Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Mayo 10, 2011

PR - Proposed P22.00 ECOLA, an insult to Filipino Workers!

Press Statement/Release
May 10, 2011

Proposed P22.00 ECOLA of the NCR-RWB, an alms and an insult to the Filipino Workers!

The Department of Labor and Employment’s (DOLE) pronouncement of the proposed P22.00 ECOLA by the NCR-RWB (National Capital Region-Regional Wage Board) is a far cry from NEDA and NSO’s study of around P967.00 daily cost of living for family of 6 to have a decent life. The present minimum wage is pegged by the National Wage Council of only 404.00 per day in the National Capital Region. On the other hand, much lower minimum wage is being enjoyed by workers outside the Metropolis. If applied in the National Capital Region, around P563.00 is needed to cope up the daily cost of living.

The P22.00 ECOLA will not be commensurate to the all time high inflation rate and the 29.2% price increases of prime commodities and basic expenses on electricity and water rates. The irony of it all is that big capitalists for the last three months were in the headlines making huge profits. In an earlier report, the top 1,000 corporations were raking in billions of pesos in profits since 2001 and were tripled in 2008 from P116 Billions in 2001 to P416.7 in 2008. Many Filipino billionaires were in fact cited in the Forbes Magazine’s Richest Men in the world.

The staggering downfall of the real wage as reflected in the Consumers’ Price Index (CFI) in the year 2000 data that for every peso spent of that year compared to this year, the value of P1.00 then is now pegged at P.60 Centavos. Roughly 10% will benefit the proposed additional ECOLA. In the past, loopholes in the implementation will again cropped-up because of too many exemptions and deferments. Above minimum wage earners and those employers with 10 workers and below were exempted from the proposed scheme. Not to mention those companies expected to present financial losses to enjoy some exemptions.

“We find the DOLE proposal as an insult to the Filipino workers. The scheme will not alleviate the plight of the workers now wallowing in poverty. The proposal is not meant to help the helpless Filipino workers but to appease and condone the whims and caprices of the greedy capitalists.” Leody De Guzman, BMP President asserted in an interview.

Mr. De Guzman further added that “The men and women of the DOLE should be reminded that they are running the agency to protect the cause of labor and not becoming alter ego and mouthpiece of big businesses and capitalists. If they can’t live up to the aspirations of the Filipino workers then they have no business manning the department. More so with the wage boards that should be ultimately abolished in favor of an increase through legislated mechanism. ”

For his part, Mr. Ronnie Luna, incumbent BMP Executive Vice President, challenged the P-noy administration and averred that “The scheme is not in consonance with the pronouncement of President Aquino during the Mayday Celebration where he proposed profit sharing as a means to achieve real productivity and progress of the country. In fact, the President himself believed that to enhance partnership of labor and capital, the best prescription would be profit sharing in order to ensure clean and honest governance to the people and the industry. This is what P-noy called the right path. So, Mr. Aquino, where is profit sharing here as exemplified by NCR-RWB ECOLA proposal? “. (30)

Lunes, Mayo 9, 2011

Limos at Insulto sa Manggagawa ang P22.00 ECOLA

Limos at Insulto sa Manggagawang Pilipino
ang P22.00 ECOLA ng NCR-RWB!

1. Malayo ang P22.00 ECOLA sa sinasabi ng NEDA at NSO na para daw makapamuhay ng maayos ang isang pamilya na may 6 na miyembro ay kailangang kumita ng halagang P967.00 kada araw. Ngunit ang kasalukuyang minimum na pasahod na itinatakda ng national wage council ay P404.00 lamang kada araw. Mas mababa ang sa mga regional wage board. Kung kaya kulang/kapos pa ng halagang P563.00

The Department of Labor and Employment’s (DOLE) pronouncement of the proposed P22.00 ECOLA is a far cry from NEDA and NSO’s study of around P967.00 daily cost of living per day for family of 6 to have a decent life. The present minimum wage is pegged by the National Wage Council of only 404.00 per day in the National Capital Region. On the other hand, much lower minimum wage is being enjoyed by workers outside the Metropolis. If applied in the National Capital Region, around P563.00 is needed to cope up the daily cost of living.

