Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Hulyo 15, 2014

Manggagawa, Nanawagan ng Pagpapatalsik kay Aquino

DBM at Mendiola, niralihan ng manggagawa't maralita

Hulyo 15, 2014 - Niralihan ng manggagawa't maralita mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipanawagan ang pagpapatalsik kina DBM Secretary Butch Abad at Pangulong Noynoy Aquino. Ito'y kaugnay ng kanilang pananagutan sa programang Disbursement Acceleration Program (DAP) na kamakailan ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ang ilan sa mga raliyista ay may hawak na palakol na ang nakasulat: "Aquino at Abad, DAPat Patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!"

Mula sa DBM ay nagmartsa sila patungong Mendiola at doon tinapos ang programa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Lunes, Hulyo 14, 2014

Panawagan ng mga militante: "Aquino, Patalsikin!"

Panawagan ng mga militante: "Aquino, Patalsikin!"

Hulyo 14, 2014 - Kasabay ng nakatakdang talumpati ng Pangulong Noynoy Aquino sa telebisyon sa ika-6 ng gabi, nagrali naman ang mga kasapi ng Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod sa iba't ibang lugar, tulad ng Monumento, Mendiola, at Welcome Rotonda. Dito'y kanilang ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino dahil sa patuloy nitong pagtatanggol Disbusement Acceleration Program (DAP) na idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema.

Naging tagapagsalita sa Welcome Rotonda si Ka Sonny Melencio, pangulo ng PLM at Edwin Guarin ng PLM-NCRR, at sa Mendiola naman ay sina Ka Leody de Guzman, pangulo ng BMP at Ka Anthony Barnedo, secretary general ng KPML-NCRR.

Nauna rito'y nagrali na umaga pa lang ang BMP at KPML sa harapan ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) at nagmartsa sila patungong Mendiola kung saan nila tinapos ang kanilang programa.

Ulat at mga litrato mula sa Welcome Rotonda ni Greg Bituin Jr.

Sabado, Hulyo 12, 2014

Mula sa forum: "PNoy patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!"

"PNoy patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!" - BMP

Naglunsad ng Leaders' Conference ang BMP nitong Hulyo 12, 2014, Sabado, sa Lungsod Quezon. Dito'y iniulat ng Komiteng Tagapagpaganap ng BMP ang pinagpasyahan ng nagdaang tatlong araw na pulong ng Komite Sentral nito mula Hulyo 4-6, 2014 sa Lian, Batangas. Bukod doon ay ang pasiya hinggil sa kalagayang pampulitika na malaki ang epekto sa buhay ng karaniwang manggagawa.

Sa isyung pulitikal, ang kanilang panawagan: "PNoy patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil! Itayo ang Gobyerno ng Masa!" Inanunsyo rin ang iba't ibang gaganaping pagkilos, tulad ng kilos-protesta sa tanggapan ng DBM (Department of Budget and Management) sa Hulyo 14, sa NLRC (National Labor Relations Commission) sa Hulyo 21, at sa Batasan, sa mismong araw ng SONA, sa Hunlyo 28.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Sabado, Hunyo 21, 2014

PR - Labor Slams Palace Inaction on Soaring Food Prices

Press Release
20 June 2014

Contact person:
Gie Relova 0915-2862555
BMP-NCRR Chapter, Secretary-General

Blames Food Insecurity on Erroneous Trade Policy
Labor Slams Palace Inaction on Soaring Food Prices

MILITANT labor strongly denounced the Aquino administration for doing nothing about the alarming increase of the prices of essential provisions. The group called on the government to act quickly and decisively by controlling prices and not simply allow market forces dictate prices of prime commodities. The militants believe there is a good chance that the market may have been tampered by abusive market players since there has been only minuscule change in global prices since 2008.

Just two weeks ago, the World Bank reported that internationally traded food prices increased by 4.0 percent. The leap was led by wheat and maize, up 18 percent and 12 percent, respectively.

“It is not enough that the bawang caravans make their rounds across the metro’s marketplaces, they should be doing the rounds on a regular basis and will be proven insufficient in periods such as this one. Another thing, the looming crisis involves other commodities too, not only onions,” said Gie Relova of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Relova angrily challenged Aquino, “to man up and use his executive powers” to control the prices of commodities since its affects all Filipinos, making it a national and immediate concern. “If Aquino fails to act upon the most fundamental of all the needs of the entire hundred million Filipino population, then the hungriest of them all, the impoverished masses will act upon their grumbling bellies in a manner the government shall surely regret”.

Reacting to statements made the other day by Presidential Communication Operations Office Secretary Sonny Coloma, he asserted that, “For Coloma to simply pronounce that Filipinos must tighten their belts and accept high prices as they are, is tantamount to state abandonment because our belts have long been tightened, thanks to their erroneous pursuit of neo-liberal trade liberalization partnered with wage suppression”.

The BMP insists that under a liberalized economy an underdeveloped agricultural country such as the Philippines will periodically suffer from price shocks since it is forced to compete with highly modernized farming practices, common among developed nations.

“It’s the modern-age tale of David and Goliath, but with a very different ending. The Philippines shall be economically brutalized under this trade policy,” the labor leader quipped.

