Limos at Insulto sa Manggagawang Pilipino
ang P22.00 ECOLA ng NCR-RWB!
1. Malayo ang P22.00 ECOLA sa sinasabi ng NEDA at NSO na para daw makapamuhay ng maayos ang isang pamilya na may 6 na miyembro ay kailangang kumita ng halagang P967.00 kada araw. Ngunit ang kasalukuyang minimum na pasahod na itinatakda ng national wage council ay P404.00 lamang kada araw. Mas mababa ang sa mga regional wage board. Kung kaya kulang/kapos pa ng halagang P563.00
The Department of Labor and Employment’s (DOLE) pronouncement of the proposed P22.00 ECOLA is a far cry from NEDA and NSO’s study of around P967.00 daily cost of living per day for family of 6 to have a decent life. The present minimum wage is pegged by the National Wage Council of only 404.00 per day in the National Capital Region. On the other hand, much lower minimum wage is being enjoyed by workers outside the Metropolis. If applied in the National Capital Region, around P563.00 is needed to cope up the daily cost of living.
2. Malayo ang P22.00 ECOLA kumpara sa 29.2% na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na pangunahing kailangan ng mga manggagawa sa araw-araw. Gaya ng pagkain, bayarin sa serbisyo sa kuryente, tubig at iba pa.
The P22.00 ECOLA will not be commensurate to the all time high inflation rate and the 29.2% price increases of prime commodities and basic expenses on electricity and water rates.
3. Malayo ang P22.00 ECOLA sa pagdausdos ng tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa (Real Wage). Ayon naman sa datos ng Consumers Price Index (CPI) kung noong 2000 ay P1.00 ang halaga ng P1.00 sa ngayong 2011 ay nagkakahalaga na lamang ito ng P0.60 centavo.
The staggering downfall of the real wage as reflected in the Consumers’ Price Index (CPI) in the year 2000 data that for every peso spent of that year compared to this year, the value of P1.00 then is now pegged at 60.00 Centavos.
4. Malayo ang P22.00 ECOLA kumpara sa tinubo ng mga kapitalista. Datos ng Forbes Magasine. Ang 1000 Top Corporation sa ating bansa ay lumubo ang tubo/kita nito mula sa P116.4 bilyon noong 2001 tungo sa P416.7 bilyon noong 2001-2008 pa lamang.
5. Dagdag pa, halos 10% lamang ng mga manggagawa sa NCR ang makikinabang dito. Dahil sa dami ng probisyon sa exemption at deferment ng RWB. Ang mga above minimum ang sahod at mga employer na 10 pababa ng empleyado ay exempted sa P22.00 ECOLA ng RWB. Gayundin ang mga kapitalista na maghahain ng reverses losses ay exempted.
6. Kaugnay nito, sinusuportahan namin ang panukalang PROFIT SHARING ni P-NOY para maisakatuparan ang tunay na diwa ng PARTNERSHIP ng Paggawa at Puhunan para sa produktibidad at progreso ng ating lipunam. Para sa Matapat at Malinis na pamamahala sa ating pamahalaan at mga pagawaan! Ito ang MATUWID NA DAAN para sa hanay naming mga manggagawa. Nais naming ipaalala kay P-NOY, sa panahon ng krisis, higt na kailangan ang proteksyon ng mga manggagawang nagugutom at walang matirahan, kaysa iilang kapitalista na nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay.
Bukluran ng Manggagawang Pilipino
May 9, 2011