Bukas na liham para sa mga manggagawa at aming kababayan sa Pasig,
Mga kapwa naming manggagawa at kababayang taga Pasig, kami po ay mga manggagawa ng URC sa Rosario at Bagong Ilog na inobliga ng aming management na magpabayad na at tapusin ang aming pagtatrabaho sa kompanya.
Kami po ay 157 lahat, matatagal nang naglilingkod sa URC, mga regular na manggagawa at siyang naging katuwang ng management sa pagpapaunlad ng kanyang kompanya.
Inoobliga kaming magpabayad na dahil redundant na raw ang aming ginagawa o may gumagawa na ng aming trabaho kayat di na kami kailangan.
Ayaw naming magpabayad. Nais pa naming magtrabaho. Nais pa naming tumanggap ng regular na sahod kada akinse at katapusan. Nais pa naming makasama ang aming mga kamanggagawa sa huling mga taon bago ang aming retirement.
Subalit dahil sa pressure ng mga abogado ng management at pang-eengganyo ng Pangulo ng Unyon, marami sa amin ang naobligang magpabayad na. Kami namang ayaw magpabayad ay pinadalhan ng termination paper noong April 23 at pinagtatanggal na rin po kami.
Di po kami nagpapabayad dahil hindi kami naniniwala sa dahilan ng management na redundant na ang aming ginagawa. Dahil kung totoong redundant na, e bakit may pumapalit sa aming pwesto at ipinagpapatuloy ang aming ginagawa?
Hindi rin kami naniniwala sa paliwanag na hindi kami skilled dahil kung totoo ito, hindi kami tatagal ng mahabang panahon sa URC. Isa pa, nahuli namin sa bibig mismo ng abogado ng management nang sabihin niyang “tanggapin na lang namin ang bayad dahil payag naman daw ang management na muli kaming i-hire under AIMKO” (ang labor placement agency cooperative na itinayo ng pangulo ng aming unyon).
Lumalabas hindi po totoo ang dahilan na redundancy, kundi ito ay kontraktwalisasyon! Uubusin ang regular na manggagawa sa URC upang palitan ng contractual. Contractual na minimum lang ang sahod, walang unyon, walang CBA, kapos sa benipisyo at higit sa lahat ay walang karapatan.
Sa ganito nga namang sistema, mas makakatipid at higit na kikita ang management ng URC. Pero bawal po ito! Iligal ang pagtatanggal ng regular para palitan ng contractual. Ito po ay isang anyo ng pagsasamantala sa mga manggagawa kayat ipinagbawal ng batas.
Ito po ang dahilan kung bakit kami ay ayaw magpabayad. Kung bakit kami ay lumalaban. Nais naming ituwid ang baluktot at itama ang mali. Nangangamba kami na kung lahat ay mananahimik at walang lalaban, magpapatuloy ang ilegal na tanggalan ng mga regular na manggagawa upang palitan ng kontraktwal.
Kaya't nagpasya na po kaming lumaban kahit alam naming mahirap. Dahil naniniwala kami na kapag sobra na ay kailangan ng labanan.
Kung bago at maliit pa sanang kompanya ang URC ay madaling unawain, subalit isang dambuhalang negosyo na ang URC. Pang-apat na sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Ano pa ba naman ang kailangan niyang patunayan, para kaming mga regular na manggagawa ay pagtatangggalin pa at alisan ng ikabubuhay?
Kaya't hiling namin sa management na ibalik kami sa trabaho. Lingunin naman ang mahabang panahong tapat naming paglilingkod sa URC. Di naman sila nalulugi at patuloy pa ngang kumikita. Hintayin na lang sana ang aming pagreretire.
Hiling naman namin sa inyo mga kababayan at kapwa namin manggagawa ang inyong pag-unawa at suporta sa aming pakikipaglaban.
Itigil ang pagtanggal sa mga regular na manggagawa!
Itigil ang kontraktwalisasyon!
Ibalik ang mga manggagawang tinanggal!
URC 41
Mayo 18, 2010

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento