Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Nobyembre 7, 2017

Pahayag sa Sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre 1917

Sa Sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre 1917 sa Rusya:
IPAGBUNYI ANG SENTENARYO NG TAGUMPAY NG REBOLUSYONG 1917 AT ANG PAGTATAYO NG SOSYALISTANG REPUBLIKA NG URING MANGGAGAWA!
Ipinagdiriwang ng manggagawang Pilipino, kasama ang uring manggagawa ng buong daigdig, ang sentenaryo o ika-100 taon ng matagumpay na pag-aalsa ng manggagawa na nagbagsak sa kapitalistang estado at nagtatag ng gobyerno ng manggagawa sa Rusya.

Tinagurian itong “rebolusyong sobyet” dahil sa pagtatayo ng mga konseho (soviet) ng mga kinatawan ng mga manggagawa, mahirap na magsasaka, at mga sundalo, na siyang pundasyon ng pampulitikang kapangyarihan na hindi lamang nagtatakda kundi nagpapatupad din ng batas. Ito ang pagkakaorganisa ng manggagawa bilang naghaharing uri.

Ang Rebolusyong 1917 ang ikalawang matagumpay na pagtatangkang itayo ang gobyerno ng manggagawa. Ang una ang ang Paris Commune, na itinatag ng mga manggagawang Pranses sa sentrong lungsod ng kanilang bansa subalit tumagal lamang ito ng dalawa’t kalahating buwan noong Marso hanggang Mayo 1871.

Malaki ang naging papel ng kababaihan dahil sila ang nagsindi ng mitsa upang maging matagumpay ang Rebolusyong Oktubre. Naglunsad ng malawakang pag-aaklas at pagkilos ang mga manggagawang kababaihan noong Marso 8, 1917 (Gregorian Calendar) o Pebrero 23, 1917 sa lumang kalendaryo. Hiniling nila noon ang Kapayapaan at Tinapay (Peace and Bread). Kumalat sa iba’t ibang pabrika ang kilusang welga at sumiklab bilang Rebolusyong Pebrero at napatalsik ang Tsar at mga kaalyado nito, at itinayo ang isang probisyonal na gobyerno o pansamantalang pamahalaan.Isa itong malawakang proseso na tumungo sa Rebolusyong Oktubre 1917 nang pinamunuan na ang pag-aalsang ito ni Vladimir Lenin at ng mga Bolshevik (salitang Ruso sa “majority”), pinatalsik ang probisyunal na gobyerno, itinayo ang unyon ng mga konseho (soviet) at nagpabago sa kalagayan ng mamamayan. Nagsimula ang matagumpay na pag-aalsang ito noong Oktubre 25, 1917 (Julian Calendar) o Nobyembre 7, 1917 (sa kasalukuyang Gregorian Calendar). 

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang lipunan ay pinamahalaan para sa benepisyo ng lahat, para sa lahat ng manggagawa, ng mga maralita at inaapi. Ang prosesong ito ng pagkakamit ng rebolusyon ang siyang naglatag din ng daan upang unti-unting kilalanin ang karapatang pantao, at magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa gabi ng tagumpay ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyon ng Oktubre at pagkakatatag ng gobyernong Sobyet, agad na ipinatupad nina Lenin ang pagwawakas ng paglahok sa daigdigang digmaan, pagkumpiska ng mga lupain mula sa mga panginoong maylupa, at pamumuno sa mga pabrika.

Isang inspirasyon sapagkat itinuturo nito sa mga manggagawa ng daigdig ang kakayahan ng uring manggagawa na mamuno at pangasiwaan ang isang pamahalaan. Kaya niyang ibagsak ang kapitalistang estado. Kaya niyang itatag ang sarili niyang gobyerno. Inspirasyon ang Dakilang Rebolusyong Oktubre ng 1917 sa manggagawa at uring api na nagnanais kumawala sa gapos ng mapagsamantalang sistemang kapitalismo.

Isang inspirasyon ang Rebolusyong Oktubre upang kumilos at magkapitbisig ang mga manggagawang Pilipino at mga manggagawa sa ibang bansa at isulong ang pakikibaka upang maitayo ang kanilang sariling pamahalaan - o gobyerno ng uring manggagawa, hanggang sa ganap na maitayo ang lipunang sosyalismo.

Iminarka ng Rebolusyong Oktubre ang tagumpay ng mga Bolshevik sa pagtatatag ng gobyerno ng manggagawa, sosyalistang konstruksyon, kolektibisasyon at mekanisasyon ng agrikultura, pag-unlad ng edukasyon at kultura ng anakpawis. Ang tagumpay na ito ang nagdala sa Rusya (na sa kalaunan ay naging USSR o Unyong Sobyet ng mga Sosyalistang Republika) sa rurok ng sosyalistang pag-unlad noong unang bahagi ng ikadalawampung siglo. Bagamat ganap na nawasak ang Unyong Sobyet noong taong 1991, ang Rebolusyong Oktubre ng 1917 ay nananatili at nagsisilbing aral at inspirasyon sa uring manggagawa sa kasalukuyan na naghahangad ng pagbabago at paglaya mula sa pagsasamantala ng kapitalismo, at sa mga nagmimithing maitatag ang lipunang sosyalismo at mawakasan na ang pagsasamantala.

Ang karanasan ng uring manggagawa sa Rusya ay tanglaw sa mga manggagawang Pilipino at sa buong sangkatauhan upang lumaya sa pagsasamantala. Ang masusing pagsusuri at pag-aaral ng tagumpay na ito ay gabay sa praktikal na pagkilos ng mga manggagawa upang lumaya mula sa kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao. 

Gawin nating pagkakataon ang selebrasyon ng sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre upang palalimin at ipalaganap ang mga aral ng kasaysayan, at ilunsad ng malawakang pakikipag-ugnayan sa lahat ng manggagawa. Magpunyagi tayo at panghawakan ang mga aral at mga karanasan mula sa Rebolusyong Oktubre! 

Salubungin natin at ipagdiwang ang diwa ng Rebolusyong 1917! Mabuhay ang pakikibaka ng uring manggagawa sa lahat ng bansa! Mabuhay ang Dakilang Rebolusyong Oktubre 1917! 

Nobyembre 7, 2017

Linggo, Hulyo 23, 2017

Flurry of protests to highlight Duterte’s 2nd SONA

Press Release
23 July 2017

Militant groups vowed to to make protests synonymous with President Rodrigo Duterte’s second State of the Nation’s Address (SONA) by staging multiple demonstrations to assert that the president’s promise of change has not been realized.

Contingents of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas and Partido ng Lakas ng Masa (PLM) members will commence their day by holding symbolic simultaneous actions at the Bureau of Internal Revenue to denounce the proposed Tax Reform for Acceleration and Inclusion program, and at the National Housing Authority to push for decent, affordable and safe public housing. The groups will also send a contingent to the nearby head office of the Department of Natural Resource to call for the termination of all coal-related projects.

“The simultaneous actions at various state agencies is proof that change has not come. Despite Duterte’s rosy pronouncements while still campaigning and even up to his first SONA, Duterte’s regime remains to be a major let down for those who voted for him”. said Leody de Guzman, president of BMP.

He added that, “we are even baffled with what he plans to brag as achievements in tomorrow’s SONA. After an entire year of threatening employers who abuse contractual workers, no finger was lifted and despite our protestations, contractual employment remains to be the dominant mode of employment in the country”.

The groups are also critical of the regime’s tax reform program which they branded as regressive and anti-poor. It’s much vaunted tax exemption will only benefit a minute number of the country’s twenty-two million wage-earners as capitalists will not only save up on the proposed bracketing but will also enjoy lowered corporate and estate taxes.

They announced that their contingents shall merge in front of the the Iglesia ni Cristo church in Litex along Commonwealth Avenue and will march towards the North gate, where they will hold their program.

It was earlier announced that other political blocs shall hold their program at the South gate.

Similar protests would also be held in Bacolod, Tacloban, Cebu and Davao.#

Biyernes, Hulyo 21, 2017

Pahayag sa Unang Taon ng Rehimeng Duterte

Unang Taon ng Rehimeng Duterte: Bogus na Pagbabago ng Kapitalista’t Reaksyonaryong Gobyerno

ISANG taon na ang rehimen. Kung dati’y sinasabi ng marami na maaring pagbigyan si Duterte dahil siya ay nasa transisyon pa mula sa dating meyor ng Davao tungo sa pagiging pangulo ng bansa, maari nang husgahan ang kanyang isang taon sa pagitan ng dalawang SONA.

Sa ikalawang SONA ni Duterte, ni anino ng “Change is coming” ay hindi pa rin naaaninag ng mamamayang Pilipino, laluna ng masang manggagawa. Napako ang lahat ng mga pangako. Naglaho na tila bula ang mga repormang itinalumpati para makuha ang boto ng 16 milyong Pilipino. Kung mayroon man tayong nasasaksihang pagbabago, ito ay ang tuminding kahirapan, karahasan, at kaguluhan sa buhay ng mayoryang mahihirap!

Tumitinding Kahirapan

Iba si Duterte sa nagdaang mga pangulo. Walang pretensyon sa pagiging modelo ng “good manners and right conduct” bilang pangulo ng bansa. Isang butangero. Magaspang. Matapang magsalita. Subalit iba ang kanyang ginagawa. Kabaliktaran ng kanyang mga salita.

Kontraktwalisasyon: Para sa manggagawang sahuran, ang pinakamapait na kasingalingan ni Duterte ay ang pangakong “contractualization must stop”. Sapagkat walang nagbago. Tuloy ang endo. Tuloy ang ligaya, hindi lamang ng mga contractor at subcontractor kundi ng mga prinsipal na employer na patuloy na masusuplayan ng mura at maamong kontraktwal na manggagawa.  Ang nilabas na Department Order 174 ni DOLE Sec. Bello ay kabaliktaran sa ipinangako ni Duterte. Ngunit hindi siya kinakastigo ng Palasyo! Wala ring Executive Order para iwasto ang kalokohan ni Sec. Bello. Trabahong regular, hindi kontraktwal!

Tax reform: Nagmamalaki ang gobyerno na “pro-poor” daw ang kanilang panukalang pagrereporma sa sistema ng pagbubuwis. Kailangan daw ito sa mga proyekto ng “build, build, build” na papakinabangan ng taumbayan. Pero sino ang kakargo ng pasaning pagbubuwis? Ang mga mahihirap! Sapagkat ang itataas nila ang excise tax sa mga produktong petrolyo at inuming may-asukal. Pasasaklawin din ang VAT. Tatanggalin ang eksempsyon sa VAT sa renta o pangungupahan na nagkakahalagang P10,000 kada buwan.

