Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Hunyo 13, 2014

BMP-ST, nakiisa sa pagkilos laban sa pork barrel at bulok na sistema

BMP-ST, NAKIISA SA PAGKILOS LABAN SA PORK BARREL AT BULOK NA SISTEMA

Nakiisa ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) - Southern Tagalog region sa lumalawak na kilos-protesta laban sa pork barrel at bulok na sistema. Nagtungo ang grupo sa Bonifacio Shrine sa Mehan Garden sa Maynila bilang pakikiisa sa panawagang "Jail All" - o ikulong lahat ng mga sangkot sa pork barrel scam, sila man ay oposisyon o maka-administrasyon.

Kasama nila ang mga grupong BMP-National, Sanlakas, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa (PLM), Alliance for Truth, Integrity and Nationalism (ATIN), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Piglas-Kabataan (PK), SUPER-Federation, Makabayan-Pilipinas, Koalisyon Pabahay ng Pilipinas (KPP), Ang Grupo ng Organisadong Mamamayan (AGOM), at Proletaryong Rebolusyonaryong Kilusan (PRK).

Nakasama nila sa Bonifacio Shrine ang mga grupong Kilusang KontraPork, Workers Alliance Against Corruption (WAAC), NAGKAISA, Freedom from Debt Coalition (FDC), Water for All Refund Movement (WARM), APL-SENTRO, Partido ng Manggagawa (PM), at marami pang iba. Ang estimasyon ay mga nasa humigit-kumulang sa apatnalibo ang lumahok sa makasaysayang pagkilos na ito.

Ayon kay Eli Guzman ng BMP-ST, "Dapat magtuluy-tuloy ang prinsipyadong pagkilos na ito upang makulong ang mga kawatan sa pamahalaan at mapalitan, hindi lamang ang mga nakapwestong kawatang pulitiko, kundi mapalitan mismo ang bulok na sistema ng isang sistemang walang pagsasamantala ng tao sa tao at pinatatakbo ng uring manggagawa."

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996