Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Setyembre 1, 2010

Ang Lipunang Makatao sa BMP Hymn

ANG LIPUNANG MAKATAO SA BMP HYMN
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sa orihinal na kopya ng BMP Hymn, na nalathala sa Maypagasa magazine ng Sanlakas, nakasulat sa ikatlong taludtod, "lipunang makatao" imbes na "daigdig na makatao". Ngunit mas popular na inaawit ngayon ang "daigdig na makatao", habang ang nakalathala naman sa magasing Maypagasa ay "lipunang makatao". Alin ang tama sa dalawa?

Mapapansing ang pagkakasulat ng buong awit ay patula, lalo na't susuriin natin ang tugma at sukat nito. Nakakaunawa ng paraan ng pagtulang may tugma't sukat ang kumatha nito, kaya may palagay akong isa ring makata ang nag-akda ng awit.

Ngunit bago ito, dapat maunawaan ng mambabasa kung ano ba itong tinatawag nating pantig (syllable), taludtod (line), saknong (stanza), tugma (rhyme) at sukat (meter). Ang taludtod ang bawat linya ng tula. Ang saknong ay binubuo ng ilang taludtod, na kung baga sa sanaysay, ito ang talata na binubuo ng ilang pangungusap. Ang tugma naman ay ang pagkakapareho ng tono sa dulo ng dalawa o higit pang taludtod. Ang sukat ang siyang bilang ng pantig o pagbuka ng bibig sa bawat taludtod. Binilang ko ang pantigan ng tatlong saknong ng BMP Hymn, labing-apat ang pantig sa una at ikalawang saknong, habang ang ikatlong saknong naman o ang koro ay labindalawang pantig lahat.

BMP Hymn
Nalathala sa magasing Maypagasa ng Sanlakas
Setyembre 1998, pahina 23

Ating mga karanasan, pinanday, hinubog (14)
Nitong pakikibakang sa atin ay huminog (14)
Kaya't tumindig, patuloy sa pagbabantayog (14)
Ng pag-asa at liwanag na nais ihandog. (14)

Koda:
Hayo na't iguhit sa dahon ng kasaysayan (14)
Sagisag ng uri't ganap nating kalayaan (14)
Nasa pagbubuklod natin ang kapangyarihan (14)
Na kamtin ang pagbabagong ating inaasam. (14)

Koro:
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (12)
Ang siyang tatambuli sa buong mundo (12)
Tungo sa isang lipunang makatao (12)
Ito'ng tunay na diwa ng sosyalismo. (12)

(Ulitin ang koda)
(Ulitin ang koro 3x)

Kaya kung ang inaawit ngayon sa koro ay "daigdig na makatao" imbes na "lipunang makatao" na nasa orihinal, inconsistent na ito sa pantigan, dahil magiging labintatlo na ang pantig ng ikatlong taludtod ng koro. Kaya ganito ang mangyayari:

Koro:
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (12)
Ang siyang tatambuli sa buong mundo (12)
Tungo sa isang daigdig na makatao (13)
Ito'ng tunay na diwa ng sosyalismo. (12)

Paano nga ba nangyaring nabago ang taludtod na ito? Ginusto ba ito ng mga umaawit nito, o pinalitan mismo ito ng Teatro Pabrika sa pag-aakalang ito ang mas tama? Tila ang nagbago nito'y di nauunawaan ang tugma't sukat sa pagtula na dapat na una niyang pinansin kung babaguhin niya ang tulawit (tulang paawit) na ito. Marahil kung malalaman ng orihinal na nagsulat ng kanta na binago ito ay agad itong magpoprotesta.

Mas angkop pa at hindi kapansin-pansin ang pagbabago kung halimbawa’y ganito ang ginawang pagbabago sa ikatlong taludtod ng Koro:
Patungo sa daigdig na makatao (12 pa rin)

Kaya magiging ganito na ang Koro:

Koro:
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (12)
Ang siyang tatambuli sa buong mundo (12)
Patungo sa daigdig na makatao (12)
Ito'ng tunay na diwa ng sosyalismo. (12)

Gayunman, mahalagang suriin natin ang mismong nilalaman ng koro, at ito ang pagtuunan natin ng pansin. "Daigdig na makatao" nga ba o "lipunang makatao"? Magandang suriin muna natin kung ano ang kahulugan ng "daigdig" at "lipunan".

Ayon sa unang kabanata ng librong "Puhunan at Paggawa" ni Ka Popoy Lagman, "Ang lipunan ay kung paano nabubuhay ang tao. Ito ang sistema ng ating kabuhayan. Ibig sabihin, ang lipunan ay ang sistema ng ekonomya. Ang paraan ng produksyon ng isang bansa. Kung ang lipunan ay “asosasyon ng tao”, ito’y isang “asosasyon” para sa kabuhayan ng mga myembro nito."

Ano naman ang "daigdig"? Ang daigdig naman ay isang planeta sa pisikal na kaanyuan nito, at hindi isang sistema ng kabuhayan. Ayon sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, at sa WikiFilipino: "Ang planetang Daigdig ay ang pangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking planetang terestriyal ng sistemang solar. Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig lamang ang katawang pamplaneta kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng mga hayop at halaman."

Agad naresolba ang munting problemang ito kung pagbabatayan ang ikaapat na taludtod ng koro na "Ito'ng tunay na diwa ng sosyalismo", kaya ang ikatlong taludtod ng koro ay tumutukoy sa "lipunang makatao" at hindi sa "daigdig na makatao".

Pagkat ang sosyalismo ay sistema ng lipunang ipapalit natin sa lipunang kapitalismo. Tulad ng ating binabanggit sa ating mga pag-aaral ng lipunan sa daigdig na ito mula primitibo komunal, lipunang alipin, lipunang pyudal, ang kasalukuyang lipunang kapitalismo, at ang ipapalit natin ditong lipunang sosyalismo. Bagamat sinasabi nating pandaigdigan ang pagbabagong dapat maganap dahil pandaigdigan ang salot na kapitalismo, na dapat nating palitan ng pandaigdigang sosyalismo, ang mas tinutukoy nating babaguhin ay ang sistema ng lipunan, at di pa ang mismong daigdig. Dagdag pa rito, nabanggit na sa ikalawang taludtod ng koro ang salitang "mundo" na singkahulugan ng "daigdig".

Kaya para sa consistency sa bilang ng pantig, sa lohika, sa kahulugan at sa ideyolohiya, mas angkop at wastong gamitin ang "lipunang makatao" kaysa "daigdig na makatao" sa koro ng awit. Mungkahing ito ang ating gamitin sa pag-awit ng BMP Hymn.

Sa kabuuan, maganda ang mensahe ng sosyalistang awitin ng BMP dahil makatindig-balahibo at nakapagpapaapoy ng damdamin kung uunawaing mabuti ang mensahe ng awit, sadyang kumakapit sa kaibuturan ng ating diwa't pagkatao.

Miyerkules, Agosto 18, 2010

Militants held simultaneous pickets at DoLE offices

Press Release
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)-PMT (Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon)
August 17, 2010

Militants held simultaneous pickets at DoLE offices

Coinciding with the scheduled preventive mediation hearing, workers belonging to the militant labor organization, BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino) and PMT (Pagkakaisa ng Manggagawa sa Tranportasyon (PMT) trooped in front of the office of the Department of Labor and Employment and held a picket in support to the beleaguered workers from FASAP (Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines).

FASAP, a union mostly composed of flight attendants and stewards has threatened to go on strike last month and is set to file a notice of strike with the Department of Labor and Employment. The preventive mediation hearing was meant to conciliate with the workers to avert the looming strike. Issues on job security were laid down as the basis of why FASAP is keen on pursuing such drastic move.

Leody De Guzman, BMP President pointed out in his speech during the picket rally that “Today’s labor dispute at PAL is reminiscent of the 1998 debacle where the Management pursued a 10-year CBA moratorium. For three years now, FASAP is indeed negotiating of what they believed as a threat to their job security as contained in their CBA, the lowering of retirement age of 40 from the mandated law requirement age of 60. Even if stipulated in the CBA, the workers can still question what has agreed upon for as long as such agreement clearly violates the rule of law and at the expense of the workers’ rights and welfare”.

The workers firmly believed that the issue is beyond job security and that the PAL Management is not only keen on implementing the policy of contractualization but a conscious effort to ultimately destroy the unionized workers at PAL. The plan to retrench 2,600 ground crew workers was part of such grand design.

Dante Lagman, PMT Secretary General for his part articulated that “The government should be made responsible in case the issues of the workers will be left untouched. We cannot think of possible government takeover, not even the perceived change of management to resolve the on-going labor dispute for as long as the workers’ rights are indeed being violated. The government must intervene to ensure that the workers truly enjoy full protection of law.”

In a related development, Goldilocks workers castigated corrupt officials in a picket held in front of the office of the DoLE-NCR for what they described as truly unthinkable move of the department. Despite the order from the court to hold a certification of election, these officials are deliberately delaying the process. For two weeks now, they kept on saying that they have already sent communication to the parties concerned but until now the workers is yet to receive the said document. The workers were totally dismayed of the wrongdoings of these officials, an irony to what P-Noy stood for in his crusade to cleanse the government of corrupt officials.

“P-noy may have stopped the “Wangwangs” but not the many “Kalawangs” that dwell in the Department of Labor and Employment.” Joel Lachica, Goldilocks Union President stressed during the picket.

The group vowed to step up its campaign against the crooks and corrupt officials in the labor department and is set to hold series of mass mobilizations and actions. (30)

Linggo, Agosto 8, 2010

Bakit Dapat Kasama Tayo sa Laban ng Manggagawa ng PAL?

BAKIT DAPAT KASAMA TAYO
SA LABAN NG MANGGAGAWA NG PAL?

Agosto 6, 2010

Mga kamanggagawa at kababayan,

SA IKALAWANG pagkakataon, inaatake ni Lucio Tan ang manggagawa ng PAL. Gagawing kalahati ang sweldo! Gagawing kontraktwal ang mga empleyado!

Ang mga piloto na sumusweldo ng P150,000 kada buwan sa PAL ay ililipat sa Air Philippines, na pag-aari rin ni Lucio, at pasasahurin ng P75,000. Dahilan para lumipat sa ibang bansa ang ilan na sa mga piloto. P400,000 kada buwan ang average salary ng piloto sa ibang bansa. 26 na ang umalis at may 50 pa ang nagbabalak umalis na piloto.

Ang mga ground crew [nag-aasikaso ng bagahe ng PAL], maintenance [mekaniko sa lahat ng eroplanong lalapag sa NAIA] at catering [nagsusuplay ng pagkain at inumin sa mga eroplano ng PAL] regular employees na sumusweldo ng P20,000 ay pasasahurin ng P10,000 bilang kontraktwal na empleyado matapos ihiwalay ang mga departamentong ito sa kumpanyang PAL. Pag-aari rin ni Lucio ang mga bagong kumpanya ng ground crew, maintenance at catering. Kamakailan lang ay pinahintulutan ng DOLE si Lucio na tanggalin ang 2,600 na manggagawa sa pamamagitan ng pagbabaklas ng departamento ng ground crew, maintenance at catering mula sa PAL upang bigyang-daan ang kontaktwal na relasyon ng mga dating permanenteng manggagawa sa bagong kumpanyang itatayo ni Lucio sa mababang sweldo at benepisyo.

Ang mga flight attendants at stewardesses ay 3 taon ng di tumataas ang sweldo at benepisyo dahil sadyang pinatatagal ng kumpanya ang negosasyon. Negosasyong karaniwang tumatagal lang ng 3-6 na buwan. Bargaining in bad faith ito na labag sa Labor Code. Dagdag pa, ipinilit ng kumpanya ang patakaran nitong mandatory retirement age na 40-45 anyos sa mga babae. Samantalang ang kapwa nila empleyado sa PAL sa lahat ng departamento ay 60 anyos ang retirement age.

Ang ginagawang ito ni Lucio ay walang katulad sa Pilipinas at sa buong mundo!

Minsan na niyang ginawa ito sa PAL noong 1998. Sinuspindi niya ng 10 taon ang CBA o collective bargaining agreement – walang wage at benefit increases — ng Philippine Airlines Employees Association o PALEA. Ito ang unyon ng ground crew, maintenance, catering at ticketing. Maramihan niyang tinanggal ang mga piloto at opisyales ng Airline Pilots Association of the Philippines o ALPAP, flight attendants/stewardesses/ at ilang opisyales ng Flight Attendants and Stewardess Association of the Philippines o FASAP at ground crew/ maintenance.

Nagawa ito ni Lucio noon katulong ang gubyerno ni Erap at mga ahente ng kapital sa masmidya, kasama na rito ang napanood natin sa TV na male-maletang pera na nagkakahalaga ng 50 milyong pisong ibinayad ni Lucio sa ilang opisyal ng unyon sa PAL. Naitulak nilang pansamantalang sumuko noon ang mga manggagawa ng PAL dahil ginamitan nila ng blackmail ang mga manggagawa: 10-year CBA moratorium o isasara ang PAL.

Pero ang epekto ay di lang sa PAL employees. Ang ginawa ni Lucio at ng gubyerno noon sa PAL ay naging huwaran sa ibang kapitalista. Nauso ang moratoryum sa mga CBA negotiations sa maraming kumpanya. Nagkakapirmahan sa mga CBA na walang lamang wage increase! Sinisertipikahan ang mga CBA ng Department of Labor kahit alam na ang mga ito ay “sweethearts contracts” na labag sa Labor Code! Kaya naman marami ang di umaabot ang sweldo sa minimum wage. Hanggang ngayon, ito ang trend sa relasyong manggagawa-kapitalista.

Ngayon, makalipas ang 12 taong pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa sa PAL at pagholdap sa kanilang dagdag na sweldo at benepisyo, pumangalawa na si Lucio Tan kay Henry Sy sa pinakamayamang tao sa ating bansa. 12 taong walang CBA. 12 taong nakatipid ng labor cost si Lucio Tan!

Mga kamanggagawa at kababayan.

Ang ginagawa ni Lucio Tan ay gyera laban sa mga manggagawa ng bansa. Gerang walang fixed battle lines. Kumikilos ito nang marahan. Minsa’y bumibigwas nang biglaan. Di mawari ang pinanggagalingan. Lagpas sa mga batas, kumbensyon at kalakaran.

Bagong pakana itong ginagawa ni Lucio. Nagseset ito ng bagong trend. Kakalahatiin ang sweldo! At gagawing kontraktwal ang lahat ng empleyado! Wala ng regular. Wala ng permanente.

Kagaya ng nauna, gagayahin din ito ng ibang kapitalista. Kagaya ng nauna, kakampihan din ito ng gubyerno! Kagaya ng nauna, ito ang magiging BAGONG kalakaran!

KUNG hahayaan nating ang ALPAP, PALEA at FASAP lang ang lalaban. Kung iisipin nating problema lang nila yan at di natin problema. Kung amor propio ng sariling organisasyon ang ating mas pahahalagahan kaysa kapakanan ng buong uring manggagawa.

MAGSAMA-SAMA TAYONG LAHAT para kondenahin at puspusang labanan ang pakana ni Lucio Tan. Hindi lang ito para sa mga empleyado ng PAL. Para rin ito sa ating lahat. Para ito sa lahat ng mga namamasukan o mga mamamasukan sa hinaharap sa alinmang kumpanya. Kapag tuluyang nagtagumpay ang eksperimento ni Lucio Tan sa kanyang kumpanya, lalaganap yan sa lahat ng employer sa buong bansa.

Gusto ba nating bukas makalawa ay kakalahati na lang ang sweldo at puro kontraktwal na ang empleyado sa lahat ng kumpanya?

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Miyerkules, Agosto 4, 2010

Tunay na Boss ni P-Noy: Kapitalista, Trapo at Elitista

KAPITALISTA, TRAPO AT ELITISTA
ANG BOSS NI P-NOY HINDI ANG MASA!

