Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Enero 20, 2010

BMP memo sa eleksyon

Para sa: Lahat ng Unyon, Asosasyon at Buklod
Hinggil sa: Magaganap na Eleksyon at ang Ating Plano sa Paglahok
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Enero 18, 2010


Ang magaganap na eleksyon sa Mayo 10 ng taong kasalukuyan ay eleksyon pa rin ng mga trapo. Layon lang nito na muling pakintabin ang kalawanging demokrasya ng mga elitista, demokrasya na walang ibang kahulugan kundi ang bigyan ng pagkakataon ang masa ng sambayanan na pumili ng panibagong pangulo at opisyal ng bayan na magsasamantala sa kanila. Walang magaganap na pagbabago liban sa pagpapalit ng mukha ng mga taong manloloko at magpapayaman sa loob ng gobyerno.

Ganito sa kabuuan ang kahulugan ng magaganap na eleksyon ngayong taon. Ito’y sapagkat ang eleksyon ay labanang halos eksklusibo lamang sa mga taong may 3Gs (Gold, Guns and Goons) na ang pinakamasahol na halimbawa ngayon ay ang naganap na Maguindanao Massacre ng mga Ampatuan. Ito ang dahilan kaya’t sa mahabang panahon, hindi itinuring ng mga progresibo na isa ring porma ng labanan ang eleksyon para sa pagbabago, kung kaya naman kinopo ng mga trapo at elitistang partido ang eleksyon at paggugobyerno.

Subalit, nitong mga huling panahon at dekada, may ipinasisilip na oportunidad ang labanang eleksyon para sa mga progresibong kandidato at makamasang partido. Di na iilang makamasang kandidato at partido sa maraming bansa ang nagawang manalo laban sa mga partido ng mga trapo at elitista. (Venezuela, Bolivia, Paraguay, Nicaragua, Ecuador, El Salvador, Nepal, Uruguay at Iceland). Maging ang mga kandidatong walang 3Gs ay nananalo at naitutumba ang mga pulitikong deka-dekada nang naghari sa isang lugar. Pinakakilalang halimbawa nito sa bansa ay sina Gob. Ed Panlilio ng Pampanga at Grace Padaca ng Isabela.

May nalilikhang kapasyahan ang masa nang pagtatakwil sa mga trapo at elitista, ito ay kailangang paypayan, pag-alabin at organisahin para sa makauring layunin ng paglahok sa eleksyon. Kaya’t bagamat ganito na naman ang magiging katangian ng magaganap na halalan, lalahok tayo, isasabak natin ang ating bagong tayong partido, ang PLM, upang simulan ang seryosong at makamasang layunin ng paglahok sa eleksyon. Gamitin ang paborableng klima ng eleksyon para sa ating pampulitikang pagpopropaganda sa masa, sapagkat sa panahon ng halalan, nagaganap ang pambansang debate hinggil sa kung sino at kung anong sistema ng paggugobyerno ang kailangan. Nakikisangkot ang malawak na bilang ng masa sa pambansang talakayan kaya't mainam na sa panahon ng halalan ay pumagitna rin tayo at iabante ang ating pampulitikang agenda at plataporma ng masa.

Pagpaparami ng bilang ng ating kapanalig at pagpapalawak ng saklaw ng ating taga-suporta kasabay ng ating pagsisikap na maipanalo ang ating mga kandidato. Ito ang ating sentral na layunin sa paglahok sa halalan ngayong taon. Ikampanya ang ating plataporma at ipanalo ang ating kandidato.

Subalit, mainam na gamitin na rin natin ang okasyong ito para sa ating bagong tayong partido (PLM) na lumahok at humalaw ng karanasan sa pagpapatakbo ng kandidato sa nasyunal at lokal upang sanayin ang ating mga lider masa para sa maramihang pagpapatakbo sa susunod na barangay election na magaganap sa Oktubre ngayon ding taon.

Sa ganitong hangarin nating harapin ang magaganap na pambansang halalan sa Mayo 10. Pagpupundar at paghalaw ng karanasan para sa mas maunlad na paglahok sa mga susunod na halalan. Malaking tulong sa atin ang pagkandidato ni JV Bautista bilang senador. Nagkaroon tayo ng dahilan para sa paglulunsad ng pambansang kampanya at dahil dito’y mapapagaan pa ang talakayan sapagkat ang bitbit nating kandidato ay tumatakbo sa posisyong kahit ang kakausapin ay may napili na, maari pa ring makinig, makipagtalakayan at tumanggap ng panibago dahil 12 ang pwedeng iboto.

