Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Hulyo 15, 2014

Itigil ang Pambobomba ng Israel sa Gaza!

Itigil ang Pambobomba ng Israel sa Gaza

Hulyo 15, 2014 - Nagrali ang iba't ibang grupo, tulad ng Anak Mindanao, Partido Lakas ng Masa  (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at MASO (Manggagawang Sosyalista) Pilipinas, sa harapan ng tanggapan ng Embahada ng Israel na nasa Global City sa Taguig. Dito'y ipinanawagan nila na dapat nang matigil ang digmaan sa pagitan ng Israel at Palestino. Ang Israel ay may sopistikadong kagamitang pandigma habang imperyor naman ang armas ng mga Palestino.

Ipinrotesta nila ang pagkamatay ng maraming bata at kabataang Palestino na walang kalaban-laban sa mga sopistikadong armas ng Israel. At sinabi pa nilang dapat nang magkaroon ng kapayapaan sa Gitnang Silangan, at itigil na ang pandarahas ng mga Israeli sa mga Palestino.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Manggagawa, Nanawagan ng Pagpapatalsik kay Aquino

DBM at Mendiola, niralihan ng manggagawa't maralita

Hulyo 15, 2014 - Niralihan ng manggagawa't maralita mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipanawagan ang pagpapatalsik kina DBM Secretary Butch Abad at Pangulong Noynoy Aquino. Ito'y kaugnay ng kanilang pananagutan sa programang Disbursement Acceleration Program (DAP) na kamakailan ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ang ilan sa mga raliyista ay may hawak na palakol na ang nakasulat: "Aquino at Abad, DAPat Patalsikin! Elitistang Rehimen, Itakwil!"

Mula sa DBM ay nagmartsa sila patungong Mendiola at doon tinapos ang programa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996