Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Disyembre 27, 2011

News Release - Aboitiz Power Workers Picket against Corporate Greed and CBA Deadlock

NEWS RELEASE
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
December 27, 2011

Aboitiz Power Workers Picket
against Corporate Greed and CBA Deadlock

HUNDREDS of protesters from the union of Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) and their supporters picketed the Aboitiz Corporate Center in Legazpi Street to demand the immediate resolution of collective negotiations.

The AMEU-BMP union said, “Our proposal is justified not only by industry standards – based on the current wages and benefits enjoyed by Chevron/CBK and Kephilco employees. More so, our economic demands are but 1.37% of the company’s projected income of P23.22 Billion for three years”.

“With the breakdown in collective bargaining negotiations, it is self-evident that the union must exercise its right to concerted action – and prepare to strike – if the management persists in prioritizing profit over the welfare of their employees. No to corporate greed!” the union declared.

The protesters assembled around 9:00 a.m. in front of the Makati Fire Station. They also attempted to set up camp at the Aboitiz Corporate Center in solidarity with the global “occupy movement” against corporate greed. #

Huwebes, Disyembre 15, 2011

Totoong Reporma para sa Masa, Hindi Telenobela ng mga Elitista

PAHAYAG
December 15, 2011
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Totoong Reporma para sa Masa,
Hindi Telenobela ng mga Elitista

Sa nagdaang mga araw, napakabilis ng mga pagdedesisyon ng iba't ibang sangay ng gobyerno sa alitan ng magkakabanggang paksyon ng mga elitista sa bansa.

Ang impeachment ni Corona (sa isang kumpas ni P-Noy, nagkandandarapa ang Kongreso at tuluyang naihain sa Senado ang Articles of Impeachment laban sa punong mahistrado).

Ang hospital arrest ni Gloria Arroyo (sa pagkontra-agos ng DOJ sa TRO ng Korte Suprema at paghain ng DOJ-Comelec ng kasong electoral sabotage sa Pasay-RTC).

Ang kasunod nitong pagsuko ni dating Comelec Commissioner Abalos para harapin ang katulad na kaso.

At ang kautusan ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magbubukid ang natitirang lupain ng Hacienda Luisita.

Isang kagila-gilalas na pagsapraktika ng "political will" ng rehimeng P-Noy! Pero para saan? Para gumanti sa kanilang karibal na paksyon sa pulitika! Para konsolidahin ang kontrol ng pangkating Aquino sa estado poder!

Ang tanong: Ang mga naganap bang mga "mapangahas" na desisyon ay may nagawang pagbabago sa pang araw-araw na buhay ng masang Pilipino laluna sa uring manggagawa? Wala!

Kahit kaunti ay walang maidadagdag ang mga "kagila-gilas na pangyayaring ito" sa noche buena ng mga ordinaryong Pilipino sa darating na kapaskuhan!

Wag silang magpalusot (laluna na si P-Noy at Partido Liberal) na ang mga nangyayaring ito ay "paglilinis" ng pulitika bago malasap ng taumbayan ang mga pagbabago sa kanilang kabuhayan. Hindi kami ipinanganak kahapon!

Dahil ba sa mga kaganapang ito ay napigilan (kahit bahagya) ang korapsyon sa kaban ng bayan? Nalinis na ba nito ang sistemang elektoral na pinaghaharian ng "guns, goons and gold"? Hindi! Sinumang sumagot ng "oo" sa mga katanungang ito ay isang tanga o isang sagad-sagaring sinungaling.

Hinahamon ng manggagawa ang rehimeng Aquino: Kaya naman palang bumilis ang mga proseso sa pagdedesisyon sa gobyerno. Bakit hindi niyo ginagamit ang "political will" sa mga repormang para sa taumbayan?

Nasaan ang mayorya ng Kongreso upang isabatas ang dagdag na sahod at depensahan ang regular na trabaho sa salot ng kontraktwalisasyon? Bakit sa mga hinaing ng taumbayan - halimbawa, sa regulasyon sa presyo ng langis - ang parating sagot ng Palasyo ay kailangan muna itong mag-"review"?

Ang kasalukuyang mga pangyayari sa pulitika ay isang nakakasawa nang telenobela para sa masang manggagawa. Hindi ito kalutasan sa aming problema. Kaya lalong huwag nilang asahang maaliw kami sa gasgas na palabas na ito at makalimutan ang aming mga sikmurang kumakalam.

The Filipino people’s Christmas wishlist: Genuine Reform for the Masses, Not a Telenovela of the Elite

PRESS STATEMENT
December 15, 2011
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

The Filipino people’s Christmas wishlist:
Genuine Reform for the Masses, Not a Telenovela of the Elite

As of late, there has been a blitzkrieg of decisions from various branches of government spurred by the infighting among rival factions of the elite.

The impeachment of Corona; The hospital arrest of Arroyo; The detention of Abalos; The court order for the redistribution of Hacienda Luisita; All seemingly sudden events in a “war of attrition and quick decision” by the contending camps of elitist politics.

A swift and passionate display of “political will” by the Aquino regime! But does this audacity truly reflect the people’s will? No. Because this is but an offensive against P-Noy’s political rivals in order to consolidate his control of the state.

These recent events did not ease the daily yoke of poverty and misery borne by the majority of Filipinos – particularly the workers and the poor. Though they are glaring enough to earn their space in the headlines, these incidents are irrelevant to a people facing a bleaker Christmas due to lower pay, higher prices, irregular jobs and massive unemployment.

While P-Noy and his cohorts may reason that these attempts for a “cleansing of government” would eventually lead to the betterment in the lives of the people. We contend that this anti-Arroyo offensive by the Aquino administration has changed nothing in the modus operandi of corruption to the nation’s coffers and perpetuation of “guns, goons and gold” in our electoral system. Whoever believes in P-Noy’s alibi is either an innocent fool or a downright compulsive liar!

The BMP challenges the Aquino regime: Use your “political will” to expedite the passage of pro-poor, pro-worker reforms inasmuch as the Executive has turned the levers to accelerate the impeachment of chief justice Corona. Where is the Congress majority to enact a hike in wages, to defend regular jobs from the scourge of contractualization?

The administration has been blamed for being so “hasty” and “arbitrary” in its maneuvers against Arroyo. But on gut issues that affect the poor and assail corporate interests – such as the oil deregulation law – the Palace has always been too cautious, with Lacierda sounding like a broken record on the “need to review in order to balance all interests”.

To the workers, these latest political incidents are episodes of a tasteless telenovela of elite infighting. Not only do they not address the gut issues of the people. More so, they are not entertaining enough for us to forget our grumbling stomachs. We demand genuine reform!

Martes, Nobyembre 29, 2011

Liham at Polyeto ng Unyon sa Arco Metal

Ang Samahan ng Manggagawa sa Arco Metal (SAMARM), sa pamumuno ng kanilang pangulo ng unyon na si Percival Bernas, ay kasalukuyang nakapiket sa harapan ng kanilang kumpanya sa Santolan, Pasig.

Nakatanggap ang bawat manggagawa ng liham mula sa kumpanya na may petsang Oktubre 6, 2011. Ito ang nilalaman ng liham:



Re: Pagsarado ng Kumpanya

Ginoong (pangalan ng manggagawa),

Mabuhay!

Ikinalulungkot naming ipaalam sa iyo na magsasara at ihihinto ang pagpapatakbo ng negosyo ng kumpanya, Arco Metal Products Co., Inc. ("Kumpanya") sa Nobyembre 5, 2011.

Bilang pasasalamat ng Kumpanya, ikinalulugod namin na bigyan ka ng paid leave mula ngayon hanggang Nobyembre 5, 2011. Umaasa kami na gagamitin mo ang panahong ito sa paghahanap ng bagong trabaho o iba pang paraan ng kabuhayan. Sang-ayon sa patakaran ng Kumpanya, idedeposito ng Kumpanya ang iyong sweldo para sa panahong paid leave sa iyong payroll account sa bawat Biyernes ng bawat linggo.

Kasalukuyan naming inihahanda ang iyong mga separation pay at iba pang benepisyo. Ibibigay at kakalkulahin ang mga ito alinsunod sa batas at sa Collective Bargaining Agreement. Mangyari po lamang na bumalik sa kumpanya sa Nobyembre 3, 2011 sa pagitan ng 9 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali upang makakuha ng mga benepisyong ito.

Maraming salamat sa iyong oras at pagsisikap sa at para sa Kumpanya.

Lubos na sumasaiyo,

(Sgd.) SALVADOR T. UY
President



Ang sumusunod ang siyang nilalaman ng polyeto ng SAMARM na ipinamahagi sa ikalawang araw ng nakaraang ika-6 na Pambansang Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) noong Nobyembre 26-27, 2011:

KATOTOHANAN AT KATUWIRAN LABAN SA KASINUNGALINGAN

Ano ang reaksyon ninyo kung ang isang kumpanya na patuloy na kumikita at tumutubo ng malaki ay biglaang magsasara? Makukumbinsi ba kayo kung ang dahilan nila ay umatras diumano ang mga sinusuplayan nilang mga kostumer kung kaya't obligadong itigil na ang operation habang ang sister company nito na lumilikha din ng kaparehong produkto ay patuloy na tumatakbo?

Kami pong mga regular na manggagawa ng Arco Metal Corporation, na matatagpuan sa Santolan, Pasig City, ay nahaharap ngayon sa ganitong sitwasyon. Oktubre 2011 nang mag-file ng Closure sa DOLE ang management ng Arco Metal. Dalawang araw pagkatapos nito ay hindi na kami pinayagan pang makapasok sa loob ng pabrika. Ang kaduda-duda, nasa yugto kami ng pakikipagtawaran para sa aming Collective Barganing Agreement o CBA nang isagawa ito ng management.

Seryoso ba silang isarado na ang kumpanya? Bakit hindi sila nag-file ng closure sa Business and Licensing Office ng Lungsod ng Pasig? Wala rin silang request sa DTI at information sa SEC para ipa-dissolve ang company. Kung tutuusin, dapat nga ay nauna nilang ginawa ang mga ito dahil ang pagpa-file ng Closure sa DOLE ay para lang naman ipaabot sa ahensya na tatanggalin na nila ang kanilang mga trabahador. Ibig ipakahulugan nito, gusto lang nilang alisin ang mga regular na empleyado, buwagin ang aming unyon, at mag-hire ng mga contractual workers bilang kapalit. Kapag walang unyon, at mag-hire ng mga contractual workers bilang kapalit. Kapag walang unyon, madaling pagsamantalahan ang empleyado para mas malaki ang mapupuntang tubo sa may-ari ng kumpanya.

Dahil sa hakbang na ito ng management, kinailangan naming manindigan at lumaban para maipagtanggol ang aming mga karapatan at seguridad sa trabaho. Para sa amin, hindi makatuwiran na basta na lamang kami itatapon at babalewalain ng kumpanya. Totoong may intensyon sila na bayaran ang aming naging serbisyo subalit hindi ito katanggap-tanggap dahil malinaw na ang kanilang motibo ay malisyoso. Gusto lamang ng management ng Arco Metal na ikubli sa likod ng kunwariang pagsasara ang totoong layunin nila na tanggalin kaming lahat sa trabaho.

Para po sa inyong kaalaman, ang Arco Metal Corp. ay nagsimula lamang bilang isang maliit na bodega at machine shop na lumilikha ng spare parts ng motorsiklo. Sa maliit na panahon ay naging ganap na pabrika at nagawa nitong mamonopolyo ang supply sa halos lahat ng motorcycle company sa loob ng bansa. Nagsimula ding magig exporter ang Arco Metal at tuluyang namayagpag sa merkado sa buong dekada 90, sa mismong panahon kung kailan nagkaroon kami ng unyon at CBA.

Kaya't bakit nila kailangang buwagin ang unyon kung ang pagiging organisado ng mga manggagawa ang naging susi sa paglikha ng mas masinop at de kalidad na produkto ng Arco Metal. Hindi maikakaila ng management na dahil sa pagkilala nila sa mga karapatan naming mga empleyado ay tumaas ang kumpiyansa ng mga supplier at customer na siyang ugat kung bakit lumobo ng husto ang tubo at kapital ng kumpanya. Kaya nga nakapagpatayo sila ng isa pang pabrika, ang Metalcast Corporation na matatagpuan sa Cavite. Gusto ba nilang palabasin na kaming mga empleyado nila ay walang naging kontribusyon sa pag-unlad ng kumpanya?

Kung sadyang mababangkarote ang Arco Metal Corporation, matatanggap namin ang proseso na gustong mangyari ng management. Pero, dahil hawak namin ang lahatng patunay na nananatling matatag ang kumpanya, hindi namin papayagan ang kanilang maitim na hangarin.

Ito ang dahilan kung bakit kami nagtayo ng piket sa harapan ng pabrika. Kung bakit kami ngayon ay nagpuprotesta at kinukundena ang baluktot na hakbangin ng management sa pangunguna ng may-ari ng kumpanya na si Mr. Salvador Uy.

Mga kamanggagawa at kababayan, kung mababasa at maiintindihan mo ang aming saloobin, hihilingin namin na samahan mo kami sa aming pakikibaka. Hindi mo man kami pisikal na masusuportahan sa gagawin naming mga protesta, sapat na sa amin na maging kaisa ka namin sa pagkundena laban sa mga kumpanyang katulad ng Arco Metal na walang iniisip kundi ang magkamal ng tubo at tayong mga manggagawa ay itatapon na lamang matapos pigain ang lakas at mapakinabangan. Hindi man namin kayo makakasama sa aming mga itinakdang pagkilos, sapat na sa amin na isama ninyo sa inyong mga panalangin ang aming tagumpay.

At alam namin na magtatagumpay kami dahil kaisa namin kayo sa aming paninindigan at ipinaglalaban.

ANG TAGUMPAY NG AMING LABAN AY TAGUMPAY NG LAHAT NG MANGGAGAWA LABAN SA MGA MAPANLINLANG NA KAPITALISTA!

MARAMING SALAMAT!

SAMAHAN NG MANGGAGAWA SA ARCO METAL (SAMARM)

Lunes, Nobyembre 28, 2011

Bagong Pamunuan ng BMP (2011-2014)

Ito ang talaan ng bagong pamunuan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Katatapos lang ng kanilang ika-6 na Pambansang Kongreso mula Nobyembre 26-27, 2011 na naganap sa Batu-Bato sa Laguna.

Pambansang Komiteng Tagapagpaganap (PKT)
Pangulo - Leody De Guzman
Executive VP - Dante Lagman
3 Vice Presidents - Victor Briz, Ronnie Luna, Teody Navea
Secretary General - Rod Guarino
Dep Sec Gen - Romy Castillo
Treasurer - Ofel Moreno
Auditor - Jun Colocado

Mga nahalal bilang kasapi ng Komite Sentral (CC)
1. Roni Sabaresa
2. Ojie Tan
3. Allan Dela Cruz
4. Tek Orfilla
5. Ipe Faeldona
6. Noe Sulo
7. Orly Gallano
8. Rosendo Castillo
9. Derek Concepcion
10. Polly Hernandez
11. Salve Flores
12. Rogelio Azon
13. Rudy Roque
14. Pedring Fadrigon
15. Gem De Guzman
16. Mike Garay
17. Jorlan Magnusay
18. Sima Bocio

Dagdag sa talaang ito ang mga automatic CC members mula sa mga unyong may 500 kasapi pataas, tulad ng PMFTCLU, Temic, Goldilocks at Gelmart, at mga organisasyon ng PMT, KPML, MELF, SUPER, at BMP-Calabarzon

Sabado, Oktubre 22, 2011

polyeto - Occupy Wall Street, Occupy Ayala - Oktubre 21, 2011

Nilalaman ng polyetong ipinamahagi sa isinagawang pagkilos sa Ayala, Makati, Oktubre 21, 2011.

PAGKAGANID SA TUBO: PAHIRAP SA MASANG PINOY

Nakikiisa kami sa pandaigdigang panawagan laban sa pagkaganid sa tubo at emperyo ng kapitalismo. Itinuturing namin ang "Occupy Wall Street" bilang inspirasyon sa mundong pinaagas ng mga pandaigdigang monopolyong korporasyon.

Doon sa puso ng kaaway - sa pinakamalaking kapitalistang ekonomya ng mundo - sumisigaw, kumikilos ang mga manggagawang Amerikano sa iba't ibang syudad laban sa pinakamalaking agwat ng mayaman at mahirap sa mahabang kasaysayan ng sistemang kapitalismo sa daigdig.

Ang "Occupy Wall Street" ay naghawan ng bagong daan na nagpadaluyong ng protesta sa buong mundo laban sa bulok na sistemang kapitalismo na ugat ng kahirapan ng sangkatauhan. Sa maraming bansa, inokupa ng mga nagpoprotesta ang mga plaza upang ipakita ang kanilang matinding galit sa pagkaganid ng mga korporasyong kapitalista.

Tayong mamamayang Pilipino ay matagal na ring biktima ng pagkaganid sa tubo ng mga kapitalista, kaya nagpoprotesta kami dito sa Philippine stock Exchange na simbolo ng walang hanggang pagkauhaw sa tubo.

Ngunit higit na mahalaga ang nilalaman kaysa porma, lumalahok kami sa pandaigdigang panawagang "Mamamayan muna bago tubo." Kaya, dapat unahin ng gubyerno ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagkamal ng tubo ng iilang mayaman na.

Nananawagan kami sa Gubyernong Aquino - sa ngalan ng katarungang panlipunan - na baliktarin ang sumusunod na tunguhin, na pawang salaminan kung paanong ang pagkaganid sa tubo ay nagpapahirap sa mamamayang Pilipino:

1. No to Outsourcing and Contractualization! Humingi ng paumanhin sa publiko ang Pangulo sa pagbabanta niyang kasuhan ang PALEA ng “economic sabotage.” Magdeklara ng polisiya na protektahan ang karapatan sa regular at tiyak na trabaho laban sa abusadong paggamit sa “management prerogative” gaya ng outsourcing at downsizing.

2. No to Oil Deregulation! Repasuhin ang mga polisiya kung paano ibabalik ang pagkontrol sa presyuhan ng langis. Sapat na ang labintatlong taong ebidensya para patunayang kung walang kontrol ang gubyerno, walang depensa ang mamamayan sa napakatakaw na pagkamal ng tubo ng mga kapitalista sa langis.

3. In-city Development! Makatao at sustenableng kondisyon (hindi mataas na presyo para sa mga kapitalista sa real estate) ang dapat na pagsimulan ng anumang usapan at resolusyon sa problema ng maralitang lungsod.

4. No to Privatization! Ang pagbebenta ng gubyerno sa pribado (lokal at dayuhang kapitalista) ng mga batayang serbisyong panlipunan gaya ng kuryente, tubig at kalsada ay nagbunga ng sobrang taas na presyo. Di dapat talikuran ng gubyerno ang tungkulin nito sa mamamayan na maglaan ng sapat na pondo, maalam na tauhan, at episyenteng pangangasiwa para sa serbisyong panlipunan. Itigil ang pribatisasyon; huwag pagkaitan ang mamamayan ng serbisyong panlipunan.

5. No to Liberalization! Di dapat iasa ang ekonomikong pag-unlad sa dayuhang puhunan gaya ng dayuhang monopolyo kapital at produkto ng mga dayuhan. Paunlarin ang ekonomya sa pamamagitan ng industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura.

6. Climate Justice Now! Ang pagkaganid sa tubo ng kapitalismo ay di lamang nagkakait ng trabaho at sapat na kita sa mamamayan kundi banta o panganib rin ito sa ating kinabukasan. Ang mundo ay para sa lahat. Itaguyod ang sustenable at planadong paggamit ng likas-yaman.

SANLAKAS
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
Kalayaan!
Makabayan Pilipinas
SM-ZOTO

Unified Press Statement - Occupy Ayala mob

UNIFIED PRESS STATEMENT
October 21, 2011

SANLAKAS
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Samahan ng mga Mamamayan-Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO)
Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
KALAYAAN
Makabayan-Pilipinas

Corporate Greed: Wrecking havoc on the Filipino People

Our organizations join the worldwide call against “corporate greed” and the empire of capitalism. We look up to “Occupy Wall Street” (OWS) as a beacon to a world bled dry by global monopoly corporations.

Right at the very heart of the enemy – at the biggest capitalist economy – American workers have spontaneously begun to speak out against the widest rich-poor divide in the history of capitalism; not with their voices but with their feet by occupying selected choke points in several key cities in the US.

OWS is a trailblazer that set a wave of anti-capitalist protests around the world. In various countries, protesters have occupied public spaces to express their sentiment against corporate greed.

Because we are inspired by the resurgence in America, we are staging a protest here at the Philippine Stock Exchange - right before the institution which symbolizes capital’s naked and insatiable drive for profit.

But more important than the form is the substance, we are joining the global call for “People before Profit”. Indeed, government must heed the primacy of people’s welfare over the right to profit by the elite few.

We are calling on the Aquino administration – in the name of social justice – to reverse the following trends, which are all manifestations of how corporate greed is wrecking havoc on the Filipino people:

a) No to Outsourcing! The President must issue a public apology for threatening to sue PALEA with “economic sabotage”. Declare a policy of protecting the right to regular and secure jobs against abusive practices of management prerogative such as outsourcing and downsizing.

b) No to Oil Deregulation! Review policies on how to revert back to a regulated oil market. Thirteen years of deregulation is enough evidence to prove that without state intervention, the public would be defenseless against shameless profiteering by the oil oligarchs.

c) In-city Development! Humane and sustainable conditions (not higher land values for real estate moguls) should be the starting point of any resolution to the urban poor question.

d) No to Privatization! The sale of basic public social services (i.e., electricity, water, roads) to the private sector (local and foreign) has resulted in exorbitant prices. Government should not turn its back on its role to provide its people social goods and services. End privatization schemes; do not deny the people of social services.

e) No to Liberalization! Economic development should not be dependent on foreign investment (i.e., foreign monopoly capital) much less foreign products. Develop the national economy through industrialization and modernization of agriculture.

f) Climate Justice Now! Capitalism’s greed does not only deny jobs and income to the people but also threatens our future. The world is for everyone. Uphold sustainable and planned utilization of natural resources.

Biyernes, Oktubre 14, 2011

BMP speech at ICLS - South Korea

The Crisis of Capitalism and the Philippines’ Struggle for Socialism

(Speech of Leody de Guzman, President of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at the International Center for Labor Solidarity, Seoul, South Korea, October 13, 2011)

Just a few months after it seemed that the dust finally settled after the capitalist crisis of 2008 and 2009, two new crises erupted. There are now talks about a double-dip recession following the Debt Ceiling crisis in the United States and the continuing debt markets crisis saga in the European Union. Both hit the most powerful capitalist economies in the world, threatening to undo market integration projects for which capitalist governments have invested time and money during the apex of the globalization movement in the 1990s. This is more than anything capitalism has faced in almost a century.

At this point in time, it is clear that what we are facing is no longer a short-run, periodic crisis, but rather a deeper crisis in economic management. There were outlooks on a “new normal growth” for the United States – a projected lower growth rate range for the next decade or so for the epicentre of the current crisis. We are now transitioning from a simple financial crisis to a general productivity problem for world capitalism. This only shows one thing – that the global capitalist system is clearly showing its inability to govern the economic affairs of humanity in the most efficient way possible. Global capitalism has lost its edge, its productivity and effectiveness is deteriorating. Clearly, the time has come for something else – a new social and political system – to replace capitalism as a system of production and ownership. Clearly, the time has come for socialism.

Filipino socialists and progressive democrats have seen these developments and have struggled to frustrate capital's attempt to reinvigorate itself, starting from within the borders of the Philippines – a country that has felt the wrath of the global financial and economic crisis. Admittedly, the struggle is difficult, as socialism in the Philippines is currently facing a great threat from a popular champion of the pro-American bourgeois class - President Benigno Aquino III. Aquino, being the son of a slain anti-dictatorship politician Benigno Aquino Jr. and the first post-dictatorship President Corazon Aquino, vowed to continue his parent’s legacy of "clean and honest government" and rid the government of corruption – seen as the biggest threat to the Philippine business class as well as foreign investors. With the Philippines just coming out from the corrupt and illegitimate presidency of Gloria Macapagal-Arroyo, the masses who had been impoverished in the last decade of Arroyo are still willing to give Aquino a chance despite his clearly anti-people, pro-business policy.

Aquino is a great threat to the movement, and this is because he is a powerful deodorant for the stinking Philippine elite. Philippine capitalism needed stability, and the Aquino administration, with its focus on "good governance", "transparency", and "accountability", was designed to provide it. Aquino is necessary for more efficient capital accumulation and exploitation of the working class. This can be clearly gleaned from his Philippine Development Plan (PDP) for 2011-2016 – the Philippine’s economic blueprint for Aquino's entire term – which is essentially neoliberal and supportive of the corporate sector. It promotes Public-Private Partnerships (PPP) as its primary strategy for development – a mode of financing and project implementation designed by the Asian Development Bank (ADB) to facilitate governments’ transfer to corporations its role in public infrastructure and social and economic services. The plan promotes “inclusive growth” – a concept created by the World Bank (WB) which is just a rehash of the debunked “trickle down” approach which recommends “supply-side” support for the rich because it will “trickle down” to the poor. The plan promotes liberalization of mining, which will allow foreign mega-corporations to exploit our natural resources, ruin our ecosystems, and drive out indigenous people from their ancestral domains for profit.

Filipino socialists wasted no time attacking Aquino’s neoliberal blueprint. Partido Lakas ng Masa (PLM) [Party of the Labouring Masses] led a series of attacks against the Philippine Development Plan. Together with broad democratic group Sanlakas, members of PLM marched during Aquino’s 2nd State of the Nation Address (SONA) to condemn what it dubbed as “People’s Destruction Plan”. Other progressive groups such as the Freedom from Debt Coalition (FDC) questioned the “private property regime” that remains to be the basis of the blueprint, forcing the National Economic Development Authority (NEDA) – the cabinet office of neoliberal technocrats – to defend what they called as a “purely competitive economic system” operating under conditions of “profit maximization”. At this point, there is no doubt at which side the Aquino government is on.

Aquino’s pro-capitalist orientation is more obvious in his policies on Philippine labor. The Philippine Employment and Labor Plan (PLEP) outlines plans for labor flexibility as a means to generate “mass employment”. Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) attacked PLEP, calling it a “pillar of globalization”. But nowhere is the class character of the Aquino administration more exposed than in contractualization fiasco in the Philippine Airlines (PAL) – the country’s privatized flag carrier now owned by tycoon Lucio Tan, the 2nd richest man in the Philippines.

Lucio Tan, far from being just rich, is the head of a corporate conglomerate that includes the largest tobacco manufacturing firm in the country, rum processing factories, a university, the 5th largest bank in the country, among many other smaller businesses. As of the time of writing, Lucio Tan is set to terminate at the end of September 2,600 ground staff and catering employees in an illegal third-party outsourcing plan. The Philippine Airlines Employees Association (PALEA) conducted a series of protest actions, leading to a sit-down strike last September 27, paralyzing flight operations at Manila airport and costing PAL 80 percent of its daily revenues between $4 million and $5 million. This prompted Aquino himself to threaten PALEA with “economic sabotage” charges – a clear position against Filipino workers who voted him to office. Aquino’s pro-contractualization and pro-capitalist pronouncements in the PAL stand-off speaks louder than his PDP or PLEP.

At the entire course of the struggle, BMP has struggled with PALEA to end contractualization and labor flexibilization in the Philippines. BMP, as a socialist labor center, believes that the struggle against contractualization is a struggle against capitalism itself – which is in a continuing drive to remove all fetters in labor hiring and firing and pull labor wages down. In the Philippines as in the world, this has been a great scourge for the working class, which has struggled to maintain regular jobs and mandated benefits amid drive to increase “competitiveness” in the workplace, which simply means lower wages and higher profits for businesses.

What will they do with workers who eventually be driven to poverty due to widespread “wage repression” and unemployment? Capitalism has an even more sinister solution, and this is clear in the context of the Philippines. Even as it exploits the Filipino working class, the Aquino administration knows that it has to maintain a "human face" to mask the intensifying exploitation under his government – something which it learned from the experiences of other neoliberal governments. This was done in the form of social safety nets, like the controversial Conditional Cash Transfer (CCT) programs that has been criticized by several groups as a "doleout" mechanism. Copied from a progressive measure coming from PT’s Bolsa Familia Scheme in Brazil, which is truly a social reform measure, Philippine’s version of CCT only involves handing out a little more than $30 a month to about 2.3 million families, a scandalously low support to think that the Philippine social welfare department declared it as the “backbone of a modern social protection system”. This just shows how an originally progressive program can be mutated by a capitalist government and used for its purposes.

Urban poor movements such as the Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML) has thus been at the forefront of the struggle against CCT. Raising the fact that CCT was in fact, financed by a loan from ADB – it insists that CCT only involves transferring money from the future poor to the present poor – since the future poor will have to pay for it through debt service. KPML called CCT as “giving alms to the poor” and a “bandaid solution” that does not address the real problem, which is rising prices and lower wages.

At all fronts – from the ideological to concrete battles – Filipino socialists struggle to win gains versus capitalism: smearing black patches in the face of a defunct system while building the patches of green for a new, pro-people, pro-worker system. In this struggle, our agency for organization, the trade union, has been indispensable even as it is under attack by capitalism. In the Philippines as in the world, innovative means to dismantle unions such as contractualization, labor flexibilization, outsourcing and newly invented employer-employee relations have been deployed by capitalists in full force, but they have failed to erase the concept of unionism and solidarity. Clearly, union as a form of labor unity and expression of dissent remains to be relevant.

But we cannot be complacent. We have to reinvent the union as an organization. We should not be limited to unions at the firm level as our sole form of organizing the working class. We should explore intra- and inter-industry federations, unions of displaced workers, and other innovative organizational schemes. If capitalists can innovate means to disorganize labor, the working class should also have tricks on its sleeve to unify the workers as well as the middle class in the fight for progress.

Aside from innovation in labor organizing, we must not forget a cardinal rule. As the experience of all socialist nations today, the eventual victory for the working class has been preceded by the transformation of the union from an economic to a political organization. Unions, or any other organizational expressions of organize labor, should attempt and succeed at seizing political power. This is what Russia and Latin America did. This is what Filipino workers are now emulating, positioning PLM as a political party that can serve as a focal point of political pressure – just as a magnifying glass would concentrate countless number of sunrays into a one potent laser beam.

History is now on the side of the workers. But a capitalist crisis alone will not usher the age of socialism. The resurgence of fascist forces in the United States in the form of the Republican Party and its Tea Party movement, and in Norway in the person of Anders Behring Breivik – the right-wing who bombed government buildings and perpetrated a mass shooting at a camp of the Workers' Youth League (AUF) of the Labour Party – is enough to warn us that our victory is far from inevitable. But if the emergence of right-wingers like Breivik and the Republican Party or capitalist deodorants such as Barack Obama or Benigno Aquino has anything to teach us, it is this:

Society has to choose now – capital or labor, barbarism or socialism.

Miyerkules, Oktubre 12, 2011

P-Noy at Korte Suprema, Nasa Bulsa ni Lucio Tan

P-NOY AT KORTE SUPREMA, NASA BULSA NI LUCIO TAN

Si Lucio Tan ay ikalawa sa pinakamayaman sa bansa. Nagkakahalaga ng 2.1 bilyong dolyar ang kanyang pag-aari. Siya ang El Kapitan ng iba't ibang mga kumpanya - kasama ang Fortune Tobacco, Asia Brewery, Allied Bank, Philippine Airlines, atbp.

Sa ngayon, humaharap si Lucio Tan sa dalawang kasong hinain ng kanyang mga manggagawa. Sa mga kasong ito, agad na kumampi sa kanya ang Malakanyang at ang Korte Suprema.

Ang unang kaso ay mula sa 2,600 empleyado ng Philippine Airlines, na tinanggal sa kompanya dahil ayaw nilang maging kontraktwal sa ilalim ng mga service provider. Tinututulan nila ang outsourcing - isang iskemang iligal at sumisikil sa karapatang security of tenure.

Kasalukuyang nasa Court of Appeals ang kaso. Pero bago ito humantong sa Korte, si Lucio ay pinaboran ng DOLE at ng Malakanyang.

Mismong si P-Noy ay nagdeklarang kakasuhan daw ng mga abogado ng Palasyo ang mga manggagawa. Economic sabotage daw ang nangyaring pagkakansela ng mga flight ng PAL. Pero ano ba ang ginawa ng unyon (PALEA)? Sila ay nagprotesta sa pagkakatanggal sa trabaho. Bakit nakansela ang mga flight? Dahil sa ginawang pagtatanggal ng PAL management! Sino ngayon ang nananabotahe?

Ang ikalawang kaso ay ukol sa retrenchment ng 1,400 myembro ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP). Nanalo na ang mga manggagawa sa kasong ito. Umabot na sa ikalawang dibisyon ng Korte suprema - matapos ang 13 taon na mahabang proseso ng talo't panalo - ng apela at kontra-apela mula pa sa "mababang korte" (National labor Relations Commission o NLRC).

Sa desisyon ng 2nd division ng Korte, umabot na sa ikatlong Motion for Reconsideration. Kahit pa noong desisyunan ang kaso - pabor sa FASAP - sinabi nitong ang desisyon ay "final and executory". Pinal na at hindi na papakinggan pa ang anumang apela dito.

Pero sa isang iglap, kahit tatlong beses nang paboran ng Korte, muling nabuksan ang kaso matapos lamang silang sulatan ng abogado ng PAL (si Estelito Mendoza ng counsel ni Erap sa impeachment case). Kaya ngayon, nakabinbin muli ang kaso sa buong mahistrado (Supreme Court en banc).

Bakit ganito kalakas si Lucio Tan sa Korte Suprema? Hindi ba't ang hustisya ay may piring sa mata upang hindi siya "masilaw sa yaman" ng nagkakaso o kinakasuhan? At hindi ba't ayon mismo kay Erap, si Lucio Tan ang nagpasok kay dating Chief Justice Davide sa Korte?

Natutukso tayong magduda. Tila sumusunod ang Korte sa ginawang "kontra-manggagawang" tindig ni P-Noy sa kaso ng PALEA. At ang alitan ng Korte at Palasyo ay hanggang salita lamang dahil kapag sinukat sa "gawa", pareho silang umaayon sa kagustuhan ni Lucio Tan.

At hindi natin maiwasang maghinala sa kaso ng FASAP. Ang ligal na obligasyon ni Lucio Tan (full back wages matapos ang reinstatement) sa kanyang mga empleyado ay umaabot ng 3 bilyong piso! Barya lamang ito sa bilyon-bilyong dolyar niyang ari-arian.

Pero imbes na bayaran ang mga myembro ng FASAP, mas mainam pa rin kay Lucio kung siya ay "makatitipid". Kung porsyon ng kabuuang money claim (kung ipagpalagay na 10% lamang o P300M) ay kayang-kayang "wawaldasin" sa iilang mahistrado (ang Supreme Court en banc ay binubuo lamang ng may 15 katao!) para makatipid.

Hindi kalabisan ang paghinalaan ang isang respetadong institusyon sa bansa. Dahil ang ganitong klase ng "pagtitipid" ay modus operandi sa mga kasong may money claim ang manggagawa. Ito rin ang sistema sa NLRC!

Sa muling pagkakataon, itinuturo nito na huwag tayong umasa at magkasya sa "simple, lantay at payak" na labanang ligal. Hindi sapat ang "pakikibakang papel" sa mga korte.

