Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Lunes, Pebrero 22, 2010

Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay - BMP-ST

Sumama sa pagbabago...
SA 2010 ELECTION: TAUMBAYAN NAMAN!
mula sa BMP-ST

Simula ng mauso ang eleksyon, ang laging tema ng halalan sa bansa ay pagalingan ng mga plataporma o pangako ng mga kandidato.

Lahat ay nagpapahayag ng mga programa o plataporma ukol sa kaunlaran ng bansa, mabuting pamamahala, katarungang panlipunan, matapat na serbisyo, pagpuksa sa korapsyon, peace and order, trabaho at kabuhayan, edukasyon, kalusugan, pangangalaga sa kapaligiran, pagpawi ng kahirapan, paggalang sa demokrasya at karapatang pantao, pangangalaga sa mga OFWs, murang pabahay at marami pang iba. Kulang na lang ipangako pati ang langit. May sumpaan at pirmahan pa ukol sa malinis at mapayapang halalan.

Subalit ating pansinin, hindi ba't paulit-ulit na lamang ang mga pangakong ito, recycled, parang ukay-ukay. Nagpapalitan lang ng mukha at posisyon ang mga nanunungkulan, habang ang taumbayan ay patuloy na bigo sa mga inaasahang pangako.

Hanggang kailan tayo aasa? Hindi ba't kalabisan na ang mahigit limampung (50) taon na ipinaubaya natin sa mga pulitiko ang kinabukasan ng ating pamilya? Hindi ba't ang mga recycled nilang pangako ang mismong patunay sa bulok na sistema ng halalan at pamamahala sa bansa? Na kung saan, sakalakhan, angkarapatang bumoto ay katumbas lamang ng kalayaang pumili kung sinu-sino ang susunod na magpapasasa sa kapangyarihan.

Ngayong 2010 election, wakasan na natin ang pasibong partisipasyon ng taumbayan sa halalan na tagapanood lamang ng mga patalastas o meeting-de-avance! Yamang ang boto ng taumbayan ang basehan kung sinu-sino ang pupwesto sa gobyerno, kung gayon, ang karapatang bumoto ay mabisang sandata't kapangyarihan upang itadhana ang mga programa't plataporma na dapat isakatuparan ng mga kandidato, sinuman sa kanila ang iproklama ng Comelec.

Panahon na upang itanghal sa entablado ng pulitika ang landas sa tunay na pagbabago tungo sa kapalaran ng bawat tao; ng mga manggagawa sa pribado at gobyerno, magsasaka't magbubukid, mangingisda, manggagawa sa transportasyon, guro at mga propesyunal, vendors, OFWs, kabataan at estudyante, kababaihan, senior citizens, mga disabled, mga unemployed, at higit sa lahat, ng susunod na henerasyon - walang iba kundi ang ating mga anak at apo. Paano ito maisasagawa? Organisahin ang ating mga sarili, bawat isa, lahat tayo, batay sa isang mithiin, sa isang programa't plataporma!

Mithiin ng bawat Pilipino ang isang MARANGAL NA TRABAHO - MARANGAL NA BUHAY (MT-MB). Ito ang sumada ng ating programaoaksyon-platapormabilang mandatong igagawad sa mga nag-aambisyong manungkulan sa gobyerno, mula sa pambansa hanggang sa lokal na pamahalaan. Ito ang ating panuntunan sa 2010 Election at sa mga susunod pang halalan hanggang sa ganap na umiral ang MT-MB para sa lahat.

Ano ang Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay?

Ito ay halaw sa Decent Wok Agenda na binalangkas ngInternational Labor Organization noong 1999. Ayon kay Juan Somavia, Director General ng ILO, Ang pangunahing layunin ng ILO ay isulong ang oportunidad ng mga kababaihan at kalalakihan na makamit ang desente at produktibong paggawa sakondisyong may kalayaan, pagkakapantay-pantay, seguridad at makataong dignidad.

Ang Decent Work Agenda ay masusuma sa apat na estratehikong layunin (o Four Pillars):
1. Maisakatuparan ang mga batayang prinsipyo at karapatan sa paggawa at internasyunal na pamantayan sa paggawa (international labor standards);
2. Sapat na oportunidad sa empleyo at kita;
3. Mapairal ang panlipunang potekyon at panlipunang seguridad;
4. Maisapraktika ang panlipunang diyalogo at tripartismo.

Sumasaklawang mga layuning ito sa lahat ng tao, manggagawa, lalaki man o babae, nasa pormal o impormal na ekonomya, sahuran man o sariling paggawa; nasa bukid, pabrika o opisina; nasa kanilang mga tahanan, o nasa komunidad.

