Press Release
28 July 2014
Contact person
Leody de Guzman
0920-5200672
Gie Relova
0915-2862555
Bukluran ng
Manggagawang Pilipino
Para sa mga
manggagawa, ito na ang “huling SONA ni Noynoy, na tinawag nilang SONA-ngaling
LIBU-LIBONG
karaniwang Pilipino ang nagmartsa patungo sa tila kuta nang Batasang Pambansa
upang kontrahin ang tinatawag ng mga militanteng “huling” State of the Nation
Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang taon bago matapos ang
kanyang termino.
Pagpapatalsik kay Aquino
“Tahasan naming idineklara ngayon na sa sapilitan, ito na ang huling SONA ni Aquino. Sawa na kami sa mga iyon at iyon ding kasinungalingan, pagtataas ng bangkong deklamasyon at ang kanilang gasgas nang pakulo upang isalba lamang ang bulok na sistema pati na ang pamana ng kanyang mga magulang,” ayon kay Leody de Guzman, pambansang pangulo ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
Idinagdag pa niya,
“tulad ng mayorya ng ating mga kababayan, wala nang anupamang dahilang nalalabi
pa sa atin upang umatras at naisin pang maging katotohanan ang Daang Matuwid ni
Noynoy sa susunod pang dalawang taon. Tunay ngang ang nakalipas na apat na taon
ay hindi pa sapat upang mapawi ang lahat ng sakit ng lipunan, ngunit kayhirap
nang tiisin ang lalo pang lumubha naming kalagayan.”
Sinabi pa ng nasabing
lider-manggagawa na mula nang maupo sa pwesto, nilegalisa ni Aquino ang
kontraktwalisasyon, dinoble ang kontribusyon ng manggagawa sa Social Security System
at Philhealth, pinababa ang sahod sa mga bayan-bayan, itinanggi ang tax breaks
sa mga empleyado ng gobyerno at pribado at hindi nakiisa sa panig ng mga
manggagawa habang may labor disputes kahit na tahasan na ang mga paglabag ng
mga ganid na kapitalista.
Sa kanilang rali,
dinala ng mga manggagawa ang isang higanteng dilaw na krus na yari sa kahoy na
sumisimbolo sa pinapasan nilang hirap sa araw-araw sa ilalim ng mga polisiyang
laban sa maralita ng administrasyong Aquino.
“Sa pinakasimple, ang
pagpapatalsik kay Noynoy ang nalalabing paraan para sa mga masisigasig na
manggagawa na takasan ang rehimeng Aquinong tiwali at mandaraya. Ang pwersahang
pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ay dapat tumungo sa pagtatatag ng isang
pamahalaang kinatatangian ng buong partisipasyong ng masa sa lahat ng antas ng
gobyerno upang matiyak na ito’y tunay na nagsisilbi sa masa,” dagdag pa ni de
Guzman.
Ang BMP pati na ang
mga kaalyado nitong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod, Sanlakas at
Partido Lakas ng Masa ay nananawagan ng pagpapatalsik kay Aquino isang lingo
matapos na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng
Disbursement Acceleration Program (DAP) ng kanyang administrasyon.
DAP: Pansamantalang Ganansya sa Ekonomya
Sa pagpapaliwanag sa
nilalaman ng pahayag ni Aquino sa Kongreso at sa mga dayuhang dignitaryo,
sinabi pa ng lider-manggagawa na ang inaakalang ganansya sa ekonomya ng Punong
Ehekutibo at ng kanyang grupong pang-ekonomya na ipinagyayabang niya noon pang
isang taon ay artipisyal at isang bula na maaaring pumutok sa kanilang
pagmumukha habang tumitindi ang klimang pulitikal.
“Ang lahat ng
kabulastugang ito na ang Pilipinas ang “may pinakamataas na growth rate sa
rehiyon” ay ipinakikita bilang “susunod na tigreng ekonomya sa kabila ng mga
kalamidad” ay isang tunay ngang kalapastanganan. Ang tiyempo ng sinasabing
ganansya sa ekonomya ay sumabay sa panahong pinairal na nina Aquino at Abad ang
kanilang illegal na mekanismo ng paggasta. Sa katunayan, nagrereklamo ang mga
imbestor sa gobyerno ng underspending at labis na ingat sa kanyang unang
labingwalong buwan”, paliwanag pa ni De Guzman.
“Ang konsepto ng DAP
ay isinilang bilang reaksyon sa gayong mga kritisismo. Ngayong wala na ang DAP,
ang tiyak ay hindi na masusustena ng administrasyon ang kanyang antas ng
pag-unlad,” hula pa niya.
Hinala pa ng
lider-manggagawa, “ang pinakamatagumpay na resulta ng DAP na naganap ay hindi
ang pagkakaroon ng mga investments at trabaho kundi ang mapakalawak na
disimpormasyon ng isang malusog na ekonomya ng bansa. Kahit na may DAP,
nakapagtipon pa ang mga mayayaman ng laksa-laksang tubo habang ang mga
mahihirap ay patuloy na nagugutom.”
Ipinagdiinan pa ni De
Guzman na, “ang tunay na dahilan ng kumpanysa ng mga dayuhang imbestor sa
panahon ni Aquino ay ang kanyang matinding pagpapatupad ng polisiya ng murang
paggawa, kontraktwalisasyon, at ang pagdurog sa nalalabi pang karapatan sa
paggawa na ginagarantiyahan ng ating konstitusyon.