Ang aming pagsusuri at paninindigan sa 10/4 o Compress Work Week
Bago kami maglinaw ng aming pagsusuri at paninindigan ay nais muna naming maghapag ng ilang katanungan na maaaring maging giya sa aming pagsusuri.
Una; Sa 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week o Compress work week ba ay tataas ang arawang/lingguhan/buwanang kita ng mga manggagawa?
Sosyalisadong Paggawa at Pribadong pag-aari sa bunga ng paggawa: Inabot na natin ang prosperidad ng kaunlaran sa mga kagamitan sa produksyon at teknolohiya bumilis na ang paglikha ng produksyon at mga produktong pang konsumo ng mga tao sa lipunan. Sobra-sobra na ang nalilikhang yaman, ngunit nagugutom at salat sa pangangailangan ang mayorya ng populasyon ng lipunan. Una; Hindi ba’t magkatuwang ang paggawa at puhunan sa progreso at kaunlaran? Bakit ang manggagawa ay nagdarahop? Sa kabilang banda nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay ang mga kapitalista. Ikalawa; Hindi ba dapat na sa pag-unlad ng mga kagamitan sa produksyon ay kasabay na aalwan ang paggawa at buhay ng mga manggagawa? Ikatlo; Ang kasaysayan ng relasyon sa paggawa at puhunan ay nagsimula sa 14-16 na oras na paggawa sa isang araw, nagkaisa ang mga ninuno nating manggagawa na hilingin sa mga kapitalista at gobyerno nito na, paiksiin ang oras paggawa at palakihin ang kabayaran sa lakas paggawa na siyang tinatamasa natin ngayong 8 hours work a day / 6 days work a week. Ika-apat; Bakit tila bumabalik tayo sa primitibong kaayusan, sa kabila na inabot na natin ang sibilisasyon at prosperidad ng ating lipunan?
Ang aming pagsusuri at paninindigan sa panukalang 10/4 o Compress Work Week.
- Ang panukalang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week ay maaaring may mabuting intensyon para humaba ang pahinga ng mga manggagawa kumpara sa kasalukyang batas paggawa na 8 hours work a day at 6 days work a week. Dahil, mula 48 hours a week na trabaho ay magiging 40 hours a week na lamang sa mga private sector. Pero sa kabilang banda, mawawalan ng P298.00-P426.00 per week na sahod ang manggagawa. Dahil sa No Work, No Pay Policy/Law. Wala namang epekto ito sa mga public sector dahil dati ng 40 hours lamang ang trabaho nila sa loob ng isang linggo. Dagdag pa, sa 10 hours work a day, mababatak ng husto ang lakas paggawa, hihina ang produktibidad ng manggagawa at bulnerable na magkasakit. Dahil ayon sa DOLE time motion study, kapag pinagtrabaho ng labis sa walong oras ang isang manggagawa ay bumabagsak na ang produktibidad nito.
- Ang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week o compress work week ay hindi makakalikha ng panibagong empleyo, sa halip maaaring magdulot ito ng pagbabawas ng empleyado o magresulta ng tanggalan sa trabaho. Dahil mula sa kalakaran sa ngayon na tatlong shifts ang pasok, malamang na maging dalawang shifts na lamang. Posibleng magresulta ito ng pagdami ng walang hanapbuhay, pagtumal sa mga pamilihan, pagbagal ng inog sa ating ekonomiya.
- Ang 10/4: 10 hours work a day at 4 days work a week ay totoong may tatlong araw na pahinga ang mga manggagawa sa bawat isang linggo. Pero ang tatlong araw na pahinga ay hindi magiging produktibo sa kanila, hindi rin ito magaganit na oras para sa dagdag na kita ng mga manggagawa. Dahil bihira ang trabahong available na tatlong araw sa bawat linggo. Hindi din makakatipid ang manggagawa sa tatlong araw, maaring lumaki pa nga ang gastos, dahil kung mamamasyal, mag-aaral (re-tooling training) mas malaki ang gagastusin kaysa pamasahe at baon niya papunta sa pabrika/opisina.
Ang aming Panukala kung babaguhin lamang din ang kasalukuyang batas paggawa sa regular na oras paggawa na 8/6 ay gawing 6/6!
- Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Makakalikha ito ng 25% bagong empleyo. Dahil mula sa 3 shift rotation ng paggawa sa loob ng 24 oras ay maaaring gawing 4 shift sa loob ng 24 oras na paggawa sa loob ng isang araw. Sa ganitong iskema o pormula ay obligadong magkaroon ng 25% bagong empleyo para sa pang-apat na shift na paggawa sa loob ng 24 oras na paggawa araw-araw.
- Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Magiging highly productive ang mga manggagawa araw-araw. Dahil ayon sa time motion study ng paggawa, kapag lumabis na sa walong oras na paggawa ang isang manggagawa o pinagtrabaho pa ng labis sa walong oras ay bumabagsak na ang kanyang produktibidad sa paggawa.
- Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Segurado at garantisado ang arawang kita/income ng mga manggagawa. Hahaba din ang kanyang pahinga sa loob ng isang linggo. Kumpara sa 10/4 na may tatlong araw ka ngang pahinga, pero hindi ka naman tiyak na magagamit ang mga oras na ito para sa dagdag pang kita sa loob ng isang linggo. Dahil kulang nga tayo sa empleyo.
- Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Tataas ang kita/sahod ng mga manggagawa ng halagang P558.72-P756.00 per week. Katumbas ito ng 12 oras na sahod paggawa. Tuloy-tuloy ang paglikha ng mga produkto, regular ang empleyo, laging may pera ang mga manggagawa, sisigla ang pamilihan, bibilis ang pag-inog ng ekonomiya, may domino effect pa para sa panibagong kabuhayan ng ating mga kababayan. Halimbawa. Sari-sari store magiging mabenta, Tricycle driver dadami ang mananakay, bahay paupahan dadami ang mag-uupa. Bakit? Dahil sa may regular na empleyo, sahod at pera ang mga manggagawa.
- Sa 6/6 = 6 hrs work a day/6 days work a week: Magkakaroon din ng mahabang panahon o oras ang mga manggagawa. Na maaari ding gugulin sa learning session, skills training, re-tooling, hobby and leisure, kahit sa union organizing/activities, na hindi nasasakripisyo o nanganganib ang arawang kita ng mga manggagawa.
Ang kasalukuyang batas paggawa sa regular na oras paggawa na 8/6, panukalang 10/4 at alternatiba naming panukalang pagbabago sa regular na oras paggawa na 6/6!
Three shift (8/6) Two shift (10/4) Four shift (6/6)
6am to 2pm 6am to 5pm 6am to 12nn
2pm to 10pm 5pm to 3am 12nn to 6pm
10pm to 6am 3am to 6am 6pm to 12mn
6 days/48 hours work/week 4 days/40 hours work. 12mn to 6am
6 days/36 hours work/week
Minimum na sahod/kita ng mga manggagawa:
P298.00 - P426.00 NCR P298.00 - P426.00 NCR P298.00 - P426.00 NCR
Mawawalang kita ng bawat manggagawa: P298.00 - P426.00 /Week WALANG MAWAWALA
Dagdag na kita ng bawat Manggagawa: WALA /NAWALAN PA! P558.72-P756.00 per week
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento