Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Marso 30, 2011

Memo para sa Mayo Uno

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Para sa: Lahat ng Unyon, Organisasyon, Asosasyon at Indibidwal na Kasapi
Hinggil sa: Kampanyang Mayo Uno 2011
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Marso 29, 2011
Gugunitain natin ngayong 2011 ang Mayo Uno (Pandaigdigang Araw ng Paggawa) sa gitna ng papatinding krisis ng sistemang kapital ng mundo at mga papet na rehimen nito. Ang pumutok na Global Financial Crisis (GFC) noong 2008 ay hindi pa nakakabangon. Wala pang nakikitang solusyon ang mga kapitalista ng mundo. Umiiral ito hanggang sa kasalukuyan at papalala pa.

Mula Enero 2011, wala pa sa tatlong buwan ang lumipas ay walong (8) ulit nang tumaas ang presyo ng langis o mga produktong petrolyo. Sa kasalukuyan ay P56.00 per liter na ang gasolina at P46.00 naman per liter ang krudo. Ayon sa American Investment Bank Merrill Lynch, “global oil prices surging to $144 per barrel based on the Brent crude benchmark in the next three month given the political unrest in the Middle East and North Africa”.

Ibig sabihin, palala pa ang krisis at patuloy na tataas ang presyo ng mga bilihin, bayarin sa serbisyo at pagdami ng walang trabaho ng masang Pilipino at manggagawa ng mundo sa kabuuan.

Katunayan, sa nakalipas na dalawang linggo hanggang sa kasalukuyan ay tumaas na ang lahat ng mga produktong petrolyo, gasolina - P5.00 per liter ang itinaas, krudo - P4.00 per liter, kerosene - P3.00 per liter, LPG - P1.00 per kg. Ang presyo ng pagkain, bigas, karne, delata, bawang, sibuyas, gulay at iba pa ay tumaas na ng halos 29.2%. Tumaas na rin ang bayarin sa serbisyo sa kuryente at tubig, P1.00 dagdag-pamasahe sa jeep at bus, P10.00 plug down naman sa taxi.

Ang usapin ng paglikas ng ating mga kababayang OFW sa Libya, Japan at iba pa na umaabot sa 1.5 milyong OFW ang dapat na kagyat na mailikas ay hindi mailikas. Ang iba naman ay nagpasya na lang manatili sa mga lugar na iyon kahit na mapanganib dahil sa pananaw na matatapos din naman ang kaguluhan at gutom din naman ang sasapitin nila sa Pilipinas kapag umuwi sila dahil sa kawalan ng matatag na empleyo at kabuhayan sa ating bansa. Walang trabahong mapapauokan sakaling umuwi sila ng bansa. Mismong galing ito sa bibig ni DFA Secretary Albert Del Rosario.

Ang kalamidad na tumama sa Japan at nagaganap na pag-aaklas ng mamamayan sa Middle East at North Africa ay nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at empleyo. Dahil sa pag-uwian ng ating mga OFW liliit ang remittance (Tax) na papasok sa gobyerno at darami ang walang trabaho. Dagdag pa ang napipintong tanggalan sa Calabarzon Area ng mga Japanese Company. Katunayan, halos 100 Japanese firms na ang naghain ng notice for retrenchment sa DOLE-1V-A-Calabarzon.

Kampanyang Mayo Uno

Sa ganitong kalagayan at konteksto natin gugunitain ang nalalapit na Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ilantad natin sa okasyong ito ang tuluy-tuloy na pananalasa ng krisis na likha mismo ng mga kapitalista at paglilinaw sa kahalagahan ng pagbabago at sosyalismo bilang natatanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Kasabay na ilantad ang patakarang kontra manggagawa at maralita ng rehimeng P-Noy at gamitin ito sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa malawak na masa ng sambayanan.

Ang Medium Term Development Plan (MTDP) ni P-noy na nakaangkla sa Public Private Partnership Program (PPPP) ay pagpapatuloy lamang sa patakarang Liberalisasyon, Deregulasyon, Pribatisasyon at Labor Flexibility na nagresulta ng kawalan ng kontrol sa presyo sa pamilihan, paglaganap ng iskemang kontraktwalisasyon sa paggawa na naghubad sa batayang karapatan ng mga manggagawa na maregular sa trabaho, magkaroon ng unyon at CBA, tumaas ang sweldo at magkaroon ng maayos at ligtas na paninirahan.

Ang Order ni P-Noy sa isyu ng PALEA (Affirmation sa Order ni DOLE Secretary Baldoz) na legal ang management prerogative na tanggalin sa trabaho ang 2,600 manggagawa ng PAL at pagsang-ayon na isailalim ang mga ito sa contractual employees ay malinaw na pagwasak sa konstitusyunal na karapatan nating mga manggagawa sa Security of Tenure at ito’y masaker sa ating mga unyon at CBA.

Ang ating mga Kahilingan at Panawagan:

1. Trabahong regular at sahod na makakabuhay ng pamilya. Tax Exemption sa mga manggagawang sumasahod ng P956.00/day pababa.