Kompleto na ang ating batayan para magbigay ng kongklusyon kung ano ang kahihinatnan nating mga manggagawa sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Tapos na ang SONA, ang huling okasyong ating hinihintay upang alamin ang opisyal nyang plano para sa mga manggagawa at sa masa ng sambayanan.

Walang plano para sa masa! Ipagpag mo man ng sampung beses ang walong pahinang speech ni Noynoy Aquino noong sona, wala kang makikitang kongkretong programa para pabutihin ang kalagayan ng mga manggagawa at ng iba pang naghihirap nating kababayan.

Inubos ang oras sa pagbubulgar ng katiwalian at kurapsyon ng nagdaang administrasyon at sa waldas na pamumuhay ng mga opisyal ng pamahalaan at manager ng mga korporasyong pag-aari ng gobyerno. Popular ang naging presentasyon para sa masa, subalit hindi lang ang paglaban sa katawalian at korapsyon ang solusyon sa ating problema bukod pa sa katotohanang hindi kailan man mawawala ang korapsyon sa ilalim ng kapitalistang sistema.

Hindi totoong kung walang kurap ay walang mahirap. Mali at mapanlinlang ang linyang ito ng katwiran. Pero, kahit ipagpalagay nang walang kurap sa loob ng gobyerno, kung walang trabaho ang marami sa ating mga manggagawa ay magpapatuloy ang kahirapan. Kahit walang kurap, kung kinukunsinte ng gobyerno ang mga kapitalista na kontraktwal ang sistema ng pagtatrabaho, mababa ang sweldo at pagkalipas ng limang buwan ay tapos na ang kontrata sa trabaho ay siguradong may mahirap pa rin. Kahit walang kurap kung di naman mapipigilan ang mga kapitalista sa pagtataas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay patuloy na lalaganap pa rin ang kahirapan.

Ang kanyang pagbubulgar ay ginawa lamang upang ipuslit ang kanyang planong ipagpatuloy ang patakarang pribatisasyon (Hal. MWSS, North Luzon HighWay at Navy HQ) at hingin ang pang-unawa ng masa dahil inubos na ng kampo ni Gloria ang pondo.

Bakit pagpapaubaya na naman sa pribado ng mga pag-aari ng gobyerno ang solusyon sa kawalan ng pondo? Bakit hindi ang gawin ay ang matagal na nating panawagang huwag munang magbayad ng utang? Kung magagawa ito, humigit kumulang P500 bilyon agad ang matitipid na pondo sa loob ng isang taon lamang. Bakit ayaw bawasan ang kikitain ng mga kapitalista at bakit patuloy pang bibiyayaan?

Hindi tuwid na daan ang landas ni P-Noy para sa Masa. Ang tuwid na daan ay para sa mga kapitalista. Ang mga kapitalistang lokal at dayuhan ang patuloy na mamamayagpag sa administrasyon ni P-Noy. Walang banta sa kanilang hanay na katulad ng banta sa mga kurap na opisyal ng pamahalaan. Business as usual para sa kanila, tuloy ang ligaya.

Ipinwesto na sa mga importanteng posisyon sa loob ng Gobyerno ang mga kinatawan ng mga malalaking korporasyon sa bansa tulad ng CEO ng SM ni Henry Sy, CEO ng Maynilad, CEO ng Manila Water, President ng Makati Business Club at si Purisima na tagapagtaguyod ng interes ng mga kapitalista.

Higit dito, ipagpapatuloy ang patakarang Pribatisasyon,Deregulasyon, Liberalisasyon, at Labor Flexibilization. Mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga nagdaang administrasyon. Patakarang nagbigay ng laya kina Henry Sy ng SM, Gokongwei ng URC and Comp., Lucio Tan, Pangilinan, Ayala at Lopez na magkamal ng limpak-limpak na tubo kapalit ng labis na pagdarahop ng masang Pilipino.

Pansinin na lang ang parang malalaking kabuting nagsusulputang SM Mall sa halos lahat ng lugar, ang tripleng tinubo ni Gokongwei noong 2009 at ang P38B na kinita ng PLDT ni Pangilinan noon ding 2009 mula sa P27B noong mga nagdaang taon.

Masama ang privatization dahil kapag napasakamay na ng mga kapitalista ang ano mang pag-aari ng gobyerno para sa serbisyo, ito ay natatransporma bilang negosyo. Pinagtutubuan at dahil may deregulasyon sa pagpepresyo, walang hanggang pagpapatong ng tubo ang ginagawa ng mga kapitalista. Katulad ng bayarin sa tubig, langis, kuryente, bahay, iskwela, hospital, toll fee at pamasahe. Tumaas ito mula 600% (Tuition Fee) hanggang 2,500%. (Toll fee sa NLEX)

Masama rin ang Deregulation. Dahil nagbunga ito ng walang habas na pagsasamantala ng mga kapitalista sa pagpepresyo ng produkto at serbisyo. Tulad halimbawa ng deregulation sa pagpepresyo ng produktong petrolyo. Dahil deregulated, walang Kontrol ang Gobyerno, sinasamantala ng mga kapitalista at walang tigil sa pagpapataas kayat halos 3 doble na ang itinaas nito kaysa sa dati.

Ang liberalisasyon naman ay masama dahil nagbubunga ito ng monopolyo ng mga malalaking kapitalista at sa huli ay ang wala ring tigil na pagtaas ng presyo ng likhang produkto at serbisyo.