Magkaiba ang "tama" at "mali" sa pagitan ng kapital at paggawa. Ang husgado - kasama ang Korte - na tila nyutral na namamagitan sa dalawang uri - ay mas kumikilala sa katuwiran ng mga kapitalista. Sinasagrado nila ang karapatan sa pribadong pag-aari (property rights) kaysa sa mga karapatan ng manggagawa (labor rights).

Kung gayon, mananaig tayo kung kokombinahan natin ito ng sama-samang pagkilos ng manggagawa. Hindi lang para presyurin ang korte na pumabor sa FASAP at PALEA. Kundi para iprepara ang uri upang palitan ang gobyernong nasa bulsa ng mga kapitaista. Tandaan nating "ang paglaya ng manggagawa ay nasa kamay mismo ng uring manggagawa."

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Partido Lakas ng Masa (PLM)

Linggo, Oktubre 2, 2011

Noynoy Aquino, Enemy of the Working Class!

Noynoy Aquino, Enemy of the Working Class!

Mula kay Noynoy Aquino, sa kanyang Department of Labor and Employment, sa kanyang Philippine National Police at hanggang sa midya — lahat sila ay tulung-tulong na ipinatupad ang kagustuhan ni Lucio Tan, ang pangalawang pinakamayamang tao sa Pilipinas at may-ari ng Philippine Airlines (PAL).

Biyak-biyakin ang PAL. Tanggalin ang 2,600 empleyado. Para sila ay palitan ng bagong manggagawang may mas mababang sweldo. P10,000 kada buwan mula sa dating sumusweldo ng P20,000/month.

Pinagtulungan nilang ipatupad ang contractualization, spin-off at outsourcing ng trabaho sa PAL. Pinagtulungan nilang imasaker ang 2,600 manggagawa ng PAL at 2,600 pamilyang umaasa sa sweldo ng mga manggagawa. Ang kahulugan nito ay mawawalang ng trabaho o mas mababang sweldo, walang kaseguruhan sa trabaho at pagpatay ng unyon. Ang ibig sabihin nito ay harap-harapang niyuyurakan ang mga karapatan ng mga manggagawa na nakasulat sa Article XIII, Section 3, Konstitusyon ng Pilipinas.

Nahubaran ang gubyerno ng maskarang maka-mamahirap at maka-mamamayan. Nahubaran si Aquino ng maskarang “Kayo ang Boss ko”. Nahubaran si Aquino ng kanyang maskarang “Tuwid na Daan.” Kitang-kita sa kaso ng PAL ang totoong boss ni Aquino, walang iba kundi si Lucio Tan at hindi ang mga manggagawa. Kitang-kita sa kaso ng PAL kung anong daan ang tinatahak ni Aquino para sa Pilipinas.

Ito ang daan para pababain ang sweldo ng manggagawang Pilipino. Ito ang daan para alisan ng seguridad sa trabaho ang manggagawang Pilipino. Ito ang daan para wasakin ang mga unyon ng manggagawang Pilipino. Ang “tuwid na daan” ni Aquino ay daan para lalong pahirapan ang manggagawang Pilipino para sa ikalalago ng tubo ng mga kapitalista.

Patunay ito na ang gubyerno ay gubyerno ng mga mayayaman, gubyerno ng naghaharing uri. Sinuman ang nasa Malakanyang – Marcos, Cory, Ramos, Erap, Gloria at ngayon si Noynoy – ang kanilang pinaglilingkuran ay ang mga kapitalista. Ang kanilang ginaguwardiyahan at dinidepensahan ay ang ari-arian at negosyo ng mga kapitalista. Ang kanilang tinitiyak ay magkamal ng labis-labis na tubo ang mga kapitalista.

Sa ngalan ng negosyo, sa ngalan ng tubo ng mga kapitalista, walang pagdadalawang-isip na nilabag ng gubyernong ito kahit sarili nitong Konstitusyon.

Kagaya ng gubyerno ni Gloria, Erap, Ramos, Cory at Marcos, walang maaasahan ang manggagawa at mamamayan sa gubyerno ni Noynoy Aquino kundi pawang pang-aapi at pagsasamantala sapagkat ito ay gubyerno rin ng mga kapitalista.

Ang gubyerno ni Aquino ay kaaway ng uring manggagawa!

Ang gubyernong papanig sa manggagawa, ang gubyernong gagawa ng batas na pabor sa manggagawa, ang gubyernong maglalatag ng pundasyon para sa pag-unlad ng manggagawa ay walang iba kundi ang gubyerno ng manggagawa. At ito ay kailangang itatag ng mga manggagawa mismo kapalit ng gubyerno ng kapitalista. #

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Setyembre 30, 2011

1. contractualization, outsourcing, spin-off -- pagpatay sa security of tenure, pagbaba ng sweldo, pagpatay ng unyon!
2. gubyerno ni aquino, gubyerno ng kapitalista!
3. gubyerno ni aquino, instrumento ng pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalista!
4. 2,600 na pamilya, minasaker ni Pnoy at Lucio Tan!
5. ampatuan sa malakanyang, minasaker 2,600 pamilya
6. order ni pnoy sa PAL Case, masaker sa uring manggagawa!
7. Pnoy, tagapagtaguyod ng mababang sweldo, walang seguridad sa trabaho at pagpatay ng unyon!
8. Pnoy, enemy of the working class!

Biyernes, Setyembre 30, 2011

P-Noy is the No. 1 Enemy of the Working Class


Press Release
September 30, 2011

Workers and Urban poor led by BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino)
hailed P-Noy as the No. 1 enemy of the working class

Indignant workers and urban poor marched to Mendiola to protest MalacaƱang’s conformity with the DOLE decision reaffirming the outsourcing and spinoff scheme of the PAL Management as valid and justified. In effect the decision resulted to the illegal retrenchment and termination of 2,600 PALEA workers effective September 30, 2011.

The Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) together with its various allied organizations namely; SUPER (Solidarity of Unions and Pederations for Empowerment and Reforms), MELF (Metro East Labor Federation), PMT (Pagkakaisa ng Mangggawa sa Transportasyon), KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod), Sanlakas, PLM (Partido Lakas ng Masa), Kalayaan, AMA (Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura, KPP (Koalisyon Pabahay sa Pilipinas) and Makabayan Pilipinas declared September 30, 2011 as the death of the Filipino Workers’ Security of Tenure.

The group marched from Morayta to Mendiola carrying a mock coffin with slogans: “2,600 PALEA workers massacred by P-Noy and Lucio Tan!” and “P-Noy, enemy of the working class!”

“P-Noy did not only reaffirm the DOLE decision once but thrice to the detriment of the Filipino working class. His action speaks louder than his words when his government is entertaining the filing of a case that will add more insult to the already hapless and injured workers of the nation’s flag carrier.” BMP President Leody De Guzman articulated in his speech during the program held at the footsteps of the Mendiola bridge.

“The Filipino workers have already concluded what kind of government P-Noy wanted to be called and regarded, reminiscent of the past administration of Estrada where PALEA is similarly exemplified as the precedent of the moratorium scheme that hounded the labor front. In turn, the Filipino workers branded him as truly the enemy of the working class. Unfortunately, P-Noy is doing the same trick and backtracking his slogan “Kayo ang Boss Ko!” which is similarly patterned to Erap’s popular slogan of “Erap para sa mahirap!” In so doing, P-Noy can now be aptly adjudged as the new number 1 enemy of the Filipino working class.” De Guzman further averred.

For his part, Mr. Teody Navea, BMP’s Secretary General, called on the workers and the masses to escalate the fight against the evils of contractualization, where P-Noy is adhering to as its main policies bolstering the interests of the capitalists in this era of globalization. “The working class should exert more vigilance and achieve the broadest solidarity to win its battle against contractualization. We must frustrate this gargantuan problem for it will pave the way that will ultimately annihilate the existence of our unions, the highest form of organization we have attained protecting our rights over the past decades,” Navea elaborates.

After the program, the group later in the afternoon joined with the broad labor for a big mobilization in support with protesting PALEA workers scheduled 3pm at the Philippine Airlines. (30)

Huwebes, Setyembre 22, 2011

Ang aming pagsusuri at paninindigan sa 10/4 o Compress Work Week

Ang aming pagsusuri at paninindigan sa 10/4 o Compress Work Week

Bago kami maglinaw ng aming pagsusuri at paninindigan ay nais muna naming maghapag ng ilang katanungan na maaaring maging giya sa aming pagsusuri.

Una; Sa 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week o Compress work week ba ay tataas ang arawang/lingguhan/buwanang kita ng mga manggagawa? Para matugunan ang daily cost of living na P987.00/day ayon sa NEDA? Ikalawa; Makakalikha ba ito ng panibagong empleyo para lutasin ang 27.2% o 11.3 milyong under-employed o jobseekers at 6.1 milyong unemployed o outright walang trabaho? SWS survey noong Marso 2011, Ikatlo; Ibig bang sabihin nito, walang pasok at hindi iinog ang ekonomiya sa araw ng Biyernes, Sabado at Linggo? Ika-apat; Hindi ba ito labag sa ating Labor Code at Saligang Batas?

Sosyalisadong Paggawa at Pribadong pag-aari sa bunga ng paggawa: Inabot na natin ang prosperidad ng kaunlaran sa mga kagamitan sa produksyon at teknolohiya bumilis na ang paglikha ng produksyon at mga produktong pang konsumo ng mga tao sa lipunan. Sobra-sobra na ang nalilikhang yaman, ngunit nagugutom at salat sa pangangailangan ang mayorya ng populasyon ng lipunan. Una; Hindi ba’t magkatuwang ang paggawa at puhunan sa progreso at kaunlaran? Bakit ang manggagawa ay nagdarahop? Sa kabilang banda nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay ang mga kapitalista. Ikalawa; Hindi ba dapat na sa pag-unlad ng mga kagamitan sa produksyon ay kasabay na aalwan ang paggawa at buhay ng mga manggagawa? Ikatlo; Ang kasaysayan ng relasyon sa paggawa at puhunan ay nagsimula sa 14-16 na oras na paggawa sa isang araw, nagkaisa ang mga ninuno nating manggagawa na hilingin sa mga kapitalista at gobyerno nito na, paiksiin ang oras paggawa at palakihin ang kabayaran sa lakas paggawa na siyang tinatamasa natin ngayong 8 hours work a day / 6 days work a week. Ika-apat; Bakit tila bumabalik tayo sa primitibong kaayusan, sa kabila na inabot na natin ang sibilisasyon at prosperidad ng ating lipunan?

Ang aming pagsusuri at paninindigan sa panukalang 10/4 o Compress Work Week.

  1. Ang panukalang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week ay maaaring may mabuting intensyon para humaba ang pahinga ng mga manggagawa kumpara sa kasalukyang batas paggawa na 8 hours work a day at 6 days work a week. Dahil, mula 48 hours a week na trabaho ay magiging 40 hours a week na lamang sa mga private sector. Pero sa kabilang banda, mawawalan ng P298.00-P426.00 per week na sahod ang manggagawa. Dahil sa No Work, No Pay Policy/Law. Wala namang epekto ito sa mga public sector dahil dati ng 40 hours lamang ang trabaho nila sa loob ng isang linggo. Dagdag pa, sa 10 hours work a day, mababatak ng husto ang lakas paggawa, hihina ang produktibidad ng manggagawa at bulnerable na magkasakit. Dahil ayon sa DOLE time motion study, kapag pinagtrabaho ng labis sa walong oras ang isang manggagawa ay bumabagsak na ang produktibidad nito.
  2. Ang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week o compress work week ay hindi makakalikha ng panibagong empleyo, sa halip maaaring magdulot ito ng pagbabawas ng empleyado o magresulta ng tanggalan sa trabaho. Dahil mula sa kalakaran sa ngayon na tatlong shifts ang pasok, malamang na maging dalawang shifts na lamang. Posibleng magresulta ito ng pagdami ng walang hanapbuhay, pagtumal sa mga pamilihan, pagbagal ng inog sa ating ekonomiya.
  3. Ang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week ay totoong may tatlong araw na pahinga ang mga manggagawa sa bawat isang linggo. Pero ang tatlong araw na pahinga ay hindi magiging produktibo sa kanila, hindi rin ito magaganit na oras para sa dagdag na kita ng mga manggagawa. Dahil bihira ang trabahong available na tatlong araw sa bawat linggo. Hindi din makakatipid ang manggagawa sa tatlong araw, maaring lumaki pa nga ang gastos, dahil kung mamamasyal, mag-aaral (re-tooling training) mas malaki ang gagastusin kaysa pamasahe at baon niya papunta sa pabrika/opisina.