2. Unemployment Insurance at Mandatory Trust Fund sa Retirement Benefit ng mga manggagawang tumagal na ng isang (1) taon sa empleyo.

3. Subsidyo/Discount sa presyo ng pagkain at mga bayarin sa: Housing Monthly Amortization, Hospitalization, Matrikula, Electric at Water monthly bills

4. Freeze Price: sa presyo ng mga produktong petrolyo at pagkain sa dating presyo nito bago ang kaguluhan sa Middle East at North Africa, at dagdag na parusa sa mga lumalabag sa price control.

5. Tanggalin ang VAT sa produktong petrolyo. Makakatipid ang mga tsuper dito ng halagang P6.00 sa bawat litro ng krudo o gasoline.

6. Ibasura ang oil deregulation law. Para makaalis sa pagkatali ang ating gobyerno sa pagbili ng langis.

Ang mga problema at kahilingan nating ito ay naihapag na natin sa unang araw, SONA at ika-100 araw ng panunungkulan ni P-Noy. Ngunit hanggang sa ngayon ay walang nagawa maliban sa pag-antala sa mga demolisyon sa maralita at tanggalan sa mga manggagawa ng PAL.

Ang ating Tungkulin: Sampung libong (10,000) Mobilisasyon ngayong Mayo Uno sa buong bansa!

Tapos na ang Moratorium sa Demolisyon. May order na rin si P-Noy sa isyu ng PAL. Ibig sabihin tuloy ulit ang mga demolisyon kahit walang tiyak na maayos at ligtas na relokasyon sa mga kapatid nating maralita. Tuloy ang tanggalan sa 2,600 manggagawa at kontraktwalisasyon hindi lamang sa mga manggagawa ng PAL kundi sa buong bansa.

Malinaw na hindi na tayo dapat pang mag-ilusyon sa administrasyon ni P-Noy na pakikinggan at ipagkakaloob ng kusa ang ating mga kahilingan. Kailangan na nating kumilos, palawakin ang pagkakaisa at paigtingin ang ating mga pakikibaka, upang obligahing pakinggan ang sigaw at karaingan ng mga manggagawa at maralita.

Sa unang Mayo Uno ng administrasyon ni P-Noy, isang pambansa at malakihang kilos protesta ang ilulunsad natin, na siyang maghuhudyat ng kabiguan ng mga manggagawa at masang Pilipino sa mga pangakong pagbabago ni P-Noy at tatapos sa natitira pang mga ilusyon. Si Lucio Tan at mga kapitalista ang Boss ni P-Noy, hindi ang masang Pilipino. Sistema at interes ng mga kapitalista ang pinoprotektahan ni P-Noy, hindi ang kagalingan at interes ng masang Pilipino.

Mga Kasama, kasabay nito’y salubungin natin ang matagumpay na paglulunsad (Launching) ng Atty. Hermon and Filemon “Ka Popoy” Lagman Workers’ Foundation ngayong Mayo Uno ng isang pambansa at malakihang pagtitipon na maglalantad sa malalim na krisis ng kapitalismo at mga elitistang Estado nito. Na ang nagaganap na pag-aalsa sa Middle East at North Africa ay di malayong maganap sa ating bansa kung ipagpapatuloy ni P-Noy ang mga patakarang Anti-Labor at Anti-Poor ng kanyang administrasyon.

Sabado, Pebrero 26, 2011

Demokrasya ng Masa hindi ng Elitista!

Demokrasya ng Masa hindi ng Elitista!

February 25, 1986 ng pumutok ang tinatawag na rebolusyon sa Edsa o Edsa people power revolution na nagbagsak sa 14 na taong diktadurang Marcos na pinasiklab ng asasinasyon kay Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Bumuhos ang protesta ng mamamayan sa lansangan laban sa korap at diktador na si Marcos at kanyang mga kroni.

Naobligang magpatawag ng eleksyon si Marcos. Dinaya at minaniobra ni Marcos ang eleksyon. Nagtangkang magkudeta ng isang seksyon ng militar na pinamumunuan ng RAM na nabisto. Nananawagan ng people power sa Edsa si Cardinal Sin at mga pulitiko. Dinagsa ang Edsa ng mamamayan.

Naluklok sa poder si Ms. Corazon Cojuangco Aquino, ang biyuda ni Ninoy Aquino, na mahigpit na kalaban ni Marcos. Nagpatawang isang constitutional comission (CONCOM) para baguhin ang konstitusyong Marcos na nagresulta ng 1987 people power constitution. Nagkaroon ng demokratikong espasyo ang mamamayan.

Ibinalik ang mga kinumpiskang kayamanan at ari-arian ng mga malalaking kapitalistang tulad ng pamilyang Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN at Meralco. Nakabalik sa pwesto ang mga naghaharing uri. Naibalik ng Edsa ang demokrasya para sa iilan at hindi para sa maraming mamamayan. Ito ang tagumpay ng Edsa people power.

