang isa sa pinakamabisang paraan para labanan ang pagkalat ng COVID19. At ayon sa World Bank, 10% (10 milyong Pilipino) ang walang akses sa malinis na tubig!

Pinalala ng COVID19 ang matagal nang mga banta sa kalusugan ng mamamayang Pilipino. Kulang sa medikal na personel. Kulang sa ospital. Kulang sa malinis na tubig. Kulang sa nutrisyon.

Bakit ganito ang nangyari? Dahil sa patakaran ng pribatisasyon. Ito ang patakaran ng pagsasapribado ng mga batayang serbisyo na dapat ay binibigay ng mura o libre ng gobyerno sa kanyang mamamayan. Tubig. Kuryente. Ospital. Paaralan. At oo, maging internet. Kapalit ng buwis na kanyang kinakaltas sa mamamayan, lalong higit sa mayayaman (na kung tutuusin, ay mas maraming ligal na paraan para makaiwas sa kanilng obligasyon sa gobyerno).

Ang pandemyang COVID19 ang pinakamatibay na argumento laban sa pribatisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan (at iba pang batayang pangangailangan). Simula sa Mayo Uno 2020, dapat mamulat ang kilusang paggawa na tumugon ito sa panlipunang usapin - gaya ng pangkalahatang kalusugan ng mamamayan, bukod pa sa pagtitiyak sa mga probisyon sa CBA ng mga unyon ukol sa occupational health and safety, medical insurance (bukod sa Philhealth), atbp.

KABUHAYANG ITINIGIL NG KWARANTINA

Milyon-milyon ang itinulak sa kawalang trabaho at kagutuman ng biglaang pagkwarantina sa buong bansa. Mayorya kasi ng lipunan ay mga manggagawa. Walang pag-aari kundi ang lakas-paggawa. Halos lahat ng pangangailangan ay kailangang bilhin. Magkakapera lamang kung magbabanat ng buto kapalit ng sweldo.

Hindi tayo kinonsidera ng gobyerno nang ipataw nito ang kautusang mag-“stay at home”. Noong una’y nakiusap lamang ito sa mga employer na ipagamit ang ating mga sick leave at vacation leave. Suhestiyon daw na magkawanggawa sila para sa atin.

Subalit nang maobliga nang bumunot mula sa pondo ng gobyerno, maglalaan daw ng 5K para sa sahurang empleyado ang DOLE sa pamamagitan ng programang CAMP (Covid Adjustment Measures Program). Nga-nga! Employer kasi ang mag-iinisyatiba para maghain sa kanilang manggagawa. Kailan pa kinalinga ng mga kapitalista ang kapakanan ng kanilang manggagawa? Hindi nga sila nakokonsensya na magbigay ng kararampot na sweldong hindi makakapagbigay ng disente’t marangal na buhay sa ating mga pamilya! Lalo pa sa panahong hindi tayo nagtatrabaho, hindi umaandar ang kanilang negosyo, at higit sa lahat, hindi natin nililikha ang kanilang tutubuin at ating seswelduhin!

Ang masakit, nang dumagsa na ang hinain ng mga employer, sinabi ng DOLE na ubos na ang kanilang pondong P1.6 bilyon. Subalit huwag daw tayong mag-aalala. Dahil naihanda diumano ni Sonny Dominguez ng Department of Finance ang P256 bilyon para sa medium-small-microenterprises (MSMEs) na bibigyan ng wage subsidy para may ipapasweldo sa kanilang manggagawa.

Nga-nga ulit, mga kamanggagawa! Paano ang milyon-milyong sumesweldo sa mga kumpanyang hindi itinuturing na MSME ng gobyerno? Paano tayo na inabot na ng mahigit isang buwan ngunit hindi naman nakinabang sa naunang DOLE-CAMP (at hindi naman papasok sa kategoryang “poorest of the poor” para sa 4Ps program ng DSWD)?

Ganyan rin ang nangyari sa social amelioration program (SAP) ng DSWD. Makalipas ang anim na linggo, 22% pa lamang ng target ang nabahaginan ng SAP dahil sa burukratikong proseso para ma-avail nito tulad ng validation ng beneficiaries. Dagdag mo pa kung paano namamanipula ng mga pultiko ang ayudang ito. Ganito tayo suklian ng gobyerno (matapos ang mahabang panahong ang ating pagtatrabaho ang siyang pinagmumulan ng industriyal na tubo, renta sa lupang inookupa ng ating employer, interes sa kanilang utang, at buwis sa sahod at tubo! Gagawin tayong mga pulubi. Nawalan ng dangal ang paggawang lumlikha ng pangangailangan at bumubuhay sa tao!

Wala naman talagang pakialam sa ating pagtatrabaho ang nasa gobyerno.

Hindi ba’t agad nitong inutos ang pagtigil sa pampublikong transportasyon - kahit pinahintulutan ang pagtatrabaho ng tinaguriang mga magigiting ng “frontliner”? Ano ang nangyari! Ang nars, at iba pang nagtatrabaho sa mga ospital (bukod sa mga duktor na karaniwang naka-kotse) ay naglalakad para pumasok sa trabaho!?! Walang pakialam ang pala-utos na gobyerno. Kaya nga’t hindi pinaghandaan ang pagkuha ng mga kasangkapan sa kanilang proteksyon (face mask/shield, personal protective equipment, atbp.) para sa mga medical frontliner!

Ang lockdown ay nangangahulugan ng ibayong gutom para sa masang manggagawa. Kaya naman, marami ang papabor sa pag-aalis ng mga restriksyon upang pahintulutang makapagtrabahong muli ang mga tao. May mga employer nang nagpanukala nito sa dulong linggo ng Marso. Pinahinto kasi ang produksyon at distribusyon. Tumigil kasi ang sirkulasyon ng kalakal at kapital. Hindi na lumilikha ng bagong halaga ang manggagawa. At kapag walang nabebentang kalakal, hindi nila nalalasap ang tubo sa anyo ng pera.

Hindi pwedeng isakripisyo ang manggagawa sa altar ng tubo. Alam nating mas makikipagsapalaran ang manggagawa sa posibleng kontaminasyon sa COVID19 kaysa sa tiyak na gutom sa kanyang pamilya. Subalit, kailangang ilagay lahat ng proteksyon para tiyak na hindi mahawa ng manggagawa ang myembro ng kanyang tahanan kung sakaling makontamina siya ng COVID19 dahil sa pag-alis ng bahay upang makapagtrabaho.

Proteksyon sa paggawa! Ipatupad ang social distancing sa trabaho. Gastusan ng employer ang face mask/shield, o PPE kung kinakailangan. Regular na paglilinis (disinfection) sa mga sasakyan. Shuttle bus para ihatid ang mga manggagawa. At higit sa lahat, bilang pagkilala sa risko na kanilang pinapasok sa pagtatrabaho, doble o tripleng sahod bilang hazard pay!

Sa kabilang banda, may positibong ipinamalas ang lockdown sa usapin ng paggawa. Ang pansamantalang pagtigil sa pang-ekonomikong aktibidad ay nakabubuti sa kalikasan at ekolohiya. Subalit higit dito, sobra-sobra na ang nalikha ng tao kaya’t maari nang tumigil sa pagtatrabaho. Ang problema sa kagutuman at kahirapan ay hindi ang kakapusan sa produksyon ng pangangailangan; kundi nasa distribusyon nito, dahil ang mga ito ay kalakal na kailangan munang bilhin ng tao bago makatugon sa anumang pangangailangan.

Ano ang ibig sabihin nito? Sa inabot na produktibidad ng tao, may kapasidad na tayong bawasan ang oras ng pagtatrabaho sa isang araw (working day) at araw ng pagtatrabaho sa isang linggo (workweek) - nang walang kabawasan sa sahod ng manggagawa. Mula sa pandemyang COVID19, isisilang ang bagong kilusan para sa pagbabawas ng oras at araw ng pagtatrabaho. Ito ang isa sa mga kilusang maghuhubog sa tinaguriang “new normal”, sa isang post-COVID na pandaigdigang ekonomya.

KAPAKANANG HINDI PRINAYORIDAD NG ELITISTANG GOBYERNO

Ang pamamahagi ng pagkain sa populasyong gutom at nakakwarantina ang unang sukatan kung totoo ngang kinakalinga ng gobyerno ang kanyang mamamayan. Wala nang singlinaw pa sa pahayag ni Dra. Rowena Mangubat. Aniya, “Nauubos din ang mga doctors. Ipamahagi niyo ang mga pagkain para hindi lumabas ang mga tao. Kung hindi, mauubos tayong lahat”.

Ang tagumpay ng ipinapatupad ng lockdown ay nakasalalay sa pamimigay ng pagkain sa mamamamayan. Hindi ito simpleng usapin ng kawalan ng disiplina. Kahit sinong magulang, gaano man kadisiplinado, ay lalabas ng bahay at gagawa ng anumang paraan, mapatigil lamang ang kumakalam na sikmura ng kanyang mga anak.

Ang problema sa distribusyon ng ayuda ay nasa bulok na pulitika na namamayani sa ating bansa. Nakuha na ng Malakanyang ang hinangad niyang pagkonsentra ng pondo sa executive branch. Pinadaloy ito sa mga LGU o local government units (kahit pa alam ng lahat na ang mismong makinaryang ito ay tadtad ng korapsyon). Ang standard-operating-procedure (SOP) sa pamahalaang lokal ay ang paggamit sa rekurso at pondo ng gobyerno para mapanatili sa poder ang mga naghaharing pampulitikang angkan.

Sa ayuda sa panahon ng kwarantina, nag-anyo ito hindi lamang sa pagtatatak sa mukha ng pulitiko sa binibigay na relief goods. Mas masahol dito ay ang pagtitiyak ng mga makinarya ng pulitiko na mabiyayaan muna ang kanilang mga pamilya (mula sa konsehal hanggang sa ward leader ng mga barangay). Ang masakit, ang sahurang manggagawa, na hindi naman aktibo sa mga pulitika sa barangay dahil abala sa paghahanapbuhay at kapag hindi naman nabibilang sa malaking pamilyang sinusuyo ang boto tuwing eleksyon - ay siguradong hindi na mabibiyayaan ng ayuda mula sa LGU. Kahit pa ang kanyang pagtatrabaho ang pinagmulan ng sahod at tubo, na pinagkukunan ng buwis ng kapitalistang estado!

Dahil dito, ang manggagawa ang dapat manguna sa pagigiit ng audit sa lingguhang ulat na dapat na gawin ni Duterte sa taumbayan. Saan napunta ang trilyon-trilyon pisong pondo para sa COVID19? Hindi lamang ang pondo mula sa badyet ng 2020 kundi ang utang at ayuda sa mga pinansyal na institusyon gaya ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB).

May karapatan ang manggagawa sa usaping ng pampublikong utang. Una, dahil dapat siyang makinabang dito. Ikalawa, dahil kasama siya sa pagbabayad nito! Kung gayon, kaisa rin siya ng sambayanang Pilipino na kahilingang huwag nang bayaran ang nauna nang utang ng gobyerno. Bayad na ito nang higit sa prinsipal. Kalabisan nang ibayad pa dito ang pondo lubos na kailangan ngayon para iahon sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino.

Nagdulot man ng paghihikahos ang ipinataw na kwarantina. Ang ginagawa ngayong “grow your own food” ng mamamayan ay sumisilip sa mga kahinaan ng kasalukuyang “import dependent, export oriented economy”. Tayo ay isang tropikal na bansang pinagyaman ng matabang lupa at maayos na klima. Kabalintunaang umaasa tayo sa importasyon ng pagkain, laluna ng bigas. Kailangang ayusin ang plano sa paggamit ng lupa upang iprayoridad ang agrikultura kaysa sa komersyo, na pinakikinabangan lamang ng mga negosyanteng landlord at mga nagpipinansya sa kanila. Balangkasin ang panibagong ekonomyang pangunahing nakatuon sa pangangailangan ng mga Pilipino hindi sa mga dayuhang monopolyo korporasyon.

KAPANGYARIHAN SA IILAN: "SUMUNOD NA LANG KAYO" PARA SA NAKARARAMI

Gaya nang ating nabanggit sa simula, ang kailangan ng manggagawa ay pampulitikang kapangyarihan upang tiyakin ang kanyang kalusugan, kabuhayan at kapakanan - na sumasaglit sa isip ng gobyerno kung kailangan ito para lumikha ng tubo sa kapital. Malusog para magtrabaho. Sumesweldo para bumalik sa trabaho sa susunod na araw. Pinaiiwas sa sakit o delubyo para manatiling produktibo sa paglikha ng tubo, buwis, at renta para sa iilang naghahari at nagmamay-ari sa lipunan.

Teka. Iyan ay mistulang isang diktadura?! Hindi ba’t nasa ilalim tayo ng diumano’y demokrasya? Oo. May kapangyarihan ang manggagawa - bilang magkakahiwalay na botante - na pumili tuwing eleksyon kung sino ang susunod na magsasamantala at manloloko sa atin.

Sa pagitan ng mga halalan, tayo ay pinepwersang maging maamong tupa. Sinasabihan na “sumunod na lang kayo”. Kinakastigo dahil kulang daw sa “disiplina”. Ang trabaho ng mga manggagawa bilang mabuting mga indibidwal na mamamayan ay sumunod, kahit inaabuso ng mga nasa kapangyarihan, kahit binabataan ng dahas o kamatayan sa mga checkpoint, kahit binabaril ng mga abusadong pulis (gaya ng nangyari sa ex-army na si Winston Ragos).

Narito ang kahinaan ng mga ginagawa ng rehimeng Duterte laban sa COVID19. Ang taumbayan ay hindi kasali. Taliwas sa ginawa ng sosyalistang bansang Vietnam, na kahit mas maliit ang ekonomya kumpara sa Pilipinas, ay nagawang maimobilisa ang gobyerno at ang taumbayan para pigilan ang pagkalat ng pandemya. Sa Vietnam, umasa ang gobyerno hindi pasibong sa pagpapasunod sa taumbayan kundi sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga hakbang para labanan ang pandemya.

Nakakamit lamang ng manggagawa ang ganitong kapangyarihan, kung sila ay organisado. Ito ang unang aral na natututunan ng manggagawa sa pag-uunyon. Mag-isip at kumilos para sa kapakanan ng kabuuan. Hindi sa watak-watak at kanya-kanyang indibidwal na interes. Armado ng kaisipang lahat ng manggagawa ay magkakapatid bilang uri. At dahil organisado ay may kapangyarihan at lakas para baguhin ang kanilang kalagayan.

Ang ganitong mulat na disiplina ang nagpanday sa mamamayan ng Vietnam para tugunan ang salot na COVID19, na siya ring ginawa ng kanilang mga ninuno nang talunin sa digmaan ang Estados Unidos na pinakamakapangarihang bansa sa daigdig. Ito rin ang klase ng disiplinang bakal na kinatatakutan ng mga naghaharing uri sa Pilipinas at sa buong daigdig.

Dalawang pwersa ang kailangang magsanib para iligtas ang sangkatauhan sa COVID19: (a) syensya para sa kabutihan ng lahat at (b) pagkakapatiran ng sangkatuhan. Iisa ang banta laban dito - ang interes ng mga kapitalista, ang kapangyarihan ng pribadong pag-aari. Sapagkat ang matutuklasang bakuna ay pipilitin ng mga korporasyong medikal na magiging kalakal imbes na maging serbisyo sa sangkatauhan. At magagawa nila ito, kung mananatili ang pagkakanya-kanya ng mga tao, na gagawing magkakumpetensya bilang buyer sa merkado ng naturang bakuna. Ang tanging uri na maaring lumagpas sa ganitong makitid na pag-iiisip ay ang uring manggagawa.

Kung gayon, sa okasyong ito ng Mayo Uno - at sa darating na mga araw na pagtatalunan ang mga patakaran sa ilalim ng “new normal” sa isang pandaigdigang ekonomyang sinasalanta ng COVID19, isulong natin ang mga kagyat at pangmatagalang mga kahilingang mag-oorganisa sa kapangyarihan ng masang manggagawa at magtuturo sa istorikal na direksyon ng ating pakikibaka.

Tungo sa lipunang totoong kumakalinga sa interes ng lahat ng myembro ng lipunan, hindi lamang para sa iilang may-kapital. Isang lipunang totoong asosasyon, hindi separasyon, ng mga tao. Isang lipunan ng pagkakapatiran at kooperasyon, hindi kompetisyon, sa pagitan ng mga tao. Isang sosyalistang lipunang ipupundar ng kilusang paggawa at magbabagsak sa paghahari ng kapital.

Itaguyod ang kalusugan, kabuhayan, kapakanan ng mamamayan. Kapangyarihan sa masang manggagawa! #

Sabado, Abril 18, 2020

Pagpupugay ka kasamang Noli Aman

Makauring pagupugay kay Kasamang Noli Aman, organizer at gitarista ng Teatro Pabrika! Dating unyonista ng Gelmart. Sinikap niyang mulatin at organisahin ang mga manggagawa sa pamamagitan ng gawaing pangkultura. Pakikiramay sa mga naulilang kamag-anak, kaibigan, at kasama.

Mabuhay ka, Ka Noli!


Biyernes, Abril 17, 2020

Pagbitiw ni Pernia sa NEDA: Sentralisasyon ng Ekonomya sa Pagpapasya ng Tubo


PAHAYAG
Abril 17, 2020

PAGBITIW NI PERNIA SA NEDA: SENTRALISASYON NG EKONOMYA SA PAGPAPASYA NG TUBO

Lahat na ng kapasyahan ukol sa ekonomya (mula sa pagpaplano hanggang sa pagkuha ng pondo) ay nasa kamay na ni Sonny Dominguez ng DOF.

Sa mga nakaraang araw, kita na ang kapangyarihan ni Sec. Sonny Dominguez. Kasabay ng kanyang anunsyo na may P50.8 bilyong wage subsidy para sa maliliit na establisyemento ay ang pagtigil naman ng DOLE-CAMP dahil naubos na diumano ang P1.6 bilyon na pondo nito. Siya rin ang sumagot na hindi opsyon ang moratoryum o pagtigil sa pagbabayad ng mga utang ng gobyerno bilang bahagi ng pagtugon sa COVID19.

Ang sabi ni Pernia, magkaiba raw ang kanilang pilosopiya ukol sa kaunlaran sa kanyang mga kasamahan sa Gabinete. Siguradong walang iba ito kundi ang dominanteng posisyon at pagpapasya na hawak ngayon ni DOF Sonny Dominguez.

Hindi kami naniniwalang may substansyal na kaibhan ang kanilang pananaw sa "kaunlaran". Pareho silang sumasamba sa doktrina ng "neoliberalisasyon", sa mga patakaran nito ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at kontraktwalisasyon. Ano ang depinisyon ng kaunlaran ayon sa kanilang sinasambang doktrina? Ang kaunlaran ay magmumula sa pag-unlad ng negosyo. Kapag umunlad ang negosyo, uunlad ang buhay ng mga tao. Ito ay kasinungalingang kasing tanda ng pagsasamantala ng tao sa tao. Matapos ang tatlong dekada nang mamayagpag ang doktrinang ito sa buong mundo, kitang-kita kung paano sinakal ng imbsibol na kamay ng merkado ang leeg ng sangkatauhan alang-alang sa tubo.

Kapag umunlad ba ang korporasyon ay umuunlad din ang buhay ng manggagawa? Maari. Subalit pulga-pulgada lamang kung umalwan ang kanilang buhay, na kailangang idaan pa sa sama-samang pakikibaka't pakikipagtawaran para sa mumunting pagtaas ng sweldo, habang milya-milya kung umunlad ang kapitalista - mula sa maliit na negosyo ay nanganganak ng panibagong negosyo, nakikipagsosyo at pumapasok sa ibang industriya, nakakapagtayo ng bangko - hanggang ang kanilang may-ari ay mailalagay na sa listahan ng iilang bilyonaryong naghahari sa bansa.

Saan naman nagkakaiba ang dalawa? Mas agresibo sa pagsusulong ng neoliberal na doktrina si DOF Sec. Dominguez kumpara sa dating NEDA chief na si Pernia. Sapagkat si Pernia ay ekonomistang hinulma ng akademya. Si Dominguez ay nagmula sa negosyo (BPI, Alcantara group, Philippine Airlines, RCBC, atbp.). Sa madaling salita, sa pananaw ng mga negosyante, hindi pang-gyera si Pernia. Mababakas ang kanyang tindig sa papel ng NEDA noong Marso 19.

