Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Abril 30, 2014

Manggagawa, nagprotesta sa harap ng tanggapan ng NLRC sa bisperas ng Labor Day

Abril 30, 2014 - Naglunsad kanina ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo ng manggagawa sa harapan ng tanggapan ng NLRC (National Labor Relations Commission) upang kondenahin ang mabagal na hustisya at panawagang mag-resign na sa pwesto si NLRC Commissioner Gerry Nograles. Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng AGLO (Association of Genuine Labor Organizations), BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino), MAKABAYAN (Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan), SUPER (Solidarity of Unions of the Philippines for Empowerment and Reforms), DEU (Digital Employees Union), KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod), PWU (Philtranco Workers Union), at Koalisyon ng Manggagawa Laban sa Korapsyon. Naroon din ang una pa lang dumalo sa rali na mga manggagawa ng Sun Spring Printing sa Quiapo na inaayudahan naman ni Benny Nacer ng SUPER-BMP.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng grupong Chopsuey ng awiting Lupang Sinira. Nagpahayag din ang mga kinatawan ng nasabing mga grupo, pati na rin si Atty. Miralles.

Ang NLRC ay tinawag ng mga manggagawa na National Lagay and Racket Comisyon, na pinagsamang lagay, raket, at komisyon na pawang mga salitang tumutukoy sa katiwalian sa nasabing ahensya. Bago magtapos ang programa ay sinunog ng mga manggagawa ang tarpouline ng mukha ni Nograles, habang inaawit ang Internasyunal.

Nagsimula ang programa ng bandang ikasiyam ng umaga at natapos ng alauna ng hapon. Balak sanang mag-vigil ng mga manggagawa sa gabi hanggang kinabukasan, Mayo Uno, Araw ng Paggawa, ngunit kinansela na ito ng mga nag-organisa, upang mas bigyan pa ng panahon ang preparasyon ng mga gaganaping aktibidad sa mismong Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.


Martes, Abril 29, 2014

Presscon ng Sanlakas at BMP, re: Pagbisita ni Obama


Abril 29, 2014 - Naglunsad ng press conference ang grupong Sanlakas at Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) kanina sa Chicken Bacolod restaurant sa Quezon Memorial Circle upang ipahayag ang kanilang paninindigan hinggil sa pagbisita ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.

Ang mga naging tagapagsalita ay sina Atty. Aaron Pedrosa, secretary general ng Sanlakas; Rasti Delizo, political affairs officer ng Sanlakas; Ka Leody de Guzman, pangulo ng BMP; at Tita Flor Santos ng Sanlakas at Metro Manila Vendors Alliance (MMVA).

Kalakip nito ang pahayag ng BMP:

PRESS STATEMENT
April 29, 2014

Depensahan ang Uri!
Proteksyunan ang Bayan!

Ang eksaherado't maluhong pagtanggap ng gobyerno ng Pilipinas kay Presidente Barack Obama ng Estados Unidos ay insulto sa milyon-milyong gutom na Pilipino.

Nakakainsultong Piging

Maging sa ating kaugalian, walang masamang paghainan ng masarap ang mga sumasadya sa ating tahanan. Lalo kung malayo pa ang kanyang pinanggalingan at kung ang mga dumayong panauhin ay itinuturing nating matalik na kaibigan. Ngunit - kung ginagawa ito - habang nagugutom ang iyong pamilya, ito ay hindi na "Filipino hospitality" kundi simpleng kayabangan.

Sa mamamayang mayorya ay mahihirap, kalabisang mapanood pa nila sa telebisyon ang pagpapakabusog at pag-aaliw ng mga opisyal ng burukrasya sa ginanap na "state dinner". Habang natutulong ng mahimbing ang mga dumalo sa magarbong "state dinner", ang masang Pilipino ay hindi pinapatulog ng kumakalam nilang mga sikmura! Malamang nga'y mababangungot pa sila habang naalala ang pekeng ngiti at magagarang damit ng mga pulitikong nagpapasasa sa kaban ng bayan!

