Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Marso 25, 2014

Ikalawang Kombensyon ng BMP-ST, Inilunsad

IKALAWANG KOMBENSYON NG BMP-ST, INILUNSAD

Sa temang "Palakasin ang Kilusang Manggagawa sa Rehiyon, Harapin ang Hamon ng ASEAN Economic Integration", inilunsad ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Southern Tagalog (BMP-ST) chapter ang kanilang ikalawang Kombensyon noong Mardo 23, 2014 sa Troy's Grill sa Calamba City, Laguna. Dinaluhan ito ng mga unyon mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CaLaBaRZon).

Ang mga nahalal sa pamunuan ng BMP-ST ay sina Domingo "Ka Domeng" P. Mole - pangulo; Noe Salo - ikalawang panguli; Eliezer "Ka Eli" Guzman, pangkalahatang kalihim; Alden de Felipe - ingat-yaman, at Hazel Toledo - tagasuri. Ang sampung bumubuo ng regional council (RC) ay sina Cecilio V. Padilla, Angelito Abordo, Lorenzo Catangay, Teresita Abello, Elmer Bilaos, Felix Bulalacao, German Rowey, Antonio Villar, Juanilla Pasquin, at Julian Lambaroc.

(Ulat ni Greg Bituin Jr., at litrato ni Eli Guzman)









Biyernes, Marso 21, 2014

Miyerkules, Marso 19, 2014

Forum sa ASEAN Economic Integration, inilunsad ng BMP sa UP

Marso 17, 2014 - Inilunsad ng BMP ang forum hinggil sa AEI (ASEAN Economic Integration) sa Vinzon's Hall sa UP Diliman, QC. Tampok na tagapagsalita sina Manjet Lopez ng Sanlakas, Angel Dimalanta na manggagawa sa kumpanya ng Toyota, at Erwin Puhawan ng Power campaign ng FDC at Kanlungan. Si Mike Garay ng BMP ang nagbigay ng paunang salita at nag-welcome sa mga dumalo. (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)




Miyerkules, Marso 12, 2014

Manggagawa, Nagrali Laban sa ChaCha ni Belmonte




MANGGAGAWA, NAGRALI LABAN SA CHACHA NI BELMONTE

News from Manila Bulletin

Group slams solons pushing Cha-cha
by Chito A. Chavez
March 12, 2014

A group of militant workers promoting human rights staged a rally in front of the Batasang Pambansa in Quezon City questioning the ulterior motive of the lawmakers pushing for charter change.

Earlier, several members of the House of Representatives claimed that the main objective of charter change is to attract foreign investors.

Gie Relova, leader of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), slammed the country’s leaders for allegedly lobbying interest on foreign companies.

Last week, the House Committee on Constitutional Reform led by Davao Representative Mylene Garcia-Albano approved House Resolution 1 which seeks to amend the Philippine Constitution.

The resolution also seeks to add the phrase “unless otherwise amended by law” to articles in the Constitution that specify 40 percent limits to foreign ownership of land and businesses, including management of media, franchises to public utilities, and ownership of educational institutions.

The resolution also seeks to augment participation of foreign corporations in developing, exploring, and utilizing lands of public domain, waters, minerals, coal, petroleum and other mineral oils, all forces of potential energy fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources.

“We will support Belmonte’s move only if the Speaker and his cohorts will take into account proposals which that will also improve our conditions since undeniably, we are the most productive sector in the economy,” Relova said.

Among the labor sector’s pressing issues include the erroneous wage fixing mechanisms in the form of the regional wage boards, the menace of contractualization which cheapen labor and denies workers job security and the increasing number of unemployed.

“If the only vision of these congressmen is simply to liberalize the economy further without strengthening labor protectionist provisions, this will easily translate to more labor rights violations, more miserable working conditions and more depressing wages. Without winking an eye, labor will be the most organized and staunchest opposition to their plans of selling-out our interests and our families’ lifelines,” Relova added.


News from InterAksyon (ABC 5)

Charter change should also favor workers, not only foreign investors - labor group
By: InterAksyon.com
March 12, 2014

MANILA - House Speaker Feliciano Belmonte’s initiative to amend the Constitution is for foreign investments to come in by relaxing the limits on foreign ownership of land and businesses, but labor groups said any Charter change should also favor workers.

In a statement, Gie Relova, leader of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino said: “The workers are agonizing that our country’s officials are unashamed in their aggressive lobbying for the interests of foreign companies, but what about us? What about our rights? If they plan to amend the Charter, they might as well enhance the labor protection and welfare provisions. Our livelihood and our children’s future are at stake here too.”

Last week, the House Committee on Constitutional Reform led by Davao Representative  Mylene Garcia-Albano approved House Resolution 1 which seeks to add the phrase "unless otherwise amended by law" to articles in the Constitution that specify 40-percent limits to foreign ownership of land and businesses, including management of media, franchises to public utilities, and ownership of educational institutions.

The resolution also seeks to augment participation of foreign corporations in developing, exploring, and utilizing lands of public domain, waters, minerals, coal, petroleum and other mineral oils, all forces of potential energy fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources.

‘Right to live decently’

While the present charter “gives equal premium to the ‘right to property’ of the minority capitalists and the majority workers’ ‘right to live decently,’” the accumulation of incredible wealth in the hands of a few “is also the primary hindrance for the millions of workers to live decently,” Relova said.

He was also quick to add that, “We will support Belmonte’s move only if the Speaker and his cohorts will take into account proposals which that will also improve our conditions since undeniably, we are the most productive sector in the economy.”

Among their demands: to fix the erroneous wage fixing mechanisms in the form of the regional wage boards, and to do away with the “menace of contractualization which cheapen labor and denies workers job security and the increasing number of unemployed.”

“Liberalizing the economy further without strengthening labor protectionist provisions will easily translate to more labor rights violations, more miserable working conditions, and more depressing wages,” Relova said.

Sabado, Marso 8, 2014

Maikling Kwento sa Buhay at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo


Maikling Kwento sa Buhay
at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo

Mga kasama at Kapatid sa Paggawa,

Si Ka Romy Castillo, 62 taong gulang, biyudo (ang asawa’y pumanaw noong Disyembre 2012) at may 2 anak (isang babae at isang lalaki), taga-Escalante, Negros Occidental, ang kasalukuyang secretary general ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Noong 1987, naging manggagawa siya ng Philippine Blooming Mills Inc. na matatagpuan sa Brgy. Rosario, Pasig, Metro Manila. Noong 1979, naging bise president ng Philippine Blooming Mills Employees Union - National Federation of Labor Unions (PBMEU-NAFLU). Isa sa tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kanyang unyong pinamumunuan na may 2,600 kasapian noong Mayo Uno 1980 sa Araneta Coliseum. Nang taon ding iyon, naging chairman siya ng KMU Area 2 na sumasaklaw sa Mandaluyong, Pasig, Marikina at Rizal.

Isa siya sa 34 na mga opisyales at lider ng PBMEU na nagpasyang kumilos ng buong panahon sa Kilusang Paggawa nang ganap na magsara ang kanilang pabrika noong 1981. Aktibo niyang kinondena ang Arrest and Search Order (ASO), Preventive Detention Action (PDA) at crackdown ng pasistang diktadurang rehimen ni Marcos sa KMU noong Agosto 13, 1983.

Isa siya sa maraming lider-manggagawa na inaresto, kinulong ng pasistang rehimen ni Marcos noong Hulyo 1984. Siya at apat pang kasama (Antipolo 5) ay isa't kalahating taong ikinulong ng militar sa Camp Bagong Diwa matapos ang nakaririmarim na tortyur sa kanila. Sa loob ng piitan ay nakaranas siya ng iba’t ibang uri ng tortyur, tulad ng water cure, electric shock, at pagkuryente mismo sa kanyang ari na muntik na niyang ikabaog.

Nakalaya siya matapos ang EDSA People’s Power Uprising noong Pebrero 1986. Paglaya ay agad na siyang kumilos at natalaga bilang organisador at lider-manggagawa at ipinadala sa iba't ibang bansa, tulad ng Japan, Germany at Netherlands sa Europa para sa gawaing pakikipagkapatiran sa mga manggagawa / organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa sa Europa.

Pagbalik niya sa Pilipinas ay aktibong kumilos bilang kasapi ng KMU Central Committee. At noong 1989 ay nahalal siya bilang chairman ng KMU National Capital Region (KMU-NCR) chapter.

Noong 1992-93, sa panahon ng panloob na tunggaliang pang-organisasyon sa KMU na humantong sa split ng KMU-NCR chapter sa KMU-national ay tumindig siya sa tama at totoo! At nanawagan siya ng pagtatakwil sa mga Maoista at Stalinista. Naging Founding Chairman siya ng BMP sa Konggreso ng Pagtatatag nito noong Setyembre 14, 1993 sa Ultra, sa Lungsod ng Pasig. Nanungkulan siya bilang Chairman ng Bukluran ng Manggagawa para sa Pagbabago (ang dating ibig sabihin ng BMP) hanggang 1996.