Nag-aalala ang NEDA (sa ilalim ni Pernia) sa posibilidad na ang sitwasyon - bunga ng mga interbensyon sa COVID - ay lumala sa isang krisis pampulitika at panlipunan. Dahil dito kailangan daw na ang mga pagtugon ng gobyerno ay kailangang bumabalanse sa mga layuning pangkalusugan at pang-ekonomiko, partikular sa magkakaibang epekto nito sa mga iba't ibang sektor at uri sa lipunan.

Ani NEDA, "The response measures going forward should be re-configured to delicately balance the health and economic objectives, particularly as the impact varies by economic class. Otherwise, the situation could deteriorate to a social and political crisis".

Narito ang peligro. Walang ganitong pagbabalanse si Dominguez. Maging sa utang panlabas nga ay hindi niya maikunsiderang huwag munang magbayad dahil lubos na nangangailangan ng pondo para sa pantustos ng mamamayang nagugutom habang nakakwarantina. Sino ang umuudyok kay Sec. Dominguez? Ang mga negosyanteng takam na takam na paluwagin ang mga retriksyon ng lockdown para umagos muli ang kanilang tubo. Tinutulak nila ang pagluluwag sa lockdown kahit hindi pa handa ang ating naghihingalong health care system sa malawakang kontaminasyon ng COVID19.

Hindi magtataka ang manggagawa kung itulak ni Dominguez ang agarang pagluluwag nang walang konsiderasyon sa kalusugan ng mamamayan. Ang ugat nito ay hindi pa ang personal na pag-uugali ni Dominguez. Maari pa ngang relihiyoso siyang tao dahil sa pag-aaral niya sa mga Hesuita mula elementarya hanggang kolehiyo (Ateneo de Davao, AdMU).

Subalit ang estado ay nagsisilbi sa interes ng naghaharing uri - ang uring kapitalista. Pinapagana ng utak na ang tanging naiintindihan ay ang lohika ng tubo, tubo, at tubo. Si Duterte bilang "Chairman of the Board" ng mga kapitalista ang mapagpasya. Ang kapangyarihang ito, sa usaping pang-ekonomya, ang iginagawad niya kay Dominguez, na kanyang pinagkakatiwalaan sapagkat mas ma-utak daw sa kanya kahit noong sila'y magkaklase sa pagkabata.#

Miyerkules, Abril 15, 2020

Pagpupugay kay ka Domeng

Pakikiramay sa naulilang kamag-anak, kaibigan, at kasama ni Ka Dominador Zapanta Espinoza. Dating pangulo ng Unyon ng Manggagawa sa Diamond Hotel noong dekada nobenta, nang nagretiro siya naglingkod naman siya bilang lider ng Welfareville People's Assembly sa Mandaluyong na kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML). Naging sekretaryo rin siya ng Association of Senior Citizens sa Mandaluyong City, Brgy. Addition Hills Chapter.

Si Ka Domeng ay nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 at naging PUI. Isa siya sa dumadaming Pilipino na pumanaw bago lumabas ang resulta ng test na magsasabi kung positibo ba sila sa COVID-19 o hindi.

Hinuhubaran ng kasulukuyang krisis ang mga kakulangan at kontradiksyon ng lipunan, kasama na ang healthcare system ng Pilipinas. Ilan pa ang kailangan mamatay bago natin matanto na bulok ang sistemang ito at kailangang baguhin?

Sa kanyang pagkilos, naintindihan ni Ka Domeng ang pangangailangan para sa tunay na pagbabago. Bilang lider manggagawa at maralitang lungsod, ipinaglaban niya ang karapatan ng manggagawa't maralita para sa mabuting panirahan, kabuhayan, at serbisyong panlipunan. Kamakailan lamang, kasama siyang manawagan at maningil sa gobyerno para sa libreng mass testing, pagkain, at ayudang sapat para sa lahat.

Makauring pagpupugay kay Kasamang Domeng!

Bigyang hustisya ang laban at buhay niya! Sama-sama tayong manawagan: Mass Testing Now! Sapat na Pagkain at Economic Relief, Ngayon Na!

(Si Ka Domeng ang nasa kanan ng litrato)

Lunes, Abril 13, 2020

Statement: Live the spirit of Bayanihan ang Unleash the Power of the Organized Masses

A CHALLENGE TO THE DUTERTE REGIME:
LIVE THE SPIRIT OF BAYANIHAN AND UNLEASH THE POWER OF THE ORGANIZED MASSES

The President appeals for Bayanihan to combat the menace of COVID 19. But asking the people to timidly stay at home and practice physical distancing belies the true spirit of Bayanihan.

