Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Lunes, Setyembre 23, 2013

BMP at SANLAKAS sa CoA: Isiwalat lahat!

Joint Press Release
23 Setyembre 2013

Militante sa CoA: Isiwalat lahat! 

Iginiit ng mga progresibong grupo sa Commission on Audit (CoA) na isiwalat sa publiko ang lahat ng audit reports nito at hindi lang yung paborable sa mga opisyal ng Palasyo. Sa partikular, hiling nila na isapubliko ang lahat ng report ng ahensya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at pondo mula sa kinita sa Malampaya para sa taong 2010 hanggang 2012.

Ito matapos nagbigay ng testimonya sa Blue Ribbon Committee ng Senado ang pangunahing whistler-blower na si Benhur Luy na hanggang sa taong 2012 ay nagawa ni Janet Lim-Napoles at mga kasabwat nitong mga mambabatas na maglihis papunta sa kanilang mga bulsa ang mga alokasyong PDAF at pondong Malampaya at ang mga special na report ng CoA ay limitado lamang sa mga taong 2007 hanggang 2009, mga taong matapos kumalas sa koalisyon ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Partido Liberal ni Pangulong Noynoy Aquino. 

“Bilang pinakatapat na tagapagbayad ng buwis, hinihiling namin ang buong katotohanan. Pinagnakawan at niloloko ng paulit-ulit ang sambayanang Pilipino ng mga pulitikong nagpapanggap na mga lingkod-bayan, ngayon naman ay lalo pa kaming iinsultuhin nitong CoA sa pagkukubli nito ng katotohanan at ang linalabas lamang ay ang mga report na may basbas ng Palasyo,” ani Leody de Guzman, pambansang tagapangulo ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Ayon sa mga raliyista, ang tanging motibo ng special audit report ng CoA sa PDAF at pondong Malampaya para sa taong 2007 hanggang 2009 ay para wasakin ang reputasyon ng nagdaang administrasyon na ang epekto naman nito ay pa-pogi sa kasalukuyang nakaupong Pangulo at hindi pa para bigyang hustisya ang taumbayang biktima ng pork barrel scam.

“Magsawa si Aquino kakasisi sa nagdaang rehimen ngunit hindi-hindi niya mapapahupa ang isang galit, mulat at palaban na mamamayan. Alam na ng lahat ng Pilipino na matagal nang mina-mastermnind ng mga nasa tuktok ng gobyerno ang korapsyon at nagaganap ito hanggang sa kasalukuyan. Sumabog na sa sariling mukha ni Aquino ang boladas niyang “tuwid na daan,” bintang ni de Guzman. 

Samantala sinabi naman ni Aaron Pedrosa, tagapagsalita ng grupong Sanlakas na, “Sa panahon ng sigalot, kailangan ng taumbayan ng inspirasyon at integridad, kahit pa siya’y ni Aquino appointee, kailangan sagpangin ng Commissioner Grace Pulido-Tan ang hamon ng ating panahon; kailangan magsilbi sa masa ang CoA at hindi sa pampulitikang interes ng Partido Liberal. 

Nangako ang mga grupo na maglulunsad pa ng iba’t-ibang pagkilos para patuloy na igiit ang pagsisiwalat ng lahat ng report hanggat hindi natitigil ang pagmamaniobra at pagiimpluwensiya ng Palasyo. Dagdag ni Pedrosa, “hanggang hindi nalalagpasan ang mga ‘to, hindi masisiwalat ang totoong kalagayang pampinansiya ng gobyerno ay sa huli’y, mananatiling biktima ng kawalan ng hustisya ang sambayanang Pilipino”.### 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996