Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Sabado, Marso 8, 2014

Maikling Kwento sa Buhay at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo


Maikling Kwento sa Buhay
at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo

Mga kasama at Kapatid sa Paggawa,

Si Ka Romy Castillo, 62 taong gulang, biyudo (ang asawa’y pumanaw noong Disyembre 2012) at may 2 anak (isang babae at isang lalaki), taga-Escalante, Negros Occidental, ang kasalukuyang secretary general ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Noong 1987, naging manggagawa siya ng Philippine Blooming Mills Inc. na matatagpuan sa Brgy. Rosario, Pasig, Metro Manila. Noong 1979, naging bise president ng Philippine Blooming Mills Employees Union - National Federation of Labor Unions (PBMEU-NAFLU). Isa sa tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kanyang unyong pinamumunuan na may 2,600 kasapian noong Mayo Uno 1980 sa Araneta Coliseum. Nang taon ding iyon, naging chairman siya ng KMU Area 2 na sumasaklaw sa Mandaluyong, Pasig, Marikina at Rizal.

Isa siya sa 34 na mga opisyales at lider ng PBMEU na nagpasyang kumilos ng buong panahon sa Kilusang Paggawa nang ganap na magsara ang kanilang pabrika noong 1981. Aktibo niyang kinondena ang Arrest and Search Order (ASO), Preventive Detention Action (PDA) at crackdown ng pasistang diktadurang rehimen ni Marcos sa KMU noong Agosto 13, 1983.

Isa siya sa maraming lider-manggagawa na inaresto, kinulong ng pasistang rehimen ni Marcos noong Hulyo 1984. Siya at apat pang kasama (Antipolo 5) ay isa't kalahating taong ikinulong ng militar sa Camp Bagong Diwa matapos ang nakaririmarim na tortyur sa kanila. Sa loob ng piitan ay nakaranas siya ng iba’t ibang uri ng tortyur, tulad ng water cure, electric shock, at pagkuryente mismo sa kanyang ari na muntik na niyang ikabaog.

Nakalaya siya matapos ang EDSA People’s Power Uprising noong Pebrero 1986. Paglaya ay agad na siyang kumilos at natalaga bilang organisador at lider-manggagawa at ipinadala sa iba't ibang bansa, tulad ng Japan, Germany at Netherlands sa Europa para sa gawaing pakikipagkapatiran sa mga manggagawa / organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa sa Europa.

Pagbalik niya sa Pilipinas ay aktibong kumilos bilang kasapi ng KMU Central Committee. At noong 1989 ay nahalal siya bilang chairman ng KMU National Capital Region (KMU-NCR) chapter.

Noong 1992-93, sa panahon ng panloob na tunggaliang pang-organisasyon sa KMU na humantong sa split ng KMU-NCR chapter sa KMU-national ay tumindig siya sa tama at totoo! At nanawagan siya ng pagtatakwil sa mga Maoista at Stalinista. Naging Founding Chairman siya ng BMP sa Konggreso ng Pagtatatag nito noong Setyembre 14, 1993 sa Ultra, sa Lungsod ng Pasig. Nanungkulan siya bilang Chairman ng Bukluran ng Manggagawa para sa Pagbabago (ang dating ibig sabihin ng BMP) hanggang 1996.

Muli siyang natalaga sa Labor International Work para ilinaw sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa ang Kritik sa Globalisasyon at paninindigan ng BMP laban sa Asia Pacific Economic Forum (APEC) at Globalisasyon (ang patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at labor flexibility) at panawagang SLAM APEC. Depensahan ang Uri, Ipaglaban ang Bayan! Ang Laban ng Bayan ay Laban ng Uri! No to Agression in East Timor! Peace, Not War!

Aktibo din siya sa kampanya at pakikibaka para sa dagdag sahod ng mga manggagawa at pagtatayo ng Lawin-35, Kilusang Roll Back (KRB) at electoral na mga pakikibaka at pagtatayo ng Partido ng Manggagawa (PM). Kampanya laban sa dayaan, pagpapatalsik kay GMA, at panukalang pagtatayo ng transitional government noong 1998-2006. Pakikibaka ng mga manggagawa ng TEMIC, BLTB, PALEA at MERALCO. Nanawagan ng hustisya laban sa patraydor na pagpaslang sa chairman ng BMP na si Ka Popoy Lagman matapos ang EDSA Dos o kudeta ni GMA kay Erap at kasagsagan ng paghahanda ng Kongreso ng PM noong Pebrero 12, 2001. Nahalal siya rito na myembro ng Central Committee ng PM.

Hunyo 2011 nang magtungo si Ka Romy sa Malaysia bilang bisita ng Parti Sosialis Malaysia (PSM). Naging kinatawan siya roon bilang secretary general ng Partido Lakas ng Masa (PLM).  Pauwi na siya sa Pilipinas noong Hunyo 30 nang siya ay kinuha sa airport at ikinulong ng ilang araw ng Malaysian Government kasama ang 30 pang aktibistang Malaysian. Napalaya siya noong Hulyo 7, 2011 at agad na pinabalik sa Pilipinas.

Si Ka Romy ay magaling na tagapagsalita sa entablado, magaling tumangan ng pulong, hindi diktador, tinitiyak niya na nakakapagsalita ang lahat ng panid, at pinakamahalaga ay ang pagtitiyakniya na ang demokrasya ang nangingibabaw, hindi ang brasuhan, palakasan ng boses (literal) at panggagapang sa mga decision maker. Tunay siyang maginoo at magaling na lider.

Nang buhayin at paaktibuhin ng DOLE ang Tripartismo noong 2007 at nang magpasya ang BMP na magpadalo ng kinatawan dito, siya ang itinalagang opisyal na kinatawan ng BMP sa NTIPC hanggang sa kasalukuyan. Hindi na nga lamang siya nakakadalo sa mga patawag na meeting ng NTIPC dahil sa kanyang karamdaman sa kasalukuyan.

Nahalal si Ka Romy bilang secretary general ng BMP sa ginanap na ika-6 na Kongreso nito noong Nobyembre 26-27 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Ka Romy ay dinapuan ng kanser sa baga. Nang madiskubre ay Stage 4 na. Nagpapa-chemo theraphy siya ngunit magastos. Baka sakaling siya'y mailigtas. Kaya kailangan niya ng tulong ng sinuman.

Ang BMP ay maglulunsad ng Benefit Concert para sa kanya sa Marso 9, 2014 sa General Trias, Cavite at sa Marso 17, 2014 sa Homer's Restaurant sa Lungsod Quezon. Sa mga nagnanais tumulong at makakuha ng tiket para sa konsyerto, mangyaring kontakin si Tina sa BMP ofc sa hatinig blg. 436-4307.

(Ito'y pinagsamang detalye mula kina Ka Ronnie Luna, Ka Gem de Guzman at Greg Bituin Jr.)

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996