Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Lunes, Pebrero 20, 2012

Workers' Demand at Picket before the Supreme Court: DISCLOSE ALL

PRESS RELEASE
February 20, 2012

Workers' Demand at Picket before the Supreme Court:
DISCLOSE ALL

The militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) staged a picket of some 100 workers in front of the Supreme Court today, in response of the heated tirades between Chief Justice Renato Corona and President Noynoy Aquino, to reveal each other's Statement of Assets, Liabilities and Net Worth or SALN.

The protest launched the group's campaign for all government officials, not just the impeached chif justice to "DISCLOSE ALL" bank accounts, including dollar accounts.

"SALN is not enough! We demand the full disclosure of ALL bank records including dollar accounts of ALL government officials, not just Corona," BMP president Leody de Guzman declared.

"If Noynoy and Corona are truly sincere in their calls for transparency and public accountability, we challenge them to disclose their bank records. Also, if genuine democracy exists in our country, the people's right to know should have the primacy over the property rights of individuals," de Guzman concluded.

At the picket, which is the "opening salvo" of the socialist labor group's campaign for political reforms. including reforms in the electoral and justice system, the protesters carried placards that read: "DISCLOSE ALL!", "LAHAT! Di lang si Corona!" and "Lift the TRO!"

Linggo, Pebrero 19, 2012

Labor Campaign: Issues and Demand! Decent Work, Decent Life for All! Ipaglaban!

Labor Campaign: Issues and Demand!
Decent Work, Decent Life for All! Ipaglaban!

Mithiin ng bawat Pilipino ang isang “MARANGAL NA TRABAHO-MARANGAL NA BUHAY (MT-MB)”. Ito ang sumada ng ating nabalangkas na komprehensibong Workers Demand o aksyon-plataporma. Nakapaloob dito ang mga usapin ukol sa: Makataong pagtrato sa paggawa, Seguridad sa trabaho, sahod at benepisyong makakabuhay ng pamilya, karapatan sa pag-oorganisa, sama-samang pakikipagtawaran at pagkilos, usapin ng kawalan ng desenteng tahanan, mga kapatid natin sa industriya sa transportasyon at serbisyo. Usapin sa agrikultura at obligasyon ng ating pamahalaan sa serbisyong panlipunan at hustisya.

Ang Decent Work Agenda ay salig sa pandaigdigang deklarasyon sa karapatang pantao. Ang pundamental na prinsipyong ay nangailangan pang hintayin matapos ang World War ll, para sa pagdidiin noong 1948, para protektahan sa pamamagitan ng pag-adopt ng Freedom of Association Protection of the right to organize, 1948 (ILO Convention No. 87) ng apatnapung (40) bansa na noon ang siyang bumubuo ng kasapian ng ILO.

Ang sumunod na taon ay nakitaan ng pag-adopt sa ikalawang batayang instrumento kaugnay ng Freedon of Associstion na tinawag na, right to organize and collective bargaining, 1949 (ILO Convention No. 98). Ang ng Freedom of Association ay tinakda din sa Universal Declaration of Human Rights of 1948. Ito ay tinangkilik ng iba’t-ibang organisasyong pang-international at ngayon ay nakapaloob sa lahat ng mayor na mga kasulatan hinggil sa karapatang pantao.

Ang Decent Work Agenda na binalangkas ng International Labor Organization noong 1999. Ayon kay Juan Somavia, Director General ng ILO, “Ang pangunahing layunin ng ILO ay isulong ang oportunidad ng mga kababaihan at kalalakihan na makamit ang desente at produktibong paggawa sa kondisyong may kalayaan, pagkakpantay-pantay, seguridad at makataong didgnidad”.

“The primary goal of the ILO today is to promote opportunities for women and men to obtain decent and productive work, in conditions of freedom, equity, security and human dignity.” Juan Somavia, ILO Director-General. In the final outcome statement of the UN World Summit in September 2005, 150 global leaders agreed to place full and productive employment and decent work as a central objective of relevant national and international policies.

Ang mga batayang prinsipyo ukol sa Marangal na Trabaho at Marangal na Buhay ay malinaw na nakasaad sa State Policy on Labor Art. 13, Sec. 3 ng ating 1987 (Peoples Power) Philippines Constitution.

ON LABOR: Art. 13, Section 3: “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and unorganize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “It shall guarantee the rights of all workers to; Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.

“They shall be entitled to; Security of Tenure, Human Conditions of Work and a Living Wage

“They shall; Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits"

“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…

“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing; the right of labor to its just share in the fruits of production, and the rights of enterprise to reasonable return on investment, to expansion, and growth


Panukalang maisabatas ang mga sumusunod:

1. REGULAR NA EMPLEYO, HINDI KONTRAKTWAL AT TANGGALAN!

Rasyunale:

Sa Pilipinas, bago pa man ang P.D. 442 ay umiral na ang “LOC” sa anyo ng “CABO” na pamamaraan. Nalalagay sa P.D. 442 (Art. 106 to Art. 109) ang pahintulot ng job contracting/subcontracting, pero defined ang pagbabawal sa LOC at ibig sabihin ng LOC.