Ang aming Panukala kung babaguhin lamang din ang kasalukuyang batas paggawa sa regular na oras paggawa na 8/6 ay gawing 6/6!

  1. Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Makakalikha ito ng 25% bagong empleyo. Dahil mula sa 3 shift rotation ng paggawa sa loob ng 24 oras ay maaaring gawing 4 shift sa loob ng 24 oras na paggawa sa loob ng isang araw. Sa ganitong iskema o pormula ay obligadong magkaroon ng 25% bagong empleyo para sa pang-apat na shift na paggawa sa loob ng 24 oras na paggawa araw-araw.
  2. Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Magiging highly productive ang mga manggagawa araw-araw. Dahil ayon sa time motion study ng paggawa, kapag lumabis na sa walong oras na paggawa ang isang manggagawa o pinagtrabaho pa ng labis sa walong oras ay bumabagsak na ang kanyang produktibidad sa paggawa.
  3. Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Segurado at garantisado ang arawang kita/income ng mga manggagawa. Hahaba din ang kanyang pahinga sa loob ng isang linggo. Kumpara sa 10/4 na may tatlong araw ka ngang pahinga, pero hindi ka naman tiyak na magagamit ang mga oras na ito para sa dagdag pang kita sa loob ng isang linggo. Dahil kulang nga tayo sa empleyo.
  4. Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Tataas ang kita/sahod ng mga manggagawa ng halagang P558.72-P756.00 per week. Katumbas ito ng 12 oras na sahod paggawa. Tuloy-tuloy ang paglikha ng mga produkto, regular ang empleyo, laging may pera ang mga manggagawa, sisigla ang pamilihan, bibilis ang pag-inog ng ekonomiya, may domino effect pa para sa panibagong kabuhayan ng ating mga kababayan. Halimbawa. Sari-sari store magiging mabenta, Tricycle driver dadami ang mananakay, bahay paupahan dadami ang mag-uupa. Bakit? Dahil sa may regular na empleyo, sahod at pera ang mga manggagawa.
  5. Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Magkakaroon din ng mahabang panahon o oras ang mga manggagawa. Na maaari ding gugulin sa learning session, skills training, re-tooling, hobby and leisure, kahit sa union organizing/activities, na hindi nasasakripisyo o nanganganib ang arawang kita ng mga manggagawa.

Ang kasalukuyang batas paggawa sa regular na oras paggawa na 8/6, panukalang 10/4 at alternatiba naming panukalang pagbabago sa regular na oras paggawa na 6/6!

Three shift (8/6) Two shift (10/4) Four shift (6/6)

6am to 2pm 6am to 5pm 6am to 12nn

2pm to 10pm 5pm to 3am 12nn to 6pm

10pm to 6am 3am to 6am 6pm to 12mn

6 days/48 hours work/week 4 days/40 hours work. 12mn to 6am

6 days/36 hours work/week

Minimum na sahod/kita ng mga manggagawa:

P298.00 - P426.00 NCR P298.00 - P426.00 NCR P298.00 - P426.00 NCR

Mawawalang kita ng bawat manggagawa: P298.00 - P426.00 /Week WALANG MAWAWALA

Dagdag na kita ng bawat Manggagawa: WALA /NAWALAN PA! P558.72-P756.00 per week

Biyernes, Setyembre 16, 2011

6/6, hindi 10/4

Posted: 04 Sep 2011 11:02 PM PDT

Rep. Winston “Winnie” Castelo (Quezon City, LP) today pushed for the adoption of a ten-hour, four-day, or 10/4, work week in both public and private sectors to save on cost and enable workers to have extended weekend with their families.

The proposed 10/4 work week formula does not change the traditional 40 hours of work every week, according to Castelo, who is set to file the bill, to be dubbed as the “Four-Day Work Week Act of 2011.”

“It will still be 40 hours a week, but the work schedule will run from Monday to Thursday instead of until Friday. Public and private sector employees will put in two additional hours of work daily,” Castelo said.

“”There won’t be any reduction in the required 40 hours of work every week, nor any cut back in service or productivity,” Castelo said.

Castelo said the 10/4 formula could mean weekly savings of at least 20 percent in work expenses, stressing it can serve as a “poverty alleviation” program by itself for cash-strapped workers.

If a worker in Metro Manila spends P200 a day in transport fare, food and snacks, and other expenses in going to work, or P1,000 every week, Castelo said the 10/4 work week will mean a savings of P200 per week. For workers in the provinces, who spend an average of P100 a day, the weekly savings can reach P100.

Overall, the proposed 10/4 work week could mean weekly savings amounting to at least P20 billion for the over 20 million private sector workers and 1.5 million state employees, Castelo estimated.

The 10/4 work formula seeks to address the economic difficulties caused by rising prices and stagnant wages, Castelo said, as he noted that the continuing increases in the prices of petroleum products have triggered a corresponding rise in the prices of goods and services.

Castelo said the three-day extended weekend can make employees more revitalized and motivated, as they have more time to spend with their families and pursue other activity, including hobby and leisure.

Also, the additional day-off can push workers to pursue other productive activity, including learning new skills to retool himself and hone his competitiveness in the labor market, Castelo said.

In the end, the 10/4 work week can provide a positive impact on the worker’s morale and productivity in the workplace, Castelo said.

For the employers, the 10/4 work formula can result in savings in maintenance cost and employees’ overtime pay, Castelo explained.

Castelo said the 10/4 work week formula is already being enforced at the House of Representatives with what he has described as resounding positive effects and enormous savings on government.

“Employees at the House of Representatives start at 8 am and end up at 7 pm for a total of 10 hours of work every day. Yet service and productivity is never compromised by the shorter work week and longer weekend,” Castelo said.

Tanong:

  1. Tataas ba ang arawan/linguhan/buwanang kita ng mga manggagawa? Para matugunan ang daily cost of living na P987.00/day ayon sa NEDA?
  2. Makakalikha ba ito ng panibagong empleyo para lutasin ang unemployment na 11.1 milyong wala o kulang sa trabaho sa kasalukuyan?
  3. Ibig bang sabihin nito, walang pasok at hindi iinog ang ekonomiya sa araw ng Biernes, Sabado at Linggo?
  4. Hindi ba ito labag sa ating Labor Code at Saligang Batas?

Sosyalisadong Paggawa at Pribadong pag-aari sa bunga ng paggawa:

Inabot na ang prospiridad ng kaunlaran sa agham, teknolohiya at mga kagamitan sa produksyon, bumilis na ang paglikha ng mga produkto. Sobra sobra na ang nalilikhang yaman, ngunit nagugutom at salat sa pangangailangan ang mayorya ng populasyon ng lipunan.

  1. Hindi ba’t magkatuwang ang paggawa at puhunan sa progreso at kaunlaran? Bakit ang manggagawa ay nagdarahop sa kabilang banda nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay ang iilang kapitalista?
  2. Hindi ba dapat na sa pag-unlad ng mga kagamitan sa produksyon ay kasabay na aalwan ang paggawa at buhay ng mga manggagawa?
  3. Ang kasaysayan ng relasyon ng paggawa at puhuna ay nagsimula sa 14-16 na oras na paggawa sa isang araw, nagkaisa ang mga manggagawa na hilingin sa mga kapitalista na paiksiin ang oras pagkawa at palakihin ang kabayaran sa lakas paggawa na siyang tinatamasa natin ngayong 8 hour work a day / 6 days work a week, oras pahinga at iba pa..
  4. Bakit tila bumabalik tayo sa primitibong kaayusan, sa kabila na inabot na natin ang sibilisasyon at prospiridad ng ating lipunan?

6/6! Hindi 10/4 at compress work week!

Three shifts (8/6) Four shifts (6/6) Two shifts (10/4)

6am to 2pm 6am to 12noon 6am to 4pm

2pm to 10pm 12noon to 6pm 4pm to 2am

10pm to 6am 6pm to 12mn 2am to 6am?

6 days/48 hous 12mn to 6am 4 days/40 hours.

O.T. = 4 hrs, (6-6) 6 days/36 hours 2 hrs O.T. (6-6) 4hrs

Sa 10/4 (Compress Work Week)

  1. Mababatak ng husto ang lakas paggawa, hihina ang produktibidad ng manggagawa. Bulnerable na magkasakit
  2. Sa compress work week, hindi makakalikha ng bagong empleyo, sa halip maaaring magbawas ng empleyado, magresulta ng tanggalan sa trabaho. Dadami ang walang hanap buhay. Tutumal ang pamilihan. Babagal ang inog ng ekonomiya.
  3. Ang tatlong araw na walang pasok ay hindi magiging produktibo sa kanila, hindi rin ito magaganit na oras para kumita ang manggagawa dahil walang trabahong available na tatlong araw sa bawat lingo. Hindi din makakatipid ang manggagawa sa tatlong araw, maaring lumaki pa nga ang gastos, dahil kung mamamasyal, mag-aaral (re-tooling training) mas malaki ang gagastusin kaysa pamasahe at baon papunta sa pabrika/opisina.

Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week:

  1. Makakalikha ng 25% bagong empleyo. Mula sa 3 shift, gagawing 4 shift, magdadag ng isang shift na bagong empleyado.
  2. Magiging highly productive ang mga manggagawa araw araw
  3. Secured ang regular daily income ng manggagawa
  4. Tuloy tuloy ang paglikha ng mga produkto, laging may pera ang mga manggagawa, sisigla ang pamilihan, bibilis ang pag-inog ng ekonomiya, may domino effect pa para sa panibagong kabuhayan.
  5. Magkakaroon ng panahon para sa learning skills training to re-toll, hobby and leisure even union organizing/activities na hindi nasasakripisyo ang arawang kita ng mga manggagawa.

Martes, Agosto 30, 2011

BMP Consti - Tagalog and English

BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)

SOLIDARITY OF FILIPINO WORKERS (BMP)

PREYAMBULO

Kami, mga Manggagawang Pilipino na may kamalayang pampulitika at kamulatan sa uri at kaming mula sa ibang sektor na nananalig at nakikiisa sa dakilang simulain ng uring manggagawa, batid ang sukdulang kaapihang dinaranas ng masang anakpawis sa ilalim ng mapang-aliping kapangyarihan ng kapital at lahat ng uring mapagsamantala, batid ang pangangailangang walang humpay na ipaglaban ang kapakanan at kagalingan ng uring manggagawa at makiisa sa ibang uring naaapi, batid ang pangangailangang pukawin, pagkaisahin at pakilusin ang uring anakpawis para sa katuparan ng sosyalistang adhikain, at batid ang pangangailangang pangunahan ng uring manggagawa ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa demokrasya, kalayaan at kasarinlan; pangunahan ang laban ng buong uring anakpawis para sa katuparan ng sosyalistang adhikain, ngayon ay pinagtibay ang Saligang Batas na ito para patnubayan ang ating Bukluran.

PREAMBLE

We, Filipino workers who have political awareness and class consciousness and we from the other sectors who have faith and in oneness with the great vision of the working class, aware about the extreme oppression experienced by the working masses under the exploitative power of capital and all oppressor class, aware of the incessant need to fight for the welfare and well-being of the working class and unite with other oppressed classes, aware of the need to excite, unite and mobilize the working class for the realization of the socialist cause, and aware of the need for the working class to lead the Filipino people for democracy, freedom and independence; to lead the struggle of the entire working class for the realization of the socialist cause, now adopted this Constitution that will guide our Solidarity.

ARTIKULO I

PANGALAN NG ORGANISYON

Seksyon 1. Ang ating samahan ay makikilala sa pangalang BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO at maaaring tawaging BMP.