2. Malayo ang P22.00 ECOLA kumpara sa 29.2% na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na pangunahing kailangan ng mga manggagawa sa araw-araw. Gaya ng pagkain, bayarin sa serbisyo sa kuryente, tubig at iba pa.

The P22.00 ECOLA will not be commensurate to the all time high inflation rate and the 29.2% price increases of prime commodities and basic expenses on electricity and water rates.

3. Malayo ang P22.00 ECOLA sa pagdausdos ng tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa (Real Wage). Ayon naman sa datos ng Consumers Price Index (CPI) kung noong 2000 ay P1.00 ang halaga ng P1.00 sa ngayong 2011 ay nagkakahalaga na lamang ito ng P0.60 centavo.

The staggering downfall of the real wage as reflected in the Consumers’ Price Index (CPI) in the year 2000 data that for every peso spent of that year compared to this year, the value of P1.00 then is now pegged at 60.00 Centavos.

4. Malayo ang P22.00 ECOLA kumpara sa tinubo ng mga kapitalista. Datos ng Forbes Magasine. Ang 1000 Top Corporation sa ating bansa ay lumubo ang tubo/kita nito mula sa P116.4 bilyon noong 2001 tungo sa P416.7 bilyon noong 2001-2008 pa lamang.

5. Dagdag pa, halos 10% lamang ng mga manggagawa sa NCR ang makikinabang dito. Dahil sa dami ng probisyon sa exemption at deferment ng RWB. Ang mga above minimum ang sahod at mga employer na 10 pababa ng empleyado ay exempted sa P22.00 ECOLA ng RWB. Gayundin ang mga kapitalista na maghahain ng reverses losses ay exempted.

6. Kaugnay nito, sinusuportahan namin ang panukalang PROFIT SHARING ni P-NOY para maisakatuparan ang tunay na diwa ng PARTNERSHIP ng Paggawa at Puhunan para sa produktibidad at progreso ng ating lipunam. Para sa Matapat at Malinis na pamamahala sa ating pamahalaan at mga pagawaan! Ito ang MATUWID NA DAAN para sa hanay naming mga manggagawa. Nais naming ipaalala kay P-NOY, sa panahon ng krisis, higt na kailangan ang proteksyon ng mga manggagawang nagugutom at walang matirahan, kaysa iilang kapitalista na nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay.

Bukluran ng Manggagawang Pilipino
May 9, 2011

Linggo, Mayo 8, 2011

Kapabayaan at Korapsyon sa DOLE, Wakasan na!

Mga Kapatid sa Paggawa,

Ang laban ng Goldilocks ay matagal na nating sinubaybayan mula ng maitatag ang kanilang unyon hanggang umabot sa pagwewelga noong nakaraang taong 2010. Ang welga ay umabot sa dalawang linggo at nagkasundo ang magkabilang panig sa mga mahahalagang usapin na inihapag ng mga manggagawa. Ang kaugnay sa pagkilala sa unyon ng BISIG-AGLO sa pamamagitan ng paglulunsad ng Certification Election at reinstatement sa 127 iligal na tinanggal na mga manggagawa.

