Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Sabado, Pebrero 26, 2011

Demokrasya ng Masa hindi ng Elitista!

Demokrasya ng Masa hindi ng Elitista!

February 25, 1986 ng pumutok ang tinatawag na rebolusyon sa Edsa o Edsa people power revolution na nagbagsak sa 14 na taong diktadurang Marcos na pinasiklab ng asasinasyon kay Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Bumuhos ang protesta ng mamamayan sa lansangan laban sa korap at diktador na si Marcos at kanyang mga kroni.

Naobligang magpatawag ng eleksyon si Marcos. Dinaya at minaniobra ni Marcos ang eleksyon. Nagtangkang magkudeta ng isang seksyon ng militar na pinamumunuan ng RAM na nabisto. Nananawagan ng people power sa Edsa si Cardinal Sin at mga pulitiko. Dinagsa ang Edsa ng mamamayan.

Naluklok sa poder si Ms. Corazon Cojuangco Aquino, ang biyuda ni Ninoy Aquino, na mahigpit na kalaban ni Marcos. Nagpatawang isang constitutional comission (CONCOM) para baguhin ang konstitusyong Marcos na nagresulta ng 1987 people power constitution. Nagkaroon ng demokratikong espasyo ang mamamayan.

Ibinalik ang mga kinumpiskang kayamanan at ari-arian ng mga malalaking kapitalistang tulad ng pamilyang Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN at Meralco. Nakabalik sa pwesto ang mga naghaharing uri. Naibalik ng Edsa ang demokrasya para sa iilan at hindi para sa maraming mamamayan. Ito ang tagumpay ng Edsa people power.

Makalipas ang 25 taon matapos ang Edsa 1, mayroon bang nagbago sa buhay ng Pilipino?

Wala pa ring pagbabago sa masa. Pahirap ng pahirap ang kalagayan ng masang manggagawa at ng mga nagtatrabahong mamamayan sa bansa. Kung tutuusin mas mabuti pa ang kalagayang pang-ekonomiko ng mamamayan noong panahon ni Marcos kahit pa man walang pagtamasa ng mga karapatan at kalayaan.

Sa pagkaluklok ni Pnoy, anak ni Cory, nangangako siya ng tuwid na daan, ng isang matinong gobyerno, pag-unlad ng kabuhayan at pagkapawi ng kahirapan. Ngunit 8 buwan na siya sa pwesto bilang pangulo ng bansa, pero lalo lamang dumami ang mahihirap at nagugutom na Pilipino. Ayon sa SWS, 3.4 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na buwan. Mas mataas ito kumpara sa nakaraang average sa nakaraang 12 taon.

Kasabay ng pagdami ng nagugutom at naghihirap ay ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin,pamasahe, toll fees,produktong langis at serbisyo at kakulangan sa trabaho.

Sa kasalukuyang takbo ng gobyernong Pnoy, walang maasahan ang masa na pagunlad ng buhay. Ang kasalukuyang nakikinabang sa mga patakaran ni Pnoy ay ang mga kapitalista at mga hasendero at ang mga mahihirap, ang mga mangggagawa at magsasaka, ay lalong naghihirap.

Ang mga manggagawa ay patuloy na nahihirapang pagkasyahin ang napakababang sahod, patuloy na kinukubabawan ng salot na kontraktwalisasyon, pagwasak sa mga unyon at kawalan ng trabaho.

Ang lumalaking bilang ng mamamayan, ang maralita sa lunsod at kanayunan, ay dumaranas ng ibayong kahirapan dahil sa kakapusan ng kabuhayan, serbisyo publiko at matitirahan.

Bakit patuloy ang paghihirap ng masa?

Patuloy ang paglala ng kahirapan dahil na rin sa patakarang pang-ekonomiya at pampulitika ng mga nakaraan at kasalukuyang gobyerno. Ang kalakhan ng pondo ng gobyerno, mahigit 50% ng badyet, ay awtomatikong ibinabayad sa pagkakautang ng gobyerno sa ibang bansa imbes na gamitin sa mga proyekto para sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriya at serbisyo publiko.

Ekonomiya na nakasandig sa ibang bansa

Nakasandig ang bansang Pilipinas sa panlabas na palengke at hindi sa lokal na pamilihan. Ang pinapaboran ay ang mga dayuhang negosyo hindi ang mga Pilipino. Hindi makatayo sa sariling paa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas. Ang mga dayuhang negosyo, ang mga trans-national at multi-national corporations, ay inilalalabas papunta sa kanilang bansa ang kinita sa Pilipinas at hindi nakakaikot sa lokal na ekonomiya ang nalilikhang yaman ng mamamayan para sa pagsigla ng kabuhayan at pag-unlad. Nakasuso ang ekonomiya ng bansa sa globalisadong ekonomiya at dito pangunahing umaasa at hindi sa panloob na pagpapaunlad.

Ang mga mahuhusay na manggagawang Pilipino, sila ang pangunahing export ng Pilipinas sa ibang bansa, ang kumikita ng $20 bilyong dolyar taon-taon, at pinapadala sa kanilang pamilya, ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas pero ang pangunahing nakikinabang ay ang mga malalaking negosyante.

Umuunlad, nadadagdagan ang yaman ng mga kapitalista at mga hasendero, pero hindi ang mga manggagawa, mga magsasaka at ordinaryong mamamayan, na nakakaranas ng gutom, nakatira sa mga barung-barong at sa ilalim ng tulay at parang manok na isang kahig isang tuka ang buhay.

Korapsyon sa pamahalaan

Patuloy ang katiwalian sa gobyerno. Bilyon-bilyong piso ang nawawala at ninanakaw sa kaban ng bayan ng mga opisyales ng gobyerno at militar. Umuunlad ang buhay ng mga pulitiko at mga opisyales ng gobyerno pero hindi ang ordinaryong tao.

Nakakabili ng mamamahalin at magagarang kotse tulad ng Porsche si Pnoy at ang mga mayayaman, pero nagsisiksikan sa LRT/MRT at mga pampublikong sasakyan na itinaas pa ang bayad si Juan dela Cruz at ang mga lumilikha ng yaman ng bansa, ang mga nagtatrabahong mamamayan, ang mga manggagawa sa lunsod at kanayunan, ang mga magsasaka, ang mga propesyunal at iba pang sektor ng bayan.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan at di magawa ni Pnoy ang kanyang mga pangako, isang panibagong Edsa ang darating para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng masang Pilipino. Ang mga mamamayan sa Ehipto, Tunisia at iba pang bansa sa Gitnang Silangan ay nag-aalsa at ibinabagsak ang lider ng bansa dahil sa kawalan ng trabaho, mahal na presyo ng mga bilihin, katiwalian sa gobyerno at kawalan ng demokrasya ng masa.