Seksyon 2. Ang kasalukuyang sagisag at logo ng BMP ay ang dalawang kamay na may tig-isang hawak na maso at may dalawang magkaharap na karit sa likod nito at may BMP sa gitna.

Seksyon 3. Ang opisyal na awit ng BMP ay ang BMP Hymn at kinikilala ng BMP ang INTERNASYUNAL bilang pandaigdigang awit ng manggagawa.

Seksyon 4. Ang punong himpilan ng BMP ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila.

ARTICLE I

NAME OF THE ORGANIZATION

Section 1. Our organization will be known as BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (SOLIDARITY OF FILIPINO WORKERS), and will be known in its acronym BMP.

Section 2. The current symbol and logo of the BMP has two hands with each one holding that hammer and two facing sickle behind it and BMP in the middle.

Section 3. The official song of BMP is the BMP Hymn, and BMP recognizes the International as universal song of the workers.

Section 4. The main headquarters of the BMP will be found in Metro Manila.

ARTIKULO II

DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO AT LAYUNIN

Seksyon 1. Ang katas-tasang prinsipyo ng BMP ay adhikain at dalisayin ang papel ng uring manggagawa sa lipunan at kasaysayan at sa lahat ng sandali’y maninindigan at makikipaglaban sa interes at simulain ng uring manggagawa. Ang lahat ng ikinikilos ng BMP ay dapat magmumula sa makauring pananaw na ito at dito siya dapat masubukan at makilala.

Seksyon 2. Naniniwala ang BMP na;

a. Ang pundamental na interes ng uring manggagawa ay ang pagsusulong at kaganapan ng kanyang makauring pakikibaka mula sa antas pang-unyon hanggang panlipunan.

b. Ang tanging makahihigit sa importansya sa prinsipyo sa tunggalian ng uri ay ang interes ng uring manggagawa para sa progresong panlipunan. Ang makauring tunggalian at progresong panlipunan ang dalawang saligang interes ng uring manggagawa.

c. Ang dalawang saligang batas na ito ay kapwa kinakatawan ng sosyalistang misyon ng manggagawa sa kasaysayan.

Seksyon 3. Ang makauring pagkakaisa ang siyang magiging batayan ng pagsulong ng isang malakas na kilusang manggagawa. Ang pagkakaisang ito ay hihinangin sa pamamagitan ng pag-oorganisa at pagpupunla ng makauring kamulatan sa masa ng uring manggagawa. Sa batayang ito dapat ipundar ang organisadong lakas ng BMP, at ito ang maaaring magsilbing matibay na gulugod upang sumulong ang kilusang unyon sa bansa. Ang integrasyon ng sosyalistang kamalayan sa pang-unyong pakikibaka ay kakatawanin nito.

Seksyon 4. Ngunit ang paglaya ng uring manggagawa sa karukhaan at kaapihan ay di makakamit sa kaparaanan lang ng pag-uunyong pakikibaka na ang maksimum na makakamit ay ang pag-igihin at paalwanin ang kalagayan at kasunduan ng pagpapailalim sa kapangyarihan ng kapital. Ang paglaya ng manggagawang Pilipino ay magaganap lamang kung ang kanyang pananaw, pagkakaisa at pakikibaka ay lalampas sa makitid na pader ng kanilang mga pabrika’t empresa, at iigpaw sa antas ng makauring kamalayan, pagkakaisa at pakikibaka para sa saligang tungkuling baguhin ang sistemang mapagsamantala. Narito ang saligang katuturan at simulain ng BMP, ang pukawin, organisahin at pakilusin ang masang manggagawa laban sa kapitalismo bilang sistema at itanghal ang sosyalismo bilang ultimong simulain at adhikain ng uring manggagawa sa bansa at sa buong mundo.

Seksyon 5. Sa kasalukuyang antas ng pag-unlad ng lipunang Pilipino, ang paglaya ng uring manggagawa ay nakasalalay sa paglaya ng buong sambayanang Pilipino. Ang sosyalistang adhikain ng uring manggagawa ay magkakaroon ng katuparan kung susulong ang progresong panlipunan sa bansa sa kasalukuyang atrasadong kapital at kapangyarihan. Sa batayang ito, ang simulain ng sambayanang Pilipino para sa kalayaan at demokrasya ay simulain din ng manggagawang Pilipino at ang landas patungong sosyalismo ay ang landas ng pakikibaka para sa demokrasya’t kasarinlan ng bansa. Tungkulin ng manggagawang Pilipino hindi lamang itaguyod ang pakikibakang ito para sa demokrasya’t kalayaan kundi pangunahan ang buong sambayanan sa pakikibakang ito. Ang uring manggagawa sa lungsod at kanayunan ang pinakamakapangyarihang pwersang makapagbubunsod ng pakikibakang ito, at sa lahat ng uri, ang manggagawa ang may pinakamalaking interes sa ganap na pananagumpay ng pakikibakang ito sapagkat sa pagkamit ng demokrasya’t kasarinlan mahahawan ang pakikibaka patungo sa sosyalismo.

Seksyon 6. Dahil ang pang-aapi sa uring manggagawa bilang mga sahurang alipin ay isang pandaigdigang sistema, ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino ay di maiiwasang magkakaroon ng internasyunal na katangian. Mismo ang paglaya at pag-unlad ng bansang Pilipinas ay di magkaroon ng ganap na katuparan hangg’at ang kapangyarihan ng imperyalismo ay naghahari sa buong daigdig. Ang ganap na katuparan ng sosyalistang misyon ng uring manggagawa sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay mapagpasyang nakasalalay sa pagsulong ng internasyunal na kilusan ng uring manggagawa laban sa pandaigdigang kapital at kapangyarihan ng imperyalismo. Sa batayang ito ang panawagang “Manggagawa sa lahat ng Bansa, Magkaisa” ay isang sentral na prinsipyo para sa BMP, at ang pakikibaka’t pananagumpay ng manggagawang Pilipino laban sa paghahari ng imperyalismo sa bansa ang pinakamalaking ambag natin sa kilusang manggagawa sa buong daigdig.

ARTICLE II

DECLARATION OF PRINCIPLES AND OBJECTIVES

Section 1. The highest principle of BMP is to aim and purify the role of working class in society and history and at all times will stand and fight for the interests and principles of the working class. All actions of the BMP shall came from this class perspective and here he should be tried and be identified.

Section 2. BMP believes that:

a. The fundamental interests of the working class is the advancement and fulfillment of his class struggle from the union level to political.

b. The only important thing that can exceed the principle of class struggle is the interest of the working class for a progressive society. Class struggle and social progress are the two basic interest of the working class.

c. This two basic interests is both represented by the worker's socialist mission in history.

Section 3. Class unity will be the basis for the promotion of a strong workers' movement. This unity will be welded through organizing and planting class consciousness among the masses of the working class. On this basis we shall establish the organized strength of BMP, and this can serve as a strong backbone for the trade union movement in the country to move forward. This will be represented by the integration of socialist consciousness on the union struggle.

Section 4. But the emancipation of the working class from poverty and injustices cannot be achieved through trade union struggle only, the maximum gain is the improvement and ease the situation and agreement of subordination to the power of capital. The emancipation of the Filipino workers can only happen if his vision, unity and struggle would exceed the narrow walls of their factories and enterprises, and leaps in the level of class consciousness, solidarity and struggle for fundamental change of the exploitative system. Here are most basic importance and principles, to arouse, organize and mobilize the working class against capitalism as a system and to present socialism as the ultimate goal and aspirations of the working class in the country and around the world.

Section 5. At the current level of development of Philippine society, the liberation of the working class depends on the liberation of the Filipino people. The socialist cause of the working class will be realized if social progress will go forward in the country from the current backward state due to remnants of feudal order and stunted by the imperialist capital and power. In this basis, the aspiration of the Filipino masses for liberty and democracy is also the aspiration of the Filipino workers, and the path towards socialism is the path of struggle for democracy and freedom of the country. It is the duty of the Filipino workers, not only to promote this struggle for democracy and liberty, but to lead the whole people in this struggle. The working class in the city and the countryside is the powerful force that can launch this struggle, and to all classes, the workers have the greatest interest in the complete victory of the struggle because through attaining democracy and liberty will clear the path of struggle towards socialism.

Section 6. Given the long oppression of the working class as wage slaves of capital is a global system, the struggle of Filipinos workers will inevitably have an international character. The liberation and development of the Philippines will not be realized as long as the power of imperialism rules the world. The full realization of the socialist mission of the working class in countries like the Philippines is decisively dependent on the growth of the international working class movement against global capital and power of imperialism. In this basis, the call "Workers of All Countries, Unite" is a central principle for BMP, and the struggle and victory of the Filipino workers against the domination of imperialism in our country is our greatest contribution to the workers' movement in the world.

ARTIKULO III

KASAPIAN

Seksyon 1. Pagsapi. Ang sinumang indibidwal, grupo, o organisasyon na nananalig sa Saligang Batas ng BMP at naniniwala sa sosyalistang adhikain nito ay maaring maging kasapi o sumapi sa BMP.

Seksyon 2. Ang mga indibidwal na may namumukod na kontribusyon sa kilusan ng uring manggagawa ay maaring tanggapin bilang kasapi alinsunod sa kapasyahan ng komite sentral ng BMP.

Seksyon 3. Ang mga organisasyong maaring sumapi sa BMP ay mga unyon at asosasyon, mga sosyalistang organisasyon at pederasyon ng maralitang lungsod at maralitang bukid, mga samahan ng kabataan, kababaihan at pangkultural at iba pang sosyalistang organisasyon.

Seksyon 4. Ang aplikasyon para sa pagsapi ng isang organisasyon ay dapat pagtibayin ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap (PKT) o ng awtorisadong katumbas nito sa pangrehiyong antas matapos matupad ang mga rekisitong itatakda ng mga kapulungang magpapatibay sa aplikasyon.

Seksyon 5. Mga karapatan ng kasapi. Ang mga kasapi ay mayroong mga sumusunod na karapatan:

a. Lahat ng delegado sa kongreso ay may karapatang bumoto, kumandidato at mahalal sa anumang posisyon.

b. Ang lahat ng kasapi ay may karapatang lumahok at magbigay ng opinyon at posisyon sa mga talakayan at debate sa loob ng organisasyon.

c. Ang lahat ng kasapi ay may karapatang magpaabot ng mga panukala sa BMP, mga organisasyong kasapi nito at puna sa sinumang kasapi, pamunuan at kapulungan ng BMP.

d. Ang lahat ng kasapi ay may karapatang alamin ang kalagayan ng organisasyon tulad ng pinansyal, kasapian at iba pa.

e. Ang sinumang organisasyon / indibidwal ay maaring magbitiw bilang kasapi pagkatapos na maipaabot ang mga kadahilanan at madidisyunan ng karampatang kapulungan na bubuuin ng PKT.

f. Ang lahat ng mga kasapi ay may obligasyong pangalagaan ang interes at integridad ng organisasyon.

Seksyon 6. Mga obligasyon ng kasapi. Ang lahat ng kasapi ay may mga sumusunod na obligasyon:

a. Dumalo sa mga pulong na ipapatawag ng BMP

b. Ang lahat ng kasapi ay may obligasyon na dumalo sa mga pag-aaral ng mga kursong pinagpasyahan ng komite sentral ng BMP.

c. Ang lahat ng kasapi ng organisasyon ay may obligasyong tangkilikin ang lahat ng isyu ng Tambuli at iba pang opisyal na lathalain ng BMP.

d. Ang lahat ng kasapi ay may obligasyong magbigay ng butaw para sa pondo ng organisasyon.

e. Ang lahat ng kasapi ay may obligasyong lumahok sa lahat ng napagtibay na pagkilos at panawagan ng BMP.

f. Ang lahat ng kasapi ay may obligasyong palawakin ang kasapian ng BMP.

ARTICLE III

MEMBERSHIP

Section 1. Membership. Every individuals, groups and organizations that believe in the BMP Constitution and believes in its socialist aim can become a member of BMP.

Section 2. Individuals who have outstanding contributions to the working class movement can be accepted as members in accordance with the decision of the Central Committee of the BMP.