Ngunit maari namang sabihin ng Malakanyang na naturang piging ay minsanang pagkakataong nararapat igawad sa isang tapat na "alyado" at "partner" ng mga Pilipino - tulad ng talumpati ni Noynoy na tila "nagmamakaawa" pa nang ilitanya ang kawalan natin ng mga eroplanong pandigma. Hindi lang masabi ng derechuhan, pero pinapaypayan ni Noynoy ang nagbabagang sentimyento ng publiko sa pambubrusko ng Tsina na humahantong sa desperasyong makakuha ng tulong mula sa isang makapangyarihang bansa.

Aral ng Kasaysayan

Nais nating ipaalala sa taumbayan ang mga aral ng kasaysayan. Kailanman, ang Estados Unidos ay hindi manunubos ng mamamayang Pilipino. Hindi minsan na nilang ginamit ang mga enggrandeng salita gaya ng "freedom" at "democracy" para bigyang-katuwiran ang kanilang kolonyalistang ekspansyon.

Sa ngalan ng "kalayaan" sa mga Kastila, ang Pilipinas ay binili at naging buong-buong pag-aari ng mga kolonyalistang Amerikano (Treaty of Paris 1898). Matapos ang World War 2, naniwala ang mga Pilipino na "pinalaya" tayo ng Estados Unidos mula sa pananakop ng pwersang Hapon. Dahil dito, sa isang plebisito, binigyang-karapatan ("1947 parity rights") ang mga Amerikano na magmay-ari sa likas-yaman ng bansa. Sa kabila ng pagmamalaking ito ang balwarte ng demokrasya sa buong mundo, ang Estado Unidos ang padrino ng pasistang diktadurang Marcos (1972), isang papet na rehimeng nagtatanggol sa interes ng mga transnasyunal na korporasyon ng Amerika sa loob ng ating bansa.

Walang binago ang pagbisita ni Obama sa ugnayan ng mga gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas. Nananatili itong relasyon ng emperyo sa sakop na teritoryo. Gaya ng mga emperyong Ehipto't Romano sa mga Hudyo sa yugto ng lipunang alipin, pero nasa modernong mga anyo: sa ugnayan ng imperyalistang bansa sa atrasadong mga ekonomya, ng nagmamay-ari sa pandaigdigang monopolyo sa mga manggagawa't mamamayan ng buong mundo - na ang kaibuturan - ay ang mapagsamantalang relasyon ng kapital at paggawa.

"Rekolonyalisasyon": Ang Nakatagong Motibo ng Pagbisita ni Obama

Ang hayag na dahilan ng pagbisita ni Obama ay makikita sa dalawang kasunduan: ang Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA) at ang “Enhanced Defense Cooperation Agreement” (EDCA).

Ang kasuduang TPPA, sa pagitan ng Estados Unidos at labing-isang (11) bansa sa rehiyong Pasipiko, ay direktang nagsusulong sa pang-ekonomikong interes ng mga Amerikanong korporasyon. Layon nitong palawigin ang mga medicine patents, palakasin ang intellectual property rights ng kanilang mga korporasyon, baklasin ang mga patakaran nagbibigay proteksyon sa mga pambansang ekonomya, pagpapahintulot sa korporasyon na kasuhan ang mga gobyerno sa rehiyon at labagin ang mga batas ukol sa kalikasan at sa paggawa.

