Para sa: Lahat ng Unyon, Asosasyon at Buklod
Hinggil sa: Suporta sa Laban ng mga Manggagawang Tinanggal sa Goldilocks
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Pebrero 17, 2010
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ibalik sa trabaho ang 127 manggagawang tinanggal sa Goldilocks!
Tinanggal ang 127 lider manggagawa ng Goldilocks noong Feb. 8, 2010. Tinanggal sila sa kasong hindi nila ginawa. Hinatulan sila ng illegal strike ng NLRC, gayong wala namang nakasampang kaso ng illegal strike at sa katotohanan, hindi naglunsad ng strike ang mga manggagawa ng Goldilocks.
Nagsimula ang usapin nang ang Bukluran ng Independyenteng Samahang Itinatag sa Goldilocks (BISIG), bilang nanalong unyon sa ginanap na Certification Election (CE), ay naghapag sa management ng CBA proposal. Tinangihan ng management ang pakikipagharap sa BISIG sa katwirang naghahabol pa ang natalong unyon (BUKLOD). Dahil dito, nagsampa ng Notice of Strike (NOS) ang BISIG sa DOLE sa kasong; 1) Refusal to Bargain; 2) Illegal suspension ng mga lider na aktibo sa pangangampanya sa BISIG; 3) Illegal Transfer ng Presidente ng BISIG, paglilipat mula sa SM Cubao patungong SM Molino, Cavite, gayong may binuksan namang branch sa Ali Mall na katabi lang ng SM sa Cubao; at 4) Discrimination sa pagbibigay ng P13 as Advance CBA sa mga manggagawa at di binigyan ang mga aktibong lider at kasapi ng BISIG.
Nang dumating ang araw na ipuputok na ang strike, nag-intervene ang DOLE, naglabas ng Assumption of Jurisdiction (AJ) ang Secretary of Labor, pero ang problema, binitawan ang kaso at ipinasa sa NLRC. Ang NLRC ang duminig at nagdesisyon sa apat (4) na asunto na nilalaman ng NOS.
Sa desisyon, pinaburan ng NLRC ang management. Inutusan ang management na makipag-CBA na sa natalong unyon, legal din daw ang suspension at ang transfer. Walang desisyon sa pang-apat pero nagdagdag ng isa pang hatol, iligal daw ang strike na ginawa ng mga manggagawa at tanggal ang 127 na nakilalang lumahok.
Ginawang strike ng NLRC ang picket protest na inilunsad ng mga manggagawa noong Mayo 27, 2009 pagkalabas nila ng trabaho. Subalit mula Mayo 27 hanggang sa madisisyunan ang pagtatanggal sa 127 lider, walang reklamong strike na inihapag ang management laban sa BISIG. Sariling diskarte lang ng Division 6 ng NLRC ang ipuslit ang kasong illegal strike para lang lagyan ng batayang tanggalin ang mga manggagawa.
Kung magkano ang dahilan ay hindi natin alam. Pero ang isang klaro, sabwatan ito ng management at ng Division 6 sa katauhan ni Commissioner Nieves De Cash-tro, Palacol at Ontiguera. Napatunayan ang sabwatang ito ng kailan lamang ay naglabas ng desisyon ang Court of Appeals na di pwedeng makipagnegotiate sa CBA ang management sa isang natalong unyon kahit pa makansela ang rehistro ng BISIG bilang nanalong unyon.
Ang naganap na tanggalan ay pakana ng management ng Goldiolocks. Ayaw ng Goldilocks na magkaroon ng tunay na unyon sa kanyang kompanya. Gusto ng Goldiloks magpatuloy ang kontraktwalisasyon, ang mababang sahod at benepisyo, ang tanggalan sa lahat ng regular na manggagawa. Kinasabwat niya ang NLRC upang pagmalupitan ang kanyang sariling manggagawa at pagdamutan ng pagkilala at benipisyong nauukol sa kanila.
Suportahan natin ang mga kapatid nating manggagawa sa Goldilocks, ipanawagan natin sa ating kasapian ang pansamantalang di pagtangkilik sa produkto ng Goldilocks. Sulatan at ipaalam sa Goldilocks management ang inyong desisyon at panawagan sa mga manggagawa nang di pagtangkilik hangga’t di naibabalik sa trabaho ang mga tinanggal. Ipadala sa address: Goldilocks, 498 Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Magdikit ng minimum na 10 posters (kalakip nito) sa palibot ng pabrika. (Gawan ng paraang maidikit).
**2/17/2010**