Hulyo 14, 2014 - Kasabay ng nakatakdang talumpati ng Pangulong Noynoy Aquino sa telebisyon sa ika-6 ng gabi, nagrali naman ang mga kasapi ng Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod sa iba't ibang lugar, tulad ng Monumento, Mendiola, at Welcome Rotonda. Dito'y kanilang ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino dahil sa patuloy nitong pagtatanggol Disbusement Acceleration Program (DAP) na idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema.
Naging tagapagsalita sa Welcome Rotonda si Ka Sonny Melencio, pangulo ng PLM at Edwin Guarin ng PLM-NCRR, at sa Mendiola naman ay sina Ka Leody de Guzman, pangulo ng BMP at Ka Anthony Barnedo, secretary general ng KPML-NCRR.
Nauna rito'y nagrali na umaga pa lang ang BMP at KPML sa harapan ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) at nagmartsa sila patungong Mendiola kung saan nila tinapos ang kanilang programa.
Ulat at mga litrato mula sa Welcome Rotonda ni Greg Bituin Jr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento