Pahayag ng BMP ukol sa isyu ng PAL
Ang paggamit ni DOLE Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa Management Prerogative para sang-ayunan ang Contractualization/Outsourcing ng PAL management sa mga regular Job in Nature nito at pagtatanggal sa 2,600 mga regular na empleyadong nakatalaga dito ay malinaw na Anti-Labor, Anti- Productivity and Progress, Pro-Capitalist at Unconstitutional.
1. Maliwanag na sinasaad sa ating 1987 Phils. (Peoples Power) Constitution ang proteksyon sa paggawa. “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “It shall guarantee the rights of all workers to: Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law. “They shall be entitled to: Security of Tenure, Human Conditions of Work and a Living Wage."
2. Malinaw din na sinasaad sa ating batas paggawa na Kapag Karaniwan, Natatangi at Kinakailangan sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanan ng isang empleyado, siya ay Regular na Empleyado. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
3. Malinaw ding sinasaad sa ating batas paggawa na ang Management Prerogative ng Employer ay may limitasyon sa pagpapatupad nito: Ipinatutupad ito ng goodfaith, may pagsasaalang alang sa seguridad sa trabaho (SOT) at iba pang karapatan ng mga manggagawa. The exercise of management prerogative is not Abuse, Dispotic, Absolute and Boundless.
4. Maliwanag din na nakatadhana sa International Labor Organization (ILO) na: Ang Decent Work Agenda na binalangkas ng International Labor Organization noong 1999. Ayon kay Juan Somavia, Director General ng ILO, “Ang pangunahing layunin ng ILO ay isulong ang oportunidad ng mga kababaihan at kalalakihan na makamit ang desente at produktibong paggawa sa kondisyong may kalayaan, pagkakapantay-pantay, seguridad at makataong dignidad”.
“The primary goal of the ILO today is to promote opportunities for women and men to obtain decent and productive work, in conditions of freedom, equity, security and human dignity.” Juan Somavia, ILO Director-General. In the final outcome statement of the UN World Summit in September 2005, 150 global leaders agreed to place full and productive employment and decent work as a central objective of relevant national and international policies.
5. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, tahasang binalewala at sinalaula ni DOLE Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang karapatan ng mga manggagawa. Mapagbigyan lamang ang mga kapritso at kasakiman sa tubo ni Lucio Tan at mga kapitalista. Lumalabas, hindi baleng mangamatay sa trabaho at gutom ang mga manggagawang Pilipino, matiyak lamang at maprotektahan ang pagkakamal ng limpak limpak na tubo ng mga kapitalista.
6. Nakapagtataka, na kung kailan naabot ang prosperidad ng kaunlaran, siya namang paglaganap ng kagutuman, kahirapan at kamangmangan ng mayoryang populasyon ng ating lipunan. Napakasakit isipin na manggagawa ang lumilikha ng pagkain, gamot, kasuotan, naglalakihang gusali at lahat ng pangangailangan ng lipunan, ngunit sila pa ang salat sa pagkain, kasuotan, gamot, walang matirahan at hindi makapag-aral ang mga anak.
7. Kami ay naniniwala na ang order ni DOLE Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz na sang-ayunan ang Contractualization/Outsourcing ng PAL management sa mga regular Job in Nature nito at pagtatanggal sa 2,600 mga regular na empleyadong nakatalaga dito ay malinaw na sabwatan ng mga kapitalista at mga ahente nito sa loob ng pamahalaan. Matatandaan na si Ex-DOLE Sec. Benny Laguesma ang siyang Law Firm ng PAL ngayon at ang kasalukuyang DOLE Sec. ay tauhan (NCMB Head) noon ni Laguesma.
8. Dahil dito, kami ay nanawagan kay P-Noy na isalba sa panganib ang seguridad sa regular na trabaho ng mga manggagawang Pilipino. Alisin sa kanyang gabinete si DOLE Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz. Bago pa masagasaan ng kanyang programang BALDOZ-ZER ang natitira pang mga regular na manggagawa, mga unyon at CBA nito.
9. Kasabay nito, umaapela kami sa Labor Committee ng 15th Congress, na kagyat na pag-usapan ang pagsasabatas ng panukalang batas ni DIWA Party-List Congresswoman Emmeline Aglipay ukol sa Security Of Tenure (SOT) ng mga manggagawa laban sa laganap na contratualization of employment.
P-NOY, PROTECT REGULAR JOB OF THE FILIPINO WORKERS!
DOLE SEC. ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ, RESIGN!
REGULAR NA TRABAHO, HINDI TANGGALAN AT KONTRAKTWALISASYON!
10 November, 2010
DOLE SEC. ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ, RESIGN!
REGULAR NA TRABAHO, HINDI TANGGALAN AT KONTRAKTWALISASYON!
10 November, 2010