Makalipas ang 25 taon matapos ang Edsa 1, mayroon bang nagbago sa buhay ng Pilipino?

Wala pa ring pagbabago sa masa. Pahirap ng pahirap ang kalagayan ng masang manggagawa at ng mga nagtatrabahong mamamayan sa bansa. Kung tutuusin mas mabuti pa ang kalagayang pang-ekonomiko ng mamamayan noong panahon ni Marcos kahit pa man walang pagtamasa ng mga karapatan at kalayaan.

Sa pagkaluklok ni Pnoy, anak ni Cory, nangangako siya ng tuwid na daan, ng isang matinong gobyerno, pag-unlad ng kabuhayan at pagkapawi ng kahirapan. Ngunit 8 buwan na siya sa pwesto bilang pangulo ng bansa, pero lalo lamang dumami ang mahihirap at nagugutom na Pilipino. Ayon sa SWS, 3.4 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na buwan. Mas mataas ito kumpara sa nakaraang average sa nakaraang 12 taon.

Kasabay ng pagdami ng nagugutom at naghihirap ay ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin,pamasahe, toll fees,produktong langis at serbisyo at kakulangan sa trabaho.

Sa kasalukuyang takbo ng gobyernong Pnoy, walang maasahan ang masa na pagunlad ng buhay. Ang kasalukuyang nakikinabang sa mga patakaran ni Pnoy ay ang mga kapitalista at mga hasendero at ang mga mahihirap, ang mga mangggagawa at magsasaka, ay lalong naghihirap.

Ang mga manggagawa ay patuloy na nahihirapang pagkasyahin ang napakababang sahod, patuloy na kinukubabawan ng salot na kontraktwalisasyon, pagwasak sa mga unyon at kawalan ng trabaho.

Ang lumalaking bilang ng mamamayan, ang maralita sa lunsod at kanayunan, ay dumaranas ng ibayong kahirapan dahil sa kakapusan ng kabuhayan, serbisyo publiko at matitirahan.

Bakit patuloy ang paghihirap ng masa?

Patuloy ang paglala ng kahirapan dahil na rin sa patakarang pang-ekonomiya at pampulitika ng mga nakaraan at kasalukuyang gobyerno. Ang kalakhan ng pondo ng gobyerno, mahigit 50% ng badyet, ay awtomatikong ibinabayad sa pagkakautang ng gobyerno sa ibang bansa imbes na gamitin sa mga proyekto para sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriya at serbisyo publiko.

Ekonomiya na nakasandig sa ibang bansa

Nakasandig ang bansang Pilipinas sa panlabas na palengke at hindi sa lokal na pamilihan. Ang pinapaboran ay ang mga dayuhang negosyo hindi ang mga Pilipino. Hindi makatayo sa sariling paa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas. Ang mga dayuhang negosyo, ang mga trans-national at multi-national corporations, ay inilalalabas papunta sa kanilang bansa ang kinita sa Pilipinas at hindi nakakaikot sa lokal na ekonomiya ang nalilikhang yaman ng mamamayan para sa pagsigla ng kabuhayan at pag-unlad. Nakasuso ang ekonomiya ng bansa sa globalisadong ekonomiya at dito pangunahing umaasa at hindi sa panloob na pagpapaunlad.

Ang mga mahuhusay na manggagawang Pilipino, sila ang pangunahing export ng Pilipinas sa ibang bansa, ang kumikita ng $20 bilyong dolyar taon-taon, at pinapadala sa kanilang pamilya, ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas pero ang pangunahing nakikinabang ay ang mga malalaking negosyante.

Umuunlad, nadadagdagan ang yaman ng mga kapitalista at mga hasendero, pero hindi ang mga manggagawa, mga magsasaka at ordinaryong mamamayan, na nakakaranas ng gutom, nakatira sa mga barung-barong at sa ilalim ng tulay at parang manok na isang kahig isang tuka ang buhay.

Korapsyon sa pamahalaan

Patuloy ang katiwalian sa gobyerno. Bilyon-bilyong piso ang nawawala at ninanakaw sa kaban ng bayan ng mga opisyales ng gobyerno at militar. Umuunlad ang buhay ng mga pulitiko at mga opisyales ng gobyerno pero hindi ang ordinaryong tao.

Nakakabili ng mamamahalin at magagarang kotse tulad ng Porsche si Pnoy at ang mga mayayaman, pero nagsisiksikan sa LRT/MRT at mga pampublikong sasakyan na itinaas pa ang bayad si Juan dela Cruz at ang mga lumilikha ng yaman ng bansa, ang mga nagtatrabahong mamamayan, ang mga manggagawa sa lunsod at kanayunan, ang mga magsasaka, ang mga propesyunal at iba pang sektor ng bayan.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan at di magawa ni Pnoy ang kanyang mga pangako, isang panibagong Edsa ang darating para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng masang Pilipino. Ang mga mamamayan sa Ehipto, Tunisia at iba pang bansa sa Gitnang Silangan ay nag-aalsa at ibinabagsak ang lider ng bansa dahil sa kawalan ng trabaho, mahal na presyo ng mga bilihin, katiwalian sa gobyerno at kawalan ng demokrasya ng masa.

Demokrasya ng Masa Hindi ng Iilan! Panlipunang Pagbabago at Hustisya Ipatupad!

Presyo Ibaba, Sahod Itaas! Trabaho, Pagkain, Pabahay, Serbisyo Publiko!

BMP-MELF-SUPER-PLM-PMT-KPML-ZOTO-PK-SANLAKAS-KALAYAAN-AMA-Makabayan Pilipinas
Pebrero 25, 2011

Huwebes, Pebrero 24, 2011

Mag-People Power Laban sa Bulok na Sistema

MAG-PEOPLE POWER LABAN
SA BULOK NA SISTEMA!

Lumaganap na ang people power sa iba't ibang bansa. Nakilala na ng masa na kung magsasama-sama lamang silang kikilos ay kaya nilang magpabagsak ng isang pangulo nang mapayapa. Naging halimbawa sa mamamayan ng daigdig ang Edsa 1 Revolution sa Pilipinas (1986) na nagpatalsik kay Marcos. Nasundan ito ng Singing Revolution sa Estonia, Latvia at Lithuania (1988), Velvet Revolution sa Czechoslovakia (1989), Bulldozer Revolution sa Yugoslavia (2000), Edsa 2 Revolution sa Pilipinas (2001), Rose Revolution sa Georgia (2003), Orange Revolution sa Ukraine (2004), Cedar Revolution sa Lebanon (2005), Tulip Revolution sa Kyrgystan (2005), Jasmine Revolution sa Tunisia (2011), at Day of Anger Revolution sa Egypt (2011).

Ngunit may mga pagkatalo rin, tulad ng 8888 Uprising sa Burma (1988), Tiananmen Students Protest sa Tsina (1989), Edsa 3 Urban Poor Revolution sa Pilipinas (2001), at Saffron Revolution sa Burma (2007).

Nagtagumpay ang mga mamamayan na mapatalsik ang kani-kanilang pangulo, ngunit karamihan sa kanila, inagaw pa rin ng naghaharing uri ang pamumuno. Dahil lahat ng ito’y pag-aalsa ng mamamayan, hindi pag-aalsa ng isang uri laban sa katunggaliang uri, hindi pag-aalsa ng uring manggagawa laban sa burgesya. Walang kapangyarihan ang masa. Wala ang uring manggagawang namumuno para sa pagbabago ng sistema. Dahil hindi lang relyebo ng pangulo ang kasagutan.

Sa ngayon, matapos mapatalsik ng mamamayan ng Egypt ang kanilang pangulo, pumutok na rin ang pag-aalsa ng mga mamamayan sa mga bansang Bahrain, Yemen at Libya. Nanalo nga ang mamamayan ng Egypt na mapatalsik ang pangulo nilang si Mubarak, ngunit dahil walang namumunong grupo o partido na gumagabay sa pag-aalsa, napunta sa kamay ng militar ang kapangyarihan, imbes na sa kamay ng mamamayang nagsakripisyo para mabago ang pamahalaan.

Ano ang kulang? Bakit sa Pilipinas na tatlong beses nang nag-Edsa, wala pa ring naramdamang pagbabago, kaya nanlalamig na ang karamihan sa people power? Naganap ang Edsa 1 at 2, napatalsik ang pangulo ngunit napalitan lang ng kauri nilang elitista. Si Marcos ay napalitan ni Cory. Si Erap ay napalitan ni Gloria. Walang lider-manggagawa, walang lider-maralita, walang lider-kababaihan, walang lider-magsasakang napunta sa poder. Wala ang isyu ng masa, wala ang isyu ng kahirapan, wala ang isyu ng trabaho, wala ang isyu ng pabahay, wala ang isyu ng salot na kontraktwalisasyon. Hindi umangat ang pakikibaka ng sambayanan sa tunggalian ng uri sa lipunan.

Dahil hindi sapat na ang layunin lang ng people power ay ang pagpapalit ng pangulo. Dapat itong itaas sa pagbabago ng sistema. Hindi sapat na demokrasya lang ang kasagutan. Dapat ipakita na may tunggalian ng uri sa lipunan, at ang pagpawi sa mga uri ang siyang kasagutan. Dapat ipakitang ang mga manggagawa’y hindi lang tahimik na masang nagtatrabaho, kundi isang malakas at pangunahing pwersa sa pagbabago.

Ano ang dapat gawin? Dalhin natin sa masa ang isyu ng kahirapan bilang pangunahing panawagan sa people power. Ipakita natin sa masa ang tunggalian ng uri. Ikampanya natin sa lahat ng pabrika’t komunidad, sa lahat ng lungsod at kanayunan, sa mga pahayagan, radio at telebisyon, sa internet, ang pagkasalot ng kapitalismo sa buhay ng mamamayan. Pag-aralan natin ang lipunan at iangat ang kamalayan ng masa tungo sa pagwawakas sa kapitalistang sistemang dahilan ng kanilang pagdurusa’t kahirapan.

Paputukin natin ang isyu ng pabahay, tulad ng ginawang pagkubkob ng mga maralitang lungsod sa Libya sa mga pabahay ng kanilang gobyerno nitong Enero 2011. Paputukin natin ang isyu ng kontraktwalisasyon bilang panawagan sa people power na pangungunahan ng uring manggagawa. Paputukin natin ang iba pang makauring isyu na maaaring magpabagsak sa mga elitista sa lipunan.

Panahon na para manawagan ng people power laban sa bulok na sistema, laban sa kapitalismo. Dapat mag-people power ang uring api laban sa uring mapagsamantala’t naghahari-harian sa lipunan!

Uring manggagawa, magkaisa! Ipakita ang inyong mapagpalayang papel para sa pagbabago ng lipunan! Mag-people power laban sa bulok na sistema!

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) * Partido Lakas ng Masa (PLM) * Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) * Pagkakaisa ng Manggagawa sa Trasportasyon (PMT) * Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura * Makabayan-Pilipinas* Sanlakas * Kalayaan! * Zone One Tondo Organization (ZOTO) * Piglas-Kabataan (PK) * Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Letters to the Editor - Re: Nursing board exam

February 23, 2011

Letters to the Editor


The latest results of the Nursing board examination with a dismal 35% national passing rate is already an alarming trend. For the past decade, a remarkable decrease of more than 20% compared to the 1998 performance record of 55.8% passers of the total number of takers in the nursing profession.

While we are bothered by the downward trend of board passers, we must equally treat the many nursing graduates who failed as a matter of grave concern. We are not talking of a few thousands of nursing graduates but we are referring to the 5 digit numbers of supposed to be registered nurses that flunked the exams yearly.

In the December 2010 board results alone, 29,000 nurses passed the examinations comprising around 35% of the total 72,000 nursing graduates who took the licensure test. We should pay more attention to the 65 % or an equivalent of 43,000 graduates that did not pass the examinations. In concrete terms, the Nursing licensure Examinations is being held twice every year with an average of nearly a hundred thousand board examinees per examinations given every month of June and December.

For the 2010 record of nursing board examinees, the non-passers are estimated to be 90,000 and the passers at around 60,000. If the trend has been going on for the last five years, we are talking of 300,000 board passers and 450,000 non-registered nurses.

Because of these numbers, the profession became vulnerable of many injustices. Sad to say, the institutions, agencies and even the government do not see them as a tool for real primary health care in the country but willing victims for greed and profits. The nursing profession is being reduced as a mere commodity, a good source of human resource demand in the international market strengthening the government’s labor export oriented policy.

In 2008, the issue of forced volunteerism among licensed nurses, the worst form of contractualization surfaced and was effectively exposed by some concerned nursing organizations and government personalities. Apparently, the government action of halting the illegal scheme only worked for sometime and did not last long. Last year, the issue again resurfaced and this time around, the DOH (Department of Health) reportedly issued a memo circular prohibiting the illegal practice of forced volunteerism.

Our registered Filipino nurses are graduates of four year course, Bachelor of Science in Nursing which includes 2,346 hours of related learning experience in its curriculum equivalent of 293 hospital OJT (On the Job Training) days. The very fact that they have passed the board examinations they are equally competent as those belonging to other professions including some allied health professionals. Their tedious training entitles them to be hired as a proven health specialist and need not be relegated as a volunteer.

We will not be surprised if in the near future we can hear same old stories of injustices among our beloved Filipino nurses for the government do not offer a comprehensive solution to the problem. The government must be in command and not offer a palliative solution but a comprehensive one that will overhaul the system to achieve real respect and dignity of the nursing profession.

The government must readily address the growing list of non-passers of nursing board examinations. Reviewing the list of incompetent schools and strictly enforced laws regulating them. More so, the government must pursue a genuine health care system that will mobilize our registered nurses for this purpose. The ratio of effecting nursing health care among hospitals in the country is way below the health standards of 1:7, meaning a nurse for every 7 Filipinos in a hospital. Ours is a far cry with a reportedly ratio of 1:100. Utilize these nurses into some of our health agencies, hospitals and health units down to the barangay levels on the basis of giving them rightful jobs and compensation.

As a gesture of the P-noy administration’s sincerity in addressing the problem of the nursing profession, enactment of an executive order stopping the practice of forced volunteerism would be a welcome move.

Teody Navea
Secretary General
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Lunes, Pebrero 21, 2011

Memo Hinggil sa Paggunita sa ika-25 Anib ng Edsa People Power 1

Memorandum: Hinggil sa paggunita sa ika-25 taong anibersaryo ng Edsa Peoples Power One.

Mga kasama,

Dalawampu’t limang taon na ang lumipas matapos ang 1986 Peoples Power na nagresulta ng pagbagsak ng pasistang diktadurang pamahalaan ni Marcos at nagluklok kay Ginang Cory Aquino bilang Pangulo ng isang transisyunal na pamahalaan na tinawag na Provisional Rebolutionary Government (PRG). Mag-iisang taon na din ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino (P-Noy). Parang kailan lang pero lumilinaw ang mga kaganapan kung paano natin bibigyan ng paghuhusga ang dalawampu’t limang taong lumipas at halos isang taon ni P-Noy sa Palasyo. Kung sa pananaw ng mga Elitista ay tagumpay ang 1986 Peoples Power sa Edsa, sa pananaw ng malawak na masang sambayanang Pilipino ay bigo ang tunay na diwa nito. 25 years + 25 years = 0. Zero sa pananaw ng sambayanan, walang nabago sa kalagayan at buhay ng masa. Kung may nabago man ay ang pagtindi pa ng kahirapan at paglala ng katiwalian sa pamahalaan.

Nariyan pa rin ang laganap na kagutuman sa lunsod at kanayunan, kawalan ng seguridad sa trabaho ng mga manggagawang Pilipino, kawalan ng tiyak at ligtas na tirahan ang mga maralita sa lunsod at kanayunan, kawalan ng lupang masaka ng ating mga magsasaka sa kanayunan, kawalan ng proteksyon sa kababaihan at kabataan, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa serbisyo at buwis, paglala ng katiwalian sa lahat ng ahensya at istruktura ng ating pamahalaan, kawalan ng sapat na serbisyong panlipunan at inhustisya sa ating pamayanan.

Ang mga inaasahan ng mamamayan sa panunungkulan ni P-Noy ay tila mauuwi sa wala. Mga inaasahang magpapabago sa kanilang kalagayan at hahango sa kahirapan na siyang ipinangalandakan ng bagong administrasyon na ito’y maka-mahirap at lumalandas sa matuwid na daan. Walang duda na ang pinaglilingkuran “Boss” ni P-Noy ay mga Elitista, hindi ang masa ng sambayanan.

Ang patakarang (Private Public Partnership-PPP) ni P-Noy ay tuwirang pagkiling sa malaganap na pagsasapribado ng mga negosyo sa batayang serbisyo ng mamamayan, pagbibigay halaga sa mga namumuhunan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng magandang klima ng pagnenegosyo at kaakibat na patakarang kaugnay nito.

Hindi maiksi ang halos isang taon na ni P-Noy sa panunungkulan. May mga palatandaan na ang landas na tinatahak ni P-Noy ---Ang landas ng pagpapanatili ng mga elitista sa tuktok ng lipunan. Pagpapanatili sa demokrasya ng iilang elitista, hindi ng demokrasya ng masa ng sambayanan.

Halimbawa nito ang walang pakundangang pagkiling ng administrasyon ni P-Noy sa malaganap na iskemang kontraktwalisasyon sa paggawa at husga nito sa kaso ng PALEA na tanggalin sa regular na empleyo ang 2,600 manggagawa at gawing Contractual Employees sa mga service providers ni Lucio Tan (outsourcing) ang tawag nila dito. Ang pagsuporta ng bagong administrasyon ni P-Noy sa pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tubig, kuryente at langis. Walang binabagong patakaran si P-Noy, bagkus ipinagpapatuloy lang nito at nagiging tagapagmana sa mga nakaraang administrasyon. Ang kaibahan lang nito ay ang layunin nitong linisin daw ang katiwalian sa gobyerno. Hindi pa natin mahuhusgahan ang magiging kahihinatnan ng krusada niyang ito. Pero ang tanong natin, handa na ba talaga si P-Noy na gibain ang pwersang pundasyon ng sistemang elitista? Ang pundasyon ng kapitalismong sistema? Ikalawa; Itatakwil na ba talaga ni P-Noy ang kanyang pagiging elitista at uring pinagmulan? Ikatlo; Papayag kaya ang mga utak pulburang mga Heneral na basta ma-itsapwera sa kapangyarihan at makulong gaya ni ERAP? Dito tayo may pagdududa sa krusada ni P-Noy.

Pero malabo na itakwil ni P-Noy ang ugaling Elitista. Katunayan kauupo pa lang sa Palasyo agad nang bumili ng Sports Car na Porsche na nagkakahalaga ng P12 milyong piso. Sa kabila na ang mga maralitang mamamayan ay walang makain, nagugutom at walang matirahan. Tampulan ng biruan sa barberya na Weather Weather lang yan sa kalakaran ng mga naging Pangulo ng bansa. Lahat na yata ng naging Pangulo ng bansa ay may Trade Mark ng kaluhuan sa buhay at pagtatampisaw sa karangyaan sa kabila ng nagugutom na malawak na masa ng sambayanan.