Kaya dahil sa patakarang Pribatisasyon, Deregulasyon at Liberalisasyon, mabilis at legal na napunta sa kamay ng iilang negosyante ang yamang likha at pinagpaguran ng mamamayan. Higit na napalaki pa ang kinamal na kita dahil naman sa patakarang Labor Flexibilization, na wala namang ibang ibig sabihin kundi ang transpormasyon ng mga regular na manggagawa tunggo sa pagiging kontraktwal. Mababa ang sahod at walang karapatang magreklamo o lumaban dahil hirap na sumali o magbuo ng unyon.

Resulta: sa gitna ng kasaganaan ng iilan, nalublob sa matinding krisis ang buhay ng masa. Dumami ang bilang ng pamilyang nakakaranas matulog ng di naghahapunan at nagkakasakit nang di nadadala sa hospital.

Mapagpahirap at mapang-api ang mga patakarang ito. Mga patakarang dikta ng mga malalaking kapitalista at institusyon sa mundo na ipinatupad nina Cory, Ramos, Erap at Gloria Arroyo.

Ang masama ngayon ito pa rin ang riles ng pang-ekonomiyang patakaran ni Noynoy Aquino.

Hindi rin tayo ang totoong Boss ni P-Noy. Ang totoong Boss nya ay ang mga kapitalista, ang Liberal Party na kanyang partido at ang mga elitista. Kaya ang boses at ang kagustuhan ng mga kapitalista, mga elitista at trapo ang masusunod at hindi tayo.

Wala syang ipinagkaloob sa hanay ng masa. Walang lider ng kilusang masa ang ipinasok at pinahawak ng importanteng posisyon sa loob ng gobyerno. Wala ring ibinigay sa mga kahilingang ipinaabot ng iba't ibang grupo at kilusan ng masa sa kanya noong panahon ng kampanya at nitong siya ay pangulo na.

Hindi pinakinggan ang ating mga kahilingang:

1. Itigil ang kontraktwalisasyon at ang Marahas na demolisyon!

2. I-repeal ang Oil Deregulation at Automatic Appropriation Law.

3. Isabatas ang Nationwide Accross the Board Wage Increase at ang pagbubuwag sa Wage Board!

4. Ang pagsasabatas ng Unemployment Insurance at ang Mandatory Trust Fund ng Manggagawa.

5. Ang Pagtatapos ng Repormang Agraryo at Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal.

Hindi totoong ang pagresolba sa kahirapan at kaapihan ng masa ang programang bitbit ni P-Noy kundi ang pag-iistabilisa at pagpapatuloy ng paghahari ng mga kapitalista, trapo at elitista sa ating bayan. Wala tayong maasahang pagbabago kay P-noy sa kabuhayan at kaapihan ng masang Pilipino.

Kaya't sa ngayon ay di na natin dapat pag-usapan pa kung ano ang magagawa sa atin ni P-Noy dahil wala syang magagawa para sa masa ng sambayanan. Ang mas mainam na pag-usapan ay kung ano ang magagawa natin para obligahin ang administrasyon ni P-Noy na gumawa para sa atin!

Kaya palakasin natin ang ating kilusan, palakasin natin ang ating partido!

BMP August 2010

Lunes, Hulyo 26, 2010

BMP press release on P-Noy's 1st SONA

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Press Release
July 26, 2010

Multitudes of actions, agenda challenged
by various sectors greeted P-Noy SONA

As early as 7am to 10am, various sectors converged in various points as a prelude to P-Noy SONA in the afternoon. Thousands of urban poor belonging to Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) and allied organizations trooped in front of NHA along elliptical road and delegations to the house of P-Noy at times street in Quezon City. In the same mode, workers belonging to the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) prominently displayed their slogans and streamers along Philcoa leading to Commonwealth avenue.

These groups later joined the converging point of the multisectoral group Sanlakas and its allied organizations in front of the office of Commission on Human Rights along Commonwealth Avenue at around 11am. The groups were also joined by other sectors and organizations to which their number swelled to thousands. They were carrying dialogue cum slogans imprinted in their placards as a way of ventilating their issues and agenda to the 1st SONA of the P-noy administration. A short program was held and around past 12:00 noon, the group marched to Tandang Sora where a huge contingent of Freedom from Debt Coalition (FDC), Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), KONTRA (Koalisyon Kontra Kontraktwalisasyon) members converged. At around 1:00 pm, the rallyists pursued marching down to Ever Gotesco but were joined by members of KAMP, a multisectoral alliance along the stretch of Pure Gold in Commonwealth.

The Sanlakas bloc presented a 10 pt. agenda where they articulated that these issues were the embodiment of the program to compliment Noynoy’s assertion of serving to his Boss, the Filipino people.

“P-Noy should pursue a program that would essentially address the issue of poverty and joblessness. If he is sincere in solving these concrete problems he must not use the former administration as a scapegoat but instead come up with a real solution to alleviate people’s misery. He has to touch the debt servicing issue in order to find ways for more funds for his pro-poor programs and services. He has to enhance the domestic economy to ensure jobs for the Filipinos. If he can do this, then he is not another Gloria in the making whose regime was attributed with politicking, corruption and heavy taxation.” Leody De Guzman, BMP President elaborated in an interview. (30)

Huwebes, Hulyo 15, 2010

Hamon ng Manggagawa kay P-Noy

HAMON NG MANGGAGAWA SA BAGONG ADMINISTRASYON AT PANGULO:

