Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Lunes, Enero 29, 2018

UPAC Solidarity Message to 8th BMP National Congress


MENSAHE NG PAGBATI NG UNION PRESIDENTS AGAINST CONTRACTUALIZATION (UPAC)
SA IKA-8 PAMBANSANG KONGRESO NG BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)

Malugod naming ipinapaabot ang maalab na pagbati at agpupugay sa lahat ng mga kasapi at bumubuo ng BMP sa okasyong ito ng inyong ika-8 pambansang kongreso. Sa tema na magsisilbing direksyon sa susunod na tatlong taon ng inyong pagsulong sa ilalim ng mga mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga manggagawang Pilipino ay asahan ninyong kaisa ninyo kami sa ultimong layuning ipuwesto ang manggagawa sa unahan ng laban para sa kagalingan at interes ng bayan.

Hindi membro ng BMP ang UPAC. Hindi delegado ang UPAC sa mahalagang okasyong ito. Ganunpaman, sigurado ang UPAC na maraming pangulo ng unyon, na membro ng UPAC. ang narito bilang delegado ng BMP. Kung bakit nagkaganon ay sa simpleng paliwanag na kung ikaw ay pangulo ng unyon at kaanib ang iyong unyon sa BMP, ano ang dahilan at hindi ka kasapi o sasapi sa UPAC? Sa kabilang banda, kung ikaw ay pangulo ng unyon na membro ng UPAC, ano rin ang dahilan at hindi ka aanib sa BMP?

Ang UPAC bilang ekspresyon ng pagkakaisa sa "ibaba" sa pamamagitan ng mga pangulo ng unyon ay dinibuho mismo ng BMP. Ngunit hindi ito ginawa ng BMP para kontrolin ang UPAC kungdi ang payabungin ang pagkakapatiran ng mga pangulo ng unyon at ibigay sa kanila ang tiwalang gagampanan nito ang marapat na papel sa pagsusulong ng kilusan ng manggagawa.

Hindi sosyalista ang UPAC. Ang papel na nais gampanan ng UPAC ay maging sentro ng kampanya laban sa salot ng kontraktuwalisasyon. Ang pagtingin ng UPAC sa kontraktuwalisasyon bilang mukha ng pagsasamantala ng mga kapitalista na kinakanlong ng gobyernong kasalukuyan at ng mga nagdaan pang administrasyon ay sistemang panglipunang nagpapahirap hindi lamang sa manggagawang Pilipino kundi ng lahat ng anakpawis sa buong daigdig.

Hindi sosyalista ang UPAC pero wala kaming duda na tanging sosyalismo ang sistemang maglalagot sa lubid ng panlilinlang at pagsasamantala sa mga manggagawa sa modernong anyo nito ng kontraktuwalisasyon. Hindi ang Kongreso at Senado, hindi ang DOLE at lalong hindi si Duterte.

Bilang pangwakas, nais naming ipaabot sa BMP ang panawagang palawakin at patatagin ang UPAC dahil sa dulo nito ay ang paglawak din ng hanay ng mga mulat-sa-uring manggagawa na kalaunan ay magiging kasapi ng sosyalistang sentro ng kilusang manggagawang kumakatawan sa BMP.

MABUHAY ANG BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO!
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!

January 27, 2018

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996