Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Nobyembre 18, 2020

Pahayag sa mga manggagawa ng Food Panda

Ang BMP ay nakikiisa sa mga manggagawang riders ng Foodpanda

Ang "power of control" sa inyong lakas-paggawa (laluna ang pagpasok ng tawag ng customer na inyong seserbisyuhan) ay hawak ng employer. Dahil dito, kayo ay empleyado (hindi independent contractor) ng Foodpanda.

Bilang empleyado, dapat ninyong tamasahin ang mga batayang karapatan at minimum na labor istandard na nasa ating Batas Paggawa.

Martes, Nobyembre 17, 2020

Pakikiisa sa "academic freeze" at "student strike"

Pakikiisa sa "academic freeze" at "student strike"

Ang BMP ay nakikiisa sa panawagang pambansang "academic freeze" na isinusulong ng iba't ibang samahan sa loob ng akademya (mula sa estudyante at sa kaguruan). Sa kaliwa't kanang krisis na kinaharap natin - pandemya, resesyon, at delubyo dahil sa bagyo - sadyang hindi uubra ang "business as usual" para sa sistema ng edukasyon, sa pribado at pampublikong mga paaralan at unibersidad. 

Ang pagpapatuloy ng academic calendar ay pagkikibit-balikat sa dinaranas na hirap ng karaniwang pamilyang Pilipino (kasama ang mga estudyante) sa harap ng naturang mga krisis. Hindi pa sila nakakabangon sa kalamidad. Marami ang wala pang signal dahil sa nasirang imprastraktura sa kuryente't telekomunikasyon. Buong-buong rehiyon ang naghihintay sa paghupa ng baha para sa kanilang pagbangon at sa panunumbalik ng kanilang kabuhayan at pamumuhay. Bago nito, maraming manggagawang magulang ang naobligang unahin ang pagbili o pag-utang sa mga gadget na gagamitin ng kanilang mga anak sa sistemang online schooling imbes na ilaan ang kanilang kakarampot na kinikita para sa mas kagyat na pangangailangan ng kanilang pamilya (pagkain, bayad sa kuryente't tubig, atbp.). 

Hinggil sa panawagang "student strike", ang BMP ay nakikiisa sa panawagang singilin ang malubhang pagpapabaya ng rehimeng Duterte sa pagtugon sa mga krisis sa kalusugan, ekonomya, at kalamidad. Ang pagpapataas ng mga kahilingan mula sa sektoral tungo sa pulitikal na panawagan ay tama at makatuwiran. Ganunpaman, hindi nananaig ang ating mga kahilingan dahil lang sa katumpakan at sa "pwersa ng katuwiran", tulad ng kamanghamanghang mga inisyatiba nila Greta Thunberg at mga kabataan ng Thailand. 

Batay sa aming karanasan, bilang organisasyon ng manggagawa, ang welga ay nagtatagumpay kapag nagagawang pigilin ang operasyon ng kompanya, sama-samang ipagkait ng manggagawa ang kanilang lakas-paggawang lumilikha ng tubo, at dahil dito, ay naoobligang magbigay ng konsesyon o magkompromiso ang kanilang employer. Wala pa sa ganitong antas ang kamulatan at pagkakaorganisa ng manggagawa. Itinutulak sila ng pagbatbat ng iba't ibang krisis na solo-solong unahin ang kabuhayan at kaligtasan ng kanilang pamilya. Subalit ang mga krisis ding ito ang magtutulak sa kanila sa pagsasama-sama, sa realisasyong ang pagkakanya-kanya ay mas magdudulot ng ibayong perwisyo dahil nananatili at lumulubha ang "panlipunang ugat" ng mga krisis sa kalusugan, ekonomya, at kalikasan. 

Mas mapapabilis ang kanilang pagkamulat, kung ang mga estudyanteng nananawagan ngayon ng "student strike" ay tutulong sa pagmumulat at pag-oorganisa sa manggagawa tungo sa mga pangkalahatang protesta (o welgang pampulitika) na magiging makatuwirang pwersa para patalsikin ang bulok at palpak na klase na estado na kasalukuyang naghahari sa sambayanang Pilipino.

#AcademicBreakNOW
#NoStudentLeftBehind
#HindiKamiWaterproof
#DutertePanagutin

Linggo, Nobyembre 15, 2020

Pahayag ni Ka Eli Guzman ng BMP-Calabarzon

Ang CALABARZON ang pinaka-industriyalisadong rehiyon sa bansa. Malaki ang kontribusyon ng mga manggagawa nito sa GDP* output, laluna sa naglipanang mga export processing zones sa naturang lugar. 

