Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Pebrero 28, 2018

Manggagawa, Walang Kompromiso sa Laban sa Kontraktwalisasyon!


Pahayag ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Miyerkules, Pebrero 28, 2018

Mula pa nang umpisang nahalal si Pangulong Rodrigo Duterte, batid namin na hangga’t kasangkot ang kinatawan ng malalaking kapitalista sa kanyang gobyerno, hinding hindi niya maitutupad ang pangako niya sa manggagawa’t masa. Ang malala pa, simula’t sapul pa lang tahasan na siyang panig sa polisiyang neoliberal, na nagpapalawig sa dambuhalang negosyo samantalan nilulugmok pa sa hirap ang manggagawa’t maralita.

Marami nang palpak na pangako si Duterte sa masa. Nang sinabi niyang walang demolisyon, dumami ang demolisyon. Nang sinabi niyang kapayapaan sa mga rebeldeng grupo, ang dala niya’y patayan sa kanayunan na pinalala pa ng Martial Law sa Mindanao. Nang sinabi niyang lupa sa mga magsasaka, pinalayas ang maraming magbubukid sa kanilang lupang tinatamnan. Nang sinabi niyang hindi bubuwisan ang mahihirap, ang dala niya’y dagdag buwis sa pamamagitan ng TRAIN Law. Nang sinabi niyang walang krimen, lumala pa ito dahil dumagdag ang kapulisan sa hanay ng mga kriminal at mamamatay tao.

At nang sabihin niya kahapon na hindi na niya wawakasan ang kontraktwalisasyon ng trabaho, na tahasang taliwas sa kanyang naunang pangako na “contractualization must stop,” muling binali ni Duterte ang kanyang pangako sa manggagawa. Ang sabi niya, “kompromiso” na lang sa mga kapitalista, wag silang pahirapan sa kanyang negosyo, tutal, “that’s their money” daw.

Samakatuwid, sa tinuran na yan ni Duterte, ang sigaw ng mga manggagawa sa kanya: MANLOLOKO! SCAMMER! Daig mo pa ang sindikatong Budol-Budol!

Una sa lahat, pinahihirapan daw ng mga manggagawa ang mga kapitalista sa kanilang negosyo kapag hiningi ang regular na sahod? Isa kang ungas, Mr. Duterte. Palibhasa’y hindi ka manggagawa kaya hindi mo nararamamdaman ang hirap ng walang tiyak na seguridad sa trabaho, ang gutom para pagkasyahin ang maliit na sahod, ang kawalan ng benepisyo, at ang pambabastos ng mga kapitalista sa amin dahil hirap kaming magtayo ng unyon o samahan. Idagdag pang pabigat ang sumisirit na presyo ng bilihin dahil sa TRAIN Law mo.

Ang guminhawa sa iyong gobyerno ay mga kapitalista, hindi kaming manggagawa’t maralita. Ang primerong halimbawa ay si Henry Sy, ang Contractualization King ng Pilipinas. Noong 2017, umangat ang yaman ni Henry Sy nang mahigit LIMANG BILYONG DOLYAR, mula $12.7 bilyon noong 2016 sa $18 bilyon sa 2017. Ito ay dahil sa pagtitipid nito sa labor sa pamamagitan ng pag-empleyo ng mahigit 160,000 na kontraktwal na manggagawa. Mismong ang anak ni Henry Sy na si Harley Sy ay inaming nag-eempleyo sila ng mga “seasonal” o pansamantalang manggagawa.

Pangalawa, ang yaman ng mga kapitalista ay hindi sa kanila. Galing iyon sa lakas-paggawa ng mga manggagawa. Para may produksyon at kita, kailangan ng kapitalista ang lakas-paggawa ng isang manggagawa. Ngunit kakaunting oras lamang ng kabuuang walong oras na produksyon ng isang manggagawa ang binabayaran ng kapitalista sa pamamagitan ng sahod. Kaya walang karapatang sabihin ni Duterte na sariling pera ng kapitalista ang kanilang kita. Pera iyon ng manggagawa na siyang naghirap para malikha iyon. Samantalang ang kapitalista, walang kahirap-hirap, patamad-tamad lang sa opisina at libangan, subalit kumikita ng milyon-milyon kada minuto.

Pangatlo, hindi dapat nakikipagkumpromiso ang gobyerno pagdating sa kapakanan ng manggagawa at masa. Ang manggagawa ang siyang naghihirap araw-araw. Konti na nga lang ang kinikita, pero maraming gastusin dahil sa dagdag buwis. Kulang sa tulog, madalas puyat, dahil walang masakyang tren, bus, o dyip. At isang malaking banta sa manggagawang kontraktwal kapag padating na ang endo. Kapag endo, tambay, gutom, at nagiging desperado sa buhay. Ibebenta na nga ang ating lupa’t likas na yaman sa mga dayuhan gaya ng Amerika at Tsina, ibebenta pa ang ating kinabukasan sa mga kapitalista. Scammer nga talaga si Duterte kung ganon. Isa syang bentador!

Ganitong ganito rin ang aktitud ng nakaraang administrasyon ng dilaw na Liberal Party. Tahasang pagpapalakas ng kontraktwalisasyon, dagdag-buwis, pagsasapribado ng pampublikong serbisyo, malakihang pangungutang, at pagpayag na salaulain ng mga kapitalista ang ating likas na yaman. Sa madaling salita, isa ring trapo, ipokrito sa masa, at tuta ng kapitalista si Duterte. Wala siyang pinag-iba sa mag-inang Aquino, Arroyo, Erap, at Ramos. Dagdag pa, dahil mamamatay-tao at diktador ang asta ni Duterte, kaya wala rin siyang pinag-iba kay Marcos.

Manggagawa, hindi tayo kailanman papaloko sa kung sinong nag-aastang tagapagsalba natin. Ngayon ang panahon na hindi na tayo maninikluhod at hihingi na lang ng limos, kapwa sa gobyernong manggogoyo at sa kapitalistang walang ibang inintindi kundi pigain ang ating lakas-paggawa.

Wala na tayong aasahang ano pa man sa tahasang anti-manggagawang rehimen ni Duterte. Kung kaya, ngayon na ang panahon na magkaisa tayo laban sa kontraktwalisasyon. Sa halip na magpatali sa kaso-kaso o kaya tripartismo—na mga pampabansot lamang na kaparaanan ng estado sa hanay ng mga manggagawa—ngayon na ang panahon ng pagkilos. Muling patampukin ang isang kilusang manggagawang palaban, mulat-sa-uri, at may abilidad na pangunahan ang laban para sa isang makataong lipunan kung saan hindi na api ang manggagawa’t masa.

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996