Demokrasya ng Masa Hindi ng Iilan! Panlipunang Pagbabago at Hustisya Ipatupad!

Presyo Ibaba, Sahod Itaas! Trabaho, Pagkain, Pabahay, Serbisyo Publiko!

BMP-MELF-SUPER-PLM-PMT-KPML-ZOTO-PK-SANLAKAS-KALAYAAN-AMA-Makabayan Pilipinas
Pebrero 25, 2011

Huwebes, Pebrero 24, 2011

Mag-People Power Laban sa Bulok na Sistema

MAG-PEOPLE POWER LABAN
SA BULOK NA SISTEMA!

Lumaganap na ang people power sa iba't ibang bansa. Nakilala na ng masa na kung magsasama-sama lamang silang kikilos ay kaya nilang magpabagsak ng isang pangulo nang mapayapa. Naging halimbawa sa mamamayan ng daigdig ang Edsa 1 Revolution sa Pilipinas (1986) na nagpatalsik kay Marcos. Nasundan ito ng Singing Revolution sa Estonia, Latvia at Lithuania (1988), Velvet Revolution sa Czechoslovakia (1989), Bulldozer Revolution sa Yugoslavia (2000), Edsa 2 Revolution sa Pilipinas (2001), Rose Revolution sa Georgia (2003), Orange Revolution sa Ukraine (2004), Cedar Revolution sa Lebanon (2005), Tulip Revolution sa Kyrgystan (2005), Jasmine Revolution sa Tunisia (2011), at Day of Anger Revolution sa Egypt (2011).

Ngunit may mga pagkatalo rin, tulad ng 8888 Uprising sa Burma (1988), Tiananmen Students Protest sa Tsina (1989), Edsa 3 Urban Poor Revolution sa Pilipinas (2001), at Saffron Revolution sa Burma (2007).

Nagtagumpay ang mga mamamayan na mapatalsik ang kani-kanilang pangulo, ngunit karamihan sa kanila, inagaw pa rin ng naghaharing uri ang pamumuno. Dahil lahat ng ito’y pag-aalsa ng mamamayan, hindi pag-aalsa ng isang uri laban sa katunggaliang uri, hindi pag-aalsa ng uring manggagawa laban sa burgesya. Walang kapangyarihan ang masa. Wala ang uring manggagawang namumuno para sa pagbabago ng sistema. Dahil hindi lang relyebo ng pangulo ang kasagutan.

Sa ngayon, matapos mapatalsik ng mamamayan ng Egypt ang kanilang pangulo, pumutok na rin ang pag-aalsa ng mga mamamayan sa mga bansang Bahrain, Yemen at Libya. Nanalo nga ang mamamayan ng Egypt na mapatalsik ang pangulo nilang si Mubarak, ngunit dahil walang namumunong grupo o partido na gumagabay sa pag-aalsa, napunta sa kamay ng militar ang kapangyarihan, imbes na sa kamay ng mamamayang nagsakripisyo para mabago ang pamahalaan.

Ano ang kulang? Bakit sa Pilipinas na tatlong beses nang nag-Edsa, wala pa ring naramdamang pagbabago, kaya nanlalamig na ang karamihan sa people power? Naganap ang Edsa 1 at 2, napatalsik ang pangulo ngunit napalitan lang ng kauri nilang elitista. Si Marcos ay napalitan ni Cory. Si Erap ay napalitan ni Gloria. Walang lider-manggagawa, walang lider-maralita, walang lider-kababaihan, walang lider-magsasakang napunta sa poder. Wala ang isyu ng masa, wala ang isyu ng kahirapan, wala ang isyu ng trabaho, wala ang isyu ng pabahay, wala ang isyu ng salot na kontraktwalisasyon. Hindi umangat ang pakikibaka ng sambayanan sa tunggalian ng uri sa lipunan.

Dahil hindi sapat na ang layunin lang ng people power ay ang pagpapalit ng pangulo. Dapat itong itaas sa pagbabago ng sistema. Hindi sapat na demokrasya lang ang kasagutan. Dapat ipakita na may tunggalian ng uri sa lipunan, at ang pagpawi sa mga uri ang siyang kasagutan. Dapat ipakitang ang mga manggagawa’y hindi lang tahimik na masang nagtatrabaho, kundi isang malakas at pangunahing pwersa sa pagbabago.

Ano ang dapat gawin? Dalhin natin sa masa ang isyu ng kahirapan bilang pangunahing panawagan sa people power. Ipakita natin sa masa ang tunggalian ng uri. Ikampanya natin sa lahat ng pabrika’t komunidad, sa lahat ng lungsod at kanayunan, sa mga pahayagan, radio at telebisyon, sa internet, ang pagkasalot ng kapitalismo sa buhay ng mamamayan. Pag-aralan natin ang lipunan at iangat ang kamalayan ng masa tungo sa pagwawakas sa kapitalistang sistemang dahilan ng kanilang pagdurusa’t kahirapan.

Paputukin natin ang isyu ng pabahay, tulad ng ginawang pagkubkob ng mga maralitang lungsod sa Libya sa mga pabahay ng kanilang gobyerno nitong Enero 2011. Paputukin natin ang isyu ng kontraktwalisasyon bilang panawagan sa people power na pangungunahan ng uring manggagawa. Paputukin natin ang iba pang makauring isyu na maaaring magpabagsak sa mga elitista sa lipunan.

Panahon na para manawagan ng people power laban sa bulok na sistema, laban sa kapitalismo. Dapat mag-people power ang uring api laban sa uring mapagsamantala’t naghahari-harian sa lipunan!

Uring manggagawa, magkaisa! Ipakita ang inyong mapagpalayang papel para sa pagbabago ng lipunan! Mag-people power laban sa bulok na sistema!

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) * Partido Lakas ng Masa (PLM) * Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) * Pagkakaisa ng Manggagawa sa Trasportasyon (PMT) * Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura * Makabayan-Pilipinas* Sanlakas * Kalayaan! * Zone One Tondo Organization (ZOTO) * Piglas-Kabataan (PK) * Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Letters to the Editor - Re: Nursing board exam

February 23, 2011

Letters to the Editor


The latest results of the Nursing board examination with a dismal 35% national passing rate is already an alarming trend. For the past decade, a remarkable decrease of more than 20% compared to the 1998 performance record of 55.8% passers of the total number of takers in the nursing profession.

While we are bothered by the downward trend of board passers, we must equally treat the many nursing graduates who failed as a matter of grave concern. We are not talking of a few thousands of nursing graduates but we are referring to the 5 digit numbers of supposed to be registered nurses that flunked the exams yearly.

In the December 2010 board results alone, 29,000 nurses passed the examinations comprising around 35% of the total 72,000 nursing graduates who took the licensure test. We should pay more attention to the 65 % or an equivalent of 43,000 graduates that did not pass the examinations. In concrete terms, the Nursing licensure Examinations is being held twice every year with an average of nearly a hundred thousand board examinees per examinations given every month of June and December.

For the 2010 record of nursing board examinees, the non-passers are estimated to be 90,000 and the passers at around 60,000. If the trend has been going on for the last five years, we are talking of 300,000 board passers and 450,000 non-registered nurses.

Because of these numbers, the profession became vulnerable of many injustices. Sad to say, the institutions, agencies and even the government do not see them as a tool for real primary health care in the country but willing victims for greed and profits. The nursing profession is being reduced as a mere commodity, a good source of human resource demand in the international market strengthening the government’s labor export oriented policy.

In 2008, the issue of forced volunteerism among licensed nurses, the worst form of contractualization surfaced and was effectively exposed by some concerned nursing organizations and government personalities. Apparently, the government action of halting the illegal scheme only worked for sometime and did not last long. Last year, the issue again resurfaced and this time around, the DOH (Department of Health) reportedly issued a memo circular prohibiting the illegal practice of forced volunteerism.

Our registered Filipino nurses are graduates of four year course, Bachelor of Science in Nursing which includes 2,346 hours of related learning experience in its curriculum equivalent of 293 hospital OJT (On the Job Training) days. The very fact that they have passed the board examinations they are equally competent as those belonging to other professions including some allied health professionals. Their tedious training entitles them to be hired as a proven health specialist and need not be relegated as a volunteer.

We will not be surprised if in the near future we can hear same old stories of injustices among our beloved Filipino nurses for the government do not offer a comprehensive solution to the problem. The government must be in command and not offer a palliative solution but a comprehensive one that will overhaul the system to achieve real respect and dignity of the nursing profession.

The government must readily address the growing list of non-passers of nursing board examinations. Reviewing the list of incompetent schools and strictly enforced laws regulating them. More so, the government must pursue a genuine health care system that will mobilize our registered nurses for this purpose. The ratio of effecting nursing health care among hospitals in the country is way below the health standards of 1:7, meaning a nurse for every 7 Filipinos in a hospital. Ours is a far cry with a reportedly ratio of 1:100. Utilize these nurses into some of our health agencies, hospitals and health units down to the barangay levels on the basis of giving them rightful jobs and compensation.

As a gesture of the P-noy administration’s sincerity in addressing the problem of the nursing profession, enactment of an executive order stopping the practice of forced volunteerism would be a welcome move.

Teody Navea
Secretary General
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Lunes, Pebrero 21, 2011

Memo Hinggil sa Paggunita sa ika-25 Anib ng Edsa People Power 1

Memorandum: Hinggil sa paggunita sa ika-25 taong anibersaryo ng Edsa Peoples Power One.

Mga kasama,

Dalawampu’t limang taon na ang lumipas matapos ang 1986 Peoples Power na nagresulta ng pagbagsak ng pasistang diktadurang pamahalaan ni Marcos at nagluklok kay Ginang Cory Aquino bilang Pangulo ng isang transisyunal na pamahalaan na tinawag na Provisional Rebolutionary Government (PRG). Mag-iisang taon na din ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino (P-Noy). Parang kailan lang pero lumilinaw ang mga kaganapan kung paano natin bibigyan ng paghuhusga ang dalawampu’t limang taong lumipas at halos isang taon ni P-Noy sa Palasyo. Kung sa pananaw ng mga Elitista ay tagumpay ang 1986 Peoples Power sa Edsa, sa pananaw ng malawak na masang sambayanang Pilipino ay bigo ang tunay na diwa nito. 25 years + 25 years = 0. Zero sa pananaw ng sambayanan, walang nabago sa kalagayan at buhay ng masa. Kung may nabago man ay ang pagtindi pa ng kahirapan at paglala ng katiwalian sa pamahalaan.

Nariyan pa rin ang laganap na kagutuman sa lunsod at kanayunan, kawalan ng seguridad sa trabaho ng mga manggagawang Pilipino, kawalan ng tiyak at ligtas na tirahan ang mga maralita sa lunsod at kanayunan, kawalan ng lupang masaka ng ating mga magsasaka sa kanayunan, kawalan ng proteksyon sa kababaihan at kabataan, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa serbisyo at buwis, paglala ng katiwalian sa lahat ng ahensya at istruktura ng ating pamahalaan, kawalan ng sapat na serbisyong panlipunan at inhustisya sa ating pamayanan.

Ang mga inaasahan ng mamamayan sa panunungkulan ni P-Noy ay tila mauuwi sa wala. Mga inaasahang magpapabago sa kanilang kalagayan at hahango sa kahirapan na siyang ipinangalandakan ng bagong administrasyon na ito’y maka-mahirap at lumalandas sa matuwid na daan. Walang duda na ang pinaglilingkuran “Boss” ni P-Noy ay mga Elitista, hindi ang masa ng sambayanan.

Ang patakarang (Private Public Partnership-PPP) ni P-Noy ay tuwirang pagkiling sa malaganap na pagsasapribado ng mga negosyo sa batayang serbisyo ng mamamayan, pagbibigay halaga sa mga namumuhunan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng magandang klima ng pagnenegosyo at kaakibat na patakarang kaugnay nito.

Hindi maiksi ang halos isang taon na ni P-Noy sa panunungkulan. May mga palatandaan na ang landas na tinatahak ni P-Noy ---Ang landas ng pagpapanatili ng mga elitista sa tuktok ng lipunan. Pagpapanatili sa demokrasya ng iilang elitista, hindi ng demokrasya ng masa ng sambayanan.

Halimbawa nito ang walang pakundangang pagkiling ng administrasyon ni P-Noy sa malaganap na iskemang kontraktwalisasyon sa paggawa at husga nito sa kaso ng PALEA na tanggalin sa regular na empleyo ang 2,600 manggagawa at gawing Contractual Employees sa mga service providers ni Lucio Tan (outsourcing) ang tawag nila dito. Ang pagsuporta ng bagong administrasyon ni P-Noy sa pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tubig, kuryente at langis. Walang binabagong patakaran si P-Noy, bagkus ipinagpapatuloy lang nito at nagiging tagapagmana sa mga nakaraang administrasyon. Ang kaibahan lang nito ay ang layunin nitong linisin daw ang katiwalian sa gobyerno. Hindi pa natin mahuhusgahan ang magiging kahihinatnan ng krusada niyang ito. Pero ang tanong natin, handa na ba talaga si P-Noy na gibain ang pwersang pundasyon ng sistemang elitista? Ang pundasyon ng kapitalismong sistema? Ikalawa; Itatakwil na ba talaga ni P-Noy ang kanyang pagiging elitista at uring pinagmulan? Ikatlo; Papayag kaya ang mga utak pulburang mga Heneral na basta ma-itsapwera sa kapangyarihan at makulong gaya ni ERAP? Dito tayo may pagdududa sa krusada ni P-Noy.

Pero malabo na itakwil ni P-Noy ang ugaling Elitista. Katunayan kauupo pa lang sa Palasyo agad nang bumili ng Sports Car na Porsche na nagkakahalaga ng P12 milyong piso. Sa kabila na ang mga maralitang mamamayan ay walang makain, nagugutom at walang matirahan. Tampulan ng biruan sa barberya na Weather Weather lang yan sa kalakaran ng mga naging Pangulo ng bansa. Lahat na yata ng naging Pangulo ng bansa ay may Trade Mark ng kaluhuan sa buhay at pagtatampisaw sa karangyaan sa kabila ng nagugutom na malawak na masa ng sambayanan.

Ang nagaganap sa kasalukuyan ay nagpapatunay lamang kung anong klase ng demokrasya mayroon ang ating bansa kung saan ang ipinaiiral ay ang kagustuhan ng iilan at sa kabilang banda walang boses ang masa ng sambayanan na siyang mayorya (80%) ng populasyon. Demokrasya ng elitista ang landas ni P-Noy, hindi demokrasya ng masa. Hangga’t ang umiiral na sistemang ito na siyang gumagabay sa administrasyon ni Pinoy walang duda na lalala pa ang kalagayan ng ating mamamayan. Hindi maaampat ang kahirapan, hindi mapipigilan ang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin sa mga batayang serbisyo, walang mahihitang katarungan sa lahat ng mga inhustisya sa mamamayang Pilipino.

Huwag na tayong mangiming ilantad natin ito sa bagong administrasyon. Ipamukha natin ito lalo na’t may bonggang paggunita ito sa darating na Pebrero 25. Kabalintunaan na ipagdiwang ng ating gobyerno ang diwa ng EDSA na siyang nagbigay daan ng demokrasya ng masa. Kaipokrituhan ng gobyernong ito ang tagumpay ng “masa” na siya mismo ay nagpapairal ng demokrasya ng iilan at ilitista.

Narito ang ating papel na igiya ang masa sa ganitong tunay na kulay ng administrasyon ni Noynoy Aquino na walang saysay ang kanyang islogan na walang mahirap kung walang kurap. Ang islogang ito ay magiging tumpak lang kung may totoong demokrasya ang masa at ang mga kaaakibat na patakaran ng gobyerno ay naglilingkod sa interes at kagalingan ng mamamayan. Ang korapsyon ay kaakibat na katangian ng bulok na sistema ng kapitalismo na siyang may kinalalaman sa patuloy na pagkasadlak ng mamamayan sa kahirapan.

Kung kaya’t importante na bigyang pansin ang darating na selebrasyon ng Pebrero 25. Ilantad ang tunay na pinaiiral na demokrasya ng administyrasyon ni Noynoy at itulak ang kanyang gobyerno na harapin ang totoong problema ng masa ng sambayanan, pagkakaloob ng sapat na proteksyon, karapatan at kagalingan sa lahat ng sektor ng ating lipunan ang dapat na adyenda.

Ang mobilisasyon sa Enero 24 at Marso 8.

Mas pinili nating maglunsad ng hiwalay na pagkilos para gunitain ang anibersaryo ng EDSA Uno. Ang ating gobyerno ay magdiriwang ng Pebrero 25 sa mismong EDSA Monument. Tayo ay ganon din pero sa halip na ating sabayan, tayo ay maglulunsad ng pagkilos sa ika-24 ng Pebrero sa EDSA People Power Monument kasama ang FDC (Freedom from Debt Coalition) na siyang pangunahing mag-iisponsor ng malaking pagkilos na ito.

Sa Pebrero 24, magkita-kita tayo ng mula alas otso hanggang alas nwebe ng umaga (8-9am) sa paanan ng MRT Cubao. Magmamartsa tayo mula Cubao patungong EDSA People Power Monument sa ganap ng ikasiyam ng umaga (9:00 am). Bitbit natin ang mga islogang maglalantad sa tunay na katangian ng demokrasyang pinaiiral ng bagong administrasyon at mga isyung may kinalaman sa mga batayang kahilingan ng mamamayang Pilipino.

Sa Marso 8, tayo ay magmamartsa mula Quezon City Hall hanggang Batasan. Sa ganap ng alas-dose ng tanghali (12nn), tayo ay magkikita-kita sa harapan ng opisina ng NHA sa may Elliptical Road, Quezon Memorial Circle. Tutulak tayo ng martsa sa ganap na alas-dos ng hapon.

Tayo ay magluwal ng maraming puwersa sa mga na araw na ito at makiisa tayo sa panawagan. Magtiyak ang lokal ng mga kinatawan at planuhin kung pano magagawa ito. Obligadong detalyehin ng mga pamunuan ng lokal ang delegasyon at partisipasyon sa mga nasabing pagkilos.