May pinagbatayang dahilan kung bakit humantong sila sa welga. Ang puno’t dulo ng lahat ay ang problema sa mga naunang desisyon na ang naging dahilan ay ang mismong paghusga ng ilang tiwaling opisyal sa NLRC na ang piket protest na inilunsad nila sa panahon na silay naka-ofF-duty noon ay ginawang illegal strike. Sa kabila na walang pormal na reklamo ang management sa NLRC ay naglabas ng Ilegal Strike Order ang NLRC. Garapal at hokus pokus ang order na ito ng NLRC, na siyang ikinatanggal ng 127 mga manggagawang opisyal at lider ng unyon

Tatlong (3) ulit ng naganap sa goldilocks ang Certification Election (CE). Una: Regular CE noong 2007, Ikalawa: Run-Off CE noong 2009 ng Bisig-Aglo at Buklod. Ikatlo: Kautusan ng Court Of Appeal na mag-Election na lang ulit ang mga nag-laban sa Run-Off Election na ginanap noong May 6, 2011 para ”once and for all” malutas na ang usapin sa CE at Representasyon sa CBA.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan higit limang (5) taon na ay wala pa ding linaw ang resulta ng halalan. Ang pinakahuling Certification Election noong Mayo 6, 2011 sa atas (Order) ng Court Of Appeal. Para matuloy lamang ang matagal ng pagkabalam sa konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawa sa pagtatayo ng unyon (CE) ay pumayag na tayong ituloy ang botohan at pag-usapan na lamang kung alin ang mga lihetimong boto ang dapat na bibilangin.

Ngunit muling gumala na naman ang mga ANAY sa loob ng Department of Labor. Ang sabwatan ng DOLE, Management ng Goldilocks at mga Pederasyong Fly By Night na mga tuta ng kapitalista at mga Aristokrata sa Paggawa. Muli na namang pinagkaperahan ang konstitusyunal na batayang karapatan ng mga manggagawa sa pagtatayo ng unyon, seguridad sa trabaho at pakikipag-CBA.

Lumabas ang husga ng DOLE-NCR noong April 27, 2011 na may lagda ni: Med. Arbiter Atty. Simonete Colobocal. Ang dating 200 Protech workers vote na nalagay na sa segregated vote at nahusgahan nang hindi kasali sa botong bibilangin noong 2009. At ang 500 manggagawa na wala naman sa list of voterts na isinumite ng Management sa DOLE, na hindi naman mga empleyado ng Goldilocks ay gusto na namang isali sa bibilangin boto.

Mga kasama, ang simpleng karapatan sa pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa ng Goldilocks ay umaabot na ng limang (5) taon, ang kaso ay umaabot na sa Korte Suprema. Sa tatlong ulit na Certification Election (CE) hanggang sa ngayon ay wala pa din pinal na napoproklamang panalong unyon at SEBA. Ang patuloy na pagkaantala sa karapatan ng manggagawa na magtayo ng unyon, ang paulit ulit na CE at pag-abot ng kaso sa Korte Suprema, ang ating tanong? Pinaglalaruan at pinagkakaperahan ba ang mga kasong ito ng sabwatang Kapitalista, DOLE at mga Ferderasyong binubuo ng mga Aristokrata sa paggawa

Mga Kasama, Ang kaso ng Goldilocks, URC 41, PALEA at BDO ay matagal na nating sinusubaybayan, Sapagkat, ang mga kasong ito ang kongkretong patunay natin kung paano garapalang sinusupil at pinagkaka-perahan ng sabwatan ng DOLE, Kapitalista at mga Aristokrata sa paggawa ang kontitusyunal na batayang karapatan nating mga manggagawa sa regular na empleyo, karapatang mag-unyon at makipag-CBA. Ang pagtagal ng ating mga kaso sa DOLE, NLRC, patuloy na pagkaantala at pagsagka sa ating mga batayang karapatan, pagdami ng mga reklamo ng ating mga OFW ang kongkretong patunay na umaalingasaw na laganap ang korapsyon sa DOLE, NLRC, POEA at OWWA.

Narito ngayon ang hamon natin kay P-Noy, kung seryoso siya sa “krusada” niyang labanan ang Korapsyon at gusto niya talagang linisin ang kanyang administrasyon para sa mabuti at matapat na pamamahala (Good Governance) huwag siyang kukurap sa “krusada” niyang ito. Kung nagawa niyang simulang linisin ang AFP-PNP, patalsikin ang Hepe ng Ombudsman, dito sa DOLE, NLRC, POEA at OWWA, simulan na niyang linisin ito. Sapagkat higit na malala at malalim ang epekto ng korapsyon dito. Ang korapsyon dito ay direktang tumatagos sa mga pabrika, plantasyon, opisina, iskwelahan at ibayong dagat sa mga kapatid nating OFW. Ang Dirtektang tinatamaan at biktima ng korapsyon dito ay ang mga pobreng manggagawa sa loob at labas ng bansa.

P-Noy, sa gitna ng krisis, higit na kailangan ang proteksyon sa mga manggagawang nagugutom at walang matirahan, kaysa iilang mga kapitalistang nagtatampisaw sa karangyaan sa buhay.

Mga kasama, ayaw natin na ang karanasan ng mga manggagawa sa Goldilocks, URC 41, PALEA at iba pa, na daranasin pa ng mga susunod pang henerasyon ng mga manggagawa. Marami tayong mga kaso na inihahapag sa DOLE, NLRC, POEA at OWWA na ang mga desisyon ng mga opisyal dito ay hindi tumitingin at nakabatay sa merito ng kaso, kundi sa buhos ng pera, impluwensya at kapangyarihan.

Mga Kasama, sobra na ang kapabayaan at korapsyon sa DOLE. Panahon na para wakasan ang ganitong kalakaran. Tayo ay maglulunsad ng kilos protesta sa harap ng DOLE Intramuros. Upang ilantad ang laganap na korapsyon sa DOLE. Ipaglaban ang kagyat na hustisya sa mga kapatid nating manggagawa ng Goldilocks, URC 41, PALEA at mga kapatid nating OFW at iba pang manggagawang inaalisan ng empleyo at patuloy na pinagkakaitan ng regular na trabaho, sahod na makakabuhay ng pamilya, karapatang mag-unyon at makipag-CBA para sa pagkakamit ng ”Marangal na Trabaho! at Marangal na Buhay”!

Sobra na ang Kapabayaan at Korapsyon sa DOLE! Dapat na itong Wakasan na!

Huwebes, Mayo 5, 2011

Labor group hits ‘PPP’ against just wage hike

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
MEDIA RELEASE
05 May 2011


Labor group hits ‘PPP’ against just wage hike

Militant labor center Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) today assailed what they call as a “seeming connivance of the government and the business sector against a fair wage increase.”

BMP’s statement is in reaction to BSP Governor Amado Tetangco’s warning that an increase higher than P25 is inflationary and ECOP President Edgardo Lacson’s assertion that they could only afford an additional P13.35 for workers’ salaries.

Leody de Guzman, BMP President, said, “The workers now understand what Aquino’s Public-Private Partnership is all about. It is the continuance of the connivance of business and government against labor interests.”

He lamented, “They’re harping the same old classic blackmail against wage increase; that it is inflationary, that it will cause retrenchments, and that it will spell apocalypse. But what is a slight decrease in profits to save our people from extreme hunger? What is a just wage increase compared to BSP’s long-running inflationary policy of low interest rates?”

The militant labor center said that they plan to picket the offices of BSP and ECOP soon to further register their messages.

Lunes, Mayo 2, 2011

May 1 Press Release/Statement

Press Release/Statement
Bukluran ng Manggagawang Pilipino
BMP
May 1, 2011


P-Noys’ Job fairs: A “moro moro” scheme of the worst kind! ‘Pantawid sa Kalsada! Panlilinlang sa masa! ”


“Sobra na! Tama na! Pahirap sa masa, Wakasan na!”, slogans shouted by thousands of workers belonging to the biggest contingent Sanlakas-PLM bloc heeded for Mendiola for a concelebrated mass with other labor groups.
The P-Noy administration showcase of pursuing job fairs in todays’ Labor Day Celebration is practically a rehashed of his former predecessors.