Tataas ang presyo ng mga bilihin sa balak na tax reform. Sapagkat ang pangunahing dadagdagan ng tax ay ang produktong petrolyo, na ginagamit sa transportasyon ng mga tao at mga produkto – at sa paglikha ng kuryente. Tataas ang upa ng mga maliit na komersyante, dahil sa VAT, at babawiin nila ito sa presyo ng kanilang mga paninda. Hindi na din eksempted sa VAT ang low-cost at socialized housing!

Nagkukunwari pa silang ibabalanse daw ang sistema ng pagbubuwis dahil itataas sa P250,000 ang eksempsyon sa personal income tax. Kalokohan! Ang milyon-milyong manggagawa, na karamiha’y kontraktwal sa maliliit na mga establisyemento at kumikita ng minimum wage, ay hindi na kinakaltasan ng withholding tax. Ang mahihirap na 60% ng mga pamilyang Pilipino ay hindi nabubuhay sa sahod, kumikita ng mas mababa sa minimum wage, at nasa underground economy. Hindi sila kasali sa income tax exemption! Ang mga mayayaman ang mas makikinabang sa pagtataas ng eksempsyon sa income tax! At tila hindi pa sila nasiyahan dito, ibaba din nila ang buwis sa kita ng mga korporasyon at estate tax (buwis sa mga pag-aari ng isang yumao bago ipamana sa kanyang benepisyaryo). Tax the rich, not the poor!

Mababang sahod. Nananatili ang kontraktwalisasyon. Mababa pa rin ang sweldo. Hindi na nga sapat para mabuhay ng disente’t marangal ang isang pamilya ng manggagawa. Lalo pa itong liliit sa pagsasabatas ng TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion sa 2018, na magtataas sa presyo ng mga bilihin at magbabagsal sa tunay na halaga ng sweldo. Isabatas ang living wage, buwagin ang mga wage board!

Demolisyon at pabahay. Sabi ni Duterte, wala raw madedemolis kung walang relokasyon. Subalit maraming pampublikong proyekto – kasama ang mula sa mga local government, ang nagreresulta sa pwersahang ebiksyon ng mga maralita, kahit hindi pa naisasayos ang kanilang relokasyon.

Ilan lamang dito ang sa Tatalon sa Quezon City, sa Minuyan sa Bulacan, at Langaray Market sa Malabon. Dadami pa ito sa binabalak na “golden age of infrastructure” sa termino ni Duterte. Wala pa ring policy ang Palasyo ukol sa mura at disenteng pabahay sa masang maralita.

Kaya’t sa mga proyektong pang-relokasyon (tulad ng nabulgar sa pabahay na inokupa ng Kadamay sa Bulacan), nananatili ang problema ng kawalan ng serbisyo. Malayo sa hanapbuhay, sa paaralan, sa ospital, atbp. Nasa liblib na karatig-probinsya ng Metro Manila. Minsa’y problema pa ang mismong linya ng tubig at kuryente. Ang masahol, napakamahal pa! Kaya’t tuloy pa rin ang problema ng foreclosure sa mga residenteng hindi makapagbayad ng mga amortisasyon, atbp. Binabawi lamang ng bangko. Habang tumatabo sa tubo ang mga real estate developer, mga opisyal ng local government, at mga bangko’t pinansyer, na tanging nakinabang sa mga proyektong pabahay ng gobyerno. Maayos na relokasyon bago demolisyon! Ipatupad ang Konstitusyunal na probisyon sa mura, ligtas at disenteng pabahay para sa masa!

Pag-atake sa oligarkiya. Aatakehin daw ni Digong ang “oligarkiya” o ang iilang mga pamilya na patuloy sa pagyaman sa kabila ng lumalalang kahirapan ng nakararami. Noong Agosto 2016, ang pinagsamang pagaari ng 50 pinakamayaman sa bansa ay nagkakahalagang $79.47 Bilyon o 27.58% ng gross domestic product o GDP. Mas mataas kumpara noong 2013, na nasa $65.8 Bilyon o 24% ng GDP.

Katunayan, ang pondong tutustos sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Dutertenomics - na nagkakahalagang walo hanggang siyam na trilyong piso (P8-9 trilyon) hanggang 2022 - ay magmumula sa bagong buwis (na papasanin ng mahihirap) at bagong mga pautang.

Sa mga uutangin, 80% ay mula sa mga domestic loans (ibig sabihin, BDO ni Henry Sy, BPI ni Ayala, Metrobank ni Ty, RCBC ni Yuchengco, atbp. na pawang mga oligarkiyang sinabi ni Duterte na kanyang tutugisin!). Habang 20% ang mula sa dayuhang pautang (kasama ang Asian Infrastructure Investment Bank o AIIB), na pinangunahan ng Tsina at kanyang binantaan noon laban sa paghihimasok at pag-angkin sa mga isla sa West Philippine Sea!). Redistribusyon ng yaman!

Pag-atake sa Estados Unidos: Si Duterte raw ay para sa isang “independyenteng patakarang panlabas”. Ayaw daw niya sa panghihimasok ng Amerika. Ngunit hindi niya nilalansag ang kasunduang militar gaya ng Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement, Enchanced Defense Cooperation Agreement, atbp. Bumaliktad din siya sa mga nauna niyang pagkontra sa pagpasok ng tropang Amerikano, pinayagan niya itong sumali sa operasyon laban sa grupong Maute.  Lansagin ang dominasyon ng imperyalistang Amerika sa ekonomya’t pulitika ng bansa!

Pagwasak ng Kalikasan at Pagmimina. Dati animo’y kumakampi si Duterte kay Gina Lopez para proteksyunan ang kalikasan. Subalit hinayaan niya itong malaglag sa Senado. Binabawi na ni DENR Sec Cimatu ang mga suspensyon sa pagmimina na iginawad ni Lopez. Ang pagkawasak sa kalikasan ang sisira sa agrikulturang pangunahing ikinabubuhay ng ating mga kababayan sa kanayunan. Labanan ang mapanira at malakihang pagmimina at pagtotroso!

Umiigting na Karahasan at Kaguluhan

Panghuli, at higit sa lahat, sa unang taon ni Duterte, naging saksi tayo sa kaliwa’t kanang patayan at pagkawalang-bahala sa proseso ng batas. Libo-libo na ang pinatay ng “War on Drugs”, karamiha’y mga mahihirap na adik at tulak. Ngayo’y idinidikit na nila ang isyu ng droga sa gyera kontra terorismo. May mga nagpapanukala pang patagalin at/o palawigin ang Batas Militar sa buong bansa upang magamit ang kamay na bakal na estado sa lahat ng kalaban ng republika.

Nililikha ng mga pwersa ng reaksyon ang isang klima ng takot, pananahimik, at pag-aatubiling punahin ang mga ginagawa ni Duterte, na kung hahayaang magtagumpay ay tutungo sa tuluyang paglusaw sa ating mga demokratikong karapatan. Laluna sa kalayaang lumaban sa pang-aapi’t pang-aabuso ng iilang mayyaman at may-kapangyarihan - sa pamamagitan ng malayang pagtitipon, sama-samang pagkilos, at sariling pag-oorganisa.

Ang klima ng takot at pagsawalang-kibo ang pinakapaborableng kondisyon para sa malawakang pandarambong, hindi lang ng mga burukrata’t opisyal na magpipiyesta sa pinalaking buwis na kokolektahin ng gobyerno kundi ng mga malalaking kapitalista magiging kasosyo’t pinansyer sa mga proyektong pangimprastraktura, mga kontrata sa pagtotroso at pagmimina, at sa lahat ng likas at likhang yamang mula sa kalikasan at paggawa sa Pilipinas. Labanan ang pasistang atake sa mga kalayaang sibil at karapatang pantao!

Mga kauri at kababayan! Huwag tayong magpaloko sa mga pretensyon ni Duterte. Bogus ang ipinangakong pagbabago ng “Change is coming”! Kiskisin natin ang nakalambong na ilusyon upang tumambad sa atin na ang kasalukuyang pangulo ay tagapagpatupad lamang ng interes ng malalaking kapital. Ito ang katotohanang aming ipinababatid sa milyon-milyong umaasa pa rin sa kanilang bulaang manunubos. Sama-sama nating isulong at ipagtanggol ang ating mga karapatan at kabuhayan tungo sa tunay na pagbabagong matagal nang inaasam ng manggagawa’t mamamayang Pilipino. # 

Miyerkules, Mayo 24, 2017

Workers’ Group rejects Military Rule in Mindanao

PRESS STATEMENT
May 24, 2017
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Workers’ Group rejects Military Rule in Mindanao

The Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), a socialist national labor center, added its voice today to all those who oppose President Rodrigo Duterte’s imposition of martial law in the whole of Mindanao. Our position in based on the following grounds:

1. Mindanao is not in a state of lawless violence, nor is it facing invasion or rebellion, which are the only cases where Martial Law could be legally imposed.

The Marawi attack does not justify the imposition of military rule in a region that is now pursuing peace through revived negotiations between the Philippine government and the various armed groups of the Moro self-determination movement.

2. Unlike in the 1973 and 1935 constitutions, where imminent danger or mere threat to public safety is enough to justify military rule and the suspension of the writ of habeas corpus, the 1987 Constitution requires that there has to be an actual uprising or insurrection in the entire Mindanao region before a justified declaration of Martial Law.

In forty eight (48) hours, Duterte is required, by law, to reveal to Congress the factual and legal basis of his imposition of Martial Law.

We demand that Malacanang to also present its case on why military rule is its solution to the terror attacks, as it is contradictory to statements by the Armed Forces of the Philippines (AFP), which declared that the situation in Marawi is now “under control”, and to declarations by Rodrigo Duterte himself, who has said that a purely military solution will not address the historical roots of the Mindanao conflict.

3. The legal minds of Malacanang – especially President Duterte – may argue that safeguards to civil liberties and political rights are in place even with the imposition of Martial Law. But formal recognition is different from actual realities. The Bill of Rights is often illusory in a warlord-ridden region such as Mindanao, even during peace-time but certainly more so during martial rule.