Ang nagaganap sa kasalukuyan ay nagpapatunay lamang kung anong klase ng demokrasya mayroon ang ating bansa kung saan ang ipinaiiral ay ang kagustuhan ng iilan at sa kabilang banda walang boses ang masa ng sambayanan na siyang mayorya (80%) ng populasyon. Demokrasya ng elitista ang landas ni P-Noy, hindi demokrasya ng masa. Hangga’t ang umiiral na sistemang ito na siyang gumagabay sa administrasyon ni Pinoy walang duda na lalala pa ang kalagayan ng ating mamamayan. Hindi maaampat ang kahirapan, hindi mapipigilan ang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin sa mga batayang serbisyo, walang mahihitang katarungan sa lahat ng mga inhustisya sa mamamayang Pilipino.

Huwag na tayong mangiming ilantad natin ito sa bagong administrasyon. Ipamukha natin ito lalo na’t may bonggang paggunita ito sa darating na Pebrero 25. Kabalintunaan na ipagdiwang ng ating gobyerno ang diwa ng EDSA na siyang nagbigay daan ng demokrasya ng masa. Kaipokrituhan ng gobyernong ito ang tagumpay ng “masa” na siya mismo ay nagpapairal ng demokrasya ng iilan at ilitista.

Narito ang ating papel na igiya ang masa sa ganitong tunay na kulay ng administrasyon ni Noynoy Aquino na walang saysay ang kanyang islogan na walang mahirap kung walang kurap. Ang islogang ito ay magiging tumpak lang kung may totoong demokrasya ang masa at ang mga kaaakibat na patakaran ng gobyerno ay naglilingkod sa interes at kagalingan ng mamamayan. Ang korapsyon ay kaakibat na katangian ng bulok na sistema ng kapitalismo na siyang may kinalalaman sa patuloy na pagkasadlak ng mamamayan sa kahirapan.

Kung kaya’t importante na bigyang pansin ang darating na selebrasyon ng Pebrero 25. Ilantad ang tunay na pinaiiral na demokrasya ng administyrasyon ni Noynoy at itulak ang kanyang gobyerno na harapin ang totoong problema ng masa ng sambayanan, pagkakaloob ng sapat na proteksyon, karapatan at kagalingan sa lahat ng sektor ng ating lipunan ang dapat na adyenda.

Ang mobilisasyon sa Enero 24 at Marso 8.

Mas pinili nating maglunsad ng hiwalay na pagkilos para gunitain ang anibersaryo ng EDSA Uno. Ang ating gobyerno ay magdiriwang ng Pebrero 25 sa mismong EDSA Monument. Tayo ay ganon din pero sa halip na ating sabayan, tayo ay maglulunsad ng pagkilos sa ika-24 ng Pebrero sa EDSA People Power Monument kasama ang FDC (Freedom from Debt Coalition) na siyang pangunahing mag-iisponsor ng malaking pagkilos na ito.

Sa Pebrero 24, magkita-kita tayo ng mula alas otso hanggang alas nwebe ng umaga (8-9am) sa paanan ng MRT Cubao. Magmamartsa tayo mula Cubao patungong EDSA People Power Monument sa ganap ng ikasiyam ng umaga (9:00 am). Bitbit natin ang mga islogang maglalantad sa tunay na katangian ng demokrasyang pinaiiral ng bagong administrasyon at mga isyung may kinalaman sa mga batayang kahilingan ng mamamayang Pilipino.

Sa Marso 8, tayo ay magmamartsa mula Quezon City Hall hanggang Batasan. Sa ganap ng alas-dose ng tanghali (12nn), tayo ay magkikita-kita sa harapan ng opisina ng NHA sa may Elliptical Road, Quezon Memorial Circle. Tutulak tayo ng martsa sa ganap na alas-dos ng hapon.

Tayo ay magluwal ng maraming puwersa sa mga na araw na ito at makiisa tayo sa panawagan. Magtiyak ang lokal ng mga kinatawan at planuhin kung pano magagawa ito. Obligadong detalyehin ng mga pamunuan ng lokal ang delegasyon at partisipasyon sa mga nasabing pagkilos.

Narito ang mga islogan na ating dadalhin:
1. 25 years + 25 years = Zero! Bigo ang tunay na Diwa ng EDSA!
2. Demokrasya ng Masa, Hindi ng elitista!
3. Trabaho, Tirahan, Kabuhayan, Karapatan. IPAGLABAN!
4. Sahod itaas! Presyo ibaba!
5. Regular na Trabaho, Hindi kontraktwal!
6. Karapatan at kagalingan ng kababaihan ipaglaban!
7. Oil deregulation law! Ibasura
8. RH Bill! Isabatas!
9. 25 limang taon ng EDSA, walang napala ang masa!
10. Itaguyod ang tunay na demokrasya ng masa!
11. Pabahay na serbisyo hindi negosyo!
12. Lupang pansakahan para sa magsasaka

Komiteng Tagapagpaganap - BMP

Lunes, Pebrero 7, 2011

Labor leader: Eton would have caught Ka Popoy's ire

Labor leader: Eton would have caught Ka Popoy's ire
PATERNO ESMAQUEL II, GMA News
02/06/2011 | 06:44 PM

http://www.gmanews.tv/story/212372/labor-leader-eton-would-have-caught-ka-popoy39s-ire

Marking a decade since his mentor’s death, a labor leader on Sunday said the Eton construction accident, which claimed the lives of 10 workers last month, was an issue the slain Filemon “Ka Popoy" Lagman would not have allowed to pass.