Ang pagpapahintulot sa job contracting at kahulugan at pagbabawal sa labor-only contracting ay nakasaad sa Sections 7, 8 at 9, Rule Vlll, Book lll Implementing Rule ng Art. 106 to 109 ng Labor Code:

Ang Section 7,8,9, Rule VIII, Book III, Implementing Rules ng Art 106-109 ng Labor Code ay inamyendahan ng Department Order No. 10 (DO No. 10) noong Mayo 30, 2001. Ang Department Order No. 10 ay nagpalawig pa sa maraming mga gawain na pinahintulutan na ipa- job contract (permissible), ayon ito sa Section 6. Kung kaya’t ang mga naunang guidelines ng Art. 106 -109 ay lalong pinalawak at pinalala ng Department Order (D,O,) No. 10 na umiral ng halos apat (4) na taon mula noong 1997 to 2001. Ayon sa Section 6 ng DO No.10:

Sa pag-iral ng Department Order No. 10, lumala at lumaganap ang malawakang kontraktuwalisasyon sa paggawa. Lumaganap din ang matinding pagtutol sa D.O. # 10 ng mga organisadong manggagawa. Kaya naobligang bawiin ito ng DOLE Secretary sa pamamagitan ng Department Order No. 3 noong May 8, 2001. Pinanatili ng DO No. 3 ang pagbabawal sa LOC at idinelegate sa Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) ang paggawa ng bagong implementing rules sa Art. 106-109 na kailangan may konsultasyon sa lahat ng kaukulang sektor (partikular sa mga mangagawa at namumuhunan).

Matapos ang mga konsultasyon sa mga manggagawa at namumuhunan, nabuo ng TPIC ang bagong implementing rules sa Article 106-109 ng Labor Code. Kung kaya’t noong Pebrero 21, 2002 inilabas ni Secretary Patricia Sto. Tomas ang Department Order No. 18-02 (DO No. 18-02)

Ang kaibahan ng Sections 7 – 9, Rule Vlll Book lll sa DO # 18-02 ay: Una: Kailangan lamang iparehistro ang mga Manpower Agency sa DOLE. Magreklamo at patunayan na lamang kung LOC nga o hindi ang operasyon ng mga ito. Ikalawa: Kailangan ang Trilateral Relationship in Contracting Arrangements, ibig sabihin, may kontrata sa pagitan ng principal at contractor at kontrata sa pagitan ng kontraktor at kontraktwal na manggagawa. Pangatlo: Maraming mga ipinagbabawal (prohibitions) na nakasaad sa Section 6 ng DO 18-02:

Subalit ang probisyon sa mga prohibitions ay may butas. Kumbaga ibinigay ng kaliwa, kinuha naman ng kanan. Kailangan pang magreklamo, patunayan at husgahan ng Korte kung LOC nga o hindi ang ginagawang operasyon ng kumpanya o Manpower Agency. “Parang ibig sabihin pwedeng magsagawa ang mga kapitalista ng LOC. Huwag lang pahuhuli”. Napalabnaw na ang salitang LOC is prohibited by law. Ayon sa Section 7 ng DO No. 18-02:
Sa pag-iral ng DO 18-02 kasabay din na umiral ang RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs) Act of 2002, which aims to hasten the country's economic development and alleviate poverty by encouraging the formation and growth of BMBEs through the rationalization of bureaucratic requirements, the active support and assistance of government, and the granting of incentives and benefits to generate employment.

“One of the incentives granted to registered BMBEs is exemption from the coverage of the Minimum Wage Law. The Constitution and the Labor Code, however, mandate the State to regulate relations between workers and employers, recognizing the right of labor to its just share in the fruits of production and the right of enterprises to reasonable returns on investments, and to expansion and growth. Guided by this Constitutional provision, the workers and owners of BMBEs are encouraged to set mutually acceptable wage rates in their respective enterprises.”

Ang Art. 25 ng Labor Code = Karapatan ng mga pribadong sector na lumahok sa pagrerekrut at pagpapadala ng mga manggagawa sa abroad at lokal employment. Nagamit din ito ng mga kapitalista para ipalaganap ng kanilang mga Manpower Placement Agency ang LOC.

Pinalala pa ito ng D.O. # 10, at DO # 18-02 ngayon na pinaganda lang sa salita, pero kaya pa din ikutan at lusutan ng mga kapitalista ang LOC, Bawal daw ang LOC pero kailangan muna may magreklamo, patunayan at husgahan ng korte na LOC nga ang operasyon ng kumpanya at mga Manpower Agency’s.

Kung dati ay specific project o short term duration o seasonal employment lamang ang LOC. Sa ngayon laganap na ito sa mga Regular Job at Production Area ng mga kumpanya. Hindi na ginagalang at sinasalaula na ang Art. 280 at Art. 248 ng Labor Code at Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils. Constitution.

Epektibo ding ginamit ng mga kapitalista ang D.O. # 10, 3 at 18-02 hindi lamang para makaiwas sa dagdag na sweldo at benepisyo ng manggagawa, kundi higit sa lahat, mahadlangan ang pagtatayo o pagsapi sa unyon o mga labor association ng mga manggagawa. Hindi na din iginalang ar nagging palamuti na lamang ang Art. 277 (c), Art. 211 ng Labor Code at Art 13, Sec. 3 ng ating 1987 Philippines Constitution.

Sa pag-iral ng mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3) at kasalukuyang DO 18-02 at RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 ay nagresulta ng laganap na diskreminasyon sa pag-empleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa Art. 106, 279, 280 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers. Nawalan na ng saysay ang mga Konstitusyunal at Batayang Karapatan ng mga manggagawa

Dahil dito, dapat at napapanahon ng alisin ang mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3, 18-02 at RA No. 9178) na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 at magsabatas ng klaro at malinaw na Enabling Law sa Art. 280 at Art. 106 ng ating Labor Code.

1. Ibatay sa uri ng trabahong kailangan gampanan ng empleyado ang pagtanggap.
2. Kapag Karaniwan, Natatangi at Kinakailangan sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanang ng isang empleyado, Dapat, Regular na Empleyado ang kategorya niya sa trabaho. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
3. Isagawa ang Quarterly Inspection sa lahat ng mga kumpanya/stablishment ng kinatawan ng DOLE at Leaders ng Organisasyon ng mga manggagawa na Sesertipikahan ng DOLE-Dir. as Inspector.
4. Ganap at walang pasubaling ipagbawal ang LOC. Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalista agency at principal employer na napatunayang nagsasagawa ng LOC. XXX There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.
5. Ang sinumang manggagawa/empleyado na mag-organisa, sumali sa unyon o gumaganap ng union activities ay hindi dapat kasuhan ng employer. Maliban kung may malinaw na kaso ng abandonment of work.. xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be considered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.
6. Gawing tatlong (3) taon na lamang ang kontrata sa CBA at representasyon ng unyon bilang SEBA. At magkaroon ng mandatory RE-CBA Negotiation o Wage Adjustment, batay sa % na itinaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.


2. Karapatan sa tamang pasahod at benepisyo: Living Wage Isabatas. BUWAGIN ANG MGA REGIONAL WAGE BOARD!

Rasyunale:

Noong Dekada 70-80 sa panahon ng Pasistang Diktadurang Marcos (Martial Law), bawal ang mag-unyon at mag-welga, maging ang mga pagtitipon. Gayunpaman, ang paraan ng pagtatakda ng Minimum na pasahod ng mga manggagawang Pilipino ay pambansa ang katangian at saklaw. Sa pamamagitan ng mga Presidential Degree at mga Executive Orders.

Feb. 22-26, 1986, sa pamamagitan ng Peoples Power o Edsa Revolution. Bumagsak ang diktadurang pamahalaan ni Marcos at iniluklok ng Peoples Power si Ginang Cory Aquino. Asawa ng Pinaslang na si Ninoy Aquino. Ideniklarang Provisional Revolutionary Government (PRG) ang pangangasiwa sa bansang Pilipinas.

Upang makabuo ng bagong saligang batas ang PRG, nagpatawag ng Con-Com si Ginang Cory Aquino upang balangkasin ang bagong Kontitusyon at pinagtibay ito sa pamamagitan ng national referendum noong 1987.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagamit ng mga manggagawang pilipino ang konstitusyunal na karapatang sinasaad ng 1987 Philippines Constitution. Upang obligahin ang Kongreso na magsabatas ng dagdag na sahod. Sa pamamagitan ng 5 araw na General. Industrial Strike ng mga manggagawa ng NCR noong 1987, pinagtibay ang Republic Act (R.A.) 6040 na nagtataas ng P25.00 wage increase, nationwide across the board with out ceiling..

Ngunit, noong 1988-1989, sa kasagsagan ng mga Kudeta, naipuslit ng kongreso sa pangunguna ni Ernesto “Boy” Herrera (Secretary General ng TUCP at Congressman) ang kanyang Herrera Law na tinawag na Republic Act. R.A. 6727 at R. A. 6715. Nag-aatas na dagdagan ang minimum wage ng halagang P20.00. Kasabay na isinabatas ang Regionalization wage fixing o wage rationalization Act noong June 9, 1989..

Taong 1989 nagsimula ang mga Regional Wage Board.. 2010 na tayo ngayon. Ibig sabihin halos 21 years ng umiiral ang mga RWB. Pero nasa Wage Order # 14 lamang tayo ngayon sa NCR at ibang rehiyon. Dito sa rehiyon 4-A CALABARZON AREA na halos 65% ng export ng bansa ay narito, highly industrialize, pugad ng mga kompanyang multi-national corporation at trans-national corporation ay nasa P298.00 – P320.00 ang minimum wage. Samantala sa NCR ay P404.00 ang minimum wage.

Malinaw kung gayun na ang mga Wage Order ng mga RWB ay salamangka, hindi lamang layuning bawasan o pababain ang minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t-iban rehiyon, kundi pag-away awayin nito ang mga manggagawa at ilagay nito sa panganib ang seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon at makipag-CBA ng mga manggagawa. Dahil sa pangyayaring ito, naiingganyo ang mga kapitalista na magpalipat lipat ng planta at operasyon kung saang rehiyon ang mas mababa ang minimum wage. Kasabay na palitan ang mga regular nilang empleyado ng mga kontraktwal, para pababain ang sweldo, wasakin ang mga union at bawiin ang mga naipanalo ng CBA ng mga manggagawa. Para masawata at mahadlang ang tahasang ataki sa kilusang paggawa, lutasin ito sa isang: Pagsasabatas ng living wage o sweldong makabubuhay ng pamilya. Tanggalin ang mga Regional Wage Boards at ibigay sa Kongreso ang pagtatakda ng living wage sa buong bansa batay sa consumers price index at daily cost of living.

3. MANDATORY TRUST FUND SA RETIREMENT, GRATUITY/SEPARATION PAY NG MGA MANGGAGAWA. ISABATAS!

Rasyunale:

Marami ng karanasan ang nangyayari na ang retirement benefit, gratuity/separation pay ng mga manggagawa ay nasasakripisyo kapag dumarating sa pagkalugi o pagsasara ng mga kumpanya. Ugali na ng mga kapitalista ang tumakas, takasan ang obligasyon sa kanyang mga manggagawa at gobyerno. Sa kabila na ang mga manggagawa ang araw araw na naghahabi ng makina, lumilikha ng produksyon at nagpalago sa negosyo ng kumpanya. Ang probisyong “Full protection on Labor at Equal share of the fruits of production” sa Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils (Freedom) Constituition ay patay na letra na lamang. Dahil hindi ito natutupad. Tatlumpong (30) taon sa serbisyo ng kumpanya, pero walang nakuhang retirement benefit o separation pay.

Ilang halimbawa dito ang pagsasara ng Philippine Blomming Mills noong 1981. Hanggang sa ngayon walang nakuhang separation pay at retirement benefit ang 3,000 manggagawa. Ang Novelty Phils. Inc na nagsara noong September 28, 2003, mula sa DOLE-NLRC order na P295 milyon ay P20 milyon lamang ang nakuha ng 3,200 manggagawa. Dahil sa ang nabanggit na halaga na lamang ang natira sa mga ari-arian nito. Ang Gelmart Phils. Inc.na nagsara noong Octuber 22, 2006, hanggang sa ngayon ay hindi pa din nakukuha ang halagang P275 milyon para sa 2,600 manggagawa. Ilan lamang ito sa mga pabrika at manggagawang tinakasan ng mga kapitalista na hanggang sa kasalukuyan ay walang hustisya para sa kanila.

Para sa mapagpasyang paglutas nito, Isabatas ang Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista sa Retirement/Gratuity at Separation Pay Benefit ng mga manggagawa/empleyado. Sa mga kumpanya/establishment na tumagal na ng isang (1) taon sa kanilang operation ay agad nang ilagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement, Separation Benefit ng kanyang mga empleyado/manggagawa. Upang hindi na maulit ang mga nabanggit na mga pangyayari sa itaas. Dapat ng lapatan ng mapagpasyang parusa ang mga kapitalistang lalabag dito. Gaya ng: Ang sinumang kapitalista na hindi tutupad nito ay agad na alisan ng prangkisa sa pag-nenegosyo at pagkabilanggo ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon.

Dapat nakalagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement/Gratuity/Separation Pay Benefit ng Manggagawa. May interest. Ayon sa itinatakdang interest rate ng mga bangko. Hindi gagalawin o gagamitin sa operational capital ng kumpanya. Makukuha (iwi-withdraw lamang ito) kapag nagretero na ang empleyado, voluntary retirement, resignation, retrenchment, shutdown, closure na ng kumpanya.

Requirement para makuha ng mga manggagawa: 1) May Employment Certificate. 2) Residential Address Certificate. 3) Valid I.D.


4. UNEMPLOYMENT INSURANCE. ISABATAS!

Rasyunale:

Bago pa man pumutok ang GFC noong 2008 ay uso na ang unemployment insurance o Subsidy program & benefit sa mga manggagawang nawalan ng trabaho o walang trabaho ng mga gobyerno sa maraming mga bansa ng buong mundo. Sa Europe, United States, United Arab Emirets, Latin Amerika at Asya. Dito sa Asya halos Pilipinas na lamang ang walang programa ukol dito. Kung mayroon mang ayudang makukuha ang mga Displaced Workers sa ating pamahalaan ay panandalian, leaf service o pakitang tao lamang ng gobyerno.

Bakit ang ibat-ibang pamahalaan sa iba’t-ibang bansa ay nagpapatupad ng mga programa ukol sa unemployment insurance o subsidy sa mga manggagawang nawalan ng trabaho (Displaced Workers) o walang trabaho? Ayon sa ating pag-aaral, ipinatutupad o ginagawa ito ng kanilang pamahalaan bilang pagtupad sa “social obligation for social justice” ng kanilang pamahalaan. Pakikiisa din ito ng kanilang bansa sa pinagtibay na resolution ng International Labor Conference (ILO) Geneva Convention. Salig sa four pillar ng Decent Work Agenda ng ILO.

“Crisis, Having received the proposal made by the Conference Committee of the Whole on Crisis Reponses, Considering the important role that the Governing Body and the International Labour Office have in the implementation of resolutions adopted by the Conference, Having in mind the Decent Work Agenda and the Declaration on Social Justice for a Fair Globalization as ways of dealing with the social dimension of globalization, adopts, this......... day of June of the year two thousand and nine, the following resolution”.

Dahil dito, kung gayun; napapanahon ng mapagpasyang lutasin ng ating pamahalaan at mga kapitalista ang krisis na mismong likha nila, Napapanahon ng magsabatas ng UNEMPLOYMENT INSURANCE at konkretong programa ukol sa empleyo ang ating pamahalaan. Bilang panimulang solusyon ng ating pamahalaan sa patuloy na pagdami ng walang hanap buhay at kahirapan ng milyon milyon nating manggagawa at kababayan. UNEMPLOYMENT INSURANCE. ISABATAS NGAYON NA!