Since the imposition of martial law in Mindanao has no factual and legal basis and because Malacanang rushed into martial rule, without exhausting all other options, we fear that the fascist tendency of the Duterte regime is nearing its full bloom, through the re-imposition of open dictatorship in the entire country, which Digong has repeatedly threatened to do during the campaign and throughout his first year in office.

The BMP demands that the Duterte administration immediately (a) end the martial law in Mindanao; (b) uphold civilian supremacy over the military; (c) protect people’s rights – especially the rights to freedom of association and legitimate dissent; and, (d) address the longstanding conflicts in Mindanao by satisfying the Filipino people’s demand for peace and equality and the Bangsamoro people’s right for self-determination. #

Lunes, Mayo 1, 2017

Oryentasyon ng BMP

Ano ang BMP?

Ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ay isang pulitikal na organisasyon ng manggagawa na nag-aadhikang mapaunlad ang kalagayan ng lahat ng manggagawa at iba pang napagsasamantalahang uri at pangkat, upang kamtin ang kalayaan ng lahat, at upang tiyaking mabubuhay ang lahat sa buhay na may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan.

Naniniwala kaming marami pa ring manggagawa ang nananatiling naghihikahos o kaya'y laging walang katiyakan ang buhay - na pinagkakaitan ng anumang kakayahang alagaan ang kanilang mga sarili at kanilang mga mahal sa buhay, upang mapaunlad ang kanilang talino at kakayahan, upang kamtin ang kanilang mga pangarap, at upang maging ganap na malaya - sa kabila ng kanilang pagsisikap at mga sakripisyo dahil sa tipo ng sistemang pang-ekonomya at pampulitikang kinasadlakan nila: isang sistemang tinatawag na kapitalismo.

Sa ganitong sistema, ang mga kagamitan sa produksyon - lupain, pabrika, makina, at iba pa - ay pribadong pagmamay-ari ng iilang pangkat ng indibidwal, ang mga kapitalista. Ang sistemang ito ng pribadong pagmamay-ari ang nagbibigay-daan sa mga kapitalista upang pagsamantalahan at alipinin ang mga manggagawa - yaong mga, dahil sa di nila inaari at mga walang kakayahang mag-ari ng mga kagamitan sa produksyong ito, ay walang pagpipilian kundi maging manggagawa kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Sa madaling salita, binibigyang daan nito ang mga kapitalista upang epektibong alipinin ang mga manggagawa sa ilalim ng sistema ng sahurang pang-aalipin. At natutulak rin nito ang mga kapitalista upang magpaligsahan at palaguin ang tubo sa pamamagitan ng pagbabarat sa sahod, pagpapalaki ng oras ng paggawa, at pagpapatindi ng paggamit ng likas-yaman.

Kasabay nito, pangunahing nakatuon ito sa pagkamal ng laksa-laksang tubo, maaaring panatilihin o mapalakas ang umiiral na mga ugnayan ng paghahari - tulad ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo - upang patindihin pa ang kanilang pagsasamantala sa kababaihan, mga dayuhan, LGBTQ, o iba pang pangkat sagigilid o may dungis sa karangalan.

Kaya kami'y naniniwalang habang ipinagtatanggol ng manggagawa ang kanilang interes sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa tangka ng kapitalistang pababain ang sahod at sagpangin ang mas malaking bahagi ng yamang kanilang nilikha, mapapabuti lamang nila at ng iba pang aping uri o pangkat ang kanilang mga buhay, makamit ang kalayaan, mabuhay ng may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan sa pamamagitan ng pagpapalit sa kapitalismo, o itong sistema ng sahurang pang-aalipin, ng isa pang sistema: ang sosyalismo.

Sa ilalim ng sistemang ito, dapat na kolektibo at demokratikong inaari at kontrolado ng mga tao ang mga kasangkapan sa produksyon. Walang sinuman ang pinahihintulutang magsamantala at alipinin ang kanyang kapwa sapagkat, kung ang lahat ay may kakayahang pangasiwaan ang mga kasangkapan sa produksyon, walang dahilan upang matulak na magpaalipin ang isang tao sa iba upang mabuhay lamang. Dapat na ang produksyon ay nakabatay sa kooperasyon o pagtutulungan ng bawat isa - sa pagpaplano at pinag-isipang demokrasya - imbes na sa anarkikong kumpetisyon. Ang ating mithiin ay hindi na para magkamal ng limpak-limpak na tubo kundi ang pangalagaan ang bawat isa at ang inang kalikasan. Ang bawat isa'y dapat magkaroon ng mga mapagkukunang kailangan nila upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Dapat manatiling nasa wasto ang oras ng trabaho upang magkaroon ng mas maraming oras ang tao upang paunlarin ang kanilang mga talento at maging taong maraming kakayahan. Dapat na mas maging makatuwiran ang paggamit ng likas-yaman upang matiyak na ito'y napangangalagaan.

Kasabay nito, ang pagkamal ng limpak-limpak na tubo ang hindi na pangunahing layunin ng anumang pangkat, dapat na mas kaunti o hindi na kailangan pang pagsamantalahan ang mga kababaihan, dayuhan, LGBTQ at iba pang pangkat sagigilid. Ang mga kalagayang nagpapatatag ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo ay dapat na mabawasan kung hindi mawala man mawala nang tuluyan.

Ang ganitong sistema'y hindi kailanman maluwag sa kaloobang binuo ng lahat ng mga nakikinabang mula sa kasalukuyang sistema at yaong naghahari at ginagamit ang estado upang ipagtanggol o ipagpatuloy ang sistemang ito. Ito’y mabubuo lamang sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos ng lahat ng may interes upang mabago at mapalitan ang sistemang ito at wala nang pagpipilian, kung nais nilang palayain ang kanilang sarili, kundi ang agawin ang pampulitikang kapangyarihan at mawakasan ang kapitalistang paghahari.

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakasama-sama upang itatag ang BMP: upang paunlarin ang makauring kamalayan ng manggagawa at pagbutihin ang kanilang samahang nagsasarili upang mapalakas pa nila ang kanilang kakayahang baguhin ang sistema at maitatag ang isang bagong lipunan, isang bagong kabihasnan kung saan sila – at ang iba pa – ay tunay  na malaya at tunay na makatao.

Ano ang kaibahan ng BMP sa iba pang mga unyon at pederasyon? Paano ba natin patatatagin ang mga unyon / pederasyon at ang BMP?

Naniniwala ang mga kasapi ng BMP na kaya at dapat ipagtanggol ng mga manggagawa ang kanilang mga interes sa loob ng kasalukuyang sistema ng sahurang pang-aalipin sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa mga pagtatangka ng mga kapitalistang lalong baratin ang kanilang mga sahod, pagkaitan ng mas magandang benepisyo, o pagkaitan sila g kasiguruhan sa trabaho sa kanilang pabrika, industriya o sector. At upang mas maging epektibo sa paglulunsad ng ganitong pakikibaka, dapat labanan ng manggagawa ang palagiang pagtatangka ng mga kapitalista na paghiwa-hiwalayin sila sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kanilang mga sarili sa unyon o pederasyong ng paggawa.

Ito ang dahilan kung bakit nakatuon kami sa pagpapatatag ng mga unyon at pederasyon: napakahalagang kasangkapan nito upang maipagsanggalan ng mga manggagawa ang kanilang mga kalamangan at pagbutihin pa ang kanilang kalagayan sa pamumuhay sa loob ng kapitalistang lipunan.

Subalit maaari – at napipilitan – ang mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilang mga interes sa labas ng kanilang pagawaan, industriya o sector. Dapat nilang labanan ang mga pagtatangka ng mga kapitalista na ipasa ang gastusin sa tumaas na sahod o tanganan ang malaking bahagi ng yamang kanilang nalikha sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang presyo, sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang buwis at iba pang pananagutan (at kung gayon ay ang kanilang ambag sa pagbabayad para sa panlipunang serbisyo), o sa pamamagitan ng paggigiit ng iba pang batas na laban sa manggagawa at iba pang polisiyang nagpapahirap sa manggagawa upang mag-organisa at ipaglaban ang kanilang interes sa loob at labas ng kanilang kumpanya, industriya o saray.

At ang mga manggagawa’y kaya at dapat ding maipagtanggol ang kanilang interes at makibaka upang mapaganda ang kanilang pamumuhay hindi lamang makibaka para sa mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo o may katiyakan sa trabaho - o sa tangkang tiyakin ang mas mabuting kabayaran sa kanilang sahurang pagkaalipin - sa loob at labas ng kanilang kumpanya o industriya. Kaya nila at dapat nilang ipagtanggol ang kanilang interes at pakikibaka upang paunlarin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pakikibaka upang wakasan ang sistemang ito ng sahurang pang-aalipin at paglikha ng bago at naiibang lipunan - isang lipunang hindi na sila alipin - maging sila ma’y alipin mas mataas na kabayaran.

Kung di man nila gawin ito - o kung di nila tutugunan ang mga sistematikong dahilan ng kanilang problema upang labanan ang kapitalismo at magtayo ng bagong sistema, Maaari lamang mapabuti ang kanilang sariling mga partikular na kalagayan sa pamumuhay - ang kanilang mga indibidwal na interes o interes ng kanilang  unyon - nang may limitasyon. Ang mabuti, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na may maluwag na tanikala. Ang masama, dahil ang mismong kapangyarihan ng mga kapitalista ay nakasalalay sa patuloy nitong pagkontrol o pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon at ang kanilang kakayahang sagupain ang "mga malawakang welga," sila ay nakatali sa patuloy na paglulunsad ng mga depensibong pakikibaka upang hindi mawala ang kanilang napagtagumpayan. Sa madaling salita, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na nanganganib lalong higpitan ang tanikala. Tanging sa pagtugon sa ugat ng problema, o tanging sa pagdurog sa kapangyarihan ng burgesya sa pamamagitan ng pagpawi sa pribadong pagmamay-ari, na sila’y magiging ganap na malaya.

Upang mas maging epektibo ang mga manggagawa sa paglunsad ng mga pakikibakang ito - mga pakikibakang lagpas sa mga dingding ng kanilang sariling kumpanya o industriya, hindi sapat ang mga unyon at mga pederasyon. Kailangan din ng mga manggagawang buuin at palakasin ang kanilang sariling malinaw na pampulitikang organisasyon. Habang tumututok ang mga unyon at pederasyon sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa loob ng mga kumpanya, industriya, o saray upang mapagbuti ang kanilang kakayahang makibaka laban sa kanilang sariling mga kapitalista para sa mas mataas na sahod, mas mabuting benepisyo, dapat tumuon ang organisasyong pampulitikang ito sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa mga kumpanya, industriya at saray, o sa mas malawak na lipunan, sa pakikibaka laban sa buong uring kapitalista hindi lamang para sa mas mahusay na pagbabayad sa mga sahurang-alipin, kundi upang wakasan na ang sahurang-pang-aalipin ng mas mahusay na sistema kung saan ang mga manggagawa, at iba pang mga aping uri at pangkat, ay hindi na mamumuhay bilang mga alipin.