Subalit ang pag-eengganyo rito sa mga namumuhunan ay sa paraan ng cheap labor!

*GDP - gross domestic product

Sabado, Nobyembre 14, 2020

Pakikiisa sa Global South

Ang BMP ay kaisa ng mamamayan mula sa iba't ibang bansa ng tinaguriang Global South para igiit ang sumusunod na kahilingan, sa mga public development banks na may kontrol sa $2 trilyong public money: 
(1) Wakasan ang pagpinansya sa fossil fuel; 
(2) Kanselasyon sa utang ng mga mahihirap na bansa; at, 
(3) Pamumuhunan para ipagtanggol ang sangkatauhan at ang pandaigdigang ekolohiya.
#FinanceinCommon must #CancelTheDebt!


Statement of WFTU Secretary General George Mavrikos



George Mavrikos
November 14, 2020

- Drown by rains ...
- Crushed by earthquakes...
- Frozen to death by cold ...
- Burnt by fires...

At this time, our affiliates in the Philippines inform us that due to Hurricane BAMKO, 61 people have lost their lives, more than 50 people are missing and tens of thousands are affected. The damages for people’s families are incalculable.

The government is going to shed ... false tears and is going to sell the well-known "fairy tale": IT WAS A NATURAL DISASTER. And, since it is a natural disaster, the blame is on God, the wind, the water ... Everyone is to blame except the government itself.

The truth is this: The blame is on the governments’ anti-labor policies against the homeless; the same policies that create shacks and favelas, shantytowns turned into ghettos, lack of rescue infrastructure, lack of medical care, lack of preparation and protection against hurricanes.

These are the real reasons why the poor and the popular strata are always unjustly losing their lives. It is the poor who always lose their lives.

We express our solidarity and know that our unions KATIPUNAN-KMM-KASAMA-BMP as well as all the leaders of the WFTU in the Philippines will do everything possible to help their people.

Sabado, Nobyembre 7, 2020

Pahayag ng Pakikiisa ng WFTU sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
November 7, 2020

Pahayag ng Pakikiisa ng WFTU sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly (kilalang Typhoon Goni sa ibang bansa):
Athens, 05th November 2020

WFTU Solidarity statement on the typhoon Goni in the Philippines

The World Federation of Trade Unions, representing 105 million workers from 130 countries expresses its sincere internationalist solidarity with the people and workers of the Philippines who are affected by the typhoon Goni which has impacted more than 2 million people and killed at least 17 persons.

Once again poor and ordinary people are paying with their lives the criminal negligence and the lack of even the most basic and elementary protection measures. The government of the country has a heavy responsibility for the lack of timely, and effective measures for the prevention and protection of all areas that are frequently affected by typhoons, heavy rains, and floods.

The WFTU joins its voice with the class-oriented trade unions of the Philippines, demanding direct mobilization of the authorities in order to provide secure accommodation, food, clothes, and immediate rehabilitation - compensation to the affected people as well as the prompt implementation of adequate protective measures that will ensure the health and safety in all aspects of people's life.

The Secretariat

Linggo, Nobyembre 1, 2020

Pag-alala sa mga yumao

Ngayong Undas 2020, inaalala ng Bukluran ang ating yumaong mga lider, organisador, at mga lingkod ng uri at bayan. 

Sina: Ka Popoy Lagman, Ka Romy Castillo, Ka Milo Ferdinez, Ka Ronnie Luna, Ka Cesar Bristol, Ka Roger Borromeo at Ka Pedring Fadrigon ng KPML, Ka Eddie Suarez ng Taytay/East, Ka Peping ng Valenzuela, Ka Fort Mitiam ng Malabon, Ka Buddy Gulliab ng Marikina, Ka Bong Pacay ng Bukid area/Bagong Silang, kasamang Rudy Ferdevila ng SUPER, kasamang Rey Baltazar ng KPML, pangulong Bok Inoza ng Alaska, pangulong Emmanuel Ibe ng Liwayway Manufacturing, pangulong Lito Yazon ng Everbright, pangulong Pepe Graciano ng Philcan, pangulong Pulok Quiroz ng Philec Supervisory, pangulong Jun Vitalicio ng Integral Chemicals, kasamang Danny Bataller ng Philip Morris/Fortune/Filcon, kasamang Ernan Bautista ng Fortune Tobacco, kasamang Wowie at kasamang Larry Perez Jr. (Creep) ng BMP staff, kasamang Tado Jimenez, sina kasamang Toto Cayang, Lolo Aries, Noli Aman, Fernan Perez, Orly Gravador, Larry Labian, Racel Siena ng Teatro Pabrika, at marami pang mga buhay na inalay sa manggagawa't mamamayan.

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996