Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Sabado, Pebrero 6, 2021

Pahayag ng BMP-ST sa ika-20 taong anibersaryo ng patraydor na pagpaslang kay Ka Popoy Lagman



Ginugunita natin ngayon ang ika-20 taong anibersaryo ng patraydor na pagpaslang kay Ka Popoy Lagman, BAYANI NG URING MANGGAGAWA, REBOLUSYONARYO at SOSYALISTA.

Bayani ng uring manggagawa, sapagkat naging inspirasyon ng napakaraming pakikibaka ng manggagawa at walang pagod na ginampanan ang pagkaisahin ang malawak na bilang ng mga manggagawa.

Matapos makalaya sa pagkakulong noong 1994, sunod-sunod na mga proyekto ang kaniyang ginawa para sa interes at kapakanan ng mga manggagawa at para pagkaisahin ang uring manggagawa. 

Ilan dito ay pagkakabuo ng National Confederation of Labor o NCL na binubuo ng malalaking federations. Nabuo rin ni Ka Popoy ang Kapatiran ng mga Pangulo ng Unyon sa Pilipinas o KPUP na binubuo ng mahigit 1,000 pangulo ng unyon sa ating bansa. 

Sa pangunguna ni Ka Popoy nailunsad ang ibat-ibang laban sa interes ng mga manggagagwa. Naikasa ang malawakan na pakikibaka para sa dagdag na sahod ng mabuo ang LAWIN 25. Inilunsad din ang TENT CITY sa Batasang Pambansa para sa kahilingan na P108.00 na dagdag na sahod. Naitala rin sa kasaysayan ang mapangahas at buong-loob na laban ng mga manggagawa sa TEMIC… na Labor Power. Nailarga rin ang isang kampanya para sa radikal na pagpapabago sa Labor Code… ang CBA ng Uri na kung saan ito ay kulumpol ng mga kahilingan na totoong tumutugon para sa kapakanan at interes ng uring manggagawa.

Nang maging tagapangulo ng BMP, isinulong ni Ka Popoy ang pagtatayo ng isang Law Office para sa mga manggagawa… ang LAGMAN LAW OFFICE. Nariyan din ang plano sa pagtatayo ng Workers Academy at Workers Bank.

Upang magkaroon ng boses ang mga manggagawa sa Kongreso, sa pamumuno ni Ka Popoy ay pumasok tayo sa labanan sa eleksyon. Tumakbo at nanalo ang SANLAKAS sa unang party-list election na kung saan ang unang tatlong nominees ng Sanlakas ay mula sa mga hanay ng mga manggagawa o tatlong pangulo ng unyon.

Rebolusyonaryo, sapagkat nais ni Ka Popoy ng isang radikal na pagbabago (hindi “Change is Coming” o tayo ay na Scam!), na ang nasa unahan ng radikal na pagbabagong ito ay ang uring manggagawa. 

Ngayon na mayroon tayong kampanyang CBA NG URI, naalala pa namin sa BMP ST sa pangunguna ni Ka Popoy kasama ang mga rebolusyonaryo ang nakaisip para ikampanya ito noong panahon ni Ramos. Sa ngayon patuloy nating ikakampanya ito, at sa kampanyang ito, turuan nating bungkalin ng masa kung gaano kainutil ang sistemang kapital na nirerepresenta ng gobyerno ni Duterte. 

Sa kasalakuyan, ayon sa datos ang Pilipinas sa ilalim ng gobyerno ni Duterte ay pang 79 sa 90 bansa  sa usapin ng pagresponde sa Covid 19, ibig sabihin isa sa mga nahuhuling bansa ang Pilipinas sa pag responde sa pandemya dulot ng Covid 19.

Isa pang datos ayon sa 2020 CORRUPTION PERCEPTION INDEX, ang Pilipinas sa gobyerno ni Duterte ay nasa rangko na 115 sa 180, ibig sabihin inutil ang gobyerno sa impact ng sa pag responde ng corruption sa gobyerno, pagresponde sa Covid 19 at sa usapin ng Health Care. 

Masasalamin din ang kainutilan ng gobyerno sa milyong-milyong nawalan ng trabaho. Sabi nga ng OXFAM, ang mga mayayamang tao sa mundo ay naka rekober na sa pandemya, subalit ang mga mahihirap ay dekada pang taon ang lalakbayin para medyo makarekober sa pinsala ng pandemya. 

