Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Abril 30, 2014

Manggagawa, nagprotesta sa harap ng tanggapan ng NLRC sa bisperas ng Labor Day

Abril 30, 2014 - Naglunsad kanina ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo ng manggagawa sa harapan ng tanggapan ng NLRC (National Labor Relations Commission) upang kondenahin ang mabagal na hustisya at panawagang mag-resign na sa pwesto si NLRC Commissioner Gerry Nograles. Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng AGLO (Association of Genuine Labor Organizations), BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino), MAKABAYAN (Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan), SUPER (Solidarity of Unions of the Philippines for Empowerment and Reforms), DEU (Digital Employees Union), KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod), PWU (Philtranco Workers Union), at Koalisyon ng Manggagawa Laban sa Korapsyon. Naroon din ang una pa lang dumalo sa rali na mga manggagawa ng Sun Spring Printing sa Quiapo na inaayudahan naman ni Benny Nacer ng SUPER-BMP.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng grupong Chopsuey ng awiting Lupang Sinira. Nagpahayag din ang mga kinatawan ng nasabing mga grupo, pati na rin si Atty. Miralles.

Ang NLRC ay tinawag ng mga manggagawa na National Lagay and Racket Comisyon, na pinagsamang lagay, raket, at komisyon na pawang mga salitang tumutukoy sa katiwalian sa nasabing ahensya. Bago magtapos ang programa ay sinunog ng mga manggagawa ang tarpouline ng mukha ni Nograles, habang inaawit ang Internasyunal.

Nagsimula ang programa ng bandang ikasiyam ng umaga at natapos ng alauna ng hapon. Balak sanang mag-vigil ng mga manggagawa sa gabi hanggang kinabukasan, Mayo Uno, Araw ng Paggawa, ngunit kinansela na ito ng mga nag-organisa, upang mas bigyan pa ng panahon ang preparasyon ng mga gaganaping aktibidad sa mismong Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.



May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996