Section 3. Organizations that can join BMP are unions and associations, socialist organizations and federations of urban poor and rural poor, youth organizations, women and cultural and other socialist organizations.

Section 4. The application for membership of an organization must be adopted by the National Executive Committee (NEC) or its authorized equivalent at the regional level after fulfilling the requirement set by the councils that will strengthen the application.

Section 5. Rights of members. The members have the following rights:

a. All delegates at the congress have the right to vote, run and be elected to any position.

b. All members have the right to participate and give opinions and positions in discussions and debate within the organization.

c. All members, individuals and member organizations, have the right to give their proposal to BMP, as well as comment on any members, officials and assembly of BMP.

d. All members have the right to know the status of the organization such as financial, membership and more.

e. Any organization / individual may resign as a member after stating the reasons and be decided upon by the competent assembly that will be organized by the NEC.

f. All members have an obligation to protect the interests and integrity of the organization.

Section 6. Obligation of members. The members have the following obligations:

a. All members have the obligation to attend to meetings set forth by the BMP

b. All members have the obligation to attend all study courses decided by the central committee decided of BMP.

c. All members of the organization have an obligation to patronize all the issue of Tambuli and other official publications of the BMP.

d. All members have an obligation to pay their dues for the organization's fund.

e. All members have an obligation to participate in all approved actions and demands of BMP.

f. All members have an obligation to expand the membership of the BMP.

ARTIKULO IV

ANG PAMBANSANG KONGRESO

Seksyon 1. Ang pinakamataas na kapangyarihan ay ang Pambansang Kongreso na idaraos tuwing ikatlong taon. Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa mga kasaping organisasyon / indibidwal.

Seksyon 2. Ang Pambansang Kongreso ang magtitibay ng pangkalahatang programa at mga patakaran, mag-amyenda sa saligang batas at maghahalal sa mga kagawad ng komite sentral. Ihahalal din ng pambansang kongreso ang tagapangulo.

Seksyon 3. Ang ispesyal ng Pambansang Kongreso ay maaring idaos kung kinakailangan. Ang pagdaraos ng Ispesyal na Kongreso ay maaring ipatawag ng dalawang katlo (2/3) ng komite sentral o ng mayorya ng mga kasaping organisasyon.

ARTICLE IV

THE NATIONAL CONGRESS

Section 1. The highest authority is the national congress to be held every three years. It is composed of delegates from member organizations / individuals.

Section 2. The National Congress will approve the general programs and policies, to amend the constitution and elect the members of central committee. The national congress will also elect its chairman.

Section 3. A special national congress will be held if necessary. Observance of special congress will be convened by two thirds (2 / 3) of the central committee or majority of member organizations.

ARTIKULO V

KOMITE SENTRAL

Seksyon 1. Ang komite sentral (KS) ang pinakamataas na awtoridad sa pagitan ng mga kongreso na binubuo

ng 31 halal na kagawad at ng mga sumusunod na awtomatikong kagawad.

a. Ang mga pangulo ng unyong bumibilang ang kasapian ng 300 pataas:

b. Ang pangulong mga kasaping sosyalistang organissyon mula sa ibang lokal at

c. Ang pangulo o tagapangulo ng balangay ng buklod

Seksyon 2. Ang komite sentral ang maghahalal sa mga kagawad ng pambansang komiteng tagapaganap.

Seksyon 3. Ang Komite Sentral ay maaring bumuo ng mga kagawaran at komite na kinakailangan para sa pagpapatupad ng pangkalahatang programa at mga patakaran ng kongreso.

Seksyon 4. Ang komite sentral ay magpupulong ng isang beses kada anim na buwan.

Seksyon 5. Ang komite sentral ay may tungkuling:

a. Gumawa ng mga kailangang desisyon at patakaran kaugnay ng ginagawang programa ng kongreso.

b. Magtakda ng ispisipikong target bawat larangan ng trabahong kinakailangan para sa implementasyon ng programa.

c. Gumawa ng plano ng yugto-yugtong nahahati ng anim na buwan sa loob ng tatlong taon.

Seksyon 6. Maaring ipatawag ang ispesyal na pulong ng KS sa pamamagitan ng PKT o ng petisyon ng simpleng mayorya ng mga kasapi ng KS.

Seksyon 7. Ang sinumang kasapi ng KS na nakagawa ng pagkakasala tulad ng pagbebenta ng interes ng manggagawa at paglalagay sa panganib ng organisasyon at kasapian ay maaaring maigawad ang pagtatanggal sa tungkulin sa pamamagitan ng boto ng dalawang katlo (2/3) ng buong kasapian ng KS.

Seksyon 8. Ang Komite Sentral ay binibigyang kapangyarihang magdagdag ng kanyang kagawad sa panahong paubos na ang kanyang kasapi at habang malayo pa ang kongreso. Sa esensya ito ay ang kapangyarihang maghirang ng kapalit o dagdag sa mga di na aktibong kasapi na nakabatay sa prinsipyo ng cooptation.

ARTICLE V

THE CENTRAL COMMITTEE

Section 1. The central committee (CC) is the highest authority between congresses consisting of 31 elected members and the following automatic members:

a. Union presidents with membership of 300 and more;

b. The president of the socialist members from other local organizations; and

c. Presidents or chairmen of the chapters of buklod (nucleus of an organization)

Section 2. The central committee shall elect the members of the national executive committee.

Section 3. The Central Committee may develop departments and committees necessary for the implementation of the overall program and policies of Congress.

Section 4. The central committee will meet once every six months.

Section 5. The central committee has the duty to:

a. Make the necessary decisions and policy which are related to the programs made by congress.

b. Set specific targets for each area of work required for the implementation of the program.

c. Make a plan of stages divided by six months for three years.

Section 6. May call for a special meeting of CC by the NEC or the petition of a simple majority of members of CC.

Section 7. Any CC member who commit offenses such as selling workers' interests and putting the organization and membership at risk may be terminated from office through two thirds (2 / 3) vote of the entire CC membership.

Section 8. The Central Committee is given the power to add staff at the time there are members who lie-low and while congress is away. In essence it is the power to appoint a replacement or in addition to non-active members based on the principle of cooptation.

ARTIKULO VI

AKSYONG PANDISIPLINA

Seksyon 1. Ang sinumang kasapi ng KS na tatlong sunod na lumiban sa pulong nang walang matibay at sapat na dahilan at awtomatikong inaalis bilang kasapi nito.

Seskyon 2 Ang mga katanggap-tanggap na dahilan ay ang mga kasaping may malubhang karamdaman, may mahalagang misyon na may pahintulot ang pamunuan tulad ng iba pang gawaing inaatas o pagiging kinatawan sa mga kumperensya sa labas ng bansa.

Seksyon 3. Ang sinumang kasapi ng KS na magkakasala ay maaring alisin sa tungkulin matapos maganap ang anumang proseso (due process) na ipatupad ng KS.

Seksyon 4. Ang sinumang kasapi na pinagpasyahang nagkasala sa anumang antas ng kapulungan ay maaring umapela sa sumusunod na nakakataas na kapulungan ng organisasyon.

Seksyon 5. Ang sinumang kasapi na ang bigat ng pagkakasala ay tulad ng pagbebenta ng unyon at interes ng manggagawa at / o mga kasong kinasangkutang naglalagay sa panganib sa organisasyon ay maaring agarang patawan ng pansamantalang pag-alis sa tungkulin habang dinidinig ang kanyang kaso. Liban sa parusang pagtatanggal, ang KS ay maaaring magpataw ng mas mabigat na parusa depende sa bigat ng ginawang pagkakasala.

Seksyon 6. Ang KS ang siyang pangunahing binibigyang kapangyarihan na maglabas ng alituntunin ng mga disiplinang ito kaugnay sa pagharap sa mga kaso, katapat na mga kaparusahan at mga detalye ng kaakibat na prosesong ipapatupad. Para sa pagsasangkongkreto nito. Ang KS ay maaring magbuo ng ethics comittee na siyang mangangasiwa ng pagpoproseso ng mga kaso nang sa gayon ay matiyak ang karampatang due process.

ARTICLE VI

DISCIPLINARY ACTION

Section 1. All CC members after three consecutive absences without substantial and sufficient reasons are automatically removed as its members.

Section 2. The acceptable reasons are those members with serious illness, who has important mission with the consent of the leadership, such as works assigned or those who represent the organization in conferences abroad.

Section 3. Any CC member who committed an offense may be stripped of his duty after any procedure (due process) was done by the CC.

Section 4. Any member who has been convicted of offense in any level of the organization may appeal to the next higher level of organization.

Section 5. Any member who is guilty of selling the integrity of the union and the interests of workers and / or cases that put the organization at risk may be immediately temporarily stripped of his duty while his case is being heard. Except for the removal penalty, the CC may impose heavier penalties depending on the gravity of the offense.

Section 6. The CC is the main lead who have the power to draft rules of discipline in relation to dealing with cases, which corresponds to the penalties and details of the process enforced. In concretizing this, CC can form and ethics committee to oversee the processing of cases so we can ensure competent due process.

ARTIKULO VII

ANG PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP (PKT)

Seksyon 1. Ang Pambansang Komiteng Tagapagpaganap (PKT) ang pinakamataas na kapulungan sa pagitan ng mga pulong ng komite sentral. Ang PKT ay may sentral na tungkulin na ipatupad ang lahat ng desisyon, plano at programa ng Komite Sentral, kaakibat ng tungkuling ito ay ang karapatang magdesisyon sa lahat ng usaping may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga desisyon ng KS.

Seksyon 2. Ang PKT ay bubuuin ng lahat ng pambansang opisyal. Maaring dagdagan ang bilang ng kagawad nito alinsunod sa desisyon ng Komite Sentral.

Seksyon 3. Ang PKT ay may kapangyarihang magpatawag ng kapulungan ng lahat na pangulo (KLP) ng binubuo ng lahat ng pangulo ng lokal na organisasyon at pinuno ng balangay ng buklod ay tinitipon upang mag desisyon kaugnay ng mga mayor na kampanya at mga pangkalahatang pamparalisang aksyon.

Seksyon 4. Ang Pambansang Pamunuan ay ang mga sumusunod:

a. Ang pangulo ang siyang pinakamataas na kinatawang opisyal ng organisasyon na ihahalal ng Pambansang Kongreso, ang nagpapatawag at nangangasiwa sa mga pulong ng Komite Sentral at Pambansang Komiteng Tgapagpaganap (PKT) at maaring bigyan ng ibang pang gawaing itatakda at pagkakaisahan ng Komite Sentral.

b. Ang Unang Pangalawang Pangulo. Siya ang tatayong National Executive Vice President at hahalili sa pangulo sa kalagayang hindi makagampan ang huli sa iba’t ibang kadahilanan. Maaring bigyan ng iba pang gawaing itatakda at pagkakaisahan ng Komite Sentral.

c. Ang Ikalawa, Ikatlo at Ikaapat na Pangalawang Pangulo. Magiging katuwang ng Pangulo sa lahat ng tungkulin at responsibilidad nito at maaring bigyan ng iba pang gawaing itatakda at pagkakaisahan ng Komite Sentral. Ang isa sa Pangalawang Pangulo ang itatalaga sa pag-aasikaso ng gawaing internasyunal.

d. Ang Pangkalahatang Kalihim. Siya ang pangunahing mangangasiwa sa mga arawang pagpapatakbo ng pangkalahatang gawaing pang-organisasyon.

e. Ang Pangalawang Pangkalahatang kalihim. Siya ang katuwang sa gawain ng pangkalahatang kalihim. Siya rin ang hahalili sa pangkalahatang kalihim sa kalagayang hindi makagampan ang huli sa iba’t ibang kadahilanan. Maaari siyang bigyan ng iba pang tungkulin o gawain na itatakda ng Komite Sentral.

f. Ang Ingat Yaman. Siya ang punong opisyal na nangangalaga sa lahat ng pondo at ari-arian ng organisasyon. Siya rin ay inaasahang regular na mag-uulat kada taon.

g. Ang Tagasuri. Ang punong opisyal na magtitiyak na regular na naisagawa ang auditing ng buong pondo at ari-arian ng organisasyon.

ARTICLE VII

THE NATIONAL EXECUTIVE COMMITTEE

Section 1. The National Executive Committee (NEC) is the highest body in the midst of the central committee meeting. The NEC has the central task to implement all decisions, plans and programs of the Central Committee, along with the responsibilities is the right to decide on all matters related to the implementation of the CC's decisions.

Section 2. The NEC is composed of all the national officials. The Central Committee may add members of its staff if they have decided upon it.

Section 3. The NEC has the power to call for an All Leaders Assembly (ALA) consisting of all the presidents of local organizations and leaders of chapters of the "Buklod" which will decide in connection with major campaigns and general paralyzing actions.

The National Leadership is composed of the following:

a. The president is the highest official representative of the organization elected by national Congress can call and oversee meetings of the Central Committee and National Executive Committee (NEC) and may be given other works set and unified by the Central Committee.

b. The First Vice President. He or she will stands as National Executive Vice President and will succeed the president if the late cannot function for various reasons. May be given other works set and unified by the Central Committee.

c. The Second, Third, and Fourth Vice President. They may assist the President in all his or her duties and responsibilities and may be given other works set and unified by the Central Committee. One of the Vice President will be assigned for international work.

d. The Secretary-General. He or she is responsible for administering the daily operation of the organization.

e. The Deputy Secretary-General. He or she will assist the secretary-general, and will replace the secretary-general if the late cannot function for various reasons. May be given other works set and unified by the Central Committee.

f. The Treasurer. He or she will be in-charge of the funds and property of the organization, and will regularly submit financial report yearly.

g. The Auditor. He or she is responsible for auditing all the funds and properties of the organization.

ARTIKULO VIII

BALANGAY SA MGA REHIYON AT PROBINSYA

Seksyon 1. Ang mga balangay ng BMP ay maaring itayo sa mga rehiyon o probinsya na may sapat na batayan alinsunod sa pagtatakda ng KS.

Seksyon 2. Ang mga balangay ng BMP ay may tungkuling regular na mag-ulat sa KS.

ARTICLE VIII

REGIONAL AND PROVINCIAL CHAPTERS

Section 1. BMP chapters may be organized in regions and provinces if there is adequate basis in accordance with the provisions of the CC.

Section 2. BMP chapters have an obligation to report to the CC regularly.

ARTIKULO IX

BUKLOD

Seksyon 1. Ang Buklod ang siyang itatayong batayang yunit ng BMP.

Seksyon 2. Ang mga nakapaloob na Buklod ay tatayong mga idibidwal na kasapi ng BMP.

ARTICLE IX

BUKLOD

Section 1. The Buklod (or Nucleus) is the basic unit of BMP.

Section 2. Those who functions as members of Buklod will be individual members of the BMP.

ARTIKULO X

MGA KAGAWARAN AT KOMITE

Seksyon 1. Ang mga sumusunod ang mga kagawaran at komite at gawain nito:

a. Ang Kagawaran sa Organisasyon. Ang magiging katuwang ng Pangkalahatang Kalihim sa mga gawaing pang-organisasyon laluna ang pagpapalakas at pangangalaga sa kasaping organisasyon.

b. Ang kagawaran sa Edukasyon at Propaganda. Magbabalangkas ng programa katuwang ang mga lokal na organisasyon sa pagtitiyak na ang lahat ng plano kaugnay ng gawaing edukasyon at propaganda ay naipatupad. Ang kagawarang ito ang mangangasiwa sa paaralang manggagawa.

c. Ang Kagawaran sa Kampanya. Magbabalangkas ng programa katuwang ang mga lokal na organisasyon sa pagtitiyak na ang lahat ng plano kaugnay ng gawaing kampanya ay naipatupad. Ang kagawarang ito ang mangangasiwa sa mga QRF at pagbubuo nito sa mga lokal na unyon.

d. Ang Komite ng Gawaing Kababaihan. Ang may pangunahing papel sa pagpapalaganap ng sosyalistang adhikain sa sektor ng kababaihan at sa pag-oorganisa ng kababaihan sa mga pagawaan, komunidad, paaralan at plantasyon.

e. Ang Komite sa Pagpapalawak (expansion comittee). Ang may pangunahing papel sa pagpapalawak ng kasapian ng organisasyon sa lahat ng pagawaan, sektor ng serbisyo at manggagawang bukid sa buong bansa.

f. Ang Komite sa Pananalapi (finance comittee). Ang may pangunahing papel sa pagpapasulpot ng pinansya at rekurso ng organisasyon.

g. Ang Komite sa Gawaing Pangkultura (cultural comittee). Ang may pangunahing papel sa pagpapalaganap ng progresibo at makauring kultura sa mga pagawaan, sektor ng serbisyo at komunidad.

h. Ang komite sa Gawaing Internasyunal. Ang may pangunahing papel sa pagpapalawak ng ugnay o network, makipagkapatiran at makapangalap ng suporta.

ARTICLE X

DEPARTMENTS AND COMMITTEES

Section 1. The following are the departments and committees and its functions:

a. Organizing Department. This will assist the Secretary General in organizational work especially in strengthening and protecting member organizations.

b. Education and Propaganda Department. They will outline the program with the local organizations in ensuring that all the plans regarding educational and propaganda work has been carried out. This department will manage the Workers School.

c. Campaign Department. They will outline the program with the local organizations in ensuring that all the plans regarding campaign work have been carried out. This department will manage the QRF (quick reaction force) and in organizing it at the local unions.

d. Women's Work Department. Their main role is the advancement of socialist cause in the women sector and in organizing women in factories, communities, schools and plantations.

e. Expansion Committee. Their main role is the expansion of the organization's membership in all factories, service sector and farm workers nationwide.

f. Finance Committee. Their main role is producing funds and resources of the organization.

g. Cultural Work Committee. Their main role is the propagation of progressive and working class culture in factories, service sectors and communities.

h. International Work Committee. Their main role is the expansion of networks outside the country, fraternity and getting international support.

ARTIKULO XI

PRINSIPYONG PANG-ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang demokratikong sentralismo ang itataguyod ng BMP bilang pundamental na prinsipyong pang-organisasyon. Ang mga prinsipyong nilalaman nito ay ang mga sumusunod:

a. Prinsipyo ng halalan, pananagutan, at pag-alis sa posisyon ng mga halal na pinuno.

b. Pagkilala sa mga kapasyahan ng mga kasaping lokal na organisasyon at awtonomiya nito.

c. Karapatan sa pag-iral at kalayaan sa pagpapahayag ng minorya sa loob ng organisasyon.

d. Ganap na kalayaan sa pagpuna at pakikipagdebate hangga't di makasisira sa pagkakaisa at napagkaisahang desisyon.

e. Pagkakaisa sa pagkilos pagkatapos ng kapasyahan ng mayorya.

ARTICLE XI

ORGANIZATIONAL PRINCIPLE

Section 1. BMP will propagate democratic centralism as the fundamental organizational principle. The principles it contained are the following

a. Principles of election, responsibility, and position recall of elected officials.

b. Identifying the decision of the local organization members and its autonomy.

c. Right to exist and freedom of to speak of minorities within the organization.

d. Full freedom of criticism and engagement in debate as long as it will not destroy unity and decisions.

e. Unity in action after majority's decision.

ARTIKULO XII

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN

Seksyon 1. Regular na ilalathala ng Komite Sentral ang opisyal na pahayagan ng BMP, ang TAMBULI. Magsisilbing itong daluyan ng propaganda at ahitasyong kaugnay ng aping kalagayan ng uring manggagawa, kabulukan ng sistemang kapitalismo pakikibaka ng uring manggagawa sa bansa daigdig at daluyan ng ating mga paninindigan at panawagan.

Seksyon 2. Ang pambansang komite tagapagpaganap ang tatayong patnugutan ng dyaryo.

ARTICLE XII

OFFICIAL PUBLICATION

Section 1. The Central Committee will publish regularly Tambuli, the official publication of the BMP. This will serve as the organ of propaganda and agitation on the repressive situation of the working class, the rotten capitalist system, the struggle of the working class in the country and the world, and the organ of our stands and demands.

Section 2. The National Executive Committee will stand as the editorial board of the publication.

ARTIKULO XIII

PAARALANG MANGGAGAWA

Seksyon 1. Ang Paaralang Manggagawa ang magsisilbing pandayan ng sosyalistang kamulatan ng mga manggagawa at anakpawis at magsisilbing paaralang paghahalawan ng mga lider at kasapi ng kasanayan sa militanteng unyonismo at makauring linya.

ARTICLE XIII

WORKERS' SCHOOL

Section 1. The Workers' School will serve as foundry of socialist consciousness of the workers and the masses and will serve as school where leaders and members will be trained in militant unionism and class line.

ARTIKULO XIV

PANANALAPI

Seksyon 1. Ang pananalapi ng BMP ay nagmumula sa buwanang butaw ng mga kasapi, donasyon at mula sa mga proyektong pampinansyang inilulunsad.

Seksyon 2. Ang Pambansang IngatYaman ang mangunguna sa pangangalap ng pinansya at siyang mangangalaga ng kabuuang pondo ng organisasyon.

Seksyon 3. Ang donasyon at kontribusyon ay tatanggapin kung hindi makasasama sa integridad ng organisasyon, mga namumunong kapulungan at kasapian at di makaka-impluwensya sa mga programa, patakaran at mga proyekto ng BMP.

Seksyon 4. Obligasyon ng mga kasapi na suportahan ang lahat ng mga pagpapasulpot ng pinansya at proyekto ng BMP maging ang pangangalap ng mga materyal na suporta.

Seksyon 5. Ang itinakdang butaw ng indibidwal na kasapi ay P5.00 kada buwan.

Seksyon 6. Ang paglalagakang bangko ng BMP ay ang Banco De Oro na ang mga pangunahing signatories ay ang mga sumusunod: Pangulo, IngatYaman at Tagasuri.

ARTICLE XIV

FINANCE

Section 1. BMP's finance will come from the members' monthly dues, donations and from financial projects launched.

Section 2. The national treasurer will lead in fundraising campaign and will take care of the whole finances of the organization.

Section 3. Donations and contributions will be received if this will not tarnish the integrity of the organization, leading assemblies and members and cannot influence the programs, policies and projects of BMP.

Section 4. Members have the obligation to support all activities in raising funds and projects of the BMP, even in getting material supports.

Section 5. The dues set for individual members of the BMP are five pesos (P5.00) per month.

Section 6. BMP's depository bank will be the Banco De Oro, and the main signatories are the following: President, Treasurer, and Auditor.

ARTIKULO XV

PAG-AMYENDA NG SALIGANG BATAS

Seksyon 1. Ang anumang amyenda ay maisasagawa lamang ng mayoryang delegado sa anumang ilulunsad na regular o ispesyal na Pambansang Kongreso.

ARTICLE XV

CONSTITUTIONAL AMENDMENT

Section 1. Any amendment in this constitution will be done by the majority delegates of any regular or special National Congress.

ARTIKULO XVI

PAGTITIBAY AT PAGKAKABISA

Seksyon 1. Ang Saligang Batas na ito ay magkakabisa matapos pagtibayin ng Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Ang Saligang Batas na ito'y pinagtibay ng mayorya ng mga delegado ng Ikalimang Pambansang Kongreso ng BMP ngayong ika-14 ng Setyembre, 2008, sa Lungsod ng Baguio.

ARTICLE XVI

ADOPTION AND EFFECTIVITY

Section 1. This Constitution will become effective after adoption by the majority of the delegates of the National Congress.

Section 2. This Constitution has been amended by the majority delegates of the Fifth BMP National Congress this 14th of September, 2008, at in Baguio City.


Ang orihinal na tagalog ay isinalin ni Greg Bituin Jr. sa wikang Ingles bilang pagtalima sa kahilingan ng pangulo ng BMP upang maipadala ang bersyong Ingles ng Saligang Batas na ito sa mga kasama sa ibang bansa.


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996