Sa halip na gamutin ang krisis sa kalusugan sa pamamagitan ng mass testing, contact tracing at isolation ang covid 19, ano ang unang ginawa ng gobyernong ito?  

Tuloy-tuloy pa rin ang state-sponsored killings o mas kilala na EJK, isinabatas ang Anti-Terror Law, malawakan na Red Tagging, Pananakot, Pagdakip at pag paslang, lalo na sa mga progresibong individual at grupo at pagkitil sa academic at press freedom. Imbes na gamutin ang krisis sa kahirapan na bunga ng pandaigdigang resesyon, ang gustong gawin ng gobyernong Duterte ay baguhin ang pang ekonomiyang probisyon ng ating saligang batas, ibig nang ibenta o ipamigay ang Pilipinas sa mga dayuhan, 100% nang pwede nang ariin ng mga dayuhan ang mga korporasyon, lupa, lalong lala ang pagmimina at pati dagat at mga kagubatan ay pwede na nilang ariin. Na alam naman natin na magpapahirap lalo sa masang Pilipino dahil mawawala ang control ng mga batas dito at lalo nang lala ang kontraktwalisasyon. 

Wala rin ginagawa ang rehimeng Duterte sa mga nagtatasang bilihin, dagdag na bayarin sa kuryente at dagdag na sahod para sa mga manggagawa. Ang ginagawa naman sa krisis pang klima ay puro ayuda lang, walang talagang programa tungkol sa Risk Mangement at pagbabawal sa mga fossil energy tulad ng coal fired power plant at walang komprehensibong programa sa renewable energy. 

Sosyalista si Ka Popoy, sapagkat pinangunahan niya ang pagbibigay ng tamang direksyon ng laban ng uring manggagawa. Mula sa pambansang demokrasya (national democracy) na katangian at oryentasyon ng ating organisasyon ay itinama ni Ka Popoy na maging sosyalista ang katangian at oryentasyon ng ating organisasyon. 

Ang tatlong mahahalagang gawain, ang MAGMULAT, MAG-ORGANISA at MAGPAKILOS, ang siyang hindi makakalimutang mga habiling gawain ni Ka Popoy, na dapat kasabay nito ang sayantipikong “Kongkretong Pagsusuri sa Kongkretong Kalagayan”. Sapagkat ito ang mga sangkap para sa ating mga pakikibaka upang magtagumpay, lalo nang may mga kampanya tayong kinakasa, tulad nang CBA NG URI, SAHOD, PABAHAY at sa MERALCO, upang ito ay maikampanya hindi lang sa mga unyon kundi sa lahat ng masang organisasyon. Nasa oras na mag-deadlock pwede nang ikasa ng masa ang welgang bayan patungong Rebolusyon.

Ating isaisip ang mga aral at sinulat ni Ka Popoy para sa tagumpay ng ating mga pakikibaka!

Mabuhay ang Uring Manggagawa, Ituloy ang Rebolusyon, Sosyalismo sa Tunay na Pagbabago!

Pahayag ng BMP sa ika-20 anibersaryo ng pagpaslang kay Ka Popoy Lagman

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Pebrero 6, 2021

Ngayon ang ika-20 anibersaryo ng pagpaslang kay Ka Popoy Lagman,  tagapangulo ng Bukluran (1996-2001), bayani ng uring manggagawa at dakilang lingkod ng adhikain para sa totoong progreso sa masang anakpawis.

Sa dalawampung taon, naging saksi tayo sa malaking mga pagbabago sa pandaigdigang kapitalistang sistema - ang bagong teknolohiya sa produksyon at komunikasyon, ang paglakas ng ekonomya ng Tsina na naging "factory of the world", ang paglobo ng yaman sa "casino economy", ang urbanisasyong tinulak ng pinansya at ispekulasyon sa halaga ng lupa, ang paglaki ng sektor ng serbisyo kumpara sa agrikultura't industriya. 

Subalit sa ipinagmamalaking progreso, hindi sumabay (at napag-iwanan pa nga) ang masang walang pag-aari kundi ang kanilang lakas-paggawa. Ito ay gamundong inhustisyang mas lumawak at lumalim sa nagdaang dalawang dekada. Inhustisya na sa ngayon ay nasa anyo ng krisis sa kalusugan, kabuhayan, klima, at karapatan na bumabatbat sa manggagawa't mamamayan dulot ng pandemya, resesyon, pagkasira ng ekolohiya, at pasistang atake ng rehimeng Duterte sa mga batayang karapatan ng mamamayan. Kawalang katarungan na maihahalintulad sa kaso ng pamamaslang kay Ka Popoy Lagman. 

Nananawagan tayo sa mga kasapi ng Bukluran at lahat ng naghahangad ng lipunang walang kahirapan at pagsasamantala ng tao sa tao. Sariwain ang mga aral at karanasang ibinahagi ni Ka Popoy sa kilusang paggawa at rebolusyonaryong kilusan. Magsilbi itong gabay sa ating araw-araw na pagkilos at pakikibaka. Isabuhay ang mapanlabang diwa ni Ka Popoy, na natatanging paraan para mabigyan natin ng hustisya ang buhay na kanyang inalay sa uring manggagawa at sa ganap na pagbabagong panlipunan. 

Tuloy ang laban para sa kabuhayan, kaligtasan, kapakanan, at kapangyarihan ng uring manggagawa!

Hustisya para kay Ka Popoy! Hustisya sa  manggagawa at masang anakpawis!

Miyerkules, Enero 13, 2021

Labor group: workers have nothing to gain from ChaCha that is made for and by oligarchs

Labor group: workers have nothing to gain from ChaCha that is made for and by oligarchs

Workers’ political center, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) denounced the recent proposals for constitutional amendment, led by House Speaker Lord Allan Velasco through the bill filled “Resolution of Both Houses No. 2” (RBH No. 2), as a move done by ruling elites to redistribute wealth among themselves and consolidate their power.

As the House Committee on Constitutional Amendments is set to reopen hearings today to consider changes to the current constitution’s economic provisions, BMP pointed out that workers and other basic sectors wont benefit from a such changes which have excluded them from their inception.

“These efforts to remove the foreign ownership restrictions in our constitution only seek to further the control of the economy by capitalists, beholden only to their global ties and interest. Local elites with their foreign partners have all to profit from opening the country up in the name of competitiveness and economic growth as we have seen time and again from the past decades.” said BMP President Luke Espiritu. 

“Velasco and others are completely wrong in saying that allowing more foreign capital into the country will help it recover from the pandemic. On the contrary, we have learned from the recession that liberalization and globalization of economies only places working people in more precarious conditions wherein they either end up starving without work or earn only a meagre living day-to-day while capitalists of whatever nation, continue to enrich themselves.”

The group also condemned the ChaCha initiatives as exclusionary and opportunistic of politicians. “By pushing for ChaCha, amidst all the crises we have presently, lawmakers have shown their true priority— themselves and their business clients. This is a diversion attempt by them to distract us from the recession, the pandemic and the looming climate crisis and they know that they can only accomplish their true priorities through modifying the constitution so long as the situation is deteriorating and no one can oppose them,” said BMP Chairperson Leody De Guzman.

De Guzman also identified the recent events as yet another move by politicians to entrench themselves in their positions. “Once a Constituent Assembly is formed from the current body of trapos, who is to say that they won’t use the opportunity to also push for term extensions and renewal of their term limits? History has shown that these people only care about are their own pockets and power and now they are taking advantage of this time when the masses are overburdened.” 

Moreover, BMP highlighted the control President Rodrigo Duterte in congress and the senate and his desires to use ChaCha for his own authoritarian agenda. “We know that both houses are in the service of Duterte and we know that he will use the legislature to further repress democracy across the country,” said Espiritu. “He has already stated that he wants congress to use ChaCha to institute federalism and even to overhaul the party-list system which he said was being used by progressive groups to aid communist insurgencies. This laughable considering that almost all party-lists are controlled by trapos and yet also unsurprising as the president will do anything to remove all opposition to his and cronies long-term plan of strengthening their grip on power.”

BMP emphasized that any genuine change from the current situation can only come from the vast majority of working-class Filipinos as Espiritu stated, “Workers and all democratic forces in the country must see that this ChaCha, like others before it, are made for and by oligarchs and must unite against such initiatives by them to diminish the rights, freedom and power of working people.” #

PRESS RELEASE
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
January 13, 2021

May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996