Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Disyembre 12, 2012

"Beer is Thicker Than Water, While the Masses Suffer"

PRESS STATEMENT
11 December 2012

Gie Relova 
BMP-NCRR Secretary-General
0915-2792749

On the New Sin Tax Bicam Provisions
Militants Blame Aquino for Overkill and Accuse Him of Nepotism

SOME five thousand exasperated members of the anti-sin tax alliance Peoples Coalition Against Regressive Taxation or PCART assembled at Morayta and marched to the historic Mendiola Bridge brundishing a giant tarpaulin streamer bearing a "Beer is Thicker Than Water, While the Masses Suffer" slogan. The message was meant to expose President Benigno Aquino's partiality for his relatives' businesses at the expense of the masses in the sin tax debates. 

The militants took a swipe at the latest provisions agreed upon by the bicameral committee conference yesterday and blamed the maneuvers on Aquino for the latest alterations in the pending tax measure.

The militants howled in disbelief after learning that bicameral committee removed the provisions that were previously earmarked to the amount of one billion pesos as an unemployment insurance and a re-tooling livelihood program for displaced cigarette workers. The bicameral committee also removed the provision for earmarked for the benefit of the tobacco farmers.

According to Gie Relova, Secretary-General of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region-Rizal chapter (BMP-NCRR), "The latest maneuvers by Malacanang is undoubtedly the most voracious and greediest act he has done since he came to power. Because of such manipulations, the workers and farmers have not only lost their jobs but end up empty-handed after Aquino shamelessly took every centavo meant to cushion the impacts of the recalibrated excise tax".

"It seemed unthinkable since the fall of the Marcos dictatorship that a single yet omnipotent government official could blatantly ram through all his avaricious impulses on the masses. With P-Noy at the helm of power and placing his weight on the legislative branch, he has vanquished every hope and sympathy our poor countrymen have for his leadership and his ridiculous Daang matuwid polemic. He has now leveled up to the ranks of Ferdinand Marcos, Norberto Manero, Gloria Macapagal-Arroyo and other vile public figures in the history of our country" Relova added.

PCART also took notice and insisted that the agreed provisions were clearly favorable to the business interests of Danding Cojuangco, Aquino's favorite uncle. The militants classified the latest maneuvers of the Palace to enact a well-crafted Sin Tax Law according to their preferred mould as a scheme to legitimize corruption and nepotism.

The anti-sin tax alliance has consistently denounced the mafia-like operations of the government and the private corporations in the crafting of laws to conspire against the poor to squeeze from them the taxes the government drools for and the profits the corporations are dying to increase. 

"For as long as a regressive taxation is in place and a morally bankrupt and exploitative system is in the place, the workers and its allies shall rise against them" the BMP leader concluded.

Sinisi ng mga Militante si Aquino at Inakusahan ito ng Nepotismo


PRESS STATEMENT
11 Disyembre 2012

Gie Relova 
BMP-NCRR Secretary-General
0915-2792749

Hinggil sa mga Bagong Probisyon sa Sin Tax ng Bicam
Sinisi ng mga Militante si Aquino at Inakusahan ito ng Nepotismo

TINATAYANG nasa limang libong miyembro ng alyansang kontra sin tax na Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) ang nagtipon sa Morayta at nagmartsa sa makasaysayang Mendiola Bridge dala ang higanteng tarpaulin streamer na may nakasulat na "Beer is Thicker Than Water, While the Masses Suffer". Layon ng streamer na isiwalat na maka-isang panig si Pangulong Benigno Aquino III sa mga negosyo ng kanyang mga kamag-anak sa kabila ng dagdag kahirapan na papasanin ng masa dahil sa panukalang sin tax.

Pinuna ng mga militante ang mga probisyong napagkaisahan sa bicameral committee conference kahapon at isinisi ang naganap na maniobrahan sa pinakuhuling mga pagbabago sa panukalang batas kay Aquino.

Hindi makapaniwala ang mga manggagawa nang mabalitaan nilang inalis ng bicameral committee ang mga probisyong dati nang itinakda na nagkakahalaga sa isang bilyong piso bilang unemployment insurance at para sa pangkabuhayang pagsasanay ng mga manggagawang matatanggal sa trabaho. Inalis din ng bicameral committee ang probisyong nakatakda naman para sa benepisyo ng mga magbubukid ng tabako.

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region-Rizal chapter (BMP-NCRR), "Ang pinakahuling pagmamaniobra ng Malacanang ay hindi maitatangging pinakasamasaklap at pinakasakim na ginawa nito mula nang mapuwesto ito sa kapangyarihan. Dahil sa mga manipulasyon ito, ang mga manggagawa't magsasaka ay hindi lamang nawalan ng trabaho kundi inalisan pa ng suporta matapos kamkamin ang lahat ng pondong itinakda para maibasan ang epekto sa kanila ng karagdagang buwis". 

"Parang ang hirap isipin na matapos bumagsak ng diktaduryang Marcos, may isa nanamang lubos na makapangyarihang opisyal na kapal-mukhang sinagasaan ang interes ng masa para sa kanyang pansariling pakinabang. At dahil sa nasa kapangyarihan si Aquino at nagawa niyang impluwensiyahan ang lehislatura, siya mismo ang bumisto sa kanyang sarili at sa pagka-bangkarote ng kanyang polemikang Daang Matuwid sa masa. Dahil dito, nabibilang na siya sa mga kagaya ni Ferdinand Marcos, Norberto Manero, Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang kahiya-hiyang personahe sa kasaysayan ng bansa," dagdag pa ni Relova.

Iginiit pa ng PCART na ang nasabing probisyon ay malinaw na pumapabor sa interes ng negosyo ni Danding Cojuangco, ang paboritong tiyuhin ng Noynoy. Tinaguring isang iskema ng pagliligalisa ng korapsyon at nepotismo ang mga maniobra ng Palasyo na disenyuhan ang isang batas sa Sin Tax ayon sa kanilang napiling molde. 

Walang tigil na kinundena ng alyansa ang mala-sindikatong gawi ng gubyerno at mga pribadong korporasyon sa paglilikha ng batas para gipitin ang mga mahihirap para sa kanilang interes, buwis sa gubyerno at labis-labis na tubo para sa mga korporasyon.

"Hanggat nanatiling regresibo ang sistema ng pagbubuwis, korap at mapagsamantala ang sistemang pampulitika sa bansa, ang mga manggagawa't kanilang mga alyado ay siguradong magaalsa laban sa kanila" pagtatapos ng lider ng BMP. 

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996