Para sa: Lahat ng Unyon, Asosasyon at Buklod
Hinggil sa: Magaganap na Eleksyon at ang Ating Plano sa Paglahok
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Enero 18, 2010
Ang magaganap na eleksyon sa Mayo 10 ng taong kasalukuyan ay eleksyon pa rin ng mga trapo. Layon lang nito na muling pakintabin ang kalawanging demokrasya ng mga elitista, demokrasya na walang ibang kahulugan kundi ang bigyan ng pagkakataon ang masa ng sambayanan na pumili ng panibagong pangulo at opisyal ng bayan na magsasamantala sa kanila. Walang magaganap na pagbabago liban sa pagpapalit ng mukha ng mga taong manloloko at magpapayaman sa loob ng gobyerno.
Ganito sa kabuuan ang kahulugan ng magaganap na eleksyon ngayong taon. Ito’y sapagkat ang eleksyon ay labanang halos eksklusibo lamang sa mga taong may 3Gs (Gold, Guns and Goons) na ang pinakamasahol na halimbawa ngayon ay ang naganap na Maguindanao Massacre ng mga Ampatuan. Ito ang dahilan kaya’t sa mahabang panahon, hindi itinuring ng mga progresibo na isa ring porma ng labanan ang eleksyon para sa pagbabago, kung kaya naman kinopo ng mga trapo at elitistang partido ang eleksyon at paggugobyerno.
Subalit, nitong mga huling panahon at dekada, may ipinasisilip na oportunidad ang labanang eleksyon para sa mga progresibong kandidato at makamasang partido. Di na iilang makamasang kandidato at partido sa maraming bansa ang nagawang manalo laban sa mga partido ng mga trapo at elitista. (Venezuela, Bolivia, Paraguay, Nicaragua, Ecuador, El Salvador, Nepal, Uruguay at Iceland). Maging ang mga kandidatong walang 3Gs ay nananalo at naitutumba ang mga pulitikong deka-dekada nang naghari sa isang lugar. Pinakakilalang halimbawa nito sa bansa ay sina Gob. Ed Panlilio ng Pampanga at Grace Padaca ng Isabela.
May nalilikhang kapasyahan ang masa nang pagtatakwil sa mga trapo at elitista, ito ay kailangang paypayan, pag-alabin at organisahin para sa makauring layunin ng paglahok sa eleksyon. Kaya’t bagamat ganito na naman ang magiging katangian ng magaganap na halalan, lalahok tayo, isasabak natin ang ating bagong tayong partido, ang PLM, upang simulan ang seryosong at makamasang layunin ng paglahok sa eleksyon. Gamitin ang paborableng klima ng eleksyon para sa ating pampulitikang pagpopropaganda sa masa, sapagkat sa panahon ng halalan, nagaganap ang pambansang debate hinggil sa kung sino at kung anong sistema ng paggugobyerno ang kailangan. Nakikisangkot ang malawak na bilang ng masa sa pambansang talakayan kaya't mainam na sa panahon ng halalan ay pumagitna rin tayo at iabante ang ating pampulitikang agenda at plataporma ng masa.
Pagpaparami ng bilang ng ating kapanalig at pagpapalawak ng saklaw ng ating taga-suporta kasabay ng ating pagsisikap na maipanalo ang ating mga kandidato. Ito ang ating sentral na layunin sa paglahok sa halalan ngayong taon. Ikampanya ang ating plataporma at ipanalo ang ating kandidato.
Subalit, mainam na gamitin na rin natin ang okasyong ito para sa ating bagong tayong partido (PLM) na lumahok at humalaw ng karanasan sa pagpapatakbo ng kandidato sa nasyunal at lokal upang sanayin ang ating mga lider masa para sa maramihang pagpapatakbo sa susunod na barangay election na magaganap sa Oktubre ngayon ding taon.
Sa ganitong hangarin nating harapin ang magaganap na pambansang halalan sa Mayo 10. Pagpupundar at paghalaw ng karanasan para sa mas maunlad na paglahok sa mga susunod na halalan. Malaking tulong sa atin ang pagkandidato ni JV Bautista bilang senador. Nagkaroon tayo ng dahilan para sa paglulunsad ng pambansang kampanya at dahil dito’y mapapagaan pa ang talakayan sapagkat ang bitbit nating kandidato ay tumatakbo sa posisyong kahit ang kakausapin ay may napili na, maari pa ring makinig, makipagtalakayan at tumanggap ng panibago dahil 12 ang pwedeng iboto.
Bukod kay JV, may susuportahan din tayong kandidato na tatakbo sa lokal. Ito ay ang mga sumusunod;
1. Larry Punzalan, President ng Unyon ng Fortune Tobacco at kasapi ng Komite Sentral ng BMP ay tatakbong Congressman sa 2nd District ng Marikina.