In an interview with GMA News Online, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) chairperson Leody de Guzman said Lagman would have protested the death of the 10 Eton workers, the likes of whom the latter would have considered as victims of poor safety conditions, low salaries, and contractualization.

“‘’Yung Eton ay totoong mukha ng panggigipit ng mga kapitalista sa mga manggagawa ngayon (The Eton incident looks a lot like capitalists suppressing workers nowadays)," de Guzman said. The labor leader said of Lagman: “Lalabanan niya ‘yan (He would have fought against that)."

De Guzman’s group, also founded by Lagman, joined other militant groups in front of the Eton construction site on Saturday to light 10 candles and offer 10 flowers in memory of the 10 construction workers who on Jan. 27 fell to their deaths.

To mark the 10th anniversary of Lagman’s death, activists on Sunday marched from the Loyola Memorial Park in Marikina to the Bahay ng Alumni in the University of the Philippines, Quezon City — where the labor leader was shot on Feb. 6, 2001.

His sister Nida Lagman-Sevilla, in another interview with GMA News Online, said no suspect has yet been tried since a Quezon City prosecutor junked the murder charges against eight earlier suspects because the complainant — the son of Lagman — as well as other witnesses failed to appear in the preliminary investigation.

Sevilla explained that aside from not receiving summons at that time, their party did not give credence to the investigators’ findings then.

With her brother’s murder unsolved, Sevilla, also an activist, said she finds recourse in seeking justice for the people Lagman fought for — the working class. “Justice na rin ‘yon for him (That is also justice for him)," she said. — VS/MRT, GMA News

Linggo, Pebrero 6, 2011

BMP Statement on Ka Popoy's 10th death anniversary

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)
PRESS STATEMENT
February 6, 2011

Remembering a Working Class Hero

JUSTICE FOR KA POPOY!
JUSTICE FOR THE WORKING CLASS!

February 6, 2011 marks the 10th death anniversary of our leader and slain comrade Filemon “Ka Popoy” Lagman.

Ten years have passed, but there’s still no justice for Ka Popoy. A working class hero, Ka Popoy was the president of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) from 1995 until he was killed by assassin's bullets on that fateful day in 2001, nearly two weeks after the Edsa Two revolution. But his assassins can’t kill his ideas. They had wiped out his body but not his legacy. We’re still here to pursue Ka Popoy’s dream – our dream – to emancipate the working class from the bondage of capitalist oppression, corruption, poverty and deceit, a dream of a socialist revolution to be led by the working class.

Our dream, like Ka Popoy’s, will continue to inspire us to work hard with the fire in our hearts, carrying our socialist ideals to pursue what Ka Popoy has dreamed - a society where there are no slaves of capital, a socialist revolution to be led by the proletariat, a classless society, a victory for the working class. Ten years since his death, poverty and injustices still continue to plague our nation, continue to cripple the life of the poor, contractualization is rampant, the system of greed that Ka Popoy wants to get rid of still continue to destroy the honor and dignity of the working class.

Ka Popoy was an embodiment of a great socialist revolutionary, a hero of the proletariat, a leader beloved and feared, a great teacher, a fearless activist, a prolific writer, a great agitator. More than any activist of his generation, Ka Popoy is the most conscious about developing the proletarian line. He thought and wrote about Philippine society and the working class revolution through Marxist-Leninist line; and even criticizes the Stalinist-Maoist line that led to the split in the Communist Party of the Philippines in 1991. A Marxist-Leninist through and through, he viewed the working class as the main force of change instead of the peasants, which Joma Sison advocates. Ka Popoy advocated the working class-led revolution that will emancipate all the toiling masses from the claws of capitalism.

We started this day by a wreath-laying activity at Ka Popoy’s monument at Marikina on 7am, then we proceed at Loyola Memorial Park to visit and pay respect to Ka Popoy. After that, hundreds of workers and urban poor marched from Loyola to UP Bahay ng Alumni, where he was gunned down a decade ago. We ended the program there, but we didn’t end our crusade.

As we commemorate this day, we are renewing our vow to continue Ka Popoy’s fight, to pursue his dream for system change, to carry on the fight until socialist victory will be achieved. We will continue to organize the workers and the poor to fulfil our goal of a socialist system that will emancipate us, most especially the working class, from the onslaught of capitalism, from the bondage of greed. Ka Popoy’s spirit lives on.

Justice for Ka Popoy! Justice for the working class!


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996