PROTEKSYON SA PAGGAWA

Sa siyam na taon ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Malakanyang, lalong naghirap ang kabuhayan ng manggagawang Pilipino at lumala ang paglabag sa mga pantaong karapatan ng manggagawa. Hindi nito pinakinggan ang boses ng paggawa at konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawang Pilipino.Na: Nasasaad sa Art. 13, Sec. 3 ang mga deklarasyon at katagang. . . “The State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare”. “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “It shall guarantee the rights of all workers to; Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law. “They shall be entitle to; Security of Tenure, Human Conditions of Work, and a Living Wage. “They shall; Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits. “The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing; the right of labor to its just share in the fruits of production. Ngayong may bago ng pangulo, bagong administrasyon, narito ang hamon natin sa administrasyon ni P-Noy:

1. SEGURIDAD SA TRABAHO

Problemang malaki ang laging end contract ng trabaho tuwing 5 buwan. O kaya ay ipapasa sa isang contractor ang trabaho sa mababang halaga ang pasweldo at benepisyo sa contractor o subcontractor. Nawala ang security of tenure ng manggagawa. Di rin makapagtayo ng union at makabuo ng CBA dahil nga kontraktwal. Karamihan sa kontraktwal ay di natatamasa ang mga mandatory benefits gaya ng SSS, PhilHealth atbp. At pag muling nag-aplay ng trabaho gagastos na naman ng di bababa sa P2,500.00 sa mga requirements. Dagdag pa, pinauso na din ng mga employer ang Agelimit sa pagtanggap ng empleyado (18-23 years old) ang tinatanggap. Ang mga 23 years old pataas ay nawawalan na ng opportunidad na matanggap pa sa trabaho. Ang iba naman dahil sa re-contract ng re-contract sa empleyo tumatanda walang benepisyon matatamasa.

Gawa yan ng labor-only contracting (LOC) na pinauso ng mga kapitalista na naglipana sa kasalukuyan. Mga manpower o recruitment agencies na nagsusuplay ng empleyado sa mga kumpanya, kabilang dito ang trabahong janitorial at security. Paglabag yan sa Artikulo 106 at 280 ng Labor Code. Labag din sa Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo 13, Seksyon 3 xxx. Dapat na may karapatan sila [manggagawa] sa katatagan sa trabaho.xxx Dahil sa walang itinakdang parusa sa mga lumalabag, nagpapatuloy ito na kinukunsinti ng mga opisyal ng gubyerno.

Solusyon sa problema:
1.1. Alisin ang Age Limit (18-25 years old) na pinauso ng mga kapitalista. Ganap na ipagbawal ang labor-only contracting at iba pang tipo ng kontraktwalisasyon at parusang multa at pagkakulong sa mga lalabag dito.

1.2. Alisin ang preventive suspension na karaniwang ginagawa ng kumpanya sa manggagawang
pinaghihinalaang nagkasala. Pinarurusahan na agad ang di pa napatutunayang nagkasala.

1.3. Direct Hiring ng nangangailangang kumpanya; walang dadaan sa agency. Gawing regular employee sa ikaanim (6) na buwan ng pagtatrabaho sa mga karaniwan, natatangi at kinakailangan sa arawang negosyo ng kompanya.

2. MAKABUBUHAY NA SAHOD AT BENEPISYO
Problemang malaki ang kaliitan ng sahod. Di magkasya kahit 16 na oras kang magtrabaho. Pinag-ibaiba pa ng mga Regional Wage Boards ang sweldo sa iba’t-ibang lugar. Maliit nga ang sweldo kaya di nakakapag-ipon para sa pagtanda. Iilang kumpanya lang ang may retirement pay o separation pay para sa kanilang empleyado. Ang iba naman ay tumatakas matapos isara ang kumpanya. Naiiwanang walang nakuhang benepisyo ang manggagawa. Kaya ang mga manggagawang nagpayaman sa kumpanya ay parang kalamansi na itinapon matapos sipsipin ang katas nito. Di nasusunod ang karapatan ng manggagawa na sinasabi sa Artikulo 13, Seksyon 3 ng Konstitusyon xxx Dapat may karapatan sila…..sa sahod na sapat ikabuhay.xxx

Ang solusyon sa problema:
2.1.Isabatas ang living wage o sweldong makabubuhay ng pamilya. Tanggalin ang mga Regional Wage Boards at ibigay sa Kongreso ang pagtatakda ng living wage sa buong bansa batay sa consumers price index.

2.2. Isabatas ang paglalagay ng Trust Fund para sa retirement pay, separation pay ng manggagawa. Para hindi na maulit ang nangyari sa NPI, Gelmart at maraming iba pa.

2.3. Isabatas ang unemployment insurance sa mga mawawalan ng trabaho para may pambuhay sa pamilya habang naghahanap ng panibagong trabaho.

2.4. Sa kalagayan ng pagsasara ng kumpanya at pagtakas ng may-ari sa mga pampinansyang
Responsibilidad nito sa mga manggagawa, aakuin ng gubyerno ang responsibilidad.

3. MAKATAONG KALAGAYAN SA PAGTATRABAHO
Maraming employer ang lumalabag sa Minimum wage law, di sumusunod sa Labor Standard Law at health and safety. Di na nga sapat ang minimum wage, di pa sinusunod ng maraming employer kaya naman kulang sa nutrisyon ang pamilyang manggagawa. Bukod pa, delikado sa kalusugan at kaligtasan ang maraming pagawaan na nagdulot ng malalang pagkakasakit at kamatayan. Bukod pa sa pagkasira ng kapaligiran. Di nasusunod ang karapatan ng manggagawa na sinasabi sa Artikulo 13, Seksyon 3 ng Konstitusyon xxx Dapat magkaroon sila ng karapatan sa makataong mga kalagayan sa trabaho xxx

Solusyon sa Problema:
3.1. Isabatas ang kaparusahang multa at pagkakulong sa mga employer na di tumutupad sa Labor Standard Law at health and safety.