There is no significant move on the part of the government to commemorate today’s occasion, the Filipino workers were made to believe that the government is doing its job in these hard and trying times. Similar strategies employed in the past were never successful but a total failure. In terms of policies and programs, nothing is new to an administration that is reduced to being a second rate trying hard copycat.

Job Fairs and “Patawid sa Kalsada Program” were palliative solutions that will never alleviate the conditions of the Filipino people.

The P-Noy administration is offering 50,000 jobs, a far cry from the staggering three millions unemployed Filipinos needed for employment in the country. The people are only being fooled to appease the growing discontent and frustration.

“Moro-moro ang ginagawa ng gobyerno at ang programang “Pantawid sa Kalsada” ay klarong panlilinlang sa masa!” exclaimed by Leody De Guzman, BMP President. during the rally in front of the University of Santos Tomas where the biggest contingent of the Sanlakas-Partido Lakas ng Masa (PLM) numbering over 5,000 people converged and held a program.

Mr. De Guzman further added that “What kind of direction P-noy is heeding, if this trend will continue, this administration is bound to fail. He was able to buy for himself a Porsche but nothing to the workers!”

The group depicted a replica of P-Noy’s Porsche with a sign of “Wala akong pakialam” placed on the chest of a rallyist clad in a barong with the face covered by a mask of President Noynoy Aquino.

The Sanlakas-PLM bloc marched towards Mendiola to join with other various labor groups to a concelebrated mass by NASSA, a social action arm of the CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philipppines). (30)

Linggo, Abril 24, 2011

polyeto para sa Mayo Uno

P-NOY, KONTRA MANGGAGAWA!
TUTA NG KAPITALISTA!

Noong inagurasyon ni P-Noy, sinabi niya "pwede na muling mangarap" sa pamamagitan ng "tuwid na daan" ng kanyang administrasyon. Pero makalipas ang sampung buwan, kabaligtaran ang ginagawa niya.

Deklarasyon ng gera sa manggagawang Pilipino ang order ni P-Noy na legal at management prerogative nga ang spin-off sa PAL. Ang sabwatan nina P-Noy at Lucio Tan ay magtatanggal sa 2,600 na manggagawa sa PAL.

Ang desisyong ito ni P-Noy ay nagbigay ng lisensya sa lahat ng kapitalista na magtanggal ng manggagawa nang walang due process of law. Kahit mabuti kang manggagawa at walang kaso, kapag naisipan ng management na tanggalin ka, pwede na. Iyan ang bisa ng desisyon ni P-Noy. Tahasang nilabag ni P-Noy ang Saligang Batas na naggagarantiya sa karapatan sa seguridad sa trabaho.

Ito ang patunay na hindi tayong manggagawa ang boss ni P-Noy kundi si Lucio Tan at iba pang kapitalista. Ito ang patunay na ang uring kapitalista ang uring kinakatawan ng rehimeng Aquino.

Paso na ang moratorium na ibinigay ni P-Noy sa demolisyon ng bahay ng maralita. Kabi-kabila na ang demolisyon sa pamamagitan ng pagsunog sa mga komunidad ng maralitang manggagawa. Ang mga lupang gubyerno sa Quezon City na tinitirikan ng mga bahay ng maralitang manggagawa na ibinenta kina Lucio Tan, Augusto Ayala Zobel at iba pang mga lupa sa Metro Manila na binili ng mga kapitalista para sa ekspansyon ng kanilang naglalakihang negosyo ay sinusunog para mabilis at matipid na mapaalis ang mga nakatira. Wala silang pakialam kung saan titira ang mga makakaligtas sa sunog. Wala silang pakialam kung saan kukuha ng ikabubuhay ang mga nasunugan.

Ito ang patunay na hindi tayong mga maralita ang boss ni P-Noy kundi ang mga mayayamang gaya nina Henry Sy, Lucio Tan at Augusto Ayala Zobel.