Bukod kay JV, may susuportahan din tayong kandidato na tatakbo sa lokal. Ito ay ang mga sumusunod;
1. Larry Punzalan, President ng Unyon ng Fortune Tobacco at kasapi ng Komite Sentral ng BMP ay tatakbong Congressman sa 2nd District ng Marikina.
2. Ronald Garcia ng PLM, tatakbong Bokal ng Bulacan
3. Tita Flor Santos ng Sanlakas, tatakbong konsehal ng 1st District ng Quezon City.
4. Tado Jimenez ng PLM ay tatakbong Konsehal ng 1st District ng Marikina.
5. Anthony Garcia ng PLM, tatakbong konsehal ng Bacolod City
6. Greg Gimena ng PLM, tatakbo ring konsehal ng Bacolod City
7. Renato de La Cruz ng PLM, tatakbong konsehal ng Bulacan, Bulacan.
8. Ruwena Lusung ng PLM, kandidato sa pagkakonsehal ng San Jose Del Monte, Bulacan
9. Danilo Rogelio Sr. ng PLM, tatakbo ring konsehal ng San Jose Del Monte, Bulacan

Sa inisyal, sampung kandidato ang ating susuportahan. Pwede pa itong madagdagan depende sa magiging resulta ng mga negosasyong nagaganap. Subalit anu’t ano man ang abutin, sapat na na mayroon tayong kandidato sa national at lokal para sa malawak at masiglang kampanya.

Sa paglarga ng kampanya ng ating mga kandidato, kakatuwangin natin sila para patampukin ang ating tindig nang paglaban sa kontratwalisasyon, sa oil deregulation, sa walang patumangang demolisyon at sa automatic appropriation sa pagbabayad ng dayuhang utang bilang isyu ng masang manggagawa at sambayanan. Dapat dumulo at sumahin ang ating propaganda’t talakayan sa pagbubulgar sa kabulukan ng elitista at trapong gobyerno at ang pangangailangan na palitan ito ng gobyerno ng masa.

Ang ating paraan upang makatulong tayo sa pagpapanalo kay JV, at mga lokal nating kandidato;

1. kumbinsihin ang ating buong kasapian at maging ang masang manggagawang saklaw ng ating unyon/asosasyon na magtala ng 50 kataong pabotohin kay JV. Ito’y maaring mula sa kamag-anak, kaibigan at kakilala sa lugar na tinitirahan o sa probinsyang pinanggalingan. (3K formula) Kung ito ay ating magagawa, mangangahulugan ito ng 7M boto para kay JV mula sa 150T na indibidwal na saklaw ng ating organisasyon.

Ang labanan sa senador ay di katulad ng sa party-list, mas madaling hingin ang boto para sa senador dahil 12 ang ihahalal. Ibig sabihin, kahit mayroon nang napipisil na ibotong senador ang kakausapin, hindi mahirap na ipadagdag si JV. Di katulad ng sa party-list, na kapag mayroon nang napiling iboboto ang kakausapin, magkakahirapan nang igiit ang sa atin dahil isa lang ang iboboto sa party-list.

2. Lahat ng unyon/asosasyon ay magkaroon ng depinidong erya o sektor na kakampanyahin. Hal. (1) Unyon, akuin ang komunidad na kinalulugaran ng pabrika o kompaya, (2) TODA/JODA, akuin ang barangay na ruta ng kanilang pamamasada, (3) Community Association. Akuin ang barangay o bayan na kinalulugaran ng asso. Dito ikarga ang ating lokal na kandidato.

3. Maglunsad kaagad ng pagpupulong ang pamunuan ng unyon at asosasyon. Pag-usapan ang pagpapatupad ng mga nakalista sa ibaba. Ito na rin ang maging tungkulin sa buong panahon ng kampanyang eleksyon. (January - May 2010)

 Pagtitiyak na mapagkakaisa ang buong kasapi at maging ang di kasapi sa pangangampanya sa ating kandidato, sa party-list at paglahok sa ilulunsad na aktibidad kaugnay ng mga isyung ilalaban sa panahon ng kampanya.

 Pagpapalista ng tiglilimampung (50) pangalan at address ng kakampanyahin (3Ks) at kukumbinsihing pabotohin kay JV bilang senador. Ipapasumite ang nagawang listahan ng bawat isa sa opisina ng unyon o assosasyon.

 Pamamahagi ng polyeto, pagdidikit ng poster sa komunidad na kinalulugaran ng pabrika at samahan o barangay na ruta ng pamamasada.

 Pagpapadala ng electoral materials sa mga kasaping uuwi ng kanilang probinsya sa mahal na araw para makapangampanya sa mga kamag-anak at kababayan.

 Pagpapalahok sa mga pagkilos/pagtitipon kaugnay ng lokal o sektoral na laban. (Full Mob ulit tayo sa Mayo Uno bilang miting de avanse ng ating mga kandidato).

 Pag-ugnay at tuloy-tuloy na pangangampanya sa karatig na pabrika at asosasyon

4. Tungkulin ng presidente at vice president ng unyon at asosayon.

 President ng unyon/asosasyon ang magtitiyak ng unification at listahan ng 50 kakampanyahin ng mga kasapi at masang di kasapi.

 Vice president at Campaign Committee. Kakatok at mangangampanya sa mga kalapit na organisasyon at karatig na pabrika.

Magpapatawag tayo ng Leaders assembly sa Feb. 6, (Popoy’s Death Anniversary), 2:00 ng hapon with JV at iba pa nating kandidato. Lima (5) kada lokal na unyon at samahan ang padadaluhin. Ito ay para bigyan ng pagkakataon ang pagtatalakayan sa ating plano at ihudyat ang simula ng ating pangangampanya.

Miyerkules, Disyembre 23, 2009

pr - 1st month of Maguindanao Massacre

PRESS RELEASE
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Partido Lakas ng Masa (PLM)

Militants Commemorate the anniversary month
of the Celebrated Maguindanao in front of the NBI.

In a unique way of remembering the Maguindanao massacre, members of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino and the Partido Lakas ng Masa (PLM) paraded 57 skulls in the form of face masks starting from the corner of Kalaw and Taft Avenue down to the NBI, the agency where Ampatuan Jr, the alleged mastermind of the most heinous crime was being holed up.

November 23, 2009 was a tragic day for the country where the massacre happened marking the most cruel, brutal and barbaric crime committed by a warlord in Maguindanao. The victims in a matter of hours were simultaneously beaten, raped and summarily killed and buried in a mass grave together with their cars to conceal all the possible evidences. Now it is already a month and the wheels of justice is slowly grinding for them. The government must be held responsible for this “go slow” policy to ensure cover-up for Gloria and ultimately protect the Ampatuans. Ampatuan Jr. is being taken cared of at the NBI, a far cry from other crimes where suspects are supposed to be in jail while awaiting trial.

It was pointed out last week by the justice department that it will take another 60 days just to consolidate the case against the Ampatuans. Only in the Philippines where you can deliberately calculate the grinding of justice and not following the natural prosper of the case. This is a clear manifestation of trying to impose a cautious policy meant to protect both the suspects and that of Gloria.

“Gloria benefitted from the warlords and the Amptuans provided what they badly needed during elections, a haven of electoral fraud and deceit where the opposition got nothing but virtually perfect zeroes of voters turn-out in Maguindanao. The Ampatuans meant business as a warlord and is now at the heels of mercy to the government. They hold the key to the illegitimacy of the GMA administration and precisely Gloria herself is beholden to this kind of political partnership”, Leody De Guzman, BMP President asserted in an interview.

During the program held in front of the NBI, the group executed a die-in protest for a few minutes calling for a swift justice for all Ampatuan victims and no cover-up that will absolve Gloria and his cohorts.

The group vowed to sustain its crusade against the perpetrators of the massacre and will resolutely follow the case through its series of actions and protests. They will not stop unless the victims ultimately got their ultimate and genuine justice. ###

Martes, Disyembre 22, 2009

BMP-ST - Ang taong 2009 at parating na 2010

Ang taong 2009 at parating na 2010

(Nagbabadya ang masamang pangitain)

Taon ng matitinding krisis at dilubyo ng bansa:

Ang taong 2009 ang nagpatingkad sa tunay na katangian ng rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo. Nagpakita ng tunay na kalagayan ng ating bansa, sa larangan ng ekonomiya, pulitika, kultura at relasyong panlabas. Tumama ang Global Financial Crisis, binayo ng magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng, pagkalantad sa laganap na katiwalian sa pamahalaan, walang habas na pagtaas sa persyo ng langis at mga bilihin, laganap na paglabag sa karapatang pantao at kagutuman, pinakahuli ang karumaldumal na Masaker sa Maguindanao at Self Serving Martial Law Declaration. Para pagtakpan ang mga Ampatuan Clan at pagkabunyag ng laganap na dayaan sa mga nakalipas na halalan noong 2004 at 2007.

Unang kwarto ng 2009, naganap ang malawakang tanggalan sa trabaho at sarahan ng mga pabrika. Nagresulta ng 1. 2 milyong manggagawang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Hindi pa kabilang ang domino “effect” nito sa hanay ng mga manggagawa sa transportasyon, vendors at mga bahay-kainan at pasyalan.

Ikalawang kwarto ng 2009, naganap ang walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya. Na hanggang sa kasalukuyan ay hindi maampat ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nagaganap at patuloy na magaganap ito, dahil sa istelong sindikatong (MAFIA) pamumuno ng Malakanyang.

Ikatlong kwarto ng 2009, tumama sa ating bansa ang bagyong Ondoy at Pepeng, na puminsala sa buhay at ari-arian, dislokasyon sa paninirahan ng milyon-milyon nating mga kababayan. Pinsala na halos kapantay ng pinsalang dulot ng WW II. Ang tanong: Sino ang may sala at salarin? Sa gera (WW II) tukoy kung sino ang may sala at salarin, tukoy kung sino ang nanakop sa ating bansa.

Pero sa nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng, nakakubli/nakatago ang mga tunay na may sala at salarin. Nagkukubli sa salitang parusa ng “Tadhana”, pero ang mga gahaman sa TUBO na mga kapitalista at mga tiwaling Politiko (TRAPO) ay hindi nakakapagtago kay Urban planner and architect Felino Palafox Jr. Aniya: “Government agencies and private developers are jointly liable for the massive loss of life and property in several Metro Manila cities for practicing poor urban planning and allowing commercial and residential structures to be built in flood-prone areas”.

Huling kwarto ng 2009, naganap ang karumaldumal na MASAKER at MARTIAL LAW sa Maguindanao na kumitil sa 57 sibilyan na karamihan ay mga kapatid natin sa Mass Midya. Matapos mag-alaga ng mga War Lords, mga Mandaraya sa Election, mga Magnanakaw sa kaban ng Bayan, mga Mamamatay-tao at maganap ang karumaldumal na masaker sa 57 sibilyan at mamahayag. Heto! Martial Law daw ang solusyon. Kailangan daw ang Martial Law para sawatain ang War Lords. Sawatain? o pagtakpan ang kanyang mga alyado?

Malalim ang pinag-uugatan ng naganap na Masaker at Deklarasyong Martial Law ni GMA. Hindi lamang Unconstitutional at Illegal, kundi behikulo ito ni GMA para sa habang panahon niyang panunungkulan sa mataas na pwesto sa gobyerno. From President into Congresswoman. Congresswoman to Speaker of the House into Prime Minister.(Big Boss muli ng bansa).

1. Palubog na ang barko (Administrasyon) ni GMA. Dahil sa sunod-sunod na mga korapsyon, paglabag sa karapatang pantao ng pamahalaan, laganap na kagutuman, dislokasyon sa paninirahan, malawakang tanggalan sa trabaho, epekto ng pandaigdigang crisis at Bagyong Ondoy.
2. Bangkarote ang administrasyon ni GMA, na maaaring ikatalo ng kanyang mga ”manok” sa nalalapit na halalan ngayon May 10, 2010.
3. Nanganganib na siya’y makulong ng walang pyansa. Kahit pa manalo siyang Congresswoman sa Pampanga dahil sa 31 niyang kasong Pandarambong, Kapabayaan at pagtataksil sa Bayan (treason).
4. May bali-balitang may minahang bubuksan sa Maguindanao, hindi ito masimulan dahil sa dami ng taong naninirahan.
5. Testing the Water ito, para sa posibleng Failure of Election o deklarasyon muli ng Martial Law hind lamang sa Maguindanao, kundi sa buong kapuluan.

Nakakabahala ang naganap na Masaker at Deklarasyon ng Martial Law sa Maguindanao. Dahil ang Commander-in- Chief ng AFP/PNP at mga War Lords, gaya ng mga Ampatuan ay si GMA mismo. Kung kaya hindi imposible na mapagtakpan ang mga Ampatuan sa nilikha nilang krimen, Gayundin ang pag-abuso ng mga Militar sa Otoridad na ipinagkaloob sa kanila ni GMA. Sa dulo, mamamayang-Moro at Sambayanang Pilipino (mga sibilyan, manggagawa’t maralita) ang naging biktima at napinsala sa Martial Law ni Arroyo.

Mga kasama at mga kababayan, maging mapagbantay tayo sa bawat oras at panahon. Hindi magandang pangitain ang ipinamalas ng taong 2009. Hanggang sa ngayon wala pang nakikitang solusyon ang mga kapitalista sa pandaigdigang krisis na sila mismo ang may gawa. Sinisisi ang kalikasan at pabago bago ng klima (climate change), samantala sila ang sumira sa Inang-Kalikasan. Nakakabahala ang nalalapit na 2010 election, halihaw ang mga politiko sa iba’t-ibang partido ng mga kapitalista, kung saan may pera at may tantyang panalo doon sila. Kahit isinuka na nila sa nakalipas na eleksyon, muli nilang hihimurin para sa ambisyong manalo at patuloy na makapag-nakaw sa pondo ng bayan at likas yaman ng ating lipunan. Kaya hindi malayo na maging marahas ang nalalapit na halalan.

Bago magtapos ang taong 2009, nagbabadya ang pagsabog ng bulkang Mayon sa Bicol, kung ngayong Kapaskuhan ay hindi natin ramdam ang kagutuman at kahirapan hanggang sa nalalapit na halalan sa Mayo 2010, dahil sa binubusog tayo ng mga pulitiko, pero isa lang ang tiyak, sa una at ikalawang kwarto ng 2010, maaaring mag-alburoto ang Social Volcano, ang pag-aalsa ng masang Pilipino. Na maaaring salubungin ito ng mga politikong talunan, dahil sa laganap na naman ng dayaan sa halalan o kundi man ay ang ”Failure of Election” sa May 2010.

ISABUHAY ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO! PAGMAMAHAL HINDI LAMANG SA SARILI AT KAPWA!

MAHALIN, BANTAYAN ANG KALIKASAN AT LIPUNAN! DON’T CHANGE THE CLIMATE! CHANGE THE SYSTEM!

MAGHANDA! MAGHANDA! MANGHANDA! MAG-ORGANISA! MAG-ORGANISA! MAG-ORGANISA!MAG-ORGANISA NG MGA PAKIKIBAKA!

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
Southern Tagalog (BMP-ST)
Ika-23 ng Disyembre, 2009

Martes, Nobyembre 24, 2009

Polyeto - Nobyembre 30

Nobyembre 30
Martsa Laban sa Krisis at Kahirapan!
Martsa para sa Gobyerno ng Masa!

Bagamat mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng manalasa sa bansa ang tatlong sunod sunod na bagyo (Ondoy, Pepeng at Santi) di pa rin mabura sa isipan ng mga naging biktima ang delubyong inihatid ng tatlong bagyo. Laman pa rin ng mga pag-uusap ang kani-kanilang masamang karanasang naglublob at nagwasak ng kanilang naipundar na kabuhayan.

Wala halos nailigtas ang marami sa mga naging biktima dahil walang ginawang pag-abiso ang gobyerno na magpapakawala ng malaking bolyom ng tubig mula sa dalawang dam sa kasagsagan ng malakas na ulan. Wala ring paghahandang ginawa ang gobyerno sa pagharap sa ganoong klase ng kalamidad kayat daan daang bilang ng tao ang nangamatay.

Nalantad ang pagkabangkarote ng gobyerno sa pag-agapay sa mamamayang nangangailangan ng kalinga nang mapag-iwanan ito ng pribadong sektor sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng grabeng pagbaha.

Subalit ang higit na masakit, matapos ilubog sa kahirapan ng tatlong bagyong nagdaan, nakaamba naman ngayon ang demolisyon sa tahanan ng mga kapatid nating maralita na nakatira sa baybay ilog, lawa at creek na idineklara ng pamahalaan na danger zone. Masakit ito dahil walang tiyak at matinong lugar na paglilipatan. Kung mayron man ito ay napakalayo, walang tubig, kuryente, eskwelahan, ospital at higit sa lahat walang ikabubuhay.

Hindi malayo ang kalagayang ito sa katayuan ng mga manggagawa sa pabrika na bago pa man ang bagyo ay tinatanggal na sa trabaho dulot ng kapitalistang krisis ng sobrang produksyon. Tambak ang produkto sa mga warehouse at merkado resulta ng matinding kompetisyon na naglatag ng kondisyon sa di planadong paglikha. Sobra ang produkto sa mga taong may pera upang ikunsumo ito. Mas maliit ang bilang ng may kapasidad bumili sapagkat marami nang walang trabaho o kung mayroon man, karamihan sa mga manggagawa ay kontraktwal na napakababa ang suweldo.

Maging ang lumalaking bilang ng sektor ng transportasyon ay umaangal sa walang patid na pagtaas ng presyo ng langis at gasoline. Di na makahabol ang halaga ng kanilang kinikita sa presyo ng kanilang arawang pangangailangan. Problema ng sektor ang patakarang deregulasyon ng pamahalaan sa industriya ng petrolyo na nagbibigay ng buong laya at kapangyarihan sa mga dambuhalang kompanya ng langis na magtaas ng magtaas ng presyo sa halagang gusto nila.

Sa lahat ng problema at pasakit na dinaranas na ito ng masa ng sambayanan, wala tayong masilip na pagmamalasakit mula sa Gobyerno ni Gloria Arroyo at maging sa mga pumapagitnang kandidato na nagpepresenta ng sarili bilang kapalit ng kasalukuyang administrasyon. Walang makabuluhang programa at tindig para sa pagbabago matapos ang eleksyon sa susunod na taon.

Lahat ay umaangkas lang sa mga popular na isyu tulad ng OFW, Kalikasan, Kurapsyon, paggogobyerno, subalit walang umuupak sa salot ng kapitalismo o kahit sa neo- liberal na patakarang pang-ekonomiya na siya naman talagang puno’t dulo ng krisis at kahirapan ng masa ng sambayanan. Tulad din ni Gloria at ng lahat ng naging presidente ng ating bansa sa nakaraan, lahat sila ay taga pagtanggol ng interes ng kapitalista, naghahangad lang na pumuwesto sa Malacanang kapalit ni Gloria; makapaghari, protektahan at higit na palaguin ang kanilang kayamanan.

Ang ating Paninindigan

Sa ganitong sitwasyon natin gugunitain ang paparating na araw ng dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio. Nakalubog pa rin sa kahirapan at kaapihan ang masa ng sambayanan sa kabila nang inabot na pag-unlad at produktibidad ng lipunan sa nakalipas na 146 na taon.

Walang ipinagbago, mas lumala pa nga. Umabot na sa 15.7 % ng mamamayang Pilipino ang nakakaranas ng di pagkain sa nakalipas na tatlong buwan bago ang bagyo. Labinlimang milyong kabataang ang di nakakapag-aral. Mahigit 4 na milyong pamilya ang walang matinong tahanan. 15 milyon ang mga manggagawang wala at kulang sa trabaho, mababa ang sahod at ang buong mamamayan ay nahihirapang abutin ang napakataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Nagaganap ito dahil una, kurap ang gobyerno. Halos P400 bilyon ng taunang budget ay ninanakaw. Ikalawa, may gobyerno nga tayo pero walang malasakit sa mamamayan dahil sa bukod sa magnanakaw ay elitista at tuta ng mga kapitalista’t asendero. Ikatlo, ang mga batas at patakaran ay pabor sa mga kapitalista’t asendero kaya’t 90% ng likhang yaman ng bansa ay napupunta sa kamay ng 5% ng populasyon at ang natitirang 10% ay pinag-aagawan ng 95% ng mamamayan!