Muli siyang natalaga sa Labor International Work para ilinaw sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa ang Kritik sa Globalisasyon at paninindigan ng BMP laban sa Asia Pacific Economic Forum (APEC) at Globalisasyon (ang patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at labor flexibility) at panawagang SLAM APEC. Depensahan ang Uri, Ipaglaban ang Bayan! Ang Laban ng Bayan ay Laban ng Uri! No to Agression in East Timor! Peace, Not War!

Aktibo din siya sa kampanya at pakikibaka para sa dagdag sahod ng mga manggagawa at pagtatayo ng Lawin-35, Kilusang Roll Back (KRB) at electoral na mga pakikibaka at pagtatayo ng Partido ng Manggagawa (PM). Kampanya laban sa dayaan, pagpapatalsik kay GMA, at panukalang pagtatayo ng transitional government noong 1998-2006. Pakikibaka ng mga manggagawa ng TEMIC, BLTB, PALEA at MERALCO. Nanawagan ng hustisya laban sa patraydor na pagpaslang sa chairman ng BMP na si Ka Popoy Lagman matapos ang EDSA Dos o kudeta ni GMA kay Erap at kasagsagan ng paghahanda ng Kongreso ng PM noong Pebrero 12, 2001. Nahalal siya rito na myembro ng Central Committee ng PM.

Hunyo 2011 nang magtungo si Ka Romy sa Malaysia bilang bisita ng Parti Sosialis Malaysia (PSM). Naging kinatawan siya roon bilang secretary general ng Partido Lakas ng Masa (PLM).  Pauwi na siya sa Pilipinas noong Hunyo 30 nang siya ay kinuha sa airport at ikinulong ng ilang araw ng Malaysian Government kasama ang 30 pang aktibistang Malaysian. Napalaya siya noong Hulyo 7, 2011 at agad na pinabalik sa Pilipinas.

Si Ka Romy ay magaling na tagapagsalita sa entablado, magaling tumangan ng pulong, hindi diktador, tinitiyak niya na nakakapagsalita ang lahat ng panid, at pinakamahalaga ay ang pagtitiyakniya na ang demokrasya ang nangingibabaw, hindi ang brasuhan, palakasan ng boses (literal) at panggagapang sa mga decision maker. Tunay siyang maginoo at magaling na lider.

Nang buhayin at paaktibuhin ng DOLE ang Tripartismo noong 2007 at nang magpasya ang BMP na magpadalo ng kinatawan dito, siya ang itinalagang opisyal na kinatawan ng BMP sa NTIPC hanggang sa kasalukuyan. Hindi na nga lamang siya nakakadalo sa mga patawag na meeting ng NTIPC dahil sa kanyang karamdaman sa kasalukuyan.

Nahalal si Ka Romy bilang secretary general ng BMP sa ginanap na ika-6 na Kongreso nito noong Nobyembre 26-27 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Ka Romy ay dinapuan ng kanser sa baga. Nang madiskubre ay Stage 4 na. Nagpapa-chemo theraphy siya ngunit magastos. Baka sakaling siya'y mailigtas. Kaya kailangan niya ng tulong ng sinuman.

Ang BMP ay maglulunsad ng Benefit Concert para sa kanya sa Marso 9, 2014 sa General Trias, Cavite at sa Marso 17, 2014 sa Homer's Restaurant sa Lungsod Quezon. Sa mga nagnanais tumulong at makakuha ng tiket para sa konsyerto, mangyaring kontakin si Tina sa BMP ofc sa hatinig blg. 436-4307.

(Ito'y pinagsamang detalye mula kina Ka Ronnie Luna, Ka Gem de Guzman at Greg Bituin Jr.)

Miyerkules, Marso 5, 2014

Piket sa Embahada ng Malaysia, Isinagawa ng mga Manggagawa

PIKET SA EMBAHADA NG MALAYSIA, ISINAGAWA NG MGA MANGGAGAWA

Naglunsad kanina ng piket sa harapan ng Malaysian Embassy ang grupong BMP, kasama ang mga grupong Socialista, Kasama at Katipunan bilang protesta sa umano'y panggigipit sa NUBE (National Union of Bank Employees) sa Malaysia. Nanawagan sila sa Prime Minister ng Malaysia na igalang ang karapatan ng mga manggagawa, lalo na ang mga kasapi ng NUBE. Ang BMP, Socialista, Kasama at Katipunan ay pawang mga kasapi sa WFTU (World Federation of Trade Unions). (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)










May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996