Ang benefit na makukuha: Ay katumbas ng Daily Minimum Wage

Covered Term of Benefit: Tatamasahin niya ito hanggang sa siya’y makakuha ng katumbas na empleyo.

Re-employment: Tutulungan siya ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Gaya ng DOLE, TESDA, POEA, NEDA, RTIPCs, LGUs na makahanap ng panibagong empleyo.

Requirment for availment: 1) May Employment Certificate. 2) Residential (Address) Certificate. 3) Valid I.D.

Penalty sa Lalabag: Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalistang lalabag dito.

Huwebes, Enero 19, 2012

Ang "Monologo ng Manggagawa" ni Roberto "Bobet" Mendoza

ANG "MONOLOGO NG MANGGAGAWA" NI ROBERTO "BOBET" MENDOZA

ni Gregorio V. Bituin Jr.


Mapalad ako't nabili ko sa halagang P100 lamang ang aklat na "BANGON: Antolohiya ng mga Dulang Mapanghimagsik" na sale sa UP Press Bookstore noong Disyembre 14, 2007. Ang nasabing aklat ay binubuo ng 760-pahina, at may sukat na 7" ang lapad at 10" ang taas. Sa kapal na ito'y baka mahigit P500 ito sa iba pang bookstore. Buti na lamang at natsambahan kong nagbaratilyo ng libro ang UP Press Bookstore na nasa unang palapag ng Balay Kalinaw sa UP Diliman.


Klasik ang librong ito at collector's item na kung tutuusin, dahil ito'y katipunan ng mga dulang nilikha mismo ng mga manggagawa mula sa pabrika, mga dulang tinipon sa loob ng tatlong dekadang singkad, mula 1967 hanggang 1997. Inilathala ang aklat na ito ng Office of Research Coordination ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod ng Quezon noong 1998, kung saan ang mga patnugot ng aklat na ito'y sina Glecy C. Atienza, national artist for literature Bienvenido L. Lumbera, at Galileo S. Zafra.


Nang makita ito ni Apo Chua, isang UP professor, awtor ng libro at tagapayo ng Teatro Pabrika, tinanong agad niya sa akin kung nabasa ko na sa librong ito ang tula ni Bobet Mendoza, na isang kasapi rin ng Teatro Pabrika. Ang sabi ko'y hindi pa, at itinuro niya sa akin ang "Monologo ng Manggagawa" sa mahabang dulang "Kuwatro Kantos", na mula pahina 559 hanggang 606. Sinabi niyang basahin ko raw ang tulang ito ni Bobet Mendoza at magugustuhan ko. Kung gayon, si Bobet Mendoza ang tinutukoy sa pambungad ng dulang "Kuwatro Kantos" kung saan nakasulat: "Ang mahabang "Monologo ng Manggagawa" sa dulo ng unang eksena ay nakabatay sa monologo na laging itinatanghal noon ng isang naunang miyembro ng Tanghalang Silangan." Matatagpuan ang nasabing tula sa pahina 575-579 ng nasabing aklat. Matagal ko na ring nakilala si Bobet Mendoza dahil isa siya sa mga mang-aawit at naggigitara para sa Teatro Pabrika, na siya ring grupong pangkultura ng sosyalistang organisasyon at pampulitikang sentro ng uring manggagawa, ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).


Gayunpaman, sa aklat ay walang eksaktong nakalagay kung sino ang tiyak na may-akda ng mahabang tulang "Monologo ng Manggagawa" at tanging ang may awtor ay yaong buong dulang "Kuwatro Kantos" na nakasulat sa pambungad: "Sinulat ito nina Glecy Atienza, Roberto Mendoza at ng Teatro Pabrika Writers' Pool."


Isang trahedya ang tula, na nang dahil sa kahirapan sa lalawigan ay pinangarap ng isang karaniwang tao na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, ngunit lagim ang kanyang sinapit sa huli.


Nagsimula ang tula sa paglisan ng manggagawa sa kanilang lalawigan upang magtrabaho sa Maynilang anya'y nakararahuyo. Lumuwas siya ng Maynila't nahanap ang barungbarong na tahanan ng kanyang Nana Sela. Naghanap siya ng trabaho't nakapasok sa pabrika ng pakain sa hayop, ngunit umalis din upang mapasok naman sa isang pabrika ng sapatos. Naging kasapi siya ng unyon at naging aktibo sa mga gawain doon, dahil naniniwala siyang dapat maging makatarungan ang kapitalista sa ibinibigay na sahod at benepisyo sa manggagawa. Hanggang kumilos na rin siya sa labas ng pabrika upang organisahin ang iba pang manggagawa. Ngunit naging mainit siya sa mga kapitalista.


Papauwi na ang manggagawang iyon mula sa isang pagpupulong nang hinablot siya ng kung sinong mga buhong at ipinasok sa sasakyan. Dinala sa isang talahiban, at doon naalala ng manggagawa ang iniwan niyang lalawigan pati na mga magulang at kapatid na naghihintay. Ngunit iyon na pala ang kanyang katapusan.


Tinortyur siya ng mga kumuha sa kanya hanggang siya'y pinatakbong pilit. Tumalima naman siya sa pag-aakalang siya'y makakatakas. Ngunit paano niya matatakasan ang putok ng baril? Sa huling hibla ng kanyang hininga'y umaasa siyang sana'y may magpatuloy pa ng kanyang marangal na adhikain para sa mga manggagawa.


Napakaganda ng salaysay ni Mendoza, at sinuman ang makababasa nito, sa wari ko'y maghihimagsik dahil sa kawalang katarungang sinapit ng manggagawa. Maganda ang pagkakahawak ni Mendoza sa tugma't sukat. Apat na taludtod ang bawat saknong, habang lalabing-apatin ang pantig ng bawat taludtod, bagamat di siya naging masinsin sa pagtiyak ng sesura o hati sa gitna ng tula, na dapat ay may hati sa ikapitong pantig, na sa kabuuan ng tula'y di sumusunod sa ganito. Gayunpaman, di na ito gaano pang mapapansin ng mga mambabasang di pamilyar sa batas ng tugma't sukat, at di na rin papansinin ng sinumang makikinig o manonood sa monologo, dahil sa mas mapapansin nila ang indayog at emosyon ng pagkakasalaysay ng tula.


Isang taas-noo at taas-kamaong pagbati ang iniaalay ko sa makatang ito ng uring manggagawa. Sadyang kalulugdan siya at maoorganisa niya ang mga unyonista't karaniwang manggagawa sa tula niyang ito. Mabuhay ka, kasamang Bobet!


Halina't ating namnamin ang kabuuan ng 34-saknong na tula.



MONOLOGO NG MANGGAGAWA

ni Roberto "Bobet" Mendoza, Teatro Pabrika


Naging balon ng luha mga mata ni Inang;

Kalungkuta'y bakas naman sa mukha ni Tatang;

Maliliit kong kapatid ay nakatingin lang,

Habang ako sa kanila ay nagpapaalam.


Masakit sa loob kong sa kanila'y malayo

Ngunit mga pangarap ko'y di dapat maglaho

Buo ang paniniwalang ito'y matatamo,

Sa Maynilang kilala at nakararahuyo.


Ako nga ay lumisan sa aming lalawigan;

Ang trabahong bukid ay akin nang iiwanan;

At maging si Tatang ay di na mananakahan;

Buong pamilya’y hahanguin sa kahirapan.


Sa barko pa lamang ay di na ‘ko mapakali;

Kinakab’han dahil ‘di alam ang mangyayari;

Kahit may pananabik takot ang nakakubli;

Sa likod ng pag-asa’t pangako sa sarili.


Sa wakas, sa wakas narating ko ang Maynila;

Punong-puno ng tao kahit saan luminga;

Sa sari-saring amoy ikaw ay magsasawa;

Kaya kailangan ay matibay na sikmura.


Agad kong hinanap ang lugar na tutuluyan

Na ibinilin sa akin ng pinsan ni Tatang;

Nagtanong-tanong pa ako sa kung saan-saan;

Sa tsuper, sa pulis, mga tambay sa tindahan.


Sa pinagtatanunga’y aking ipinakita

Ang tangan kong papel iniwan ni Nana Ella

Na nagsasaad kung saan siya nakatira

Kung kaya’t narating, makipot na eskinita.


Nakakakaba ang makitid na daraanan

Dikit-dikit ang bahay halos walang pagitan

Mga tagarito sa aki’y nagtitinginan

Lalo na ang mga lalaking nag-iinuman.


Naglakas-loob akong huwag na lang pansinin,

At sa halip ay nagtuon sa dapat marating

‘Di pa nagtatagal, may kumakaway sa akin

Ang Nana ko palang sa tuwa’y halos magbitin.


Sinalubong ko siya ng ngiti’t pagtataka;

Dahil ang asa ko, ang bahay niya’y maganda

Ngunit ang katotohana’y barung-barong pala

At ito’y nasa tabi ng bundok ng basura.


Matamang minasdan ko ang aking Nana Ella

Ibang-iba siya noong huli kong makita

Kumikinang sa alahas, todo ang pustura

Ngayo’y mukhang ginahasa ng kabayong mola.


Ano pa ba’ng magagawa kundi ang tumigil

Sa paligid na ito na nakahihilahil

Taglay ang pag-asa at walang makakapigil

Na hinding-hindi na muling sa bukid hihimpil.


Hindi nagtagal ako’y naghanap ng trabaho

Pinupuntahan ang mga anunsyo sa dyaryo

Binabasang lahat, paskil na madaanan ko

Ngunit iisang sagot: “Walang bakante dito.”


Tanggapin na nyo ako’t marami akong alam

Sanay ako sa hirap, ang lakas ko’y kay inam;

Maghalo man ng semento, magpukpok, magkatam

Gagawin ko’ng lahat, ‘wag lang tiyan ko’y kumalam.


Dahil sa ‘king kakulitan, ako ay natanggap

Sa pabrika ng feeds ako’y naging tagabuhat

Ngunit anong malas, ako’y pinantal, sinugat

Ngunit naranasan ko ang kakaibang hirap.


Hinintay ko na lamang ang maliit kong sweldo;

Upang makapagpagamot kahit papaano

Ngunit ang takdang araw upang makuha ito

Sadyang pagkatagal-tagal at pabagu-bago.


Sa pangyayaring ito’y di na nga nakatiis

Nilapitan ang bisor at nagtanong kung bakit?

‘Wag daw akong magreklamo’t bawal ang makulit

Kaya’t sa trabaho, agad akong pinaalis.


Kaya ako ay muling naghanap ng trabaho

Sa pabrika ng sapatos, na-regular ako

At dito’y agad akong naging isang miyembro

Ng unyong di ko malaman ang layuning gusto.


Hindi nagtagal at akin nang naunawaan

Ang unyon pala’y para sa aming karapatan

Sahod at benepisyo’y dapat makatarungan

Makakamit lamang ito kung ipaglalaban.


Sa gawaing pag-unyon ako’y naging aktibo

Unti-unting nasasagot ang mga tanong ko

Nalaman ang dahilan maging ang puno’t dulo

Ng lahat ng kaapihan sa lipunang ito.


Ang pagsasamantala ang ugat ng problema

Nang aking matuklasan ay agad na nagpasya

Na kumilos nang lubos di lamang sa pabrika

Sa labas ma’y kaydaming dapat iorganisa.


Naging matagumpay ang aking mga gawain

Sa mga pagawaan ay nagpasalin-salin

Hangad ang pag-uunyo’y lalong pag-ibayuhin;

Buo ang hangaring ang kalayaan ay kamtin.


Sa mga kapitalista ako ay uminit

Mayr’ong nakikiusap at mayr’ong nangungulit,

Mayr’on ding nanunuhol at nananakot pilit

Pag ‘di daw ako tumigil ako’y ililigpit.


Dahil sa batid kong ako ay nasa matuwid

Hindi ako natinag at ni hindi nanginig

Ako’y naniniwala na nasa aking panig

Ang katarungang sa manggagawa’y aking hatid.


Papauwi na ako mula sa aming pulong

Ang lansanga’y mala-dagat noong gabing iyon

Sa tubig-ula’t putik, swelas ko’y bumabaon,

Nang biglang sa aki’y may sasakyang sumalubong.


Hinablot agad ako’t inginudngod sa putik

Ng mga lulan nitong pawang mababalasik

Tinadyakan ako at namilipit sa sakit,

Ulirat ko’y nawala’t lubusang natahimik.


Nang ako’y magising sa silya na’y nakatali

Sa madilim na silid na hindi ko mawari

Kahit anong isip ko’y iisa’ng sumasagi

Nasa bahay akong kalupita’y naghahari.


Umilaw ang bombilya sa may aking ulunan

At mayro’ng pumasok na di ko maaninawan

Paglapit sa akin, ako ay sinikmuraan

Sinampal, pinaso, kinalikot ang katawan.


Ang bawat parusang iginagawad sa akin

Ng mga dyablong itong lubhang mapang-alipin

May kasamang katanungang dapat kong sagutin,

Sumagot ka’t hindi ay tatamaan ka pa rin.


“Di ba ikaw ay rebelde’t isang subersibo?”

“Hindi! Wala akong alam!” ang laging sagot ko

Sila ay lalong bumangis at sinila ako

Kaya’t ako’y nawalang muli ng malay-tao.


Muli akong nagising sa kaibang paligid

Malawak na lupaing mayro’ng mga talahib

Para bang ako ay nagbalik sa aming bukid

Hinihintay ng magulang at mga kapatid.


Ako ay kinalagan ng mga mapandahas

Pinatakbo ako kahit na magkandadulas

Gawin ko raw ito kung nais kong makaligtas

Baka sakaling sa bala ako’y makaiwas.


Tumalima ako at tumakbo papalayo

‘Di pa nagtatagal at sumunod na ang punglo

Ang damo at talahib ay dinilig ng dugo

Payak at bagong pangarap, ngayo’y naglalaho.


Sa ‘king paghalik at pagyakap dito sa lupa

Sana’y may magpatuloy nitong aking nagawa

Ang paglingkuran at mahalin ang ating kapwa

Uri at Inang Baya’y ganap na mapalaya.

Martes, Disyembre 27, 2011

News Release - Aboitiz Power Workers Picket against Corporate Greed and CBA Deadlock

NEWS RELEASE
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
December 27, 2011

Aboitiz Power Workers Picket
against Corporate Greed and CBA Deadlock

HUNDREDS of protesters from the union of Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) and their supporters picketed the Aboitiz Corporate Center in Legazpi Street to demand the immediate resolution of collective negotiations.

The AMEU-BMP union said, “Our proposal is justified not only by industry standards – based on the current wages and benefits enjoyed by Chevron/CBK and Kephilco employees. More so, our economic demands are but 1.37% of the company’s projected income of P23.22 Billion for three years”.

“With the breakdown in collective bargaining negotiations, it is self-evident that the union must exercise its right to concerted action – and prepare to strike – if the management persists in prioritizing profit over the welfare of their employees. No to corporate greed!” the union declared.

The protesters assembled around 9:00 a.m. in front of the Makati Fire Station. They also attempted to set up camp at the Aboitiz Corporate Center in solidarity with the global “occupy movement” against corporate greed. #

Huwebes, Disyembre 15, 2011

Totoong Reporma para sa Masa, Hindi Telenobela ng mga Elitista

PAHAYAG
December 15, 2011
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Totoong Reporma para sa Masa,
Hindi Telenobela ng mga Elitista

Sa nagdaang mga araw, napakabilis ng mga pagdedesisyon ng iba't ibang sangay ng gobyerno sa alitan ng magkakabanggang paksyon ng mga elitista sa bansa.

Ang impeachment ni Corona (sa isang kumpas ni P-Noy, nagkandandarapa ang Kongreso at tuluyang naihain sa Senado ang Articles of Impeachment laban sa punong mahistrado).

Ang hospital arrest ni Gloria Arroyo (sa pagkontra-agos ng DOJ sa TRO ng Korte Suprema at paghain ng DOJ-Comelec ng kasong electoral sabotage sa Pasay-RTC).

Ang kasunod nitong pagsuko ni dating Comelec Commissioner Abalos para harapin ang katulad na kaso.

At ang kautusan ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magbubukid ang natitirang lupain ng Hacienda Luisita.

Isang kagila-gilalas na pagsapraktika ng "political will" ng rehimeng P-Noy! Pero para saan? Para gumanti sa kanilang karibal na paksyon sa pulitika! Para konsolidahin ang kontrol ng pangkating Aquino sa estado poder!

Ang tanong: Ang mga naganap bang mga "mapangahas" na desisyon ay may nagawang pagbabago sa pang araw-araw na buhay ng masang Pilipino laluna sa uring manggagawa? Wala!

Kahit kaunti ay walang maidadagdag ang mga "kagila-gilas na pangyayaring ito" sa noche buena ng mga ordinaryong Pilipino sa darating na kapaskuhan!

Wag silang magpalusot (laluna na si P-Noy at Partido Liberal) na ang mga nangyayaring ito ay "paglilinis" ng pulitika bago malasap ng taumbayan ang mga pagbabago sa kanilang kabuhayan. Hindi kami ipinanganak kahapon!

Dahil ba sa mga kaganapang ito ay napigilan (kahit bahagya) ang korapsyon sa kaban ng bayan? Nalinis na ba nito ang sistemang elektoral na pinaghaharian ng "guns, goons and gold"? Hindi! Sinumang sumagot ng "oo" sa mga katanungang ito ay isang tanga o isang sagad-sagaring sinungaling.

Hinahamon ng manggagawa ang rehimeng Aquino: Kaya naman palang bumilis ang mga proseso sa pagdedesisyon sa gobyerno. Bakit hindi niyo ginagamit ang "political will" sa mga repormang para sa taumbayan?

Nasaan ang mayorya ng Kongreso upang isabatas ang dagdag na sahod at depensahan ang regular na trabaho sa salot ng kontraktwalisasyon? Bakit sa mga hinaing ng taumbayan - halimbawa, sa regulasyon sa presyo ng langis - ang parating sagot ng Palasyo ay kailangan muna itong mag-"review"?

Ang kasalukuyang mga pangyayari sa pulitika ay isang nakakasawa nang telenobela para sa masang manggagawa. Hindi ito kalutasan sa aming problema. Kaya lalong huwag nilang asahang maaliw kami sa gasgas na palabas na ito at makalimutan ang aming mga sikmurang kumakalam.

The Filipino people’s Christmas wishlist: Genuine Reform for the Masses, Not a Telenovela of the Elite

PRESS STATEMENT
December 15, 2011
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

The Filipino people’s Christmas wishlist:
Genuine Reform for the Masses, Not a Telenovela of the Elite

As of late, there has been a blitzkrieg of decisions from various branches of government spurred by the infighting among rival factions of the elite.

The impeachment of Corona; The hospital arrest of Arroyo; The detention of Abalos; The court order for the redistribution of Hacienda Luisita; All seemingly sudden events in a “war of attrition and quick decision” by the contending camps of elitist politics.

A swift and passionate display of “political will” by the Aquino regime! But does this audacity truly reflect the people’s will? No. Because this is but an offensive against P-Noy’s political rivals in order to consolidate his control of the state.

These recent events did not ease the daily yoke of poverty and misery borne by the majority of Filipinos – particularly the workers and the poor. Though they are glaring enough to earn their space in the headlines, these incidents are irrelevant to a people facing a bleaker Christmas due to lower pay, higher prices, irregular jobs and massive unemployment.

While P-Noy and his cohorts may reason that these attempts for a “cleansing of government” would eventually lead to the betterment in the lives of the people. We contend that this anti-Arroyo offensive by the Aquino administration has changed nothing in the modus operandi of corruption to the nation’s coffers and perpetuation of “guns, goons and gold” in our electoral system. Whoever believes in P-Noy’s alibi is either an innocent fool or a downright compulsive liar!

The BMP challenges the Aquino regime: Use your “political will” to expedite the passage of pro-poor, pro-worker reforms inasmuch as the Executive has turned the levers to accelerate the impeachment of chief justice Corona. Where is the Congress majority to enact a hike in wages, to defend regular jobs from the scourge of contractualization?

The administration has been blamed for being so “hasty” and “arbitrary” in its maneuvers against Arroyo. But on gut issues that affect the poor and assail corporate interests – such as the oil deregulation law – the Palace has always been too cautious, with Lacierda sounding like a broken record on the “need to review in order to balance all interests”.

To the workers, these latest political incidents are episodes of a tasteless telenovela of elite infighting. Not only do they not address the gut issues of the people. More so, they are not entertaining enough for us to forget our grumbling stomachs. We demand genuine reform!

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996