Ang naganap na bagyo ay nagpalala lamang sa dati nang hirap at aping kalagayan ng masa ng sambayanan. Wala pa man si Ondoy, Pepeng at Santi ay gumagapang na sa hirap ang masang manggagawa, sistematikong pinagsasamantalahan ng mga trapo, kapitalista at asendero ang sambayanan. Sistema ang problema. Kapitalistang sistema. Ito ang salot na nagbuhos ng sobra sobrang kayamanan sa iilan at nagsadlak sa kahirapan at kaapihan sa milyong bilang ng mamamayan.

Mga kasama, lalo pang tumitibay ang batayan upang ipagpatuloy ang sinimulang rebolusyon ng mga katipunero at ni Gat Andres Bonifacio. Sapat na ang daang taong nagdaan upang patunayan na walang intensyon ang mga kapitalista at trapong pulitiko na resolbahin ang kahirapan at kaapihan ng masa. Ang hangad nila ay manatili ang kasalukuyang kaayusan para sa kanilang tuloy tuloy na paghahari at kasaganaan.

Sistema ang problema, kapitalistang sisitema! Walang ibang solusyon kundi ang ipagpatuloy ang rebolusyon hanggang sa tagumpay para sa makabuluhang pagbabago! Wakasan ang elitistang paghahari at itayo bilang kapalit ang Gobyerno ng Masa!

Kasabay nito’y ilaban natin ang mga kagyat at ispesipikong kahilingan:

1. Ipagtanggol ang paninirahan! Walang demolisyon kung walang matinong relokasyon!
2. Labanan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina!
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law!
4. Itigil ang kontraktwalisasyon! Regular na trabaho para sa lahat!

Dumalo sa pagkilos sa Nobyembre 30, 9am sa harap ng DOLE Intramuros, Manila.

Sumama sa Martsa laban sa krisis at kahirapan, martsa para sa Gobyerno ng Masa!

memo para sa nobyembre 30

Para sa: Lahat ng Unyon, Asosasyon at Buklod
Hinggil sa: Pagkilos sa Nobyembre 30
Mula sa: Komite Sentral
Petsa: Nobyembre 22, 2009
_____________________________________________________________________________________

Martsa Laban sa Krisis at Kahirapan!
Martsa para sa Gobyerno ng Masa!

Ang Sitwasyon

Bagamat mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng manalasa sa bansa ang tatlong sunod sunod na bagyo (Ondoy, Pepeng at Santi) di pa rin mabura sa isipan ng mga naging biktima ang delubyong inihatid ng tatlong bagyo. Laman pa rin ng mga pag-uusap ang kani-kanilang masamang karanasang naglublob at nagwasak ng kanilang naipundar na kabuhayan.

Wala halos nailigtas ang marami sa mga naging biktima dahil walang ginawang pag-abiso ang gobyerno na magpapakawala ng malaking bolyom ng tubig mula sa dalawang dam sa kasagsagan ng malakas na ulan. Wala ring paghahandang ginawa ang gobyerno sa pagharap sa ganoong klase ng kalamidad kayat daan daang bilang ng tao ang nangamatay.

Nalantad ang pagkabangkarote ng gobyerno sa pag-agapay sa mamamayang nangangailangan ng kalinga nang mapag-iwanan ito ng pribadong sektor sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng grabeng pagbaha.

Subalit ang higit na masakit, matapos ilubog sa kahirapan ng tatlong bagyong nagdaan, nakaamba naman ngayon ang demolisyon sa tahanan ng mga kapatid nating maralita na nakatira sa baybay ilog, lawa at creek na idineklara ng pamahalaan na Danger Zone. Masakit ito dahil walang tiyak at matinong lugar na paglilipatan. Kung mayroon man, ito ay napakalayo, walang tubig, kuryente, ospital, eskwelahan at higit sa lahat walang ikabubuhay.

Hindi malayo ang kalagayang ito sa katayuan ng mga manggagawa sa pabrika na bago pa man ang bagyo ay tinatanggal na sa trabaho dulot ng kapitalistang krisis ng sobrang produksyon. Tambak ang produkto sa mga warehouse at merkado resulta ng matinding kompetisyon na naglatag ng kondisyon sa di planadong paglikha. Sobra ang produkto sa mga taong may pera upang ikunsumo ito. Mas maliit ang bilang ng may kapasidad bumili sapagkat marami na ang walang trabaho o kung mayroon man, karamihan sa mga manggagawa ay kontraktwal na napakababa ang suweldo.