Nakapaloob din ito sa Phil. National Action Plan for Decent Work (2002-2005) na siya ring pinaghalawan ng League of Municipalities of the Phil., League of Provinces of the Phils., at Union of Local Authorities of the Phil. upang isanib ang Decent Work Agenda sa kanilang local development plans.

Sa diwa, ang Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay ay hindi nalalayo sa mga pangako o plataporma ng mga pulitiko.

Ngayong 2010 election, ibubukas natin sa mga pulitiko ang Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay bilang aksyon-plataporma ng taumbayan. Kung sinsero sila sa kanilang mga ipinapangako, hahamunin natin silang isulat sa kanilang plataporma ang mga ispesipikong programa na magsusulong ng Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay sa kanilang constituents.

Sa panimulang yugto, ang mga aksyon-plataporma ng MT-MB ay ang mga sumusunod:
1. Tuloy-tuloy na paglikha ng mga trabaho at kabuhayan hanggang mapawi ang karukhaan.
2. Pagsasakatuparan ng sahod na nakabubuhay (family living wage)
3.Pagsasakatuparan ng regular na empleyo (Art. 280, Labor Code) at seguridad sa trabaho.
4. Ganap at walang pasubaling pagbabawal sa Labor Only Contracting (LOC) na may kaukulang kaparusahan na pagkabilanggo, multa at kabayaran sa mga biktima.
5. Ganap na kalayaan at karapatan sa pag-oorganisa, pagtatayo ng mga samahan at pakikipagtawaran ng mga manggagawa sa industriya, agrikultura, serbisyo at gobyerno.
6.Ipatupad ng walang pasubali ang International at Philippine Labor Standards. Kriminalisasyon sa may paglabag.
7. Isabatas ang profit sharing.
8. Isabatas ang mandatory Trust Fund sa retirement, gratuity pay at separation pay para sa lahat ng manggagawa.
9. Isabatas ang Unemployment Insurance.
10. Isabatas ang anim na oras at anim na araw na paggawa sa isang linggo (6 hours work a day at 6 days work a week) nang walang kabawasan sa sahod at benpisyo, nang sa gayo'y dumami ang oportunidad sa empleyo.
11. Sapat na proyektong pangkabuhayan para sa mga informal sectors.
12. Isakatuparan ang pondo ng LGUs para sa Gender at Development programs.
13. Paunlarin at palawakin ang mga bnepisyo at oportunidad para sa mga senior citizens at disabled persons.
14. Palawakin ang programa at laanan ng sapat na pondo ang libreng edukasyon at serbisyong medikal para sa mga mahihirap.
15. Isakatuparan ang 10% discount sa presyo ng gasolina, krudo, spare parts at langis para sa mga drivers ng tricycle,jeepney at taxi.
16. Abot-kayang pabahay sa mga maralita.
17. Ligtas na relokasyon, sapat na serbisyo at kabuhayan sa mga pamilyang naninirahan sa mga danger zones.
18. Isakatuparan ang demokratikong partisipasyon ng mamamayan sa pagtatakda at pagpapasya sa mga programa, proyekto at taunang budget ng lokal na pamahalaan.
19. Ipatupad ang sektoral na representasyon ng mga marginalized sectors sa Lokal na Sanggunian ng bawat lokal na pamahalaan.
20. Itayo ang People's Council bilang katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng programa sa pagkakamit ngMT-MB.

Ang mga ito ay panimula lamang, bukas sa pagbabago at pagpapaunlad habang patuloy na isinusulong. Ang tagumpay ng Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay ay hindi madaling kamtin. Ito ay pangunahing nakasalalay sa dalawang elemento. Una ay ang pagluluklok ng mga kaagapay na lingkod-bayan na tapat at sinsero sa platapormang ito. Ikalawa ay ang patuloy na paglaganap at paglawak ng mamamayan na nakikiisa't naninindigan sa ikatatagumpay nito. Kapag sa bawat bayan at lungsod ay naabot na ang mayoryang bilangng mamamayan na nakikiisa sa Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay, kung sa bawat pabrika, komunidad, tahanan, eskwelahan, palengke, bukirin at lansangan ay nakapundar na ang kilusan para sa MT-MB, hindi na mahirap kamtin ang unang elemento.

Tungo rito, simulan natin ang unang halbang. Itatag ang kilusan ng taumbayan para sa Marangal na Trabaho - Marangal na Buhay! Ipundar ang mga grupo o cells ng MT-MB sa ating mga lugar ng trabaho, hanapbuhay at paninirahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996