Sa bilateral na kasuduang EDCA, kahit ibinasura ng Senado ang "bases treaty" noong 1991, patagong manunumbalik ang mga base- militar ng Estados Unidos sa bansa sa pagpapahalintulot na magtayo sila ng sarili't ekslusibong mga pasilidad sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Alinsunod ito sa kanilang pangkalahatang plano ng "rebalancing" (dating tinawag na "pivot") sa Asya upang mapalibutan ng hukbo ng Estados Unidos ang kanilang mga potensyal na kakumpetensya, gaya ng Tsina. Anim sa bawat sampung barkong pandigma ang plano nilang ilipat sa Asya, kasama ang pagdedeploy ng mga "rotational troops" sa naturang rehiyon at ang pagtatayo ng bagong base sa Japan, South Korea at Guam. Ang tropang Amerikano sa loob ng Australia ay nasa 1,150 ngayong taon at tataas nang 2,500 sa 2016.

Kiskisin ang mga pabalat-bunga ng mga tratadong TPPA at EDCA at makikita ang nakatagong motibo sa pag-iikot ni Obama sa rehiyong Pasipiko: ang "rekolonyalisasyon" ng mga ekonomya ng iba't ibang bansa!

Depensahan ang Uri, Proteksyunan ang Bayan

Ibinabandera ng TPPA ang panawagang "free market". Lipas na daw ang patakaran ng "proteksyonismo". Alisin daw ang mga nalalabing mga restriksyong ibinabakod ng mga bansa sa pagpasok at paglabas ng kapital at kalakal. Palitan ang mga batas na naglalayong proteksyunan ang pambansang interes. Tanggalin ang mga batas na nagkokontrol sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan. Sa ganitong layunin, isinusulong ng ilang pulitiko (gaya ni Speaker Belmonte) ang Charter Change.

Ang "free market" sa panahon ng mga monopolyo ay "malayang pandarambong" ng dayuhang kapital sa ekonomya ng Pilipinas. Dito masusubukan ang patriyotismo ng iba't ibang uri at sektor ng lipunang Pilipino. Ang BMP ay handang makipagkabit-bisig sa mga pwersang magtatanggol sa ating bayan laban sa panananalakay ng dayuhang kalakal at kapital.

Maaring bigkisin ang komon na interes ang uring manggagawa at makabayang mga negosyante para sa proteksyon ng pambansang ekonomya't soberanya ng bansa. Gayundin, may oportunidad ding mabigkis ang interes ng mga mamamayan sa rehiyong ASEAN laban sa dayuhang monopolyo-kapital, na kinaluna'y maaring tumulad sa Community of Latin American and Caribbean States (CELAC).

Subalit, habang hindi magdadalawang-isip ang BMP na suportahan ang anumang "kilusang bayan", bibigyan namin ng prayoridad ang pagsusulong sa independyenteng "makauring kilusan" ng manggagawa.

Sapagkat matagal nang dinedelubyo ang mga karapatan at ang kagalingan ng manggagawang Pilipino, bunga ng Neoliberal na mga patakarang pang-ekonomya (na tulad ng TPPA ay nagtataguyod ng "malayang kalakalan"). At dahil din may buobuong mga sektor na magiging kakampi ng manggagawa sa "linyang makabayan", ngunit - sa pagsusulong ng interes ng aming uri - wala kaming maaasahan kundi ang aming mga sarili.

Upang depensahan ang uring manggagawa, dapat baguhin ang Labor Code alinsunod sa rekognisyon sa paggawa ng 1987 Constitution bilang "primary socio economic force" at sa pagbibigay ng "full proteksyon to labor". Ilan sa mga amyendang ipinapanukala ng BMP ay ang pagsasabatas ng living wage, pagbabawal sa kontraktwalisasyon ng "usually necessary and desirable" work, pagluluwag sa mga rekisito't proseso sa pag-uunyon, pagkukulong sa abusadong kapitalista, 36-hour workweek na may 50% OT premium at paglilimita ng obertaym sa apat na oras, atbp.