Narito ang mga islogan na ating dadalhin:
1. 25 years + 25 years = Zero! Bigo ang tunay na Diwa ng EDSA!
2. Demokrasya ng Masa, Hindi ng elitista!
3. Trabaho, Tirahan, Kabuhayan, Karapatan. IPAGLABAN!
4. Sahod itaas! Presyo ibaba!
5. Regular na Trabaho, Hindi kontraktwal!
6. Karapatan at kagalingan ng kababaihan ipaglaban!
7. Oil deregulation law! Ibasura
8. RH Bill! Isabatas!
9. 25 limang taon ng EDSA, walang napala ang masa!
10. Itaguyod ang tunay na demokrasya ng masa!
11. Pabahay na serbisyo hindi negosyo!
12. Lupang pansakahan para sa magsasaka

Komiteng Tagapagpaganap - BMP

Lunes, Pebrero 7, 2011

Labor leader: Eton would have caught Ka Popoy's ire

Labor leader: Eton would have caught Ka Popoy's ire
PATERNO ESMAQUEL II, GMA News
02/06/2011 | 06:44 PM

http://www.gmanews.tv/story/212372/labor-leader-eton-would-have-caught-ka-popoy39s-ire

Marking a decade since his mentor’s death, a labor leader on Sunday said the Eton construction accident, which claimed the lives of 10 workers last month, was an issue the slain Filemon “Ka Popoy" Lagman would not have allowed to pass.

In an interview with GMA News Online, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) chairperson Leody de Guzman said Lagman would have protested the death of the 10 Eton workers, the likes of whom the latter would have considered as victims of poor safety conditions, low salaries, and contractualization.

“‘’Yung Eton ay totoong mukha ng panggigipit ng mga kapitalista sa mga manggagawa ngayon (The Eton incident looks a lot like capitalists suppressing workers nowadays)," de Guzman said. The labor leader said of Lagman: “Lalabanan niya ‘yan (He would have fought against that)."

De Guzman’s group, also founded by Lagman, joined other militant groups in front of the Eton construction site on Saturday to light 10 candles and offer 10 flowers in memory of the 10 construction workers who on Jan. 27 fell to their deaths.

To mark the 10th anniversary of Lagman’s death, activists on Sunday marched from the Loyola Memorial Park in Marikina to the Bahay ng Alumni in the University of the Philippines, Quezon City — where the labor leader was shot on Feb. 6, 2001.

His sister Nida Lagman-Sevilla, in another interview with GMA News Online, said no suspect has yet been tried since a Quezon City prosecutor junked the murder charges against eight earlier suspects because the complainant — the son of Lagman — as well as other witnesses failed to appear in the preliminary investigation.

Sevilla explained that aside from not receiving summons at that time, their party did not give credence to the investigators’ findings then.

With her brother’s murder unsolved, Sevilla, also an activist, said she finds recourse in seeking justice for the people Lagman fought for — the working class. “Justice na rin ‘yon for him (That is also justice for him)," she said. — VS/MRT, GMA News

Linggo, Pebrero 6, 2011

BMP Statement on Ka Popoy's 10th death anniversary

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)
PRESS STATEMENT
February 6, 2011

Remembering a Working Class Hero

JUSTICE FOR KA POPOY!
JUSTICE FOR THE WORKING CLASS!

February 6, 2011 marks the 10th death anniversary of our leader and slain comrade Filemon “Ka Popoy” Lagman.

Ten years have passed, but there’s still no justice for Ka Popoy. A working class hero, Ka Popoy was the president of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) from 1995 until he was killed by assassin's bullets on that fateful day in 2001, nearly two weeks after the Edsa Two revolution. But his assassins can’t kill his ideas. They had wiped out his body but not his legacy. We’re still here to pursue Ka Popoy’s dream – our dream – to emancipate the working class from the bondage of capitalist oppression, corruption, poverty and deceit, a dream of a socialist revolution to be led by the working class.

Our dream, like Ka Popoy’s, will continue to inspire us to work hard with the fire in our hearts, carrying our socialist ideals to pursue what Ka Popoy has dreamed - a society where there are no slaves of capital, a socialist revolution to be led by the proletariat, a classless society, a victory for the working class. Ten years since his death, poverty and injustices still continue to plague our nation, continue to cripple the life of the poor, contractualization is rampant, the system of greed that Ka Popoy wants to get rid of still continue to destroy the honor and dignity of the working class.

Ka Popoy was an embodiment of a great socialist revolutionary, a hero of the proletariat, a leader beloved and feared, a great teacher, a fearless activist, a prolific writer, a great agitator. More than any activist of his generation, Ka Popoy is the most conscious about developing the proletarian line. He thought and wrote about Philippine society and the working class revolution through Marxist-Leninist line; and even criticizes the Stalinist-Maoist line that led to the split in the Communist Party of the Philippines in 1991. A Marxist-Leninist through and through, he viewed the working class as the main force of change instead of the peasants, which Joma Sison advocates. Ka Popoy advocated the working class-led revolution that will emancipate all the toiling masses from the claws of capitalism.

We started this day by a wreath-laying activity at Ka Popoy’s monument at Marikina on 7am, then we proceed at Loyola Memorial Park to visit and pay respect to Ka Popoy. After that, hundreds of workers and urban poor marched from Loyola to UP Bahay ng Alumni, where he was gunned down a decade ago. We ended the program there, but we didn’t end our crusade.

As we commemorate this day, we are renewing our vow to continue Ka Popoy’s fight, to pursue his dream for system change, to carry on the fight until socialist victory will be achieved. We will continue to organize the workers and the poor to fulfil our goal of a socialist system that will emancipate us, most especially the working class, from the onslaught of capitalism, from the bondage of greed. Ka Popoy’s spirit lives on.

Justice for Ka Popoy! Justice for the working class!

KPML Statement on Ka Popoy's 10th Death Anniversary

KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA MARALITA NG LUNGSOD (KPML)

PRESS STATEMENT
Pebrero 6, 2011

Sa ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy

HUSTISYA KAY KA POPOY!
HUSTISYA SA MANGGAGAWA’T MARALITA!

Ang isang kapitalista, lalo na yaong nagpahirap sa mga manggagawa, pag namatay ay tulad lamang ng gaan ng isang kilong bulak. Ngunit ang kamatayan ng isang kasamang matagal na nagsilbi sa uri at sa bayan, at itinuturing na bayani tulad ni Ka Popoy Lagman, ay simbigat ng isang bundok. Hanggang ngayon, isang dekada na ang nakararaan nang siya'y paslangin, nagdurugo pa rin ang puso ng maralita at nanggagalaiti sa galit dahil sa pagpaslang ng estado sa isang magiting na lider ng uri, si Ka Popoy Lagman. Namatay man ang kanyang katawan, ngunit ang kanyang adhikain para sa mga susunod na henerasyon ay mananatili. Nawala man siya ngunit naiwan sa mga lider-maralita ang asim ng kanyang pananalita laban sa mga naghaharing uri at tamis ng kanyang pangungumbinsi sa mga dukha't api.

