Si Prof. Apo Chua nang kanyang tinanggap ang plake ng pagkilala, habang nakatingin sina Ka Leody de Guzman, pangulo ng BMP, at Evelyn Jimena, na siyang tumatayong OIC ng Teatro Pabrika. |
Pinarangalan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Teatro Pabrika si Prof. Apolonio Bayani Chua sa dalawang araw na pagsasama-sama ng grupong Teatro Pabrika sa Paradise Resort sa Gen. Trias, Cavite, noong Mayo 10-11, 2014.
Ang nasabing aktibidad ay may temang: "Pagtatayo ng Kanlungan: Ang Teatro Pabrika sa Pamayanang Global". Ang Teatro Pabrika ang haliging pangkultura ng BMP.
Si Prof. Chua ay guro sa College of Arts and Letters sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, QC at pangkalahatang tagapayo ng Teatro Pabrika. Nakapagsulat na rin si Prof. Chua ng aklat na pinamagatang "Simulain: Dulambayan ng Manggagawa sa Konteksto ng Militanteng Kilusang Unyonismo" na may mahigit 300 pahina. Nabigyan ito ng Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino 2010 mula sa UP Office of the Vice President for Academic Affairs.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Binabasa ni Ka Leody de Guzman ng BMP ang nilalaman ng plake, habang nakikinig si Prof. Chua, at ang mga kasapi ng Teatro Pabrika. |
Si Prof. Chua habang nagtatalumpati. |
Pag-awit ng Teatro Pabrika, habang naggigitara si Allison "Ariel" Opaon, na matagal na nanirahan sa Japan, at ngayon ay nasa bansa. |
Narito ang nilalaman ng plake:
Katibayan ng Pagkilala
kay
APOLONIO BAYANI CHUA
Para sa kanyang mga natatanging ambag sa larangan ng kultura, panitikan at dulaang Filipino na ibinunga ng kaniyang pagiging mahusay at matapat na guro, iskolar, mandudula, at manggagawang pangkultura;
Sa kaniyang masigasig na pagtatampok sa mga gawaing pandulaan ng mga manggagawang Filipino hindi lamang sa larangan ng dulaan kundi maging sa akademya;
Sa kaniyang masinop na pagsusuri sa estetika ng dulaan ng mga manggagawa at maingat na paglulugar nito sa konteksto ng unyonismo at ng mas malawak na lipunan;
Sa kaniyang walang kapagurang pagsubaybay at pagtangkilik sa mga gawain at pagkilos ng Teatro Pabrika;
Sa kaniyang tapat na malasakit sa Teatro Pabrika at sa mga kasapi nito hindi lang bilang mandudula kundi bilang kasamang manggagawang pangkultura at kaibigan.
Iginagawad ang katibayan ng pagkilalang ito ngayong ika 10-11 ng Mayo taong 2014 sa Paradise Resort, Gen. Trias, Cavite.
Nilagdaan:
Evelyn Tila Jimena
OIC
Teatro Pabrika
Ka Leody de Guzman
Pangulo
Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Teatro Pabrika
Ka Leody de Guzman
Pangulo
Bukluran ng Manggagawang Pilipino