Sa pagmamartsa ng libo-libong nakapulang manggagawa ngayong Mayo Uno, hangad ng BMP na tumatak sa malapad na kilusang unyon ang "Labor Legislative Agenda". At mula sa susunod na State of the Nation (SONA 2014) hanggang 2016, ilalaban namin - sa Kongreso at lansangan - ang adyendang ito bilang mga detalyado at kongkretong mga panukalang batas.#




Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Martes, Abril 22, 2014

Ang Guro at ang Araw ng Paggawa - ni Ramon B. Miranda


Ang Guro at ang Araw ng Paggawa
ni Ramon B. Miranda

Mayo Uno – Ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa buong mundo. Sa tuwing sasapit ang araw na ito, milyun-milyong manggagawa sa buong daigdig ang naglulunsad ng mga iba't ibang aktibidades upang ipagdiwang ang araw na ito. Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng rali, kilos-protesta, dayalog at marami pang iba.

Bakit nga ba ipinagdiriwang ang araw na ito? Ayon sa pananaliksik ng mga eksperto sa paggawa, ginugunita sa araw na ito ang mga sakripisyo ng mga martir na manggagawang namatay sa Haymarket Square sa Chicago nang magsagawa sila ng isang sama-samang pagkilos noong Mayo 1886 para ipaglaban ang pagsasabatas ng walong oras na paggawa. 

Naging inspirasyon ng mga manggagawa sa buong daigdig ang pagkilos na iyon upang mapababa sa walo ang oras paggawa na dati-rati’y umaabot ng labingdalawa (12) o mahigit pa noong nakaraang mga panahon. 

Dito sa Pilipinas, pinangunahan ng Union Obrera Democratica de Filipinas ang unang pagdiriwang ng Mayo Uno na nilahukan ng 100,000 manggagawang Pilipino mula sa iba’t ibang pagawaan.

Sa ating mga kaguruan, nararapat din bang makiisa tayo sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa? Maraming mga guro ang nagsasabing hindi naman daw sila manggagawa, bakit sila makikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa? Ayon pa sa kanila, may sariling laban ang guro na kaiba sa laban ng mga manggagawa. Ilan lamang ito sa mga kadahilanan kung bakit ang ilang mga guro ay napakakunat ng paglahok sa pakikibaka ng uring manggagawa.

Bilang mga guro, nararapat lamang tayong lumahok sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sapagkat tayong mga guro ay nabibilang din sa uring manggagawa. Bilang paglilinaw, ang mga manggagawa ay walang pribadong pag-aari sa kasangkapan sa produksyon upang makalikha ng iba’t ibang produkto na kailangan niya at ng sangkatauhan. Wala siyang pag-aari kundi ang kanyang sariling lakas na ibinebenta upang magtrabaho sa mga nagkalat na pagawaan. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang pag-aaring lakas-paggawa, binibigyan naman siya ng kapitalista ng bayad na kung tawagin ay sahod na siyang ginagamit niya sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan upang mabuhay.  

Katulad ng mga manggagawa, ang mga guro ay walang pribadong pag-aari tulad ng paaralan o iba't ibang institusyon na may kinalaman sa edukasyon. Ang tanging pag-aari natin ay ang ating kaalaman sa pagtururo upang humubog ng mga mag-aaral para maging mabuting mamamayan sa hinaharap. Ang kaalamang ito ang ating ibinibenta sa mga naglipanang may-ari ng mga paaralan o pamantasan sa ating bansa. Ang tanging hinihingi nating kapalit sa pagbebenta ng kaalaman ay ang tinatawag na sahod. Ano ngayon ang kaibahan natin sa manggagawa? Hindi ba’t kabilang din tayo sa uring manggagawa?

Ang mga manggagawa at mga guro ay nagpapagod at nagpapawis upang mabuhay bilang tao. Kung ikaw ay may-ari ng isang pagawaan, hindi ka na manggagawa, ang tawag na sa iyo ay kapitalista. Kung ikaw ay isang guro na nagmamay-ari ng isang paaralan o pamantasan, ang tawag rin sa iyo ay kapitalista. Maaring mabibilang lang sa daliri ang mga kapitalisang edukador na nagtuturo sa paaralan o pamantasan sa dahilang ang tanging layunin ng kapitalista ay paghahangad na lumaki ang kanyang tubo. 

