Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Enero 26, 2018

RCAM-AMLC Solidarity Message to 8th BMP National Congress

Enero 23, 2018

Pagbati ng kapayapaan mula sa Roman Catholic Archdiocese of Manila - Archdiocesan Ministry for Labor Concerns (RCAM-AMLC). Nagpapasalamat kami dahil may mga organisasyon na katulad ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, na pumapanig sa mga maliliit at nagtataguyod ng karapatan, kabuhayan at kagalingan ng mga manggagawa.

Tandaan natin na si Kristo, noong Siya ay pumasok sa kasaysayan ng tao, Siya ay pumanig hindi sa matataas, hindi sa makapangyarihan, lalo't higit hindi sa mapagsamantala, kundi sa mga inaapi at pinagsasamantalahan. Ang mensahe ng ating Panginoon ay pag-ibig, kapayapaan at hustisya. Ito mismo ang inyong ginagawa - ang pag-ibig sa kapwa. Sapagkat hindi ninyo makakayanan ang hirap, sakripisyo at mga hamon kung hindi ninyo minamahal ang mga manggagawa.

Kaya kami ay bumabato at nakikiisa sa inyong pagdiriwang ng Ikawalong Pambansang Kongreso. Kasama ninyo kami sa pagpapanday ng isang lipunan na kakalingan sa lahat ng tao, hindi lamang sa mga mayayaman. Sapagkat ang kalikasan, at ang mga produkto ng inyong lakas-paggawa ay marapat na pakinabangan ng lahat, dahil lahat tayo ay may karapatan sa mayamang regalo ng Panginoon sa Kaniyang mga anak.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong mga nasimulan. Dahil ito ay matuwid at makatuwiran. At ito ay nag-aambag ng malaki sa ating pagsusumikap na itatag ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa.

Dalangin namin ang inyong ligtas na paglalakbay at pagdadaos ng inyong Kongreso. Patnubayan kayo nawa ng ating Panginoong Hesukristo!

Mabuhay kayo.

Mabuhay ang Uring Manggagawa.

(Sgd.)
REV. FR. ENRICO MARTIN F. ADOVISO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996