Marami kaming natutunan kay Ka Popoy. Pangunahin dito ang landas ng uri, ang landas na dapat tahakin ng mga inaapi't pinagsasamantalahan ng sistemang ito, ng ganid na lipunang ito. Natutunan namin na dapat pawiin ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon pagkat ito ang ugat ng ating mga pagdurusa't kahirapan. Natutunan namin na may kapalit pa ang sistemang kapitalismong patuloy na yumuyurak sa ating dangal at lumulupig sa ating pagkatao. Natutunan naming dapat ipaglaban ang sosyalismo! Tangan ang gabay ng Marxismo-Leninismo, patuloy kaming magmumulat at makikibaka para sa katarungan, kalayaan at sosyalismo!

Sampung taon na mula nang siya'y paslangin, ngunit ang mga pumaslang sa kanya'y di pa nadadala sa pedestal ng katarungan! Ngayong Pebrero 6 habang ginugunita natin ang ika-10 anibersaryo ng kamatayan ng ating dakilang lider na si Ka Popoy Lagman ay muling nating isumpa na patuloy tayong kikilos para sa pagbabago ng lipunan, at itutuloy natin ang laban ni Ka Popoy, isang magiting na lider, matapang na kasama, at magaling na guro ng uring manggagawa. Walang bibitiw sa laban. Ipapanalo natin ang adhikain ng maralita’t uring manggagawa para sa pagbabago hanggang sa pagtatayo ng sistemang sosyalismo.

Kaya kaming mga maralita sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), kasama ang Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Piglas-Kabataan (PK), ay mahigpit na nakikiisa sa lahat ng manggagawang nakikibaka upang palitan ang kapitalista't elitistang sistema. Ipakita natin sa buong sambayanan na sa paggunita natin sa ating dakilang lider, tayo'y kapitbisig na nagkakaisa laban sa bulok na sistema, sama-sama nating papatirin ang tanikala ng kahirapan at pagsasamantala, at handa nating itayo ang isang lipunang sosyalismo!

Ituloy ang laban ni Ka Popoy Lagman! Halina’t kumilos para sa tagumpay ng sosyalismo!

Hustisya kay Ka Popoy! Hustisya sa Manggagawa't Maralita!

Kamalayan Alumni statement on Ka Popoy's 10th death anniversary

KAMALAYAN ALUMNI
Statement
February 6, 2011

JUSTICE FOR KA POPOY! LET'S CONTINUE HIS DREAM!
ONWARD TO SOCIALIST VICTORY!

The dead cannot cry out for justice; it is a duty of the living to do so for them.
- Lois McMaster Bujold, Diplomatic Immunity, 2002

For us alumni of KAMALAYAN youth organization, we wish for a new system where there will be liberty, equality and fraternity, just like the slogan in the French Revolution. We organize ourselves and join our hands to live an activist life with a dream of a socialist system that will emancipate us, most especially the working class, from the bondage of poverty. We dream what our leader Ka Popoy Lagman has dreamed - a society where there are no slaves of capital.

Some says that Kamalayan died a couple of years ago, but we have proven to those who "killed" this organization that we are still alive. That we continue to live with our socialist aim intact. That we are capable of doing something to continue the revolution waged by Ka Popoy - a socialist revolution with the working class as the main force, a socialist revolution with Marxism-Leninism as our guide. Kamalayan will restore itself as one of the main socialist youth organization in the country, with the honor and dignity as an activist organization. Kamalayan Alumni will continue to organize and guide youth and students, most especially the sons and daughters of the working class, to pursue our socialist aim.

In 1993, the League of Filipino Students - National Capital Region (LFS-NCR) chapter broke away from LFS-National and formed the KAMALAYAN (Kalipunan ng Malayang Kabataan). KAMALAYAN was conceived on November 30, 1993. Kamalayan was born together with different mass organizations who declared their autonomy from their national leadership, when the leading mass movements in the country were marred by debates and disputes in the early '90s. Throughout its actions and activities, KAMALAYAN adopted the Marxist-Leninist ideology, and debunked its former national democratic ideas and its Stalinist-Maoist venom. They broke away from their national democratic groupings to get rid of their Sisonite heritage. From Kalipunan ng Malayang Kabataan as our acronym in 1993 to Kalipunan ng mga Anak ng Manggagawa, the KAMALAYAN, together with our sister organization, the National Federation of Student Councils (NFSC), pursue and organized students from different schools, to enlighten them that the system of greed can be abolished and a new system is possible. Ka Popoy Lagman as one of the leaders of the working class group Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) earnestly supported Kamalayan in its ideological direction.

In this commemoration of Ka Popoy's 10th death anniversary, we wish that Ka Popoy's legacy will continue to fire our hearts and mind to achieve our socialist aim. We also wish that Ka Popoy's assassins be brought to justice. We will continue pursuing his dream - our dream - for a socialist revolution until the old system of capitalism, corruption, egotism, elitism, false honor, love of money, vanity, insolence, tyranny, intrigue, miserable life, and poverty will vanish in the face of the earth. We will fight with passion, with Marxism-Leninism as our guidance, with the working class as our main force, with our socialist vision as our guide to action.

Continuing Ka Popoy's dream until socialist victory is achieved is one of the greatest gift that we can give this nation, the working class, the children of today and the next generation. Kamalayan, alive as it was, will continue working and fighting to achieve socialist victory, a victory of the working class, a victory that will not end our revolution, but will theoretically continue to its next step, the transition from capitalism to socialism.

Dignidad ng Narses, Karapatang Pangkalusugan ng Mamamayan

DIGNIDAD NG NARSES, KARAPATANG
PANGKALUSUGAN NG MAMAMAYAN

Nakakapanindig-balahibo ang paglalahad ng ilang mga registered nurse sa telebisyon, radyo at iba’t-ibang pahayagan sa sinasapit ng libu-libo nilang mga kabaro o kapwa mga rehistradong narses. Ito ay ang talamak na pagpapatupad ng forced volunteerism sa mga hospital pribado man o pampubliko.
Ang forced volunteerism ay isang kalakaran kung saan ang mga propesyunal nating mga narses ay nagbabayad (ng pera) sa mga ospital upang maging volunteer nurse at makapagbigay ng serbisyo alinsunod sa kanilang propesyon sa mga ospital at mga pasyente nito ng libre.