3.2. I-deputized ng Department of Labor and Employment ang mga lider manggagawa bilang inspector ng Labor Standard at Health and Safety sa mga kumpanya.

3.3. Pahigpitin ang inspeksyon sa mga bago at dati ng kumpanya na nagbubuga ng nakakalasong usok at likido na sanhi ng maraming sakit ng manggagawa at pagkasira ng kapaligiran.

4. GANAP NA KALAYAAN SA PAG-OORGANISA, PAKIKIPAGTAWARAN AT SAMA-SAMANG PAGKILOS
Problemang malaki ang AJ o Assumption of Jurisdiction ng Secretary of Labor. Ito ay may terror effect sa mga manggagawa, unyon at kilusang paggawa kagaya ng nangyari sa Hacienda Luisita, Nestle Phils, Niukko Material Phils. at marami pang iba. Lahat ng konstitusyunal na karapatan ng manggagawa sa ilalim ng social justice provision ng konstitusyon ay nilalabag ng AJ pati ang likas na karapatang mabuhay. Paglabag ito sa karapatang pantao at di konstitusyunal. Ang pakikialam ng management sa pagtatayo ng unyon at iba pang aktibidad ng unyon ay sagabal sa mabilis na pagtatayo at pagdami ng unyon. Humahantong ang pakikialam ng management sa pananakot, pagtanggal sa trabaho at pagpatay ng lider. Ang simpleng pakikialam ng management ay paglabag sa Artikulo 246, 248 at 277 ng Labor Code.

Dahil sa walang takdang parusa, nagpapatuloy ang ganitong gawain ng management. Kapag walang unyon, di nakakakuha ng mas malaking sahod at benepisyo ang manggagawa. Ang manggagawa sa ngayon ay nakagapos ang kamay kapag kailangan nitong labanan ang pang-aapi at pambabarat ng mga kapitalista sa sweldo at benepisyo. Ito’y dahil sa sari-saring requirements at mahabang proseso bago makapagwelga. Problema din ang kapos na kaalaman ng napakaraming manggagawa sa kanilang mga karapatan bilang manggagawa at mamamayan.

Solusyon sa problema:
4.1. Alisin ang (Art. 263 (g) sa labor code) Assumption of Jurisdiction ng Kalihim ng Paggawa at Empleyo dahil niyuyurakan nito ang mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas pati na ang karapatang mabuhay ng mga manggagawa.

4.2. Isabatas ang boluntaryong pagkilala at agarang pakikipag-CBA sa unyon sa kalagayang walang incumbent union sa isang kumpanya. Mandatory membership sa unyon o close shop policy sa mga bagong manggagawa.

4.3. Alisin ang “no union” option sa certification election.

4.4. Pagbawalan ang management ng kumpanya na makialam sa pag-uunyon. Parusahan ang
management at/o mga may-ari ng kumpanya na nakikialam sa proseso ng pag-uunyon. Kung opisyal ng gubyerno ang nagkasala, pagbawalang maupo sa anumang pwesto sa gubyerno habang-buhay at pagkakulong.

4.5. Alisin ang mahabang prosesong requirement para makapagwelga gaya ng 30 days cooling-off period, 7 days grace period. Alisin din ang napakaraming bawal sa panahon ng welga gaya ng free igress and engress. Ipagbawal ang pakikialam ng pulis at militar sa mga piket, welga o anumang mapayapang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa para kamtin ang kanilang kahilingan sa kumpanya. I-Repeal ang Herrera Law. R.A. 6715 at 6727.

4.6. Ibalik ang ala-CIR na sistema ng pagdinig sa mga kaso sa paggawa. Takdaan ng isang taon ang pinakamatagal na proseso ng isang kaso. Para sa pinal na Order at Writ of Execution nito.

5. PARA SA MANGGAGAWA SA TRANSPORTASYON
5.1. 20% discount sa gasolina, diesel, langis at spare part sa mga TODA, JODA, Taxi.

5.2. Ibaba ang bayarin sa prangkisa at renewal ng rehistro at drivers licence.

5.3. Health and accident insurance ng gobyerno sa lahat ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

5.4. Ibasura ang Oil Deregulation Law

6. PAMBAYANG USAPIN
6.1. Ibaba ang tuition fee at baguhin ang sistema ng edukasyon.

Sapagkat marami ng kabataang di nakapag-aaral. Ang mababang sweldo ng manggagawa ay di kayang magpaaral ng anak.

6.2. Ibaba ang presyo ng mga bilihin, kuryente at tubig. Itigil ang pribatisasyon sa mga basic service facilities gaya ng tubig, kuryente (generation, transmission at distribution), transportasyon gaya ng mrt/lrt at provincial trains, hospitals, expressways. Ipawalambisa ang EPIRA Law.

Sapagkat ang pagtaas ng presyo ng mga ito ay sasakmal ng malaki sa kakarampot na sweldo ng
manggagawa. At ang walang tigil na pagpapalaki ng tubo ng mga pribadong kompanyang may hawak nito ay mangangahulugang malaking bahagi ng sweldo ay mapupunta sa mga bayaring ito.

6.3. Pabahay na abot-kaya ang upa/bayad.

Sapagkat sa liit ng sweldo, wala ng manggagawang makakatira sa desenteng bahay na matatawag na tahanan. Nakatira sila sa maliliit na kwartong paupahan o sa mga slum areas na makakatipid sila.

6.4. Pawalambisa ang Automatic Appropriations Law sa pagbabayad-utang. Moratoryum ng
pagbabayad sa lehitimong utang. Hindi babayaran ang mga maanomalyang utang.

Sapagkat lubog na sa utang ang gubyerno. Uunahin mo pa bang ibayad sa utang kaysa ipakain sa
nagugutom mong anak? Malaking bahagi, 40%-50%, ng badyet ng gubyerno ay naibabayad sa utang. Marami sa mga utang ay maanomalya at di pinakinabangan ng taumbayan. Sa panahong ito na kailangang-kailangan ang pera para makaahon ang Pilipinas sa pagkakalugmok, maramat lamang na gastusin ang pera sa pagpapaunlad ng ekonomya, edukasyon, kalusugan ng mamamayan at pabahay. Hindi ito pambabalasubas sa pinagkakautangan, laluna sa mga nagpautang na alam na alam nila ang anomalya dapat sila ang magbayad. Ito ay makatwiran.

6.5. Palakihin ang badyet sa mga batayang serbisyo sosyal gaya ng edukasyon, kalusugan at
pabahay. Alisin ang pork barrel sa mga Congressman, Senador at Pangulo.

Sapagkat ginagamit sa pulitika ang kaban ng bayan. Marapat lang na mapunta sa mga
nangangailangan ang pera ng bayan.

6.6. Ipatupad ang Progressive Taxation—buwisan ang mayaman hindi ang mahirap. R-VAT Alisin.

Sapagkat kakarampot na nga ang kita, kokotongan pa ng buwis ang naghihirap na manggagawa at mamamayan.

6.7. Paunlarin ang agrikultura para magkaroon ng maraming trabaho at matiyak ang food sovereignty ng bansa. Sapagkat napakalaking potensyal ng sektor ng agrikultura para lumikha ng maraming trabaho sa kanayunan. Lulutasin din nito ang pagsisiksikan ng tao sa mga kalunsuran. Lulutasin nito ang kakapusan ng batayang mga pagkain. Lulutasin nito ang mataas na presyo ng pagkain.

6.8. Pawalambisa ang Oil Deregulation Law. Ibaba ang presyo ng langis. Sapagkat pinababayaan ng gubyerno ang mga kumpanya ng langis sa gusto nilang presyo. Dapat lang na may regulasyon sa presyuhan.

6.9. Ipatupad na ang sektoral na representasyon sa mga lokal na pamahalaan. Sapagkat matagal na itong nakasaad sa Local Government Code. Di ito maipatupad dahil walang mekanismo o kulang ang batas para ito tuluyang maipatupad.

6.10. Parusahan ang mga grafters at corrupt sa pangunguna ni Gloria, kasama na ang mga tiwali sa DOLE at NLRC.

Ang pagtugon ni P-Noy sa mga kahilingang ito ang sukatan kung siya nga ay tatahak sa TUWID NA LANDAS, kung tototohanin ang salitang KUNG WALANG, CORRUPT WALANG MAHIRAP at ang KAYO ANG AKING LAKAS na diniinan niya sa kanyang inagurasyon sa mga katagang WALANG WANGWANG, WALANG COUNTER FLOW. KAYO ANG AKING BOSS. WAKASAN NA ANG BALUKTOT NA DAAN. DITO NA TAYO SA MATUWID NA DAAN.

Huwebes, Hulyo 1, 2010

Lead the arrest of PGMA, Launch offensives against poverty!


Press Release
July 1, 2010

Lead the arrest of PGMA!
Launch offensives against poverty!


Challenging the new administration to seriously fight corruption in the government, a “mock arrest of PGMA” was being portrayed by some participants in a march yesterday, July 1, 2010 at Mendiola. A participant who wore a PGMA mask and was in hand cuffs was escorted by the workers and urban poor playing the role of arresting officers.

Hundreds of workers and the urban poor belonging to the Bukluran ng Manggagawang Pilipino together with its allied organizations namely; Sanlakas, KPML, SUPER, MELF, ZOTO, PMT and PLM marched down to Mendiola to highlight what they dubbed as their basic demands to P-Noy in his first day of office at Malacanang.

These demands were prominently displayed in their huge streamers which the group believed would open the door to alleviate the misery and poverty of the Filipino people. Addressing the problems of rampant contractualization, demolition and housing, Oil deregulation Law and the Expanded Value Added Tax (EVAT) and the debt moratorium would form as the core issues that the present administration should focus and resolve.

Unfortunately these issues were not profoundly articulated by P-Noy during his earlier campaign for the Presidency and even in his inaugural speech at Quirino Grandstand last June 30. His slogan of “Walang korap, kung walang mahirap” seemed to have died down and now is being regarded very superficially.

Mr. Leody De Guzman, in an interview elaborated that “P-Noy should lead the country to arrest corrupt officials including former PGMA and must be true to his word in fighting poverty and as such, his administration should launch offensives by addressing the very core issues that has became key factors for the marginalization of the Filipino people. This is the very reason why we are knocking at the Malacanang doorstep to present these important demands of the basic sectors.” (30)


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996