Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Huwebes, Mayo 22, 2014

Ka Popoy Lagman, binigyang-pugay sa ika-4 na Kongreso ng NCL

KA POPOY LAGMAN, BINIGYANG-PUGAY SA IKA-4 NA KONGRESO NG NCL

Pinagpugayan sa ika-4 na Kongreso ng National Confederation of Labor (NCL) si Filemon "Ka Popoy" Lagman (Marso 17, 1953 - Pebrero 6, 2001), dating pangulo ng sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ito'y ginanap nitong Mayo 22, 2014 sa Magsaysay Hall ng SSS Bldg., sa East Avenue, Lungsod Quezon. Ang tema ng kongreso ng NCL ay "Sosyalistang Lipunan, Sagot sa Kahirapan".

Isa si Ka Popoy Lagman sa mga tagapagtatag ng NCL. Ang plaque ay tinanggap ni Ka Ronnie Luna, bise-presidente ng BMP. Pito pang magigiting na lider-manggagawa, kabilang ang tatlong abogado, na pawang tagapagtatag din ng NCL, ang nakatanggap ng plake ng pagkilala. At ito'y sina Atty. Ibarra Malonzo, Atty. Benjamin Alar, Atty. Gaston Taquio, Ka Dominador "Domeng" Mamangon, Ka Zosimo Carullo, Ka Rey Capa at Ka Angelito "Lolo" Mendoza.

Nauna rito'y nagbigay ng mensahe ng pakikiisa ang iba't ibang grupo ng paggawa, kabilang ang BMP, sa pamamagitan ng mainit na talumpati ni Ka Ronnie Luna, sa kongreso ng NCL.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Tinanggap ni Ka Ronnie Luna ang plake ng pagkilala kay Ka Popoy Lagman mula kina Atty. Arellano, pangulo ng NCL, at Glecy Naquita ng grupong Socialista at head ng secretariat ng NCL.
Nagbigay ng mensahe ng pakikiisa ang BMP, sa pamamagitan ni Ka Ronnie Luna, sa ika-4 na Kongreso ng NCL.
Naka-flash sa white board ang tema ng ika-4 na Kongreso ng NCL na "Sosyalistang Lipunan, Sagot sa Kahirapan"habang nagtatalumpati si Ka Ronnie Luna ng BMP.
Bahagi ito ng unang pahina ng 3-pahinang programa ng ika-4 na Kongreso ng NCL.
Bahagi ito ng ikalawang pahina ng 3-pahinang programa ng ika-4 na Kongreso ng NCL.

Lunes, Mayo 12, 2014

Prof. Apo Chua, pinarangalan ng BMP at Teatro Pabrika

Si Prof. Apo Chua nang kanyang tinanggap ang plake ng pagkilala, habang nakatingin sina Ka Leody de Guzman, pangulo ng BMP, at Evelyn Jimena, na siyang tumatayong OIC ng Teatro Pabrika.




Pinarangalan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Teatro Pabrika si Prof. Apolonio Bayani Chua sa dalawang araw na pagsasama-sama ng grupong Teatro Pabrika sa Paradise Resort sa Gen. Trias, Cavite, noong Mayo 10-11, 2014.

Ang nasabing aktibidad ay may temang: "Pagtatayo ng Kanlungan: Ang Teatro Pabrika sa Pamayanang Global". Ang Teatro Pabrika ang haliging pangkultura ng BMP.

Si Prof. Chua ay guro sa College of Arts and Letters sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, QC at pangkalahatang tagapayo ng Teatro Pabrika. Nakapagsulat na rin si Prof. Chua ng aklat na pinamagatang "Simulain: Dulambayan ng Manggagawa sa Konteksto ng Militanteng Kilusang Unyonismo" na may mahigit 300 pahina. Nabigyan ito ng Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino 2010 mula sa UP Office of the Vice President for Academic Affairs.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Binabasa ni Ka Leody de Guzman ng BMP ang nilalaman ng plake, habang nakikinig si Prof. Chua, at ang mga kasapi ng Teatro Pabrika.
Si Prof. Chua habang nagtatalumpati.
Pag-awit ng Teatro Pabrika, habang naggigitara si Allison "Ariel" Opaon, na matagal na nanirahan sa Japan, at ngayon ay nasa bansa.

Narito ang nilalaman ng plake:

Katibayan ng Pagkilala

kay

APOLONIO BAYANI CHUA

Para sa kanyang mga natatanging ambag sa larangan ng kultura, panitikan at dulaang Filipino na ibinunga ng kaniyang pagiging mahusay at matapat na guro, iskolar, mandudula, at manggagawang pangkultura;

Sa kaniyang masigasig na pagtatampok sa mga gawaing pandulaan ng mga manggagawang Filipino hindi lamang sa larangan ng dulaan kundi maging sa akademya;

Sa kaniyang masinop na pagsusuri sa estetika ng dulaan ng mga manggagawa at maingat na paglulugar nito sa konteksto ng unyonismo at ng mas malawak na lipunan;

Sa kaniyang walang kapagurang pagsubaybay at pagtangkilik sa mga gawain at pagkilos ng Teatro Pabrika;

Sa kaniyang tapat na malasakit sa Teatro Pabrika at sa mga kasapi nito hindi lang bilang mandudula kundi bilang kasamang manggagawang pangkultura at kaibigan.

Iginagawad ang katibayan ng pagkilalang ito ngayong ika 10-11 ng Mayo taong 2014 sa Paradise Resort, Gen. Trias, Cavite.

Nilagdaan:  

Evelyn Tila Jimena
OIC
Teatro Pabrika

Ka Leody de Guzman
Pangulo
Bukluran ng Manggagawang Pilipino

Biyernes, Mayo 2, 2014

Ang BMP sa Araw ng Paggawa 2014

May 1, 2014 - Kaarawan ng uring manggagawa sa buong daigdig. Isa ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang sa makasaysayang tulay ng Mendiola upang ipahayag ang prinsipyado at militanteng tinig at paninindigan ng uring manggagawa. Ipinahayag nilang wala pa ring pagbabago sa lipunan hangga't naghahari lamang sa lipunan ay ang iilang nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon. Nais ng BMP na patuloy na magkaisa ang mga manggagawa, mamulat sa kalagayan ng lipunan, at gampanan ng uring manggagawa ang kanilang rebolusyonaryong papel upang itayo ang isang lipunang makatao, lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, kinikilala't iginagalang ang pagkatao at dangal ng bawat tao, at magaganap lamang iyon kung maitatayo ang sariling lipunan ng uring manggagawa - ang sosyalismo.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Mula Calabarzon hanggang Maynila, nakiisa ang BMP-ST sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa

Mayo 1, 2014 - Mula pa sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ay sumama sa pagkilos ng libu-libong manggagawa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola ang balangay (chapter) ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Southern Tagalog (BMP-ST). Kasama nilang pinapula ang kalsada ng Maynila upang ipakita ang prinsipyado at militanteng paninindigan ng uring manggagawa para sa isang lipunang makatao, may pagkakapantay-pantay, at walang pagsasamantala ng tao sa tao.

Ang pangulo ng BMP-ST ay si Ka Domeng Mole.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996