Sa halip na tratuhin na mga empleyado dahil gumagampan sila ng lahat ng mga gawain ng isang regular na narses ay tumatanggi ang mga tagapamahala ng ospital na kilalanin ang obligasyon bilang employer tulad ng tamang suweldo at benipisyo sa tamang trabahong ibinibigay ng mga narses.

Dahil sa kawalan ng employee-employer relation hindi lamang ang kawalan ng sweldo ang problema kungdi ang kawalan din ng proteksyon sa panahong malagay ang mga narses sa iba’t-ibang panganib sa kanilang buhay at kalusugan. Sa mga kaso ng mga banta sa kalusugan mag-isang haharapin ng mga narses ang pagpapabakuna bilang proteksyon at pagbili ng mga kagamitan para pangalagaan ang kanyang kalusugan. Sa panahong sila ay dapuan ng sakit solo nila (o kanilang mga magulang) ang gastusin sa pagpapagamot ng kanilang sarili.

Sakaling maharap sa kasong legal o ma-demanda sa paggampan ng kanilang “sinumpaang tungkulin” bahala ang nars sa sarili na humanap ng sariling manananggol o abogado. Hindi obligasyon ng may-ari o tagapamahala ng ospital ang magbigay proteksyon dahil hindi sila mga empleyado.

Nangyayari ang talamak na kalakarang ito ng forced volunteerism dahil sa paniwalang sa pagtatrabaho bilang volunteer ay mabibigyan sila ng certificate o katibayan ng paglilingkod sa ospital na maari nilang magamit upang makapag-trabaho sa ibang bansa. Siyempre pa ay wala namang bisa ang makukuhang certificate dahil hindi naman certificate of employment ang ibinibigay sa kanila na siyang hinihingi ng mga employer sa ibang bansa.

Itinuturo rin na dahilan ay ang tinatawag na over supply ng mga narses sa bansa kung kaya’t pinag-aagawan ang anumang oportunidad na “makapagtrabaho” makakuha lang ng experience. Sa konserbatibong taya ay nasa 280,000 na ang bilang ng mga walang hanap buhay na narses at madaragdagan pa ito ng humigit-kumulang 42,000 ngayong parating na buwan resulta ng nursing board exam.

Sobra na! Tama na! Wakasan na!

Panahon ng wakasan ang karumal-dumal na gawaing ito ng pagpapatupad ng forced volunteerism sa mga ospital mapa-publiko man o pribado. Hindi katuwiran na dahil sa sobrang dami na ng mga narses ay maari na silang tratuhing mga alipin at aabusuhin. Hindi lamang mga narses ang nagdurusa sa ganitong tiwaling kalakaran. Kung nasalaula na ang dignidad ng kanilang propesyon, kung nayurakan na ang kanilang mga dangal at dignidad – pinagkaitan na rin tayong mga mamamayan ng pagkakataong mapangalagaan ang ating kalusugan.

Kung ipatutupad lamang ng gobyerno ang pamantayang nurses to patient ratio (npr) na 1 is to 7 (isang nars sa bawat pitong pasyente) sa mga pampublikong ospital ay mababawasan o maiibsan ang sinasabing over supply ng mga narses sa bansa. Sa pag-aaral ng isang grupo may mga ospital na ang npr ay 1 is to 100. Isang nars ang nangagalaga sa buhay ng isandaang pasyente, isang nars na sasagupa sa ngit-ngit ng nag-aalburutong isandaang kaanak na hindi matanggap na hindi mapangalagaang mabuti ang kanilang kaanak na pasyente dahil sa dami ng kailangang asikasuhin ng kawawang nars.

Marami sa atin ang naiinis sa mga narses sa mga pampublikong ospital at kadalasang hindi na naghahangad ng medikal na atensyon dahil sa ganitong kalagayan sa mga pampublikong pagamutan. Karaniwan na kung ganun na maraming Pilipino ang namamatay ng hindi man lang nakakakita ng nars gayung may sinasabing may “over supply” ng nars sa bansa.

Nitong mga nagdaang araw ay umingay sa midya ang anunsyo ng Department of Health na ipatigil ang forced volunteerism kasabay ito ng pagtangging nagaganap ang forced volunteerism sa lahat ng klase ng ospital. Nag-alok din ito ng 10,000 trabaho sa lahat ng mga rehistradong narses sa ilalim ng programang RN HEALS na umani rin ng maraming batikos dahil sa kakapusan o limitasyon ng programang ito na tugunan ang problema ng unemployment ng mga narses.

Mga Kababayan, unawain natin na klarong hindi lamang problema ng mga narses ang forced volunteerism. Apektado tayo ng problemang ito ng patakaran ng gobyerno kaugnay ng pondo para sa kalusugan nating mamamayan. Ang pang-aabuso sa mga narses sa mga pribado at pampublikong ospital ay katumbas ng pagbabalewala ng pamahalaan sa karapatan ng mamamayan sa kanyang kalusugan.

Samahan natin ang mga narses na ibangon ang dignidad ng kanilang propesyon, ang maibalik ang dangal nila bilang tao at tamasahin ang karapatang mabigyan tayo ng kaukulang medikal na pangangalaga mula sa mapagkalingang kamay ng isa sa pinakamagagaling na tagapag-aruga sa buong mundo - ang mga Pilipinong narses.

Sumama tayo sa inilulunsad na SIGNATURE CAMPAIGN AGAINST FORCED VOLUNTEERISM sa layuning makakalap na isang milyon o higit pang lagda na ihahatid natin sa Malakanyang o sa ating pangulo Benigno C. Aquino III upang ipag-utos ang kagyat at totohanang pagpapatigil ng forced volunteerism kasabay ng pag-repaso ng mga polisiya ng gobyerno sa naghihingalong patakarang pangkalusugan ng bansa.

FORCED VOLUNTEERISM, ITIGIL!
TAMANG TRABAHO, TAMANG SUWELDO, TAMANG SOLUSYON!

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)
February 5, 2011

Martes, Pebrero 1, 2011

BMP Memo para sa Pebrero 6

Para sa: Lahat ng Kasapi, Kaibigan at Kaalyadong Unyon at Asosasyon
Hinggil sa: Araw ng Paggunita sa Kamatayan ni Ka Popoy Lagman – Pebrero 6, 2011
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Enero 31, 2011


Hamon kay P-Noy: Katarungan para kay Ka Popoy
at sa lahat ng biktima ng inhustisya!

Sa darating na Pebrero 6, 2011, ay araw ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagpaslang kay Ka Popoy. Isang dekada na subalit magpahanggang ngayon ay wala pa rin itong kalutasan. Hindi mabilang kung tutuusin ang mga ganitong kaso mula sa panahon ni Marcos hanggang sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo. Si Ka Popoy ang pinakaunang biniktima ng administrasyon ni PGMA, halos isang linggo matapos syang makaupo sa Malakanyang. Ang kamatayan ni Ka Popoy ay nagsilbing hudyat ng tuloy tuloy at di mabilang na “extra judicial killings” sa buong bansa. Mga kasong hindi nabibigyan ng kaukulang kalutasan at hustisya.

Maraming paglabag sa karapatang pantao ang pwede nating mailahad sa ngayon na malinaw na wala pa ring kalutasan. Mga paglabag na kinasangkutan mismo ng mga militar at nasa kapangyarihan sa iba’t ibang panahon tulad ng Mendiola Massacre, pagpaslang kay Rolando Olalia, Masaker sa Hacienda Luisita, Maguindanao Massacre at marami pang iba.

Ngayon, mayroon tayong bagong pamahalaan na nangako ng pagbabago at tuwid na daan para sa masa at katarungan. Ang Komisyon sa Karapatang Pantao sa kasalukuyan ay pinamumuan ng isang kilalang lider ng mga progresibo. Isang bagay na puwede nating subukan upang muling buksan ang kaso at tuluyan nang makamit ang katarungan.

Balikan natin kung sino ba si Ka Popoy. Si Ka Popoy ang pangunahing lider na malaki ang naging kontribusyon sa kilusang manggagawa. Tagapagtatag ng ating organisasyon, ang BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilino), Sanlakas at marami pang iba. Si Ka Popoy ay walang humpay na nakibaka mula pa sa panahon ni Marcos, walang takot, di tumigil sa pakikibaka sa kabila ng banta sa kanyang buhay ng mga ahente ng Kapital.

Maituturing na bayani sa Kilusang Paggawa at tagapagbandila ng pakikibaka para sa tunay na pagbabago sa sistemang panlipunan, si Ka Popoy ay di lamang nag-iwan ng marka ng paglaban kundi mga aral at pananaw na magpahanggang ngayon ay ating pinaniniwalaan at isinasabuhay. Mga matibay na pundasyon na nagsisilbing suhay sa ating mga pang-araw-araw na pagkilos bilang mga puwersa sa pagbabago.

Ang okasyon sa Pebrero 6, 2011

Malaking martsa mula sa puntod ni Ka Popoy sa Loyola, Marikina hanggang sa UP. Magkita-kita tayong lahat sa Loyola ganap na ika-8:30 ng umaga.

Palahukin natin ang pinakamarami sa ating mga kasapi at ipinapanawagan natin sa lahat ng mga naging kabahagi ng kilusang Pagbabago mula noon hanggang ngayon na lumahok sa makabuluhang pagkilos na ito.

Ang BMP, Sanlakas, at lahat ng mga organisasyong ipinundar ni Ka Popoy, ay kabilang sa magtitiyak ng kanilang delegasyon kasama na ang mga dating puwersang may naging puwang sa kanila ang impluwensiya ni Ka Popoy sa kanilang buhay. Mga dating kumilos at naglingkod sa iba’t ibang sektor at hanggang sa kasalukuyan at nanalig sa naging kontribusyon ni Ka Popoy sa kilusan ng pagbabago.

Inaanyayahan din natin ang mga kilalang personalidad na may katulad din ng kaso ng inhustisya. Gayundin ang mga personaheng may kinalaman sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Mga organisasasyon sa karapatang pantao at ang mismong Komisyon sa Karapatang Pantao.

Iluwal natin ang libu-libong kalahok sa paggunita sa araw ng kamatayan ni Ka Popoy!

Ang Pebrero 6 ay Linggo, marami sa ating mga pabrika ay walang pasok. Kung kaya’t magiging mainam para sa mga lokal na planuhin sa pinakamaraming kalahok ang mailuwal sa mga unyon. Itala ng mismong bayan ng Marikina na padaluhin ang sandaang porsiyento ng kanyang kasapian sa araw na ito. Ang FTLU at iba pang lokal sa Marikina ay sinupin ang plano upang matiyak ang makabuluhang partisipasyon ng mga manggagawa.

Gayundin ang lahat ng pagawaan at empresa sa buong kalakhang Maynila. Mailuwal natin sa pinakamarami sa ating kasapian at magkaroon ng malinaw na pagtitiyak ng mga kalahok sa araw na ito. Inaasahan din natin ang paglahok ng mga kalapit probinsya na magtityak ng pinakamaraming delegasyon na kanilang mapalahok, ang Gitnang Luzon at Timog Katagalugan.

Ang mga komunidad na nasasakupan ng ating mga kapatid na maralita na siyang bulto ng pwersa ng KPML-ZOTO at Sanlakas at iba pang mga organisasyon ay atin ding tiyakin ang kanilang paglahok.

Bukod sa BMP, inaasahan natin ang buong suporta ng iba pang mga organisasyon tulad ng Kalayaan!, KPP, MMVA, Makabayan Pilipinas, AMA, SDK, Sanlakas-Youth, PMT at PLM.

Sa hanay ng uring manggagawa, tiyakin natin ang buong puwersa ng MELF, SUPER at lahat ng independent unions na lumahok sa kanilang pinakamalaking bilang sa araw na ito.

Gawin ang mga sumusunod na tagubilin:

1. Pagpulungan ng mga lokal ang kanilang mga paniyak na delegasyon sa pinakamalaking bilang na kanilang mailuluwal.
2. Maglunsad ng mga iba’t ibang pamamaraan o gawain na magtitiyak ng paglahok ng lokal.
3. Tiyakin na ang lahat ng mga kalahok ay nakasuot ng pula bilang simbolo ng paglaban at muling pagbubukas ng kaso ni Ka Popoy.
4. Magdala ng mga placards na nanawagan ng Katarungan ni Ka Popoy at sa lahat ng biktima ng inhustisya.
5. Tiyaking makalahok sa martsa ang mga kasapian (Loyola to UP).
6. Magdala ng mga flag ng mga lokal at pederasyon.
7. Magbaon ng mga tubig at pagkain sa martsa.
8. Manawagan sa iba pang mga kasamahan labas sa pagawaan na sumama sa pagkilos na ito.


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga Tagasubaybay

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996