2. Ronald Garcia ng PLM, tatakbong Bokal ng Bulacan
3. Tita Flor Santos ng Sanlakas, tatakbong konsehal ng 1st District ng Quezon City.
4. Tado Jimenez ng PLM ay tatakbong Konsehal ng 1st District ng Marikina.
5. Anthony Garcia ng PLM, tatakbong konsehal ng Bacolod City
6. Greg Gimena ng PLM, tatakbo ring konsehal ng Bacolod City
7. Renato de La Cruz ng PLM, tatakbong konsehal ng Bulacan, Bulacan.
8. Ruwena Lusung ng PLM, kandidato sa pagkakonsehal ng San Jose Del Monte, Bulacan
9. Danilo Rogelio Sr. ng PLM, tatakbo ring konsehal ng San Jose Del Monte, Bulacan
Sa inisyal, sampung kandidato ang ating susuportahan. Pwede pa itong madagdagan depende sa magiging resulta ng mga negosasyong nagaganap. Subalit anu’t ano man ang abutin, sapat na na mayroon tayong kandidato sa national at lokal para sa malawak at masiglang kampanya.
Sa paglarga ng kampanya ng ating mga kandidato, kakatuwangin natin sila para patampukin ang ating tindig nang paglaban sa kontratwalisasyon, sa oil deregulation, sa walang patumangang demolisyon at sa automatic appropriation sa pagbabayad ng dayuhang utang bilang isyu ng masang manggagawa at sambayanan. Dapat dumulo at sumahin ang ating propaganda’t talakayan sa pagbubulgar sa kabulukan ng elitista at trapong gobyerno at ang pangangailangan na palitan ito ng gobyerno ng masa.
Ang ating paraan upang makatulong tayo sa pagpapanalo kay JV, at mga lokal nating kandidato;
1. kumbinsihin ang ating buong kasapian at maging ang masang manggagawang saklaw ng ating unyon/asosasyon na magtala ng 50 kataong pabotohin kay JV. Ito’y maaring mula sa kamag-anak, kaibigan at kakilala sa lugar na tinitirahan o sa probinsyang pinanggalingan. (3K formula) Kung ito ay ating magagawa, mangangahulugan ito ng 7M boto para kay JV mula sa 150T na indibidwal na saklaw ng ating organisasyon.
Ang labanan sa senador ay di katulad ng sa party-list, mas madaling hingin ang boto para sa senador dahil 12 ang ihahalal. Ibig sabihin, kahit mayroon nang napipisil na ibotong senador ang kakausapin, hindi mahirap na ipadagdag si JV. Di katulad ng sa party-list, na kapag mayroon nang napiling iboboto ang kakausapin, magkakahirapan nang igiit ang sa atin dahil isa lang ang iboboto sa party-list.
2. Lahat ng unyon/asosasyon ay magkaroon ng depinidong erya o sektor na kakampanyahin. Hal. (1) Unyon, akuin ang komunidad na kinalulugaran ng pabrika o kompaya, (2) TODA/JODA, akuin ang barangay na ruta ng kanilang pamamasada, (3) Community Association. Akuin ang barangay o bayan na kinalulugaran ng asso. Dito ikarga ang ating lokal na kandidato.
3. Maglunsad kaagad ng pagpupulong ang pamunuan ng unyon at asosasyon. Pag-usapan ang pagpapatupad ng mga nakalista sa ibaba. Ito na rin ang maging tungkulin sa buong panahon ng kampanyang eleksyon. (January - May 2010)
Pagtitiyak na mapagkakaisa ang buong kasapi at maging ang di kasapi sa pangangampanya sa ating kandidato, sa party-list at paglahok sa ilulunsad na aktibidad kaugnay ng mga isyung ilalaban sa panahon ng kampanya.
Pagpapalista ng tiglilimampung (50) pangalan at address ng kakampanyahin (3Ks) at kukumbinsihing pabotohin kay JV bilang senador. Ipapasumite ang nagawang listahan ng bawat isa sa opisina ng unyon o assosasyon.
Pamamahagi ng polyeto, pagdidikit ng poster sa komunidad na kinalulugaran ng pabrika at samahan o barangay na ruta ng pamamasada.
Pagpapadala ng electoral materials sa mga kasaping uuwi ng kanilang probinsya sa mahal na araw para makapangampanya sa mga kamag-anak at kababayan.
Pagpapalahok sa mga pagkilos/pagtitipon kaugnay ng lokal o sektoral na laban. (Full Mob ulit tayo sa Mayo Uno bilang miting de avanse ng ating mga kandidato).
Pag-ugnay at tuloy-tuloy na pangangampanya sa karatig na pabrika at asosasyon
4. Tungkulin ng presidente at vice president ng unyon at asosayon.
President ng unyon/asosasyon ang magtitiyak ng unification at listahan ng 50 kakampanyahin ng mga kasapi at masang di kasapi.
Vice president at Campaign Committee. Kakatok at mangangampanya sa mga kalapit na organisasyon at karatig na pabrika.
Magpapatawag tayo ng Leaders assembly sa Feb. 6, (Popoy’s Death Anniversary), 2:00 ng hapon with JV at iba pa nating kandidato. Lima (5) kada lokal na unyon at samahan ang padadaluhin. Ito ay para bigyan ng pagkakataon ang pagtatalakayan sa ating plano at ihudyat ang simula ng ating pangangampanya.