Maging ang lumalaking bilang ng sektor ng transportasyon ay umaangal sa walang patid na pagtaas ng presyo ng langis at galolina. Di na makahabol ang halaga ng kanilang kinikita sa presyo ng kanilang arawang pangangailangan. Problema ng sektor ang patakarang deregulasyon ng pamahalaan sa industriya ng petrolyo na nagbibigay ng buong laya at kapangyarihan sa mga dambuhalang kompanya ng langis na magtaas ng magtaas ng presyo sa halagang gusto nila.

Sa lahat ng problema at pasakit na dinaranas na ito ng masa ng sambayanan, wala tayong masilip na pagmamalasakit mula sa Gobyerno ni Gloria Arroyo at maging sa mga pumapagitnang kandidato na nagpepresenta ng sarili bilang kapalit ng kasalukuyang administrasyon. Walang makabuluhang programa at tindig para sa pagbabago matapos ang eleksyon sa susunod na taon.

Lahat ay umaangkas lang sa mga popular na isyu tulad ng OFW, Kalikasan, Kurapsyon, paggogobyerno subalit walang umuupak sa salot ng kapitalismo o kahit sa neo-liberal na patakarang pang-ekonomiya na siya naman talagang puno’t dulo ng krisis at kahirapan ng masa ng sambayanan. Tulad din ni Gloria at ng lahat ng naging presidente ng ating bansa sa nakaraan, lahat sila ay taga pagtanggol ng interes ng kapitalista, naghahangad lang na pumuwesto sa MalacaƱang kapalit ni Gloria. Makapaghari, protektahan at higit na palaguin ang kanilang kayamanan.

Ang ating Paninindigan

Sa ganitong sitwasyon natin gugunitain ang paparating na araw ng dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio. Nakalubog pa rin sa kahirapan at kaapihan ang masa ng sambayanan sa kabila nang inabot na pag-unlad at produktibidad ng lipunan sa nakalipas na 146 na taon.

Walang ipinagbago, mas lumala pa nga. Umabot na sa 15.7 % ng mamamayang Pilipino ang nakakaranas ng di pagkain sa nakalipas na tatlong buwan bago ang bagyo. Labinlimang milyong kabataang ang di nakakapag-aral. Mahigit 4 na milyong pamilya ang walang matinong tahanan. 15 milyon ang mga manggagawang wala at kulang sa trabaho, mababa ang sahod at ang buong mamamayan ay nahihirapang abutin ang napakataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Nagaganap ito dahil una, kurap ang gobyerno. Halos P 400 bilyon ng taunang budget ay ninanakaw. Ikalawa, may gobyerno nga tayo pero walang malasakit sa mamamayan dahil sa bukod sa magnanakaw ay elitista at tuta ng mga kapitalista’t asendero. Ikatlo, ang mga batas at patakaran ay pabor sa mga kapitalista’t asendero kayat 90% ng likhang yaman ng bansa ay napupunta sa kamay ng 5% ng populasyon at ang natitirang 10% ay pinag-aagawan ng 95% ng mamamayan.

Ang naganap na bagyo ay nagpalala lamang sa dati nang hirap at aping kalagayan ng masa ng sambayanan. Wala pa man si Ondoy, Pepeng at Santi ay gumagapang na sa hirap ang masang manggagawa, sistematikong pinagsasamantalahan ng mga trapo, kapitalista at asendero ang sambayanan. Sistema ang problema. Kapitalistang sistema. Ito ang salot na nagbuhos ng sobra sobrang kayamanan sa iilan at nagsadlak sa kahirapan at kaapihan sa milyong bilang ng mamamayan.

Ang ating Panawagan

Tuloy-tuloy na isulong ang sinimulang rebolusyon ni Gat Andres Bonifacio. Gamitin natin ang mga datos ng pagsasamantala at kahirapan upang pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan, wakasan ang elitistang paghahari at itayo bilang kapalit ang Gobyerno ng Masa!

Kasabay nito’y ipanawagan natin ang mga kagyat at ispesipikong kahilingan;

1. Ipagtanggol ang paninirahan! Walang demolisyon kung walang matinong relokasyon.
2. Labanan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina!
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law!
4. Itigil ang kontraktwalisasyon! Regular na trabaho para sa lahat!

Ang kondukta ng Pagkilos sa Nov 30

Ika-9 ng umaga ang pagkikita sa gate ng Dole sa Intramuros, Manila. Magkakaroon dito ng dalawang oras na programa at matapos ito ay magmamartsa patungong Liwasang Bonifacio kung saan ay makakasama natin ang iba pang mga pambansang organisasyon ng mga manggagawa at maralita.

Magkakasama-sama sa martsa ang BMP, SUPER, MELF, KPML, PMT, AMA, MMVA, PLM, SANLAKAS, ZOTO, SDK, KALAYAN, KPP at PK.

Matapos ang maikling programa sa Liwasang Bonifacio, ang lahat ay sama-samang magmamartsa tungo sa Mendiola upang iparating kay Gloria Arroyo ang pagkasuklam ng masa ng sambayanan sa kanyang gobyerno.

