Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Oktubre 23, 2020

Pahayag ng unyon ng St. Luke's Medical Center


KASUNDUAN SA CBA NA NILAGDAAN AT PINAGTIBAY IPATUPAD!

Pormal nang naidulog ng ST. LUKE’S MEDICAL CENTER (GC) EMPLOYEES UNION INDEPENDENT (SLMC(GC)EU-IND) sa National Conciliation and Mediation Board ng Department of Labor and Employment (NCMB-DOLE) ang kasong Unfair Labor Practice (ULP)dahil sa patuloy na pagtanggi ng pamunuan ng ospital na ipatupad ang mga kasunduang nasasaad sa Collective Bargaining Agreement (CBA).  

Pinagkasunduan, nilagdaan, pinagtibay pero ayaw ipatupad 

Ang mga economic and non economic provisions ng CBA sa pagitan ng unyon at management ay mahalagang bahagi ng kasunduang nalagdaan at pinagtibay sa pamamagitan ng ratipikasyon ng malaking mayorya ng mga kasapi ng unyon. Mahalaga ang mga probisyong ito na dapat nang kilalanin at tamasahin ng lahat ng mga manggagawang saklaw ng CBA batay sa mga sumusunod na kadahilanan; 

Una, ang mga isyu tungkol sa economic provisions na nasasaad sa CBA na inihapag ng unyon sa management  gaya ng non-payment of retroactive overtime (actual and on-call) unpaid VL conversion, parent dependent benefits, PPMCC implementation and its’ corresponding retroactive payment, PM/Night differential at kawalan ng IRR tungkol sa salary loans ng mga kasapi ay mahalagang benepisyo na dapat mapakinabangan ng mga kasapi lalo ngayong panahon ng krisis dulot ng pandemya.

Hindi bagong kahilingang benepisyo ang mga nabanggit at ito ay dumaan na sa masinsinang pag-uusap noong naganap negosasyon sa CBA. Negosasyon na humantong sa paglagda ng unyon at management at pinagtibay ng mga membro na umasang maipatutupad ito. 

Ikalawa, ang mga non-economic provisions tulad ng mga insidente ng non-approval of Union Leaves, pagbalewala o non-inclusion of union sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga polisiya na nakaka-apekto sa trabaho at mga karapatan ng mga kasapi na nasasaad sa CBA at maging ang kabiguan sa obligasyon ng management na ipamahagi ang CBA booklet ay lubhang nakakabahala na mga hakbangin ng management. 

Gross CBA Violations = Unfair Labor Practice 

Sa dami ng mga paglabag sa CBA ay maliwanag nang may problema na tayo sa paraan ng pagtrato sa atin bilang unyon at bilang mga manggagawa. Sa tatlong beses na idinulog natin ang mga isyung nabanggit sa pamamagitan ng Labor Management Relation Committee (LMRC) meeting ay wala ni isang isyu na ating idinulog ang naresolba. 

Matagal na ang mga usaping nabanggit at basa pa ang tinta sa paglagda ng bagong CBA nang hilingin natin sa management ang pagpapatupad ng kasunduang nalagdaan pero para tayong humihila ng bayawak sa lungga sa patuloy nilang pagtanggi.  Matagal nang umasa ang mga manggagawa na maipatutupad ito pero sa hindi natin malamang kadahilanan ay bakit ito patuloy na ipinagkakait?

Ang mga pagtanggi ng management ay mga paglabag sa CBA at ito ay hindi simpleng paglabag kungdi maramihan o gross CBA violations at kung ganun ito ay isang kaso ng paglabag sa Labor Code o Unfair Labor Practice.  

Ang interbensyon ng NCMB DOLE sa pamamagitan ng Preventive Mediation

Wala nang aasahan ang unyon na maresolba ang sigalot na ito sa loob ng ospital. Ang pasya ng unyon na idulog ito sa kaukulang ahensya ng pamahalaan ang tanging nakikitang paraan upang seryosohin ng management ang kanilang obligasyong ipatupad ang kasunduang nilagdaan at ating pinagtibay. Ang irehistro ang pagtutol natin sa mga pagbale-wala sa karapatan natin bilang manggagawa at bilang unyon na kumakatawan dito. 

Ang preventive mediation ay sa layuning pakialaman na ng gobyerno ang sigalot na ito at huwag na itong tuluyang sumabog sa isang mas malalang problema. Ito rin ang ating hangarin, ito rin ang ating dalangin at dapat nating panghawakan ang mga kahilingang ito sa pagtupad ng management sa kung ano ang mga napagkasunduan. 

Ang ating panawagan sa mga kasaping manggagawa 

Wala tayong nilalabag na batas para tayo ay patuloy na pagkaitan. Hindi kapritso ang kahilingang ipatupad kung ano ang nasasaad sa kasunduan o CBA. Mga mahalagang probisyong ito para sa kakaramput nating kabuhayan at pagkilala sa pagiging kabahagi o magkatuwang lalo ngayong panahon ng matinding krisis dulot ng pandemya. 

Hindi tayo naghahanap ng kaguluhan sa loob ng ating pinagtatrabahoan ngunit ang landas tungo sa kapayapaan ay kailangan nating sama-samang tuklasin. Ang pagkatok sa puso at isipan ng pamunuan ng ospital ay sa pamamagitan ng patuloy nating pagkakaisa at ang pagkakaisa natin ay sa batayan ng kawastuhan ng mga isyung ating isinusulong. 

Maging mapagmatyag tayo sa mga kaganapang ito ngayong ang isyu o ang kasong ito ay nasa lamesa na ng NCMB DOLE. Maghanda tayo sa pagtugon sa mga posibleng pagkilos na ating isasagawa upang ipakita ang ating pagkakaisa at suporta sa ating mga kahilingan at umasang anumang banta laban sa ating mga karapatan ay ating magagapi kung tayo ay sama-sama at kikilos bilang unyon at bilang manggagawa.   

No to Gross CBA Violations! 

No to Unfair Labor Practice! 

MABUHAY ANG SLMC(GC)EU INDEPENDENT! 

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWA NG SLMC GLOBAL! 

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!  

ST. LUKE’S MEDICAL CENTER (GC) EMPLOYEES UNION INDEPENDENT 
October 23, 2020

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996