The labor leader believes that the quintessential issues of smuggling, bribery of customs and trade officials, hoarding, price manipulation, market speculation and other corrupt trade activities will remain as common as dirt if the Aquino administration continues not to admit that the country’s food security is in constant peril under a flawed trade policy.

Government economists, the BMP asserts, “Must move beyond its current state by de-liberalizing basic agricultural commodities by freeing itself from the dictates of the World Trade Organization and international financial institutions, and aggressively prioritize and pursue the modernization of our agriculture to achieve self-sufficiency”.

However Relova was also quick to add that, “Liberalization of certain commodities will only be acceptable if it is directly advantageous to our land tillers and must not impede domestic growth”.

The labor group pledges that they shall launch protest actions one after the other until their demands for price-control is granted and the liberalization of agriculture is overturned.###

Biyernes, Hunyo 13, 2014

6.12.14 Protesta laban sa pork at bulok na sistema, inilunsad

6.12.14 PROTESTA LABAN SA PORK AT BULOK NA SISTEMA, INILUNSAD

Araw daw ng kalayaan kaya itinaon ang pagkilos ng Koalisyong Protesta 6.12.14  sa araw na iyon (Hunyo 12, 2014) upang ipakita ang pagkadismaya ng taumbayan sa animo'y sarswelang nagaganap sa pamahalaan, lalo na sa isyu ng pork barrel. Nais nilang lumaya na ang bayan mula sa paghahari ng iilan, pandaraya ng mga trapo, at pandarambong ng mga kawatan sa pamahalaan sa kaban ng bayan. Araw daw ng kalayaan, ngunit sa katunayan, batay sa kasaysayan, ang Hunyo 12, 1898 ay deklarasyon ng kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila ngunit pagpapailalim sa mga Amerikano, na makikita mismo sa Acta de Independencia - isang dokumento ng deklarasyon ng kalayaan. Kung pagpapailalim ito sa mga Amerikano, ito ba'y kalayaan? O mas angkop na tawagin itong Araw ng Kadayaan, dahil hindi naman talaga lumaya ang bansa, kundi lumaya lang sa España para pasakop sa mga Kano? Ayon nga sa pamagat ng polyetong ipinamahagi roon ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP): "Walang Tunay na Kalayaan Kung Malayang Pinagsasamantalahan ng Iilan ang Nakararaming Mamamayan".

Maraming mga indibidwal at mga grupo ang nagsitungo sa Bonifacio Shrine sa Mehan Garden sa Maynila bilang pakikiisa sa panawagang "Jail All" - o ikulong lahat ng mga sangkot sa pork barrel scam, sila man ay oposisyon o maka-administrasyon. Sa likod ng Bonifacio Shrine ay naroon naman ang Kartilya ng Katipunan na nakaukit sa pader sa malalaking titik na sumisimbolo naman na dapat yakapin ng taumbayan ang Kartilyang ito ng kalinisan ng pagkatao. Naniniwala ang iba't ibang grupong ito na dapat ikulong lahat ng sangkot sa pork barrel scam dahil malaki ang kasalanan nila sa mamamayan lalo na sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ng bilyon-bilyong piso para sa kanilang mga sarili.

Napakahaba ng martsa at sama-samang pagkilos ng grupong BMP, Sanlakas, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa (PLM), Alliance for Truth, Integrity and Nationalism (ATIN), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Piglas-Kabataan (PK), SUPER-Federation, Makabayan-Pilipinas, Koalisyon Pabahay ng Pilipinas (KPP), Ang Grupo ng Organisadong Mamamayan (AGOM), at Proletaryong Rebolusyonaryong Kilusan (PRK). Nakasama nila sa Bonifacio Shrine ang mga grupong Kilusang KontraPork, Workers Alliance Against Corruption (WAAC), NAGKAISA, Freedom from Debt Coalition (FDC), Water for All Refund Movement (WARM), APL-SENTRO, Partido ng Manggagawa (PM), at marami pang iba. Ang estimasyon ay mga nasa humigit-kumulang sa apatnalibo ang lumahok sa makasaysayang pagkilos na ito.

Kita sa kanilang mga plakard ang mga panawagang "Ibasura ang sistemang pork, wakasan ang paghahari ng trapo", "Itayo ang gobyerno ng masa", "Ikulong lahat", "Panagutin si PNoy", "Noynoy, inutil, tuta ng kapitalista", "Panagutin si Noynoy, parusahan ang lahat", "Elitistang rehimen, itakwil", "Manggagawa, magkaisa at lumaban", "Parusahan ang mga magnanakaw sa gobyerno", at "JAIL ALL!" Sa polyeto naman ng BMP ay mababasa ang panawagang "Imbestigahan, Litisin at Ikulong LAHAT ng Kawatan (hindi lang si Pogi, Sexy at Tanda)".

Nagsalita naman sa entablado sina Ricardo "Dick" Penson ng ATIN, Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas, Ka Leody de Guzman ng BMP, at marami pang iba. Nagsiawit naman sina Eli Buendia, Jograd dela Torre, Erwin Puhawan, at iba pa.

Adhika ng mga grupong ito at ng mga naging tagapagsalita na sumapit ang totoong kalayaan ng bayan, kung saan hindi na umiiral ang "Kasaganahan sa Iilan, Kahirapan sa Mamamayan".

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996