Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Enero 27, 2015

Solidarity Message to BMP - from Freedom from Debt Coalition (FDC)

FREEDOM FROM DEBT COALITION
11 Matimpiin St., Brgy. Pinyahan, Quezon City 1100
Tel.: +63-2-9211985; Telefax: +63-2-9246399

Enero 24, 2015
PAHAYAG NG PAKIKIISA AT PAGBATI MULA SA FDC

Isang mainit na pagbati at taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot ng Freedom from Debt Coalition (FDC) sa matagumpay na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Kaisa ninyo ang FDC sa mga laban at adhikain ng manggagawa at ng sambayanan.

Ang BMP ay mahigpit na kapitbisig ng FDC sa mga pakikibaka para sa hustisyang pang-ekonomiya, kalayaan at kaunlaran ng sambayanan, at hindi ng iilan. Sa loob ng mahigit 25 taon sama-sama tayo, sampu ng iba pang kasapi at kaugnayan ng FDC sa paglaban at pagsagka sa mga kontra-mamamayan at dagdag na pahirap na mga polisiya at programa ng mga nagdaang mga rehimen matapos maibagsak ang diktadurang Marcos - hanggang sa pamamahalang lubak at baluktot na daan ng gobyernong Aquino. Isa sa mga nanguna at nangahas manawagan ng pagtakwil at paglitis sa kurap, elitista at kontra-mamamayang gobyernong ito - ang BMP, at kasama nito sa kalaunan, ang FDC - sa harap ng pagpatumpik-tumpik at pag-aalanganin ng ilang mga "progresibo" kunong mga organisasyon at grupo.

Laging kasama ng FDC ang BMP sa parlamentaryo ng lansangan at naging mahigpit na kasama sa mga laban sa paglalansag ng neoliberal at elitistang polisiya at adyenda na sinusulong ng bulok na sistema at naghaharing iilan, at patuloy na nambubusabos at naglugmok sa papatinding kahirapan at pang-aapi sa sanlaksang manggagawa at mga anakpawis ng bayan.

Hindi matatawaran ang ambag ng BMP para sa pagsusulong ng malawak at pambansang kilusan para sa kalayaan, kaginhawaan at kaunlaran na nakabatay sa hustisya at pagkakapantay-pantay. Ang mahigpit na samahan natin ay napapanday at patuloy na pinatitibay ng mga pagsubok, tagumpay at mga aral na nagsisilbing tanglaw at inspirasyon natin na patuloy na magsikhay sa ibayong pagsulong hanggang tagumpay.

Hangad namin ang tagumpay ng inyong pambansang kongreso. Hangad din namin ang mas matibay na samahan natin at higit na sama-samang pagsulong at mas malaking tagumpay. Kapitbisig tayo para sa mas ibayong laban tungo sa pambansa at panlipunang paglaya. Hanggang sa makamit natin ang lipunang wala nang pagsasamantala at pang-aapi ng iilan sa kapwa, at lubusang lumaya ang mga anakpawis at uring manggagawa mula sa tanikala ng pagkaalipin.

Asahan ninyo na lagi kaming kasama sa inyong laban, pagsubok at tagumpay!

Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino!


(nilagdaan)
Sammy Gamboa
Pangkalahatang Kalihim, Freedom from Debt Coalition

This solidarity message was read during the second day of the 7th BMP Regular Congress at Skyrise Hotel in Baguio City, January 24-25, 2015.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996