Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Hunyo 10, 2014

Sigaw ng manggagawa: "NLRC Chairman Nograles, mag-resign ka na!"


SIGAW NG MANGGAGAWA: "NLRC CHAIRMAN NOGRALES, MAG-RESIGN KA NA!"

Hunyo 10, 2014 - Inilunsad ng iba't ibang grupo ng manggagawa, sa pangunguna ng grupong Workers Coalition Against Corruption, ang panawagang pagpapatalsik kay Commissioner Gerardo C. Nograles ng National Labor Relations Commission (NLRC), kaninang umaga sa harap ng tanggapan ng NLRC sa Banaue St., Lungsod Quezon.

Inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pambansang awit na "Lupang Sinira", sunod ay ang awiting "Internasyunal" na pinangunahan ng grupong ChopSuey, kung saan nagtaas ng kaliwang kamao ang mga dumalo.

Ayon sa mga manggagawa, ang NLRC ay naging kalakalan na at katayan ng kaso ng mga manggagawa. Ibig sabihin, hindi talaga naglilingkod sa mga manggagawa ang ahensyang ito, bagkus ay natatalo pa ang mga dapat sanang panalo na ng manggagawa. Halimbawa na lang ay ang mga tinanggal dahil sa unfair labor practice. Dapat ibalik ang mga manggagawa, ngunit hindi sila nakakabalik, at hindi pa nababayaran. Sinabi pa nila, batay na rin sa mga plakard, na pinaka-corrupt na labor arbiters ng NLRC-NCR sina Arbiter Pablo Gajardo at Arbiter Enrique Flores.

Nagsalita sa entablado ang iba't ibang lider manggagawa mula sa Workers Coalition Against Corruption, lider ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), pangulo ng unyon ng Manila Plastic, pangulo ng unyon ng Digitel,  pati na si Atty. Jimmy Miralles at Atty. Paguio.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

3 komento:

  1. PANGULONG NOYNOY MGA APPOINTED NA TAGA NLRC COMMISIONER NA KAMPI SA MGA MAYAYAMANG KUMPANYA NA NAGPAPABAYAD SANA ITUWID NA NINYO ANG KANILANG MGA GAWA!
    NOW NA!

    TumugonBurahin
  2. President Pnoy alisin nyo po sa pwesto si Arbiter Pablo Gajardo. Alam ko nabayaran sya ng kumpanyang kinasuhan ko. Umabot ang kaso ko ng mahigit 1 taon ni minsan di man lang sya umaattend sa hearing session kundi ang kanyang secretary. Nasa appeal na ngayon ang kaso ko kasi infavor siya sa kumpanya ko.

    TumugonBurahin
  3. President Pnoy sana maimbistigahan si Arbiter Pablo Gajardo. Ni minsan di siya umaattend ng hearing at umabot pa ng mahigit isang taon ang decision at itoy in favor pa sa kumpanyang aking kinakasuhan. Tama nga ang hinala ko na isa siyang corrupt at nabili ang kaso ko. Ngayon ang kaso ko ay naraffle kay Commissioner Mercedes Lacap, praying na sna manalo ako sa appeal case ko.

    TumugonBurahin


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996