Pagkilos ng mga manggagawa sa Mendiola sa Maynila, Enero 3, 2018, laban sa TRAIN law, na ang epekto ay pagtataas ng presyo ng batayang mga bilihin na pasakit sa mamamayan. Dumalo sa pagkilos ang mga kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER), Metro East Labor Federation (MELF), Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa, at iba't ibang unyon ng mga manggagawa.