Tagubilin

Maglunsad ng pulong ng Pamunuan at kasapian upang pagkaisahin sa mga isyu’t paninindigan ng ating organisasyon at tiyakin ang kanilang partisipasyon sa Nobyembre 30. ######

Biyernes, Oktubre 9, 2009

PR - Release SSS Calamity Fund Now!


PRESS RELEASE
Bukluran ng Manggagawang Pilipino -Partido Lakas ng Masa
October 9, 2009

RELEASE SSS CALAMITY FUND NOW!

Members of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) under Partido Lakas ng Masa (PLM) picketed in front of the office of the SSS (Social Security Syetem) to demand the release of funds of its members.

The Social Security Agency is a government office intended to secure the benefits of the workers in the private sector through loans. One such loan is the Calamity Loan, which is aimed at providing immediate relief to SSS members in times of calamity.

However, since 2004, SSS stopped the disbursement of the Calamity Loan. Recently, Tropical Storm Ondoy damaged the lives and livelihood of thousands of SSS members. The Calamity Loan, if made available, could have provided much needed relief to members desperately seeking for help.

Leody De Guzman, Chairperson of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), lamented that, “We are very disappointed with SSS’s insensitivity to its members in these times of crisis. Even if SSS declared for the earlier renewal of the members’ Salary Loan, this is a mere token help for the members and not all members’ are qualified enough to enjoy it. Furthermore, the Salary Loan is regularly received by a qualified loaner and is not intended for calamity relief. Therefore, SSS must not make fools out of us by putting the Salary Loan as the alternative for the Calamity Loan.”

Such insensitivity has led to a snail-paced relief effort from the government. It is a shame in the part of SSS that most private foundations and peoples’ organizations have quicker response during times of calamity. Such is a big slap in the face of SSS, which collects billions of pesos from all its members.

“We demand for the release of the SSS Calamity Loan NOW! The hard-earned contributions of its members must be given without any delay for it is the mandate of SSS to secure the benefits of its members.” De Guzman further added.

The group held a short program and vowed to escalate their demands to pressure the SSS and will elevate the issue to MalacaƱang.

Lunes, Oktubre 5, 2009

Dagdag na Datos sa Relief Operation

RIZAL Area
AREA LOCATION No. of Affected Families Status Things Needed Contact Person Contact Number
Montalban

BUTODA

BRG

KV-1

MANGGATODA

WOWTODA

Brgy.Geronimo

Brgy.Balete

Cainta

Taytay

Binangonan


120

100

100

140

120

350

300

1,500 Families

500 Families

350 Families



Food, Water, Medicine, Clothing
Jojo PMT







Elna Rizal

Baby Onilongo

09228457071






09084816376

09289596893

Laguna AREA


Over All:

Ronie Luna

09175223194

09185663923

Ding Tuiza

09289755089





























San Pedro:

Brgy. Landayan, South Fairway, Cuyad, San Roque, Tamuro

Binan :

Brgy. San Antonio, Dela Paz, Wawa, Malaban

Santa Rosa:

Boung South Ville -2 Brgy. Aplaya, Sinalhan, Caingin

Cabuyao:

South Ville in Cabuyao compost 4 Brgy. Marinig, San Isidro, Lake View, Baclaran

Calamba City:

Brgy. Samperuhan, Looc, Aplaya, Parian Pansol, Bagong Kalsada

Los Banos:

Brgy. Maahas, Laylayan at Aplaya Tadlak and Poblacion


Bay :

Brgy. San Isidro, Sto. Dominggo, Aplaya, Laylayan

Fami:

Sa pangkalahatan ay lubog pa ang mga bahayan sa palibot ng Laguna De Bay: gaya ng: Pila, Santa Cruz, Lumban, Siniloan, Mabitak, Pangil, Sta. Maria, Pakil, Victoria, Kalayaan, Paete, Los Banos, Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Binan, San Pedro.

Total sa Laguna:

May 147 Evacuation Center at 77,000 Families

7,000 Families mostly Workers and Urban Poor



4,000 Families



6,500 Families




7,000 Families






18,000 Families




4,000 Families





3,000 Families




700 Families

Until Now Flooded




Until Now Flooded


Still flooded




Still flooded






Still flooded in Brgy.Looc, Aplaya and Bagong Kalsada

Still Flooded





Still Flooded




(Landslide)

Food, Water, Medicine, Clothing




Food, Water, Medicine, Clothing


Food, Water, Medicine, Clothing



Food, Water, Medicine, Clothing





Food, Water, Medicine, Clothing




Food, Water, Medicine, Clothing




Food, Water, Medicine, Clothing



Food, Water, Medicine, Clothing

Monic Albao

Melvina Evangelista

Blk.6, Lot11 South Fairway, Sn. Pedro

Robert and Lala



Ka. Menong Humarang




Boboy Villar

Ely De Guzman




Jojo Reverra

Ding Tuiza




Daboy Jardin





Nick Brgy. Trea. In Brgy. San Isidro



Ding Tuiza

Laguna Urban Poor & Housing Development Office, Laguna Province

09084882672

09297039105


09215161618



09197827866




09204264548

09204293187





09282494003

09289755089




09083084661





09192315260




09289755089


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996