Ngunit lagi’t lagi nating tatandaan, “Mawawala ang kapitalista pero ang manggagawa kailanma’y hindi mawawala. Mawawala ang mga kapitalistang edukador ngunit ang mga guro ay mananatili.”

Tayong mga guro ay may kaparehong laban sa katulad nang nangyayari sa hanay ng mga manggagawa. Kung inyong matatandaan, naipanalo nating mga guro ang laban sa 6 Hours Teaching Load na dati-rati’y umaabot sa 8 oras at umaabot pa ng 12 hanggang 16 na oras, lalo na ang mga nagtuturo sa mga probinsiya. Manipestasyon lamang ito na hindi tayo hiwalay sa laban ng manggagawa dahil aminin man natin o hindi, tayo ay nabibilang sa “Uring Manggagawa”.

* Si Ginoong Ramon B. Miranda ay guro, makata at manunulat. Siya ay guro sa Arellano High School sa Doroteo Jose St., sa Sta. Cruz, Maynila. Isa rin siya sa mga opisyal ng pambansang grupong Teachers Dignity Coalition (TDC), at isa sa mga haligi ng AtingGuro Partylist.

Huwebes, Abril 17, 2014

Forum ng manggagawa hinggil sa ASEAN Economic Integration, inilunsad sa Marikina

Inilunsad ng WFTU - Phils (World Federation of Trade Unions - Philippine chapter) ang isang napakahalagang pulong-talakayan (forum) hinggil sa ASEAN Economic Integration (AEI) na ginanap sa Shoe Hall ng Marikina City Hall nitong Abril 15, 2014, araw ng Martes, mula ika-3:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi. Ang mga pangunahing tagapagsalita ay sina Ka Sonny Melencio, pangulo ng Partido Lakas ng Masa (PLM), at Ka Rasti Delizo ng Sanlakas. Ang tagapagpadaloy naman ng nasabing pulong-talakayan ay si Ka Leody de Guzman ng BMP. Dumalo rito ang mga kinatawan ng iba't ibang grupong kasapi ng WFTU sa Pilipinas, tulad ng BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino), Katipunan, NATU (National Alliance of Trade Unions), TUPAS (Trade Unions of the Philippines and Allied Services), Socialista, KASAMA, KUA (Kilusan ng Uring Anakpawis), Proletaryong Rebolusyonaryong Kilusan (PRK), at Cavite Group.

Nagbigay naman ng kanilang reaksyon o pananaw sina Ka Egay Bilayon ng PNR at pangulo rin ng ICLS (International Center for Labor Solidarity), Ka Raul ng Katipunan, Ka Danny ng PRK, Ka Blessy ng Socialista, Ka Josie ng PM, Ka Larry de Guzman ng Kasama-NCR, Ka Gerry Puyat ng KUA, at Ka Rodel Atienza ng BMP. Nagbigay naman ng mga makabagbag-damdaming awiting manggagawa ang grupong ChopSuey sa pangunguna nina Josie sa pag-awit at Ojie Tan sa pagtugtog ng gitara. Ang nag-isponsor naman ng meryenda ng mga dumalo ay ang Marikina Workers Affairs Office.

(Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.)

 

Miyerkules, Abril 9, 2014

Rali laban sa ChaCha ni Belmonte sa Mabuhay Rotunda

Abril 9, 2014 - Kasabay sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nakiisa ang BMP at PLM sa panawagan ng iba't ibang grupo laban sa ChaCha ni Belmonte sa Mabuhay (Welcome) Rotunda. 








Miyerkules, Abril 2, 2014

Proposal for a 36-hour workweek

===================================================================
PROPOSAL:
For a 36-HOUR WORKWEEK (six-hour working day, 6 days a week), with no loss in pay, to enable the Constitutional provision for "full employment"[1],
Increase the overtime premium to 60%.
Set the maximum allowable overtime work to four hours.
===================================================================

A. Socio-Historical Basis

1. The reduction of working hours in a day through legislation is one of the landmark victories of the international working class movement. The rationale behind it is to ensure that labor achieve a "work/life balance" while maintaining their productivity as our "primary social economic force"[2].

It also ensures the "equality of employment opportunities for all"[3], even with the lessening demand for labor due to the continuous and inevitable improvements to machinery and equipment, by reducing the workload of overworked employees in order to provide jobs for the unemployed and underemployed.

2. Upon entry at the factory gates and company premises, workers surrender their freedom and choice to their employers. They are bound by contract to perform their tasks. Labor becomes a mere appendage to capitalist production and company procedures.

When can workers exercise full control over their actions? Outside the company premises. If workers are forced to go on overtime, i.e., they willingly do so by choice in order to augment their meager income, they are reducing time to be spent as free and empowered human beings.

To demonstrate the concept of "work/life balance": if workers toil for twelve (12) hours every day and sleep eight (8) hours to rest and recuperate, they only have four (4) hours per day to freely and willfully use to enjoy life, to pursue their dreams, to enjoy quality time with their family or to contribute to society.

With the development of machines and other tools for the production and distribution of necessities, the historical direction of the working-day should be its gradual reduction in order to unleash the potential of workers and of humanity, in general.

3. Before government regulation to the working-day at the height of the Industrial Revolution, the regular daily working hours ranged from 12 to 16 hours a day. The heavy toil soon took its toll on workers' health, with death and disability becoming a common occurrence at workplaces.

Governments in Europe imposed a fixed standard to the working-day - conceding not out of pity nor agreement to the demands of the labor movement but more so in recognition to dwindling productivity brought by longer working hours. After all, the repository of labor-power, which the worker sells in exchange for wages, is no other than the human body. Just like the accelerated use of a machine, to wear down workers in long work-shifts simply means to hasten the depreciation of this dear commodity that the employers buy to consume in the production process.

One of the first labor standards to the working day was the Factory Act of 1847 (also known as the Ten Hour Act), which was imposed on women and child labor[4]. French workers attained the 12-hour day during the 1848 Europe-wide democratic revolutions.

But it was not a communist radical but a factory owner and one of founders of the cooperative movement who formulated the goal of eight-hour day in 1810. Robert Owen coined the slogan: "Eight hours labor, Eight hours recreation, Eight hours rest". The demand soon launched a global movement for the eight-hour day, whose history is intertwined with the celebration of Labor Day during May First.

It took a more than a century of struggles before the "8-hour working day" became an universally-recognized labor standard. In 1919, the general standard for 48 regular hours of work per week with a maximum of eight hours per day was set for workers in industry by the International Labor Organization (ILO)[5]. In 1930, the same standard was set for workers in commerce and offices[6]. It took two decades more before these agreements were ratified by almost all members in the community of nations. In the 1945 ILO convention, the forty-hour week was ratified by 15 countries (Philippines, not included)[7].

4. In the Philippines, the "Eight-Hour Law" was approved in 1939 through Commonwealth Act 444, almost four decades after it was campaign by the country's first union - the Union Obrera Democratica (UOD) in 1902.

Existing laws on normal hours of work per day is at eight hours, in accordance with the "eight-hour working day"[8]. The Labor Code is not explicit on the normal workweek. It, however, sets a rest period of twenty-four (24 hours) every six (6) consecutive working days[9].

Hence, it could be deduced that the legally-implied normal workweek in the country is at 48 hours (8 hours x 6 days). The Philippine standard for a 48-hour workweek is pre-war relic. It is terribly outdated, as compared to[10]:

a) France, 35-hour week (February 2000);
b) China, 40-hour week (1995);
c) South Korea, 40-hour 5-day work-week (covered all workers in July 2011);
d) Australia, 38-hour week;
e) Finland and Japan, 8 hours per day, 40-hour week;
f) Singapore, 8 hours per day, 44 hours a week;
g) Taiwan, 8 hours a day, 42 hour-week and,
h) United States, 40-hour week.