Bayanihan is not just about cooperation nor simply conforming to rules. It is more about solidarity and action of the people to overcome enormous challenges in life such as the COVID 19 pandemic.

Much has been said about the weaknesses of current government efforts to effectively fight the growing COVID 19 epidemic. More than oneness and adequacy in our government efforts, the colossal task of defeating an invincible adversary like the COVID 19 can only be accomplished by both government and the people willing to survive and return to their normal daily lives.

The urgency to end and be victorious against the current health challenge will need more than funds but physical power. Our front liners have been extended to its limits. Doctors and other health workers have succumbed to infections and died. Even our state forces have been likewise susceptible to the dreaded disease. The protracted war against COVID 19 is taking its toll on the health and lives of all of those in the frontline. No one is safe and imperishable at this time unless we truly flatten the curve.

Hence, we call on the Duterte government to live up to the true spirit of Bayanihan. Unleash the enormous power of the organized masses in the community. The workforce of the organized masses is society’s reserve army against such social menace. Unleash it and utilize it to supplement our current frontline. A community based-approach that taps the reserved force of the organized working people can help government effort to effectively combat COVID 19 at the community level. Much can be done at the community level to augment our front liners. All is needed is to unleash it and make it part of our social warriors against the epidemic.

⚫️ Utilize our organized communities to make masks, gloves and makeshift protective gear. Supply them with materials and procure it for our mass consumption;
⚫️ Organize community laundry washers to provide service to our front liners;
⚫️ Utilize organized workers in the community to augment our barangay forces, in maintaining not only peace and order but ensuring that we maintain effective social distancing and quarantine;
⚫️ Create community kitchens in every community not only to feed our frontlines but also our poor people;
⚫️ Tap our displaced workers to act as logistics volunteers to ensure more efficient deliveries of goods and services;
⚫️ Encourage farmers and fishers’ groups to engage in community gardens for local food production; and,
⚫️ Task our LGUs to utilize our stranded construction workers to build quarantine facilities.

More can be said and done if you unleash this potent force sitting in our communities The spirit of BAYANIHAN is the spirit of united collective action. The true spirit of Bayanihan is believing in the capacity and power of the people.

Meanwhile, as to funding requirements, we suggest that the employers sector - especially the top ten billionaires that is collectively worth P1.6 trillion - to finance the anti-COVID drive. You were the first to benefit during times of economic prosperity. Is it too much to ask for you to be first to sacrifice in times of crisis? Do consider the proposal of purchasing billions worth of zero interest government securities. The odds are not even a loss nor a breakeven (tabla-talo). You own most firms that produce the people's needs and facilitate the circulation of money and commodities. All of this will eventually end up to line your pockets but before it does, it will trickle down to feed and cater to the needs of a hungry and quarantined population. #

Linggo, Abril 5, 2020

21 veggie vendors arrested for trying to make a living amidst lockdown

Media Advisory
April 5, 2020

21 veggie vendors arrested for trying to make a living amidst lockdown

Twenty-one ambulant vegetable vendors were arrested by the Quezon City police yesterday afternoon in along the Elliptical Road and are presently detained at the QCPD Station 9 in Anonas. Old Capital Site Barangay Captain Rodelio Cabigas ordered the arrests for violating of quarantine protocols. 

The vendors claim that they were only forced to sell their wares for fear of going hungry as the government contemplates on extending the lockdown for another fifteen to twenty days, as revealed by National Action Plan chief implementer, Carlito Galvez.

Many of them claim that they were promised food and financial assistance by the local government but none has arrived.

“Unless this government finds a speedy way of delivering its promise of support to the people, the struggling poor will continue to find ways to survive on their own,” said Flora Santos-Assidao, leader of progressive group Sanlakas.

She adds that these people believe that they are more likely to die of hunger than to be infected by the COVID virus. 

The Metro Manila Vendors Alliance appealed to the QC police and the local government for the immediate release of the vendors.

“If the law enforcement agencies can extend compassion for the likes of Senator Koko Pimentel, why not provide the same treatment for those in the fringes of society,” they reasoned.###

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996