Workers Community
September 29, 2020
Sila ang mga manggagawa sa isang fishing boat carrier na nakabase sa General Santos City. Ayon sa kanilang tagapagsalita isang taon na silang hindi pinapagtrabaho. Patuloy ang operasyon ng kumpanya pero tinanggal sila kapalit ng mga bagong empleyado sa hindi malinaw na kadahilanan.
Mababa ang sahod, walang sapat na benepisyo at mabigat at mapanganib ang trabaho na kadalasang inaabot ng isang buwan sa dagat o sa laot. Minsan pa ay lumalabas na sila ng bansa sa pangingisda ngunit walang katiyakan ang kanilang kabuhayan at ang kanilang pamilya ay dumaranas na ng kagutuman.
Sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular ang DOLE sana ay mabigyan ninyo ng pansin ang kalagayan at problemang kinakaharap ng mga manggagawa.