In other countries, limitations to maximum allowable overtime work are set, ranging from 4 hours per day (Malaysia, South Korea, Taiwan) to 220 hours per year or 18 1/3 hours per month (France)[11]. Sadly, because the Philippines has no legislation to limit overtime work, 16-hour to 24-hour work-shifts are prevalent among workers in transport and manufacturing sectors.

With regards to overtime pay, the Labor Code sets an additional pay of 25% for work in excess of the 8-hour working day. This rate is lagging behind the 50% overtime premium in most countries[12].

B. Economic Basis

1. The argument for a reduced workweek is not only based on socio-historical facts and trends but on macro-economic data from government statistical agencies regarding underemployment, hours worked per week and unemployment.

According to the Bureau of Labor and Employment Statistics of the Department of Labor and Employment (BLES-DOLE), there was a yearly average of 37.192 million, 37.6 million, and 37.917 million employed persons from 2011 to 2013[13].

Out of the employed, a total of 13.448 million (2011), 13.925 million (2012) and 13.215 million (2013) worked less than 40 hours/week. As per DOLE and ILO categories, they are considered as visibly underemployed and involved in part-time employment. This figure translates to 34.85% to 37.03% of total employed persons who are underworked. Meaning, roughly four out of ten employed workers do not have enough work.

In contrast, there was a yearly average of 8.081 million and 8.461 million workers who worked more than 49 hours a week in 2011 and 2012, respectively, which translates to 21.72% and 22.50% of the total employed who are overworked[14]. Almost three out of ten employed workers are overworked. But while forced overtime is illegal, workers "choose" to go on overtime to augment their meager income through an added 25% premium for work performed in excess of eight hours.

The undeniable fact that the above-mentioned data shows is that the underemployed mass are wasted by lack of employment while the fully-employed few are overworked.

2. Reducing the workweek to 36 hours would generate gainful employment. To illustrate, a company that employs 1,200 workers in three 8-hour work-shifts per day would shift to four 6-hour shifts; readily employing 400 more workers from the ranks of the unemployed and underemployed.

On a macro-level, the BLES-DOLE data shows that there are 24.28 million workers who worked more than 40 hours a week in 2013[15].

If we reduce the workweek to 36 hours with a maximum allowable overtime work of four fours – and assuming that all gainfully employed workers go on overtime – we would still have 24.28 million jobs available for the underemployed and unemployed.

In a single stroke, we have provided a legal solution to unemployment as we have an average of 2.826 million unemployed workers in 2012[16], with more jobs to spare for the underemployed. With the creation of more employment opportunities, the unemployed and underemployed would be enticed to seek training for qualify for jobs. #



[1] 1987 Philippine Constitution, Article 13, Section 3
[2] Ibid, Article 2, Section 17
[3] Ibid, Article 13, Section 3
[4] http://en.wikipedia.org/wiki/Factories_Act_1847
[5] International Labor Organization (ILO), Hours of Hour (Industry) Convention, 1919 (No.1)
[6] ILO Hours of Work (Commerce and Offices) Convention, 1930, (No. 30)
[7] ILO Forty-Hour Week Convention, 1935 (No. 47)
[8] Article 83, Labor Code of the Philippines
[9] Article 91, ibid
[10] Fact Sheet on Standard Working Hours in Selected Places, Hong Kong Legislative Council Secretariat
[11] Ibid
[12] Ibid
[13] BLES-DOLE Labor Force Survey, Employed Persons by Number of Hours Worked Per Week: 2011 - 2013
[14] Ibid
[15] Ibid
[16] BLES-DOLE Labor Force Survey, Unemployed Persons and Unemployment Rate: 1987 - 2012

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga Tagasubaybay

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996