WELGA SA VICTORIA
Mula sa mahabang talaan ng paglabag ng mga kapitalista sa batayang karapatan ng mga manggagawa, kaninang madaling araw (Oktubre 19, 2015) ay ipinutok na ng mga manggagawa ng Victoria Manufacturing Corp. ang kanilang welga.
Ayon sa mga manggagawa ng VMCEU (Victoria Manufacturing Corp. Employees Union), ang isyu ay: shutdown to retrenchment, union busting, harassment, refusal to bargain, discrimination, violation ng CBA provision regarding LIPO (last in, first out). Nasa 80 manggagawang regular ang apektado. Tila may balak pa raw ang management (dahil nadulas umano ang dila ng isa rito) na kumuha ng maraming kontraktwal na manggagawa kapalit ng regular.
Ang kanilang welga ay naitayo na nila sa pabrika ng Victoria sa Ortigas Avenue, Pasig, malapit sa Ever. Kailangan nila ng suporta, mga kasama, sa kanilang laban. Maaari nyo silang puntahan sa kanilang welga. Maraming salamat po.
(Ulat ni Greg Bituin Jr.)