Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Lunes, Hulyo 28, 2014

Para sa mga manggagawa, ito na ang “huling SONA ni Noynoy, na tinawag nilang SONA-ngaling

Press Release


28 July 2014


Contact person
Leody de Guzman 0920-5200672
Gie Relova 0915-2862555
Bukluran ng Manggagawang Pilipino

Para sa mga manggagawa, ito na ang “huling SONA ni Noynoy, na tinawag nilang SONA-ngaling

LIBU-LIBONG karaniwang Pilipino ang nagmartsa patungo sa tila kuta nang Batasang Pambansa upang kontrahin ang tinatawag ng mga militanteng “huling” State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang taon bago matapos ang kanyang termino.

Pagpapatalsik kay Aquino

“Tahasan naming idineklara ngayon na sa sapilitan, ito na ang huling SONA ni Aquino. Sawa na kami sa mga iyon at iyon ding kasinungalingan, pagtataas ng bangkong deklamasyon at ang kanilang gasgas nang pakulo upang isalba lamang ang bulok na sistema pati na ang pamana ng kanyang mga magulang,” ayon kay Leody de Guzman, pambansang pangulo ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). 

Idinagdag pa niya, “tulad ng mayorya ng ating mga kababayan, wala nang anupamang dahilang nalalabi pa sa atin upang umatras at naisin pang maging katotohanan ang Daang Matuwid ni Noynoy sa susunod pang dalawang taon. Tunay ngang ang nakalipas na apat na taon ay hindi pa sapat upang mapawi ang lahat ng sakit ng lipunan, ngunit kayhirap nang tiisin ang lalo pang lumubha naming kalagayan.”

Sinabi pa ng nasabing lider-manggagawa na mula nang maupo sa pwesto, nilegalisa ni Aquino ang kontraktwalisasyon, dinoble ang kontribusyon ng manggagawa sa Social Security System at Philhealth, pinababa ang sahod sa mga bayan-bayan, itinanggi ang tax breaks sa mga empleyado ng gobyerno at pribado at hindi nakiisa sa panig ng mga manggagawa habang may labor disputes kahit na tahasan na ang mga paglabag ng mga ganid na kapitalista.

Sa kanilang rali, dinala ng mga manggagawa ang isang higanteng dilaw na krus na yari sa kahoy na sumisimbolo sa pinapasan nilang hirap sa araw-araw sa ilalim ng mga polisiyang laban sa maralita ng administrasyong Aquino.

“Sa pinakasimple, ang pagpapatalsik kay Noynoy ang nalalabing paraan para sa mga masisigasig na manggagawa na takasan ang rehimeng Aquinong tiwali at mandaraya. Ang pwersahang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ay dapat tumungo sa pagtatatag ng isang pamahalaang kinatatangian ng buong partisipasyong ng masa sa lahat ng antas ng gobyerno upang matiyak na ito’y tunay na nagsisilbi sa masa,” dagdag pa ni de Guzman.

Ang BMP pati na ang mga kaalyado nitong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod, Sanlakas at Partido Lakas ng Masa ay nananawagan ng pagpapatalsik kay Aquino isang lingo matapos na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng kanyang administrasyon.

DAP: Pansamantalang Ganansya sa Ekonomya

Sa pagpapaliwanag sa nilalaman ng pahayag ni Aquino sa Kongreso at sa mga dayuhang dignitaryo, sinabi pa ng lider-manggagawa na ang inaakalang ganansya sa ekonomya ng Punong Ehekutibo at ng kanyang grupong pang-ekonomya na ipinagyayabang niya noon pang isang taon ay artipisyal at isang bula na maaaring pumutok sa kanilang pagmumukha habang tumitindi ang klimang pulitikal.

“Ang lahat ng kabulastugang ito na ang Pilipinas ang “may pinakamataas na growth rate sa rehiyon” ay ipinakikita bilang “susunod na tigreng ekonomya sa kabila ng mga kalamidad” ay isang tunay ngang kalapastanganan. Ang tiyempo ng sinasabing ganansya sa ekonomya ay sumabay sa panahong pinairal na nina Aquino at Abad ang kanilang illegal na mekanismo ng paggasta. Sa katunayan, nagrereklamo ang mga imbestor sa gobyerno ng underspending at labis na ingat sa kanyang unang labingwalong buwan”, paliwanag pa ni De Guzman.

“Ang konsepto ng DAP ay isinilang bilang reaksyon sa gayong mga kritisismo. Ngayong wala na ang DAP, ang tiyak ay hindi na masusustena ng administrasyon ang kanyang antas ng pag-unlad,” hula pa niya.

Hinala pa ng lider-manggagawa, “ang pinakamatagumpay na resulta ng DAP na naganap ay hindi ang pagkakaroon ng mga investments at trabaho kundi ang mapakalawak na disimpormasyon ng isang malusog na ekonomya ng bansa. Kahit na may DAP, nakapagtipon pa ang mga mayayaman ng laksa-laksang tubo habang ang mga mahihirap ay patuloy na nagugutom.”


Ipinagdiinan pa ni De Guzman na, “ang tunay na dahilan ng kumpanysa ng mga dayuhang imbestor sa panahon ni Aquino ay ang kanyang matinding pagpapatupad ng polisiya ng murang paggawa, kontraktwalisasyon, at ang pagdurog sa nalalabi pang karapatan sa paggawa na ginagarantiyahan ng ating konstitusyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996