Kung gayon ay dapat sumali at palakasin ng mga manggagawa ang mga unyon / pederasyon at pampulitikang organisasyon tulad ng BMP. Kinakailangan ang mga iyon upang ipaglaban ang kanilang interes at mapaunlad ang kanilang mga buhay. Nakasalalay iyon sa bawat isa upang makamit ang kanilang layunin.

Kung sasali lamang ang mga manggagawa at magpapalakas ng mga unyon / federasyon subalit tumangging sumali at palakasin ang mga organisasyong pampulitika tulad ng BMP, malamang na ang anumang natamo o nakamit na tagumpay sa loob ng kanilang kumpanya o industriya ay babawiin lamang o aagawin sa kanila sa labas ng kanilang kumpanya at industriya sapagkat gagamitin ng mga kapitalista ang kanilang kapangyarihang pampulitika upang ipasa ang mga gastos ng mas mataas na sahod pabalik sa mga manggagawa sa anyo ng mas mataas na presyo o pinababang mga serbisyong panlipunan o upang ipasa ang mga batas laban sa unyon o mga hakbang na maaaring maging mas mahirap para sa mga unyon na organisahin. At kahit kamtin nila ang mga tagumpay sa  anyo ng mas mataas na sahod o mas mabuting benepisyo, mananatili silang walang kalayaan at hindi mapauunlad ang kanilang kakayahan bilang tao dahil patuloy pa silang magtrabaho at itinatalaga ang malaking bahagi ng kanilang buhay sa pagyaman ng mga kapitalista.

Gayunpaman, kasabay nito, ang kabaligtaran ay hindi rin gagana: Kung ang mga manggagawa ay sumasali at nagpapalakas ng mga pampulitikang organisasyon tulad ng BMP at tumangging sumali at magpalakas ng mga unyon / federasyon, maaaring hindi nila maipanaloa ng mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo sa kanilang sarili kumpanya, industriya o saray. Malamang na hindi nila maisulong ang kanilang kakayahang lumaban lalo na sa mas malaking panalo o mapaunlad ang kanilang kakayahang magtatag at matanganan ang kapangyarihang pampulitika upang pawiin ang sahurang pang-aalipin at lumikha ng isang bagong lipunan. Sakali mang mangyari ito, hindi lamang sila mananatiling nakatanikala, mas lalong hihigpit ang kanilang tanikala at mas hindi kakayanin - isang kalagayang hindi makatutulong sa kanilang pakikibaka upang kamtin ang kalayaan. Sa madaling salita: hindi lamang sila mananatiling alipin, kundi aliping hindi pinasasahuran ng tama, napipigilan hindi lamang sa pagluwag kundi pati na rin sa pagwasak ng kanilang mga tanikala sa kabuuan.

Paano nagkakaiba ang BMP sa iba pang mga pulitikal na kapisanan ng mga manggagawa?

Tinatanggap, sinusuportahan, at pinaninindigan ng BMP ang pakikipagkaisa sa iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, ngunit iginigiit din nito ang kanyang awtonomya mula sa at higit pa sa mga ito dahil may iba itong layunin at ibang estratehiya upang kamtin ang layuning iyon.

Tulad ng iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, tulad ng Federation of Free Workers (FFW), the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), o SENTRO, ipinaglalaban ng BMP ang mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo, o mas mapabuti ang kalagayan sa trabaho ng mga manggagawa.

Subalit kaiba sa mga organisasyon tulad ng FFW at TUCP, hindi lamang nilalayon ng BMP ang katiyakan sa mas maayos na pasahod o mas mabuting kalagayan sa paggawa – ang mas malaking layunin nito ay ang palayain ang mga manggagawa at iba pang aping uri at pangkat mula sa kuko ng sahurang pang-aalipin at kapitalistang pagsasamantala. Naniniwala ang BMP na ang interes ng mga manggagawa ay hindi mapaliliit ng paglaki ng sahod o mas masaganang benepisyo; ang mas malawak nilang interes ay ang pagkakamit ng totoong kalayaan at ganap na pag-unlad ng tao. Hindi maisusulong ang interes na ito sa pagpapakinis lamang ng tanikala ng kapitalismo, kundi sa pagputol sa gintong tanikala ng kapitalismo, na siyang magwawakas sa paghahari ng mga kapitalista. Higit na tulad ng mga organisasyong pampulitika tulad ng KMU o SENTRO, nilalayon ng BMP na ang kapitalismo'y mapalitan ng sosyalismo.

Hindi tulad ng ibang organisasyong ito na nagsasabing nangangarap din ng sosyalismo, hindi kami naniniwalang ang landas patungong sosyalismo ay tutungo sa “panlipunang demokrasya”, tulad ng tinatanganan ng mga kasapi ng SENTRO, o sa pamamagitan ng “pambansang demokrasya”, na sinasabi naman ng mga kasapi ng KMU.

Kabaligtaran sa mga kasapi ng SENTRO, hindi kami naniniwalang ang pagreporma sa kapitalismo ay dahilan ng pagtitipun-tipon at magbubuo patungong sosyalismo, kaya ang mga manggagawa ay makikipagtulungan lamang sa mga kapitalista’t elitistang nag-iisip ng reporma at makapasok o palitan ang kapitalistang estado upang maitulak ang mga reporma at malikha ang isang tipo ng estadong ang kapakanan ay sosyal-demokratiko tulad ng nasa Kanlurang Europa.

Bagamat tinatanggap at sinusuportahan natin ang mga reporma sa loob ng balangkas ng kapitalismo, tinatanggihan natin ang pananaw na ang mga nasabing reporma'y tiyak na hahantong sa sosyalismo. Maliban kung ang mga repormang ito ay nagpapahina sa kapangyarihang pang-ekonomya at pampulitika ng burgesya at maliban kung gagamitin natin ito upang mapalawak ang mga litaw na antagonismo laban sa burgesya, hahantong lamang sila sa higit pang pagsasama ng paghahari ng burgesya at mas patindihin ang pagkakahati at kumpetisyon ng mga manggagawa, sa gayon ay higit na magpatuloy sa halip na mawakasan ang pagsasamantala sa mga manggagawa at kalikasan.

Tulad ng mga kasapi ng KMU, naniniwala kaming makakamit lamang ang sosyalismo hindi sa pamamagitang ng kampanyang repormista sa loob ng pampulitikang sistemang pinangingibabawan ng burgesya, kundi sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagpapakilos laban sa gayong sistema – sa pamamagitan ng pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan, paglansag sa kapitalistang estado at pagbubuo ng isang sadyang naiiba, dahil sosyalistang, estado.

Gayunman, kabaligtaran sa KMU, hindi kami naniniwala na ang lipunang Pilipino ay semipyudal at semikolonyal pa rin at samakatuwid, na ang layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay dapat na unang dumaan sa yugto ng kapitalismo - na makipagtulungan muna sa mga tinatawag na “pambansang burgesya” laban sa “mga bansang imperyalista”, at matatag ang isang tipo ng “pambansang kapitalismo” bago tumungo sa pagtatatag ng sosyalismo. Kasunod nito, hindi rin kami naniniwalang ang mga magsasaka ang bumubuo sa mga rebolusyonaryong pwersa ngayon.

Naniniwala tayo, kahit nananatili ang mga labi ng pyudal na ugnayan, ang lipunang Pilipino sa katunayan ay paurong subalit nananatiling lipunang kapitalista, na pasok na pasok sa salikop ng pandaigdigang kapitalismo. Layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay hindi na ang pagtatag ng mga kondisyon para sa kapitalismo kundi upang tumungo na sa sosyalismo sa antas pambansa at pandaigdigan. At habang pinapakilos din natin ang mga magsasaka sa pagtataguyod ng kanilang mga kahilingan, ang ating maaasahan bilang pwersang rebolusyonaryo ay ang mga manggagawa - ang tanging uring magpapaluhod sa mga kapitalista at magdadala sa hapag ng negosasyon sa pamamagitan ng pagtangan sa kanilang kolektibong lakas-paggawa.

Habang nilalabanan din natin ang imperyalismo at sinusuportahan ang mga pagkilos upang putulin ang kakayahan ng puhunan na pagsamantalahan ang manggagawang Pilipino, naniniwala kaming ang lahat ng kapitaista – makabayan man o dayuhan – ay dapat labanan. Kasama sa ating mga kaaway ang mga burgesya ng lahat ng lupain, pangunahin sa kanila yaong mula sa mga dominanteng estado ng mga abanteng kapitalista na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang mangibabaw at pagsamantalahan ang ibang bansa – hindi ang proletaryado at iba pang aping uri ng ibang bansa – kundi pati na burgesya sa Pilipinas. Ang pagkampi sa “ating’ tinatawag na “pambansang burgesya” sa ngalan ng “pambansang demokrasya” ay inilalaban lamang tayo laban sa ating kapwa manggagawa sa ibayong dagat. Hahantong ito sa higit pang pagsasamantala sa manggagawa at sa kapaligiran, tungo sa pagpapalakas at pagpapatatag ng paghahari ng burgesya, at sa paghihiwa-hiwalay ng kilusan ng uring manggagawa rito at sa ibayong dagat, kaya inilalayo tayo sa halip na paglapit-lapitin patungong sosyalismo.

Para sa mga kasapi ng BMP, ang mga manggagawa sa Pilipinas ay dapat makipagkaisa sa mga manggagawa ng lahat ng bansa upang makubkob ang pulitikal na kapangyarihan, masakop ang mga estado, at agarang maitatag hindi ang "pambansang kapitalismo" kundi sosyalismo sa pambansa at pandaigdigang antas.

Ano ang mga nakamit ng BMP?

Simula nang maitatag ito noong 1993, pinangunahan ng BMP ang mga kampanya at mobilisasyon na kahit papaano'y nakapagpapigil upang di tuluyang malugmok ang buhay ng mga manggagawa.

Noong 1993, halimbawa, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng Labor Alliance for Wage Increase (LAWIN 35), isang malawak na alyansa ng mga kapisanan ng paggawa na masiglang nangampanya para sa P35.00 pantay-pantay na pagtaas ng pinakamababang pasahod. Bumigay ang pamahalaan at nagbigay sa manggagawa ng P25.00 taas sa pasahod. Nang sumunod na taon, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng multisarayal na Kilusang Roll Back o KRB na matagumpay na nangampanya upang mapababa ang presyo ng langis. Kaya napilitan si Pangulong Ramos na ibaba ang presyo ng mga produktong langis sa katampatang P1.00 kada litro.

Noong 1995, nadawit ang BMP sa pagmobilisa ng higit sa 80,000 katao sa martsa-protesta laban sa panukalang ipatupad ng sistemang pinalawak na value-added tax (E-VAT). Noong 2001, inorganisa nito ang mga manggagawa upang maging bahagi ng kilusang nananawagan ng pagpapatalsik sa noo'y Pangulong Estrada sa ilalim ng panawagang "Resign All!" Nang sumunod na mga taon, pinasimulan nito ang pagbubuo ng mga partido pulitikal na nagpatakbo at matagumpay na nangampanya para sa mga kandidato mula sa uring manggagawa sa mga pambansang halalan.

Magmula noon, nagsasagawa ang BMP ng di-mabilang na kampanya laban sa deregulasyon ng langis, mga diketiba laban sa welga, kontraktwalisasyon, pagmimina at iba pang patakarang nakasisira sa kalikasan, at iba pang patakarang laban sa manggagawa at mamamayan. Sinusuportahan din nila ang samutsaring pakikibakang lokal ng mga unyon na nakikibaka para sa mga karapatan ng manggagawa – kabilang na ang mga mapangahas na direktang pagkilos tulad ng pagsakop at pag-okupa ng mga opisina ng Kalihim ng Paggawa.

Ngunit di lahat ng mga kampanya at pagsisikap na ito ay nakapigil sa pagpapatupad ng mga polisiyang laban sa mga manggagawa. Subalit ang mga ito’y nakapag-ambag pa rin sa pagpapalakas ng kilusang manggagawa sa pagkakapitbisig ng mga manggagawa upang makibakang pulitikal – na di lamang pang-ekonomya – sa labas ng kanilang mga pagawaan, sa pamamagitan ng pagpapatampok sa mas malalim na sistemikong ugat ng mga suliraning kinakaharap ng manggagawa, at sa pagpapakita ng pangangailangan ng sistemikong alternatiba.

Ano ang mga kinakaharap na hamon ng BMP sa kasalukuyan?

Sa kabila ng mga tagumpay ng BMP sa pagtatatag ng radikal na kilusan ng uring manggagawa at paglalaan ng alternatiba, laban-sa-sistema at internasyunalistang diwa, nahaharap sa mabibigat na balakid ang BMP at ang mas malawak na kilusang manggagawa sa pagkakamit ng ating mga layunin sa kasalukuyan.

Salamat sa tumitinding kumpetisyong global sa pagitan ng mga kapitalista bilang resulta ng paikid na pagbulusok ng pandaigdigang ekonomya mula pa noong 1970, at ang mabalasik na pagsisikap ng Pilipinas at ng iba pang pamahalaan upang itaguyod ang "malayang kalakalan" at iba pang polisiyang neoliberal at laban-sa-manggagawa bilang tugon sa ganitong kawalang-pagsulong, maraming pabrikang isinara at inilipat sa mga bansang may "mas murang" lakas-paggawa at mas maka-negosyong polisiya, kaya maraming mga manggagawa sa Pilipinas ay naiwang walang trabaho o napilitang maghanap ng iba pang trabahong hindi-unyonisado dito sa bansa o sa ibayong dagat.

At dahil sa walang humpay na pagsisikap ng pamahalaan upang makaakit ng mga mamumuhunan sa pagtataguyod ng "kontraktwalisasyon" at sa pag-atake sa kakaunti na nga lang na proteksyon sa manggagawa na kanilang ipinagtagumpay sa tunggalian, marami sa libu-libong manggagawang pumasok sa trabaho ng mga nakaraang taon ay hindi nakasapi o nakapagtayo ng unyon dahil sila ay mga "kontaktwal" o dahil ang kanilang employer ay nakatagpo ng bagong pamamaraang ligal na makapagdudurog sa unyon at pipigil sa mga manggagawa upang maging organisado.

Ang resulta ay ang matalurok na pagbaba ng mababa nang bilang ng mga manggagawang organisado sa bansa. Kung noong 1996, halimbawa, 3,646,000 lamang ng 12,649,000 na sahurang manggagawa ang unyonisado at 542,223 lang ang sakop ng collective bargaining agreement (CBA), noong 2014, 1,874,000 lamang ng 22,555,000 sahurang manggagawa ay unyonisado at 257,406 lamang ang may CBA. Sa madaling salita, dumoble ang bilang ng sahurang manggagawa ngunit ang bilang naman ng manggagawang unyonisado ay nangalahati!

Ito’y maaaring maging kapahamakan para sa kilusan ng uring manggagawa. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas magiging lantad sa pagsasamantala ang mga manggagawa sa mga tangka ng kapitalista upang mapababa ang tunay na sahod, na di na maibalik sa dati, o makibaka laban sa mga batas na mas marahas sa manggagawa na patuloy na inuudyok ng pamahalaan. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas mahirap mapuntahan at maorganisa ang mga manggagawa sa mas malalaking pakikibakang pulitikal tulad ng bantang diktadura na inilalatag ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa, ito’y maaaring maging mapanirang siklo na maaaring lalong magpahina sa kilusan ng uring manggagawa: Kung paunti nang paunting manggagawa ang sumasapi sa unyon, maaaring paunti na rin ang mga rekursong kinakailangan sa pag-oorganisa ng manggagawa o sa pagtatalaga ng mga organisador sa mga pabrika upang tulungan ang mga palabang manggagawa upang magbuo ng mga unyon, sa gayon ay mas humirap pa ang pagbubuo ng mga unyon.

Ang resulta ay maaaring ang patuloy na pagkawasak ng mga organisadong kilusan ng uring manggagawa - na di magawang mamobilisa ang malaking bilang ng manggagawang lumalaban para sa mas mabutng pasahod para sa mga sahurang-alipin, hayaan nang magwakas ang sistema ng sahurang pang-aalipin na nagpapababa sa pagkatao ng manggagawa.

Subalit maaari din itong magbukas ng mga oportunidad: Ang mga manggagawang patuloy na nahaharap sa banta sa kanilang kalagayang mabuhay habang inaagaw ng mga kapitalista ang kanilang mga nakamit na tagumpay, kasama ang pamahalaang hindi kayang tumupad sa mga iinangako nito upang umunlad ang buhay ng mga manggagawa, kasama na ang mga liberal o "dilawan" pati na ang iba pang mas militanteng partido o kapisanan ng manggagawa na hindi makapagbigay ng tunay na kalutasan sa krisis, hinog na rin ang kalagayan upang parami ng parami ang mga manggagawang sumasama sa pakikibakang "depensibo" upang protektahan ang kanilang interes sa loob ng balangkas ng kapitalismo - pati na ang mas "opensibang" pakikibaka upang isulong ang kanilang interes sa labas ng balangkas ng kapitalismo.

Mahigit sa dalawampung milyong sahurang manggagawa ang hindi unyonisado at hindi organisado: napakaraming manggagawa niyan na ating maoorganisa at mapapasapi sa ating kilusan. Hindi pinaniniwalaan o nawawalan na ng pagkalehitimo ang iba pang alternatibong pwersang pulitikal: ang mga "dilaw" ay may kaunti na lang kredibilidad sapagkat nang itinuloy ng pamahalaang Aquino ang mga polisiyang neoliberal ay sinayang na nito ang tiwala at pag-asang ibinigay ng mga tao sa kanila, habang ang ibang "pulahan" ay nawawalan na ngayon ng kredibilidad dahil sa kanilang pakikipag-alyansa sa neoliberal din (at nagiging awtokratikong) pamahalaang Duterte. Naglalatag ito ng pambihirang oportunidad na maglatag ng tunay na alternatiba.

Anong dapat nating gawin?

Dapat nating harapin ang panganib sa pamamagitan ng pagsunggab sa pagkakataon. Ngayon na ang panahon upang pagsikapan nating organisahin ang mga manggagawa, paunlarin ang kanilang makauring kamalayan at muling itatag ang nagsasarili nilang kapisanan upang mas mapahusay pa ang kanilang kakayanan upang baguhin ang sistema at magtatag ng bagong lipunan.

Upang magawa ito, kailangang patindihin natin ang ating mga pagsisikap upang maitatag at mapalakas ang mga unyon at pederasyon upang ipaglaban ang karapatan ng manggagawa sa antas ng pabrika o sa industriya. At kasabay nito, dapat din nating patindihin ang ating mga pagsisikap na matitatag at mapalakas ang ating kapisanang pulitikal, ang BMP. Dapat na sabay sila sapagkat kung gaano kalakas ang ating mga unyon at pederasyon ay gayon din kalakas at kaepektibo ang BMP; kung gaano kalakas at mas epektibo ang BMP, gayon din kalakas ang ating mga unyon at pederasyon.

Sa praktika, nangangahulugan itong pag-uukol n gating limitadong lakas at rekurso tungo sa batayang tungkuling organisahin ang mga unyon at pederasyon sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mas maraming organisador ng BMP upang magtayo ng mga unyon sa mga walang unyon o upang suportahan at mapahusay ang kanilang pagiging epektibo kung saan sila kumikilos; sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng malawakang kampanyang edukasyon upang makontra ang mga propaganda at kampanyang edukasyong taliwas ng mga kapitalista at mahawakan sa leeg ang mga pangkat ng manggagawa; at sa pagmomobilisa laban sa mga umiiral at panukalang patakaran ng pamahalaan na lalong nagpapahirap sa pagtatag at pagpapanatili ng mga unyon at pederasyon.

Gayunman, kasabay nito, nangangahulugan itong pagpapatindi n gating pagtatangkang magpaunlad ng mga indibidwal na sosyalista at mga sosyalistang pangkat o “buklod” sa maraming pagawaan – lalo na sa mga istratehikong sector. Ang mga indibidwal na ito at ang kanilang buklod – ang batayang yunit ng BMP – ay dapat magpanimulang hakbang sa kanilang tangkang makalikha o makapagpatibay ng mga unyon o pederasyon sa kanilang mga pabrika o sector. Dapat nilang malikha ang isang independyenteng pwersa sa loob ng bawat kampanya, pagtutulak, pagsuporta – at kung kinakailangan, brasuhin ang liderato ng unyon upang makibaka para sa karapatan ng mga manggagawa sa antas-lokal, pambansa at pandaigdig. Kung wala ang mga buklod na ito, iilang unyon lang ang maitatatag at yaong mga naitatag na’y baka mabuslo sa “ekonomismo”, na nakatutok lang sa pagsusulong ng kanilang sariling partikular na interes imbes na interes ng buong uring manggagawa at ng ibang aping uri at pangkat. Sila’y maaaring masakal ng tagapamahala o tumungo sa mga pwersang sipsip at dilawan; ang malala, sila’y maging tiwali, na umaakto bilang “aristokrata sa paggawa” na pinakikintab lang ang sistemang mapagsamantala sa kapwa manggagawa imbes na putulin ito.

Tanging sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pakikibakang "pang-ekonomiya" at "pampulitika" sa loob at labas ng pabrika ay mapipigilan natin ang kasalukuyang panganib na ating kinakaharap: isang pamumunong awtoritaryan, kung hindi man pasista, at samakatuwid ay rehimeng laban sa manggagawa at laban sa sosyalista, na magpapanatili - at magpapatindi - sa pagsasamantala sa mga manggagawa at iba pang aping pangkat. Tanging sa sabay-sabay na pagharap sa "depensiba" at "opensibang" kampanya sa lokal, pambansa at pandaigdigagang antas maaari nating mailatag ang landas para sa isang bago, at mas mapagpalayang lipunan.

Martes, Abril 18, 2017

Workers at the gates - from Business Mirror


Opinion
Workers at the gates
By BusinessMirror - April 18, 2017

Last Friday (April 7), we organized a picket at the very gates of MalacaƱang, going farther than the traditional protests at the foot of Mendiola Bridge, to ask President Duterte to issue an executive order that would scrap the latest Department of Labor and Employment (DOLE) order on contracting, and subcontracting and enact a prohibition against contractualization.

Dozens of workers dared to pass through Palace security all over the San Miguel district of the City of Manila; in a defiant display of resolve against a more-than-two-decade scourge that has wreaked havoc to the rights and welfare of Philippine labor. It was also a desperate reminder to Duterte that his promise of “contractualization must stop” and his mandate of “change is coming” remain unfulfilled.

Ten months have passed in this populist administration that rode on the people’s disgust over neoliberal policies, such as contractualization. Yet, nothing has changed, especially in the sphere of employer-employee relations.

Workers are becoming restless. To the proletarian millions who voted him into power, the presidential rhetoric to end contractualization is turning out to be a mere Dutertean electoral gambit to win the presidency. No wonder his approval ratings at the surveys are falling!

Presidential Spokesman Ernie Abella is proclaiming the recent DOLE order (DO174) by Secretary Silvestre H. Bello III as the fulfillment of Duterte’s commitment to end contractualization, a scheme that the Chief Executive once described as “antipoor”. However, Bello’s DO174 runs counter to Duterte’s public position against contractualization.

It merely regulates, not prohibit, the contracting out of labor—even those that are “usually necessary or desirable” in the normal operations of a business. It also strengthens trilateral employment relationships, which has now dominated the workplace as opposed to the previous practices of direct hiring and regularization.

Bello may argue that DO174 is for regularization, because agency workers could now be regularized under their contractors and subcontractors. He even described it as a “win-win” solution to the problem. But what kind of tomfoolery is this?! Regular workers in entities that have temporary contracts with principal employers! It is not only a contradiction in terms. It is a unanimous approval of an antiworker scheme, which is patently designed to create a cheap and docile labor force!

Allow us to explain how parties in trilateral-employment schemes interrelate with each other:

Who needs labor? The so-called principal employers. They need the labor of workers to create goods and services that have higher value than its nonmaterial inputs (materials, depreciation). Labor created such value-added, from whence comes profit, rent, interest and taxes. They are the buyers of labor.

Who has labor? The property-less masses. They do not have any means of subsistence. They only have their brawn, brains, talents and skill. Because most of their needs and wants are commodities, they are in constant need for money. They sell their labor in exchange for wages to the propertied and moneyed few.

What is the role of contractors and subcontractors in the transaction between the buyer and seller of labor? Nothing but to be a rent-seeking leech! They act as a “middleman” between the two but pretend to be the employer of these workers. Their service is to provide cheap labor by denying seniority benefits for workers upon regular status with the “principal employers”. Their other purpose is to create a docile labor force that is perpetually terrorized by unemployment via termination of contract, a threat that hangs over their heads like the proverbial sword of Damocles.

Furthermore, Bello’s alibi that on the “legality” of trilateral-employment relationships is not only misleading but also unacceptably stupid. Duterte should remind his alter ego in the labor department that Article 106 does not only provide for the regulation of contracting and subcontracting schemes. It also gives to the labor secretary the choice to prohibit such schemes in order to protect the workers’ rights and welfare.

But since it is being made to appear that the hand does not do what the brain is telling it to do, with Secretary Bello unable to fulfill the presidential promise to end contractualization, it is but logical that an executive order be enacted to prohibit contractualization, in accordance to Article 106 of the Labor Code, and if there is an iota of sincerity and seriousness in the words of President Duterte.

We urge the readers of this good paper to join us in this reasonable and just demand.

Leody De Guzman
National President
Bukluran ng Manggagawang Pilipino

Biyernes, Abril 7, 2017

Workers’ Picket at the Palace Gates

PRESS RELEASE
April 7, 2017
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)


Workers’ Picket at the Palace Gates:
Labor demands DU30 to issue Executive Order
to scrap DO#174 and prohibit contractualization

WORKERS from various companies in Luzon – from Metro Manila, Laguna, Batangas, Cavite and Bulacan – held a picket at the very gates of Malacanang Palace on Friday morning to ask President Duterte for an Executive Order to end contractualization, in line with his electoral promise last May elections.

Nasaan ang pagbabago? Tuparin ang pangakong wawakasan ang kontraktwalisasyon!

The protest, which went farther than traditional rallies at the foot of Mendiola Bridge, sought to “highlight the determination of the labor movement in battling a scourge that has wrought havoc on the rights and welfare of Filipino workers”. It likewise “challenges the ‘Change is coming’ mandate of the present regime and the promise of ‘contractualization must stop’ by no less than President Duterte himself”.

BMP national president Leody de Guzman said, “On the tenth month of this populist regime that rode on the people’s disgust over neoliberal policies such as contractualization, nothing has changed especially in the sphere of employer-employee relations. Nasaan ang pagbabago? Mananatili bang pangako ang pagwawakas sa salot na kontraktwalisasyon? Was it just a Dutertean electoral gambit to woo the votes of millions of Filipino workers?”

Executive Order to Scrap DO#174 and Prohibit Contractualization

De Guzman explained, “DOLE Secretary Bello’s Department Order 174 runs counter to the President’s commitment to end exploitative labor contractualization. We are here today to ask the President to act decisively on this pressing concern. We want him to issue an Executive Order to scrap Bello’s DO174 and, once and for all put an end to the menace of contractulization, a promise he has yet to keep”

“Secretary Bello is playing politics by trying to appease both sides – labor and business. His alibi that DO#174 is ‘legal’ is not only misleading. More so, it is unacceptably stupid. Digong should remind his alter-ego in the labor department that Article 106 does not only provide for the regulation of contracting and subcontracting schemes. It also gives power to the labor secretary to prohibit it in order to protect the rights and welfare of workers,” he added.

“After more than two decades of contractualization, we now have a cheap and docile labor force that could not defend itself against unjust practices of abusive employers. Contractual workers are cheap because they are denied seniority benefits that should by enjoyed by employees upon regular status. They are likewise docile because of the perpetual threat of unemployment via termination of contract, which hangs over their heads like the proverbial sword of Damocles,” the socialist labor leader clarified.

“But since it appears that the hand does not do what the brain is telling it to do, as Sec. Bello is unable to fulfil the presidential promise to end contractualization, it is but logical – if there is an iota of sincerity and seriousness in the words of President Duterte – that an Executive Order be enacted to prohibit contractualization, in accordance to Article 106 of the Labor Code”, de Guzman concluded. #

Martes, Abril 4, 2017

Pakikiisa ng BMP sa pagkakatatag ng ORIANG

Pakikiisa ng BMP sa pagkakatatag ng ORIANG

Maalab na pagbati at pagpupugay ang ipinaabot ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa liderato at kasapian ng ORIANG – ang bagong tatag na kilusan ng kababaihan sa bansa. 

Tunay ngang hindi lalaya ang lipunan sa diskriminasyon, karahasan, kahirapan, kaapihan at pagsasamantala ng tao sa tao kung hindi lumalaya ang kababaihan. Kaisa niyo kami sa paninindigang ang umiiral na sistemang kapital at ang patriyarkal na kaayusan ang siyang ugat ng mga suliraning kinahaharap hindi lamang ng kababaihang manggagawa – na kalahati na kabuuang pwersa ng paggawa – kundi maging ng lipunan sa kabuuan. 

Ang patriyarkal na mga istruktura sa lipunan – mula sa larangan ng ideya hanggang sa kongkretong realidad – ay hadlang sa pagpapanday ng pagkakaisa ng manggagawa “bilang uri”, na esensyal na sangkap sa pagtitipon ng mapagpalayang pwersa para baguhin ang lipunan at palitan ito ng lipunang tunay na nagsisilbi sa lahat ng kasapi ng sosyedad. 

Sa hanay ng manggagwa, panahon na para iwaksi ang mga naagnas at makalumang mga kaisipang tinatanaw ang kababaihan bilang “pambahay lamang”, “mahinang kasarian”, “pang-aliw”, “mga puta”, atbp. Lahat ng ganitong ideya ay tahasan nating idinedeklara bilang mga reaksyonaryong pananaw na kumakalawang sa pinapanday nating ganap na pagkakaisa ng uring manggagawa. 

Wasto rin ang inyong pagsusuri sa ugat ng kahirapan – ang pribadong pag-aari sa mga kasangkapan sa produksyon (at reproduksyon), na nagdulot ng pagsasamantala ng tao sa tao. Tama lamang na balikan ang istorikal na ugat ng kaapihan sa kababaihan, nang malusaw ang primibo komunal na lipunan at kinamkam ng mga amo ang mga alipin bilang kanilang “pag-aari”, kasama ang mga kababaihan na siyang “unang pribadong pag-aari” para tiyakin ang ipamamanang pag-aari ng mga naghaharing uri.

Martes, Marso 28, 2017

Pahayag ng BMP hinggil sa DO 174


Huwag magpalinlang sa maka-kapitalistang rehimeng DU30: TULOY ANG LABAN SA KONTRAKTWALISASYON!

Sabi ni Presidential Communications Sec. Ernie Abella, dumating na raw ang katuparan ng “contractualization must stop” na paulit-ulit na ipinangako ni pangulong Digong kahit pa noong siya ay nangangampanya pa lamang sa pangkapangulo.

Natupad na raw ito sa pagkakalabas ng Department Order 174 (DO174) ni DOLE Secretary Silvestre Bello III. Ang DO174 ay kautusan na nagpapatupad sa Artikulo 106 hanggang 109 ng Batas Paggawa ukol sa contracting and subcontracting.

Mga kauri at kababayan, ito ang pawang kasinungalingan! Hindi totoong pipigilan ng DO174 ang laganap na kontraktwalisasyon. Bakit?

1. SAPAGKAT ANG DO174 AY NAGPAPAHINTULOT, HINDI NAGBABAWAL, SA KONTRAKTWALISASYON. Papayagan pa rin nito ang pagkuha ng mga agency, manpower cooperatives, labor service providers na kumokontrata ng trabaho sa mga tinaguriang “principal employer”.

Tuloy ang ligaya ng mga kapitalistang umuupa sa serbisyo ng mga agency upang makaiwas sa pagbabayad ng tamang pasahod at benepisyo na dapat nilang ibayad sa mareregular nilang mga manggagawa.

Ang ipinagbawal ni Sec. Bello ay ang “labor only contracting” na matagal nang ipinagbabawal ng Batas Paggawa. Kailangan lamang daw tiyaking may substansyal na kapital at may tuwirang kontrol sa mga empleyado ang mga contractor at subcontractor. Marahil sasabihin pa niyang sinunod niya lang ang sinasabi ng Artikulo 106 hanggang 109 ng Batas Paggawa.

Maari niya pang ikatuwirang ligal naman ang kanyang ginawa – katulad din ng mga naunang department order ukol sa kontraktwalisasyon (DO10 at DO18-A) – na pinahintulutan ngunit nilagyan ng regulasyon ang mga pagkokontrata ng paggawa.

Subalit may hindi sinasabi si Sec. Bello. Ayon sa Artikulo 106, ang Kalihim ng Paggawa ay maaring, sa pamamagitan ng karampatang mga regulasyon, mag-restrict o mag-probihit ng pagkokontrata ng manggagawa upang proteksyunan ang mga karapatan ng manggagawa.
Ang prohibisyon – na isang kapangyarihan ng DOLE Secretary – ay mahigit dalawang dekada nang hinihingi ng mga samahan ng mga manggagawa dahil di-maitatangging masamang epekto nito sa karapatan at kabuhayan ng mga empleyado.

• Noong 1996, ang bilang ng mga sahurang manggagawa sa bansa ay nasa 12.649 milyon. Mula dito, may 3.646 milyon ang napapabilang sa mga unyon at may 542,223 ang nagtatamasa ng isang collective bargaining agreement o CBA.

• Matapos ang 18 taon, noong 2014, halos dumoble ang bilang ng wage and salaried workers (22.555 milyon). Ngunit ang may unyon at may CBA ay nangalahati, naging 1.874 na may unyon at 257,405 lamang na may kasunduan sa kanilang employer.

Hinihingi natin ang probisyon o pagbabawal sa pagkokontrata ng paggawa sapagkat pinatatakas nito ang mga employer sa pagbabayad ng tamang benepisyo (nagiging mura ang manggagawa) bukod pa sa nagiging palagiang banta ng gutom at kawalang trabaho sa mga kontraktwal na empleyadong maaring alisan ng kontrata anumang oras (nagiging maamo ang manggagawa). Ang kontraktwalisasyon ay salot sa karapatang mabuhay nang disente’t marangal ang mga manggagawa, laluna sa karapatang mag-unyon at makipag-CBA na kanilang natitirang ligal na depensa laban sa ibayong pang-aabuso ng mga kapitalista.

2. ANG DO174 AY TALIWAS SA KAISAHAN NG MGA LABOR GROUP AT NI PANGULONG DIGONG SA KANILANG PAG-UUSAP NOONG PEBRERO 27 SA MALAKANYANG. Matapos ang ilang beses na pakikipagharap ni Sec. Bello sa halos lahat ng mga labor groups (sa ilalim ng Nagkaisa at KMU), naobliga siyang iharap ang mga lider-manggagawa kay pangulong Digong dahil sa nakitang pag-aatubili niya isabatas ang “prohibisyon” sa kontraktwalisasyon.

Sa naganap na paghaharap, hinamon si pangulong Duterte ni Ka Leody ng BMP na pirmahan ang Executive Order para ipagbawal ang kontraktwalisasyon. Ang kanyang tugon, hindi daw yun uubra, bagamat pumabor siya sa mga kahilingang inihapag ng manggagawa. Kaya’t inutusan niya si Sec. Bello na ilabas ang Department Order na ayon sa napagkasunduang pagbabawal sa kontraktwalisasyon. Subalit noong Marso 15, lumabas ang DO174, na pinahintulutan imbes na ipagbawal ang contracting at subcontracting.

Ang tanong: saan humihiram ng lakas ng loob si Sec. Bello para baliktarin ang pangakong “contractualization must stop” ni pangulong DU30? Walang iba kundi kay Digong mismo. Sapagkat siya ay “alter ego” lamang ng presidente. Maaring tanggalin anumang oras kung hindi na mapapaboran ng pangulo ng bansa.

Ang problema’y pumopostura ang pangulo bilang nyutral at walang kinakampihan sa mga magkatunggali’t nagbabanggaang mga interes sa bansa. Sabi niya noon (inaugural, June 2016), siya ay hindi lamang pangulo ng mga manggagawa Pilipino kundi presidente rin ng mga kapitalista sa Pilipinas.

Subalit ang hindi makita (marahil dahil ayaw tingnan) ng Pangulong DU30, may dalawang kampo sa isyu ng kontraktwalisasyon: may nagsasamantala at may pinagsasamantalahan. Hindi pwedeng maging nyutral. Sapagkat ang pagiging diumano’y nyutral ay peke at pretensyon lamang. Ito ay patagong pagsang-ayon at pagkunsinti sa pagsasamantala ng iilang elitista sa nakararaming masa.

Ngunit kung patuloy na paninindigan ni pangulong Digong ang kanyang postura bilang kampeon ng mga inaapi, hinahamon natin siya para (1) sibakin si DOLE Sec. Bello para mapalitan siya ng totoong makamanggagawang Kalihim at, (2) higit sa lahat, pirmahan ang isang Executive Order na magbabawal sa kontraktwalisasyon alinsunod sa Artikulo 106 ng Batas Paggawa upang magsawalang-bisa sa DO174.

Kung hindi, pinatutunayan lamang nito – sa milyon-milyong masang naniniwala pa rin sa “Change is coming” – na si Rodrigo Duterte ay walang pinag-iba sa nakaraang mga pangulo ng bansa. Siya rin ay tuta ng “oligarkiya”, ng mga kapitalista’t asenderong matagal nang naghahari sa ating Inang Bayan. Nananatiling isang maka-kapitalistang rehimen ang nakaluklok sa Malakanyang!

Mga kamanggagawa! Magkaiba ang “tama” at “mali” sa pagitan ng kapital at paggawa. Ang tama para sa mga kapitalista ay “no union”, “no CBA”, “no wage increase”. Ngunit paanong naitatayo ang unyon at napagkakasunduan ang CBA sa mga kompanya? Dahil sa pagkakaisa ng mga manggagawa. Pagkakaisa sa katumpakan ng ating katuwiran, at higit sa lahat, pagkakaisa sa sama-samang pagkilos para ipagwagi ang ating mga kahilingan. Manggagawa magkaisa! Wakasan ang kontraktwalisasyon!

National Executive Committee,
Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Marso 2017

Lunes, Marso 27, 2017

BMP Statement of Solidarity with Kadamay Occupiers

STATEMENT OF SOLIDARITY WITH KADAMAY OCCUPIERS 

The Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), a socialist workers’ organization, extends its solidarity to members of the urban poor who have dared to occupy public housing projects.

For the past several decades, the government has been remiss in its duty of guaranteeing quality, dignified housing for all. Workers have been producing tremendous amounts of wealth and spurring economic growth and yet, instead of ensuring that this wealth goes back to workers, the government has been allowing capitalists, landlords and other favored groups sectors to gobble up this wealth by gutting or failing channel sufficient resources to social services.

Worse, it has even helped some of the country’s richest families and largest corporations to profit from people’s desperate need for these basic necessities by promoting the privatization or commercialization of housing, as well as health care, education and other services.

Moreover, the government has been promoting anti-worker policies such as contractualization which has made it even more difficult for so many Filipinos to afford not just the houses constructed by these developers (on land typically grabbed or withheld from the public or from peasants and smallholders) but even the limited and supposedly cheap housing projects offered by the government.

As a result, land developers and other conglomerates such as those of the Sys, the Ayalas, the Gokongweis, the Villars have raked in billions and live in fabulous mansions while millions of Filipinos have no roof over their heads or live in squalid slums.

It is therefore only right that the urban poor fight for quality public housing.

This is not “stealing” or “theft”: the ones who stole or who committed theft are those who took the wealth workers produced, thereby depriving them of the means by which to build their own dream houses for themselves.

Workers fighting for quality public housing are in fact trying to stop this theft by taking back what is rightfully theirs.

This is not “anarchy” or “lawlessness”: anarchy describes a situation in which the powerful violate the laws of justice and morality by using violence or the threat of violence to take what is not theirs—violence which has forced so many workers to reside in shanties and to live in conditions not fit for humans.

Workers demanding quality public housing are in fact trying to stop this anarchy and to build order by fighting for what they deserve.

Bukluran ng Manggagawang Pilipino stands with them and sees itself as part of their struggle. We denounce all those who vilify and denigrate urban poor communities fighting for social justice, and we will condemn any further act of violence against any of us.#

Biyernes, Pebrero 24, 2017

Polyeto para sa Pebrero 25 - 1986 People Power Revolution

LABANAN ANG PASISMO!
ITAKWIL ANG ELITISTANG PAGHAHARI!
ISULONG ANG DEMOKRASYANG MASA!

Sa darating na Pebrero 25, ang manggagawa at masang anakpawis ay magmamartsa sa EDSA, kaisa ng sambayanang Pilipino hindi lang upang gunitain ang “1986 People Power Revolution” kundi para ibandera ang mga panawagang labanan ang pasismo, itakwil ang elitistang paghahari, at isulong ang demokrasyang masa.

LABANAN ANG PASISMO! Isang insulto para sa mamamayang nagpatalsik sa isang diktador noong 1986 ang umigting na pasistang atake sa mga karapatang pantao mula nang maluklok sa poder ang kasalukuyang rehimen.

• 7,000+ patay sa “War on Drugs”: Umakyat sa pagkapangulo si Rodrigo Duterte sa diskontento ng publiko laban sa iligal na droga. Nangakong lilipulin niya ang naturang salot sa loob lamang ng anim na buwan. Mabilis namang rumesponde ang pulisya. Ikinasa ang “Oplan Tokhang”. Pinayuhan din ang mga pulis na huwag nilang alalahanin ang anumang reklamo laban sa kanila basta’t gawin nila ang lahat ng dapat gawin laban sa mga gumagawa, nagtutulak at gumagamit ng shabu. Ang resulta: kaliwa’t kanang patayan! Nagigimbal sa takot ang taumbayan. Sinumang makakabangga ng abusadong pulis ay napakadaling tamnan ng droga, patayin, at lagyan ng karatulang “pusher, wag tularan”. Imomobilisa na rin ang AFP at mga paramilitary group gaya ng Alsa Masa sa gyera kontra droga.

Mahigit pitong-libo ang pinatay sa loob ng siyam na buwan! 26+ bangkay kada araw! Higit pa sa bilang ng mga pinaslang sa dalawang dekadang lagim ng diktadurang Marcos. Ang masahol, naganap ito sa termino ng isang pangulong tagahanga ng pinatalsik na diktador (kahit pa lumaban dito ang kanyang ina na si Nanay Soling).

• 12 aktibistang makakalikasan ang pinatay sa loob ng pitong buwan ng rehimeng Duterte. Umiigting ang laban ng mamamayan sa nakakasira’t nakakapaminsalang pagmimina. Ang pinakahuling biktima ay si Atty. Mia Manuelita MascariƱas-Green, na pinaslang sa Bohol noong Pebrero 15. 

• 9 ang pinatay sa tatlong linggo matapos maantala ang peace talks ng CPP-NPA-NDF at GRP. Karamihan sa kanila ay mga lider-magsasaka na pinaghihinalaan ng militar at mga grupong paramilitar na kasapi’t simpatisador ng kilusang Kaliwa. Asahang tataas ang bilang ng mga “political killings” sa pagdeklara ng all-out war laban sa mga rebelde (gaya ng “Total War Policy” ni Cory Aquino).

• Nakaambang panukala para ibalik ang death penalty. May limang panukala sa Senado para manumbalik ang parusang kamatayan (tatlo kay Sen. Pacquiao, tig-iisa sina Sen. Sotto, Sen. Lacson, at Sen. Gatchalian). May ganito ring panukala sa Batasan na pagbobotohan na para sa second reading sa Pebrero 28. May mga kongresistang nais alisin ang reyp at pandarambong (plunder) sa listahan ng mga krimen na may parusang kamatayan.

• Panukalang ibaba ang edad ukol sa responsibilidad sa krimen. Tinutulak ngayon sa kongreso ang panukala na ibaba ang edad ng mga maaring kasuhan ng krimen - mula 15 ay gawing 9 na taong gulang. Ito ay tahasang paglabag sa karapatan ng mga bata – na isa sa pinakabulnerableng sektor sa ating lipunan.

• Pagsuspindi sa writ of habeaus corpus. Matapos ang Davao bombing (Setyembre 2016), nagbabala si Duterte na maari niyang alisin ang writ of habeas corpus, ang ligal na proteksyon laban sa warrantless arrest at illegal detention.

Sa nagaganap na patayan dahil sa “War on Drugs”, naisasantabi ang nararapat na mga proseso para imbestigahan, litisin, at parusahan ang sinumang lumalabag sa batas. Ang mensahe sa taumbayan: huwag nang dumaan sa masalimuot na mga proseso ng batas sapagkat ang nasusunod ngayon ay kung sino ang may armas at may kapasidad na gumamit ng dahas!

Ang problema, paano ang milyon-milyong mga sibilyang walang mga armas? Paano nila haharapin ang pang-aabuso’t pang-aapi sa kanila, laluna ng mga may-kapital at may-kapangyarihan sa lipunan? Sa ilalim ng 1987 Constitution, na nasabatas matapos ang 1986 People Power revolution, nariyan ang mga batayan at prosesong ligal upang maipagtanggol ng taumbayan ang kanilang mga sarili. 

May “right to self-organization” para mag-unyon ang mga manggagawa. May karapatan sa “land reform” ang mga magsasaka. May karapatan sa “affordable mass housing” ang maralitang lungsod. May kalayaan para sa “peaceful assembly” ang taumbayan para igiit ang mga hinaing sa gobyerno. May “free speech” ang mga komentarista sa midya. May mga halal na institusyon, gaya ng senado’t kongreso, bagamat matapos magamit ang kanilang “right to vote” ay hindi na kasali ang mayorya ng mamamayan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga batas ng gobyerno. Iba’t ibang mga karapatang gumagarantiya sa sama-samang pagkilos at pagpapahayag upang ipagtanggol ng mamamayang Pilipino ang kanilang kalayaang mabuhay nang disente’t marangal.

Subalit lahat ng mga karapatang iyan ay bahagi ng mga karampatang prosesong itinatakda ng batas. Nasimulan na itong mabalewala sa kaliwa’t kanang patayan sa ngalan ng krusada laban sa droga. Ngayon, humaharap ang mga karapatang ito sa walang tigil na pasistang atake, na kung hindi maaampat ay tutungo sa ganap na pasismo – sa absolutismo ng isang diktadura, sa pagkalusaw ng mga halal na institusyon, sa lantarang pagkakait sa pagsapraktika ng batayang mga karapatan, at ang hayagang paghahari ng militar. 

Napapanahon sa anibersaryo ng EDSA 1986 para simulan ang pagkilos ng mamamayan laban sa mga pagtatangkang ibalik ang pasistang diktadura. Huwag hayaang ang mga karapatang pantao ay patay na letra lamang sa ating mga batas. Isabuhay natin ito sa kolektibong pakikibaka ng taumbayan laban sa pasismo! 

ITAKWIL ANG ELITISTANG PAGHAHARI! Ang manggagawa’t mamamayan ay kaisa sa paggunita sa EDSA 1986. Ngunit hindi para ipagbunyi ang naging resulta nito – ang elitistang demokrasya na humalili sa diktadurang Marcos. Walang napala ang taumbayan sa pinangangalandakang “panunumbalik ng demokrasya”, liban sa pagsasabatas ng ating mga karapatang nananatili sa papel ngunit hindi umiiral sa ating pang araw-araw na buhay.
 
Mula sa paghahari ni Cory hanggang kay Noynoy Aquino, dinanas ng taumbayan ang ibayong pahirap sa walang tigil na pagpapatupad ng gobyerno sa mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon – ang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at kontraktwalisasyon. Dumagsa ang dayuhang kalakal at kapital na puminsala sa ating lokal na industriya’t agrikultura. Pinagtubuan ng mga kapitalista ang dating mga sineserbisyo ng gobyerno sa kanyang mamamayan. Binaklas ang mga kontrol ng gobyerno sa pagtakbo ng negosyo. Inalis din ang pagreregular sa mga manggagawa na kanilang proteksyon laban sa ibayong pang-aabuso ng kanilang mga employer.

Ang popular na diskontento laban sa mga “elitista” ang siyang nagamit ni Digong sa kanyang kakaibang pagkapanalo sa eleksyon. Sinalamin ito ng kanyang elektoral na panawagang “Change is coming”. Ngunit magpasahanggang ngayon (siyam na buwan na sa poder) ay hindi malasap ng masang Pilipino ang ipinangakong pagbabago ni Rodrigo Duterte. Walang nagbago! Sapagkat hindi naman binago ang neoliberal na programang pang-ekonomya. Kaya’t monopolyado pa rin ng mga kapitalista’t asendero ang ekonomya’t pulitika ng bansa. 

Maging ang pangakong pipigilan ang kontraktwalisasyon ay natigilan! Wala pang kautusan – Department Order man ng DOLE, o Executive Order ng Malakanyang – ang nagbabawal sa paggamit ng mga kontraktwal para makaiwas ang mga employer sa mga benepisyong nararapat sa mga regular na empleyado. Pareho lang ang kinikilingang mga uri – ang mga kapitalista’t asendero. 
 
Nananawagan tayo sa sambayanan. Huwag tayong magpagamit bilang pambala ng kanyon sa dalawang paksyon ng mga elitista na naglalaban para sa estado poder. Matuto tayo sa aral ng EDSA 1 at EDSA 2. Mabibigo ang masa sa anumang pag-aalsa kung ang nakinabang lamang dito ay ang elitistang paksyong nais kunin ang poder sa ekstra-parlyamentaryong paraan, gamit ang lakas at dinamismo ng nagkakaisang mamamayan.
 
IPAGLABAN ANG DEMOKRASYANG MASA! Sa paggunita sa mga aral ng EDSA, tandaan natin ang istorikal na katotohanang “ang masa ang lumilikha ng kasaysayan”. Noong 1986, nagawa ng nagkakaisang mamamayan na magpatalsik ng diktador subalit tinalo sila sa maneobra ng mga elitistang anti-Marcos. Kung sa eleksyong 2016, itinakwil ng mamamayan ang paghahari ng mga “Dilaw” sa pamamagitan ng eleksyon. Sa harap ng pasistang atake sa mga karapatan ng malayang pag-oorganisa, pagsasama-sama, at pagkilos, makikita ng masa na walang pinag-iba ang rehimeng Digong sa nakaraang mga administrasyon. Itatatag nila ang tunay na demokrasya – ang ganap na paghahari ng kapasyahan ng mayorya. Ito ang aral ng EDSA para sa susunod na yugto ng ating kasaysayan. #

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO - PARTIDO LAKAS NG MASA - SANLAKAS
Pebrero 2017


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996