Bukas na liham para sa aming kapwa manggagawa at kababayan.
Lahat po ng paraan upang maiwasan ang welga ay ginawa na namin. Sinulatan namin ang management , humingi ng pakikipag-usap, lumapit na rin kami sa Department of Labor, Subalit sadyang ayaw pakinggan ng may-ari ang aming kahilingan. Ipinakiki-usap namin na ibalik ang anim na araw naming pasok sa loob ng isang linggo.
Sa ngayon po ay pinagtatrabaho na lang kami ng aming kompanya ng isa (1) hanggang tatlong (3) araw kada isang lingo. Nagsimula po ang ganito naming sitwasyon noong pang nakaraang taon, noon pang bagyong ondoy , nang ilubog ng baha ang aming pabrika.
Inunawa po namin ang kompanya, tinanggap namin sa mahabang panahon ang paminsan minsan na lang na pag pasok sa trabaho dahil nga sa pinsalang dulot ng bagyong Ondoy. Tumulong kami sa pagkukumpuni ng mga makinang nasira at paglilinis ng buong pabrika upang maibalik sa normal na operasyon.
Nagbunga ang aming pagtutulungan, napatakbo ang maraming makina, nagbalikan na ulit ang mga pangunahing customer, sapat na ang gawain sa loob upang mabigyan ng tuloy tulkoy na trabaho ang lahat ng mga manggagawa.
Subalit ang malungkot, ang pumasok na trabaho na dapat kami ang gumagawa ay inilabas ng pabrika at ipinagawa sa iba. Pati ang dating gawaing ginagampanan ng dalawang tao ay pilit na ipinapaako sa isa na lamang manggagawa. Ito po ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay 1 hanggang 3 araw pa rin ang pasok kada isang lingo.
Mabigat na po ang ginawa naming pagtitiis sa nakalipas na pitong (7) buwan. Pagtitiis sa 1 hangang 3 araw na sweldo kada linggo. Apektado na po hindi lamang ang pag-aaral ng aming mga anak kundi maging ang kalusugan ng aming pamilya.
Mas lalong bumibigat at gumuguhit ang hapdi sa aming dibdib sa tuwinang makikita naming ang trabahong dapat kami ang gumagawa ay ipapatrabaho sa iba. Ito po ay mali at alam na alam di ng management na ito ay labag sa batas.
Unfair Labor Practice po ang tawag sa pag contract- out ng trabaho. Ito ay ipinagbabawal ng batas paggawa. Hindi ito pwedeng itama nang katwirang masnakakamura sya sa mga kontraktwal na taga labas dahil ito mismo ang dahilan kung bakit ipinagbabawal. Pinahihintulutan lamang ang Contrating –out ng trabaho kung sobra- sobra at di kayang tapusin sa takdang panahon ng kanyang sariling manggagawa.
Dahil po dito, kahit alam naming mahirap, nagpasya po kaming mag Welga, suungin ang napaka- init na panahon sa picket line upang itama ang maling ginagawa ng management at ipaglaban ang aming karapatan at kabuhayan.
Panawagan namin sa aming management na huwag ilabas ang trabahong dapat kami ang gumagawa at ibalik sa anim na araw ang aming pasok!
Hiling naman namin ang inyong pang-unawa at suporta sa aming ipinakikipaglaban.
Mabuhay po kayo at mabuhay ang uring manggagawa.
Victoria Manufacturing Corporation Workers Union.