Ang Philippines Development Plan (PDP) na nakabatay sa Public Private Partnership (PPP) ay kopya lamang sa programa ng nagdaang gubyerno na makakapitalista at makadayuhan - liberalisasyon ng kalakalan, deregulasyon ng merkado, pribatisasyon ng ari-ariang publiko at pleksibilisasyon ng paggawa na magpapalala ng kontraktwalisasyon na mag-aalis sa karapatang maregular sa trabaho, makapagtayo ng unyon at CBA at laganap na pagbaba ng sweldo. Wala na rin kontrol sa presyo ng mga batayang pangangailangan sa pamilihan dahil sa deregulasyon ng merkado.

Walang puknat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maya't maya ang pagtaas ng presyo ng petrolyo. Mula Enero hanggang kasalukuyan, tumaas ang gasolina ng P13.50 per liter, ang krudo P12.50 per liter, at ang LPG ay P15.45 per kilo. Sumabay na rin ang bayarin sa serbisyo tulad ng tubig at kuryente maging ang pamasahe sa bus, taxi, jeep at toll fee at susunod na ang MRT at LRT.

Hinahayaan na lang ni P-Noy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at petrolyo. Nagsisilbi pang tagapagtanggol ng mga dambuhalang kumpanya ng langis ang kanyang hepe sa Dept. of Energy.

Ito ang patunay na hindi tayong mamamayang Pilipino ang boss ni P-Noy kundi ang mga dambuhalang kapitalistang dayuhan.

Noong taong 2010, ayon mismo sa gubyerno, ang isang pamilya na may limang myembro ay nangangailangan ng P983.00 kada araw para lamang mabuhay. Ngayon, tinatayang aabutin na ito ng mahigit P1,000.00 kada araw. Subalit ang kasalukuyang sweldo ay nakapako na sa P404.00 kada araw sa NCR at mas mababa pa sa ibang rehiyon. Malayong-malayo para mabuhay ng disente ang manggagawa. Kumonti ang mabibili ng piso. Ayon din sa gubyerno, noong taong 2000, ang piso ay P1.00. Ngunit ngayong 2011, ang piso ay nagkakahalaga na lamang ng P0.60 sentimos.

Habang kapos ang sweldo ng mga manggagawa at bagsak ang kakayahang bumili nito, lumalangoy naman sa dagat ng tubo (profit) ang mga kapitalistang boss ni P-Noy. Ayon sa Forbes Magazine, ang top 1,000 corporation sa ating bansa ay lumobo ang tubo mula P116.4 bilyon noong 2001 tungo sa P416.7 bilyon noong 2008. Nagkamal ng malaking tubo ang uring kapitalista sa paghuthot nito sa lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino.

Ngayong Mayo Uno, nagtatalo-talo pa ang mga boss ni P-Noy kasama ang Malakanyang kung magkano ang ibibigay na mumo o mismis sa nagpapakahirap nating manggagawa para sila magkamal ng super-yaman. Wala sa kanilang usapan kung paano mabibigyan ng sweldong makabubuhay ng pamilya ang manggagawang Pilipino ayon sa nakasulat sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Muli, ito ang patunay na ang boss ni P-Noy ay hindi tayo kundi ang mga kapitalistang kauri niya.

Bola lang ang sinabi noon ni P-Noy na "pwede na muling mangarap". Isa itong mumurahing gimik sa halalan. Kahit hindi sabihin ni P-Noy, ang bawat isa sa atin ay may pangarap - disente't regular na trabaho, sapat na sweldo, disenteng tahanan, mapag-aral ang mga anak, may gagastusin sa oras na magkasakit at konting ipon kapag nagretiro na hindi umaasa sa limos ng gubyerno. Simpleng pangarap na imposibleng mangyari sa maka-kapitalistang administrasyon ni P-Noy.

Dahil sa mga patakaran at ginagawa ni P-Noy, ang ating simpleng pangarap ay mauuwi sa bangungot. Sapagkat ang mga akto at patakaran ni P-Noy ay ang tuwid na daan patungong impyerno.

Kamanggagawa at kababayan, iwaksi na ang ilusyong ang gubyernong maka-kapitalista ay kusang magbibigay ng ginhawa sa atin. Namnamin nating mabuti ang katotohanan na ang interes ng manggagawa ay salungat sa interes ng kapitalista. Ang pagbaba ng sweldo ay paglaki ng tubo ng kapitalista. Ang pagbaba ng badyet sa serbisyo sosyal ay paglaki ng pera at tubo para sa kapitalista. Ang pagbibigay ng lupang matitirahan ng maralita ay kabawasan sa ekspansyon ng negosyo at tubo ng kapitalista, ang pagtaas ng presyo at buwis ay pagbawi sa kakarampot na kinita ng manggagawa at paglaki ng tubo ng mga kapitalista. Ang sistemang kapitalismo ay walang puso. Hangad lang nito ang papalaki at papalaking tubo. Hindi para sa kabutihan ng manggagawa at mamamayan. At ang tagapagpatupad nito ay ang pangulo ng bansa.

Hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong papalalang kalagayan?

Tayo mismo anhg makapagbabago sa ating abang kalagayan, wala nang iba. Sa unang Mayo Uno ng rehimeng Aquino, salubungin natin siya ng malaki at pambansang kilos protesta. Kumilos tayo para sa pagbabago, para sa ating pangarap. Hindi natin papayagan ang ganitong kalagayan at hindi tayo dapat mag-ilusyon na kusang ipagkakaloob ang ating nga kahilingan. Kailangan nating kumilos, lumaban, palawakin ang pagkakaisa at paigtingin ang mga pakikibaka.

Halina't sama-sama nating gawing realidad ang ating mga pangarap.

BMP - PLM - PMT - SUPER - MELF - KPML - ZOTO
AMA - MP - MMVA - PK - KALAYAAN - SANLAKAS

Miyerkules, Marso 30, 2011

Memo para sa Mayo Uno

Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Para sa: Lahat ng Unyon, Organisasyon, Asosasyon at Indibidwal na Kasapi
Hinggil sa: Kampanyang Mayo Uno 2011
Mula sa: Komiteng Tagapagpaganap
Petsa: Marso 29, 2011
Gugunitain natin ngayong 2011 ang Mayo Uno (Pandaigdigang Araw ng Paggawa) sa gitna ng papatinding krisis ng sistemang kapital ng mundo at mga papet na rehimen nito. Ang pumutok na Global Financial Crisis (GFC) noong 2008 ay hindi pa nakakabangon. Wala pang nakikitang solusyon ang mga kapitalista ng mundo. Umiiral ito hanggang sa kasalukuyan at papalala pa.

Mula Enero 2011, wala pa sa tatlong buwan ang lumipas ay walong (8) ulit nang tumaas ang presyo ng langis o mga produktong petrolyo. Sa kasalukuyan ay P56.00 per liter na ang gasolina at P46.00 naman per liter ang krudo. Ayon sa American Investment Bank Merrill Lynch, “global oil prices surging to $144 per barrel based on the Brent crude benchmark in the next three month given the political unrest in the Middle East and North Africa”.

Ibig sabihin, palala pa ang krisis at patuloy na tataas ang presyo ng mga bilihin, bayarin sa serbisyo at pagdami ng walang trabaho ng masang Pilipino at manggagawa ng mundo sa kabuuan.

Katunayan, sa nakalipas na dalawang linggo hanggang sa kasalukuyan ay tumaas na ang lahat ng mga produktong petrolyo, gasolina - P5.00 per liter ang itinaas, krudo - P4.00 per liter, kerosene - P3.00 per liter, LPG - P1.00 per kg. Ang presyo ng pagkain, bigas, karne, delata, bawang, sibuyas, gulay at iba pa ay tumaas na ng halos 29.2%. Tumaas na rin ang bayarin sa serbisyo sa kuryente at tubig, P1.00 dagdag-pamasahe sa jeep at bus, P10