PARA SA IYO, AKING GURO
Tula ni Ka Gem De Guzman
Akala mo ay di ako nakikinig,
pero natutunan ko sa iyo ang sets
and subsets of numbers and things.
Akala mo ay di ako nakikinig,
pero dahil sa iyo, naintindihan ko
ang tungkol sa angles and sides of a right triangle
at tinawag na Phytagorean Theorem.
Akala mo ay di ako nakikinig,
pero sa iyo nagmula ang di ko malilimutang
“the product of the means equals the product of the extremes.”
Akala mo di ako nakikinig,
pero sa iyo ko nalaman ang living and non-living things,
organic at inorganic at ang natural na mundong ginagalawan natin.
Akala mo ay di ako nakikinig,
pero dahil sa iyo naisaulo ko ang Periodic Table of all Elements
na nagamit ko sa praktikal na buhay.
Akala mo di ako nakikinig,
pero sa iyo ko natutunan ang Law of Motion ni Newton
“for every action, there is a corresponding reaction.”
Akala mo ay di ako nakikinig,
pero napakahalaga sa araw-araw na buhay
ang naituro mo na “law of supply and demand.”
Akala mo di ako nakikinig,
pero inumpisahan mo sa mura kong isipan na
saliksikin ang kasaysayan ng Pilipinas at mundo
Mula Silangan pa-Kanluran.
Akala mo di ako nakikinig,
pero dahil sa iyo, natutunan kong mahalin
ang sariling wika at dito’y nagpakadalubhasa.
Akala mo di ako nakikinig,
pero kahit baluktot ang dila, nauunawaan ko at nabibigkas
ang wikang Ingles at di kayang lokohin ng sinumang mga dayo.
Akala mo di ako nakikinig,
pero nagamit ko paglabas sa paaralan ang mga
turo mo sa grafting, budding, marcotting at iba pang teknolohiya
at mga kwento ng buhay sa oras ng recess.
Akala mo di ako nakikinig,
pero nagsilbi sa aktwal na buhay ang mga lektyur at karanasan
sa military training at scouting.
Akala mo di ako nakikinig,
sa ispesyal na regalo mo para ako matuto,
kaakibat ng pagpapahalaga mo sa akin
na dinagdagan mo pa ng pagmamahal;
di mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin
ang iyong naibahaging kaalaman.
Sapagkat tumulong kang baguhin ang lahat,
sa bawat isa sa aming nahawakan mo,
kusang lumabas ang kanya-kanyang angking galing
na gumabay
para iguhit
ang mga layunin sa buhay.
Iyan ay bagay na walang katumbas na salapi.
Nakinig ako ....
at gusto kong pasalamatan ka sa lahat ng bagay
na nagawa mo sa akin
noongAkala mo
ay hindi ako nakikinig. #
* BMP - Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!
Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!
Biyernes, Hulyo 25, 2014
Lunes, Hulyo 21, 2014
Manggagawa, muling nagprotesta sa NLRC
Lunes, Hulyo 21, 2014 - Muling nagprotesta sa harapan ng tanggapan ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang daan-daang manggagawa mula sa iba't ibang pagawaan, lalo na yaong mga may kaso laban sa kanilang employer. Muli nilang kinalampag ang NLRC na nasa Banaue St., Lungsod Quezon, at muli nilang ipinanawagan ang agarang pagre-resign ni NLRC Commissioner Nograles, at iba pang sangkot sa katiwalian, pati na mga arbiter na laban sa mga manggagawa.
Pinangunahan ang nasabing pagkilos ng grupong Workers Alliance Against Corruption, pati na mga kasapi nitong AGLO (Association of Genuine Labor Organizations), BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino), DEU (Digitel Employees Union), SUPER (Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms), Obrero Law Office, NAFLU Federation, RPN 9 Union, IBC 13 Employees Union, WMJP (Workers Movement for Justice and Peace), ASAP (Anti-Sweatshop Alliance of the Philippines), at marami pang iba.
Mababasa sa kanilang mga dalang plakard ang mga isyu't kanilang panawagan, tulad ng mga sumusunod: "Chairman Nograles, Resign!" "Comm. PalaƱa, ang NLRC ay Hindi Motel", Commissioners Lacap at Beley, Dapat Bantayan", "Comm. Villena, marami ka na nabiktimang manggagawa! Mag-retire ka na!!!" "Sheriff Caloy Macatangga ng RAB IV, Corrupt!" "Comm. N. de Castro, sumama ka na lang sa amo mong si GMA, Corrupt", "Korapsyon s NLRC, Labanan", Chairman Nograles, 'Break Open' sa Asgarel Corrugated Box, Ilabas na" at "Sweatshop Company nationwide, labanan".
Panawagan naman ng DEU sa NLRC: "Sawang-sawa na kami sa katiwalian! Ituwid niyo ang natitira niyong dangal!"
Nagsimula ang pagkilos sa ganap na ala-una ng hapon at natapos ng ikaapat ng hapon.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Martes, Hulyo 15, 2014
Itigil ang Pambobomba ng Israel sa Gaza!
Itigil ang Pambobomba ng Israel sa Gaza
Hulyo 15, 2014 - Nagrali ang iba't ibang grupo, tulad ng Anak Mindanao, Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at MASO (Manggagawang Sosyalista) Pilipinas, sa harapan ng tanggapan ng Embahada ng Israel na nasa Global City sa Taguig. Dito'y ipinanawagan nila na dapat nang matigil ang digmaan sa pagitan ng Israel at Palestino. Ang Israel ay may sopistikadong kagamitang pandigma habang imperyor naman ang armas ng mga Palestino.
Ipinrotesta nila ang pagkamatay ng maraming bata at kabataang Palestino na walang kalaban-laban sa mga sopistikadong armas ng Israel. At sinabi pa nilang dapat nang magkaroon ng kapayapaan sa Gitnang Silangan, at itigil na ang pandarahas ng mga Israeli sa mga Palestino.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Hulyo 15, 2014 - Nagrali ang iba't ibang grupo, tulad ng Anak Mindanao, Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at MASO (Manggagawang Sosyalista) Pilipinas, sa harapan ng tanggapan ng Embahada ng Israel na nasa Global City sa Taguig. Dito'y ipinanawagan nila na dapat nang matigil ang digmaan sa pagitan ng Israel at Palestino. Ang Israel ay may sopistikadong kagamitang pandigma habang imperyor naman ang armas ng mga Palestino.
Ipinrotesta nila ang pagkamatay ng maraming bata at kabataang Palestino na walang kalaban-laban sa mga sopistikadong armas ng Israel. At sinabi pa nilang dapat nang magkaroon ng kapayapaan sa Gitnang Silangan, at itigil na ang pandarahas ng mga Israeli sa mga Palestino.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Manggagawa, Nanawagan ng Pagpapatalsik kay Aquino
DBM at Mendiola, niralihan ng manggagawa't maralita
Hulyo 15, 2014 - Niralihan ng manggagawa't maralita mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipanawagan ang pagpapatalsik kina DBM Secretary Butch Abad at Pangulong Noynoy Aquino. Ito'y kaugnay ng kanilang pananagutan sa programang Disbursement Acceleration Program (DAP) na kamakailan ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.
Ang ilan sa mga raliyista ay may hawak na palakol na ang nakasulat: "Aquino at Abad, DAPat Patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!"
Mula sa DBM ay nagmartsa sila patungong Mendiola at doon tinapos ang programa.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
May 1, 2013 rali
Das Kapital published on 14 Sept 1867
Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!
kagutuman sa kabila ng kahirapan
Mga tagasunod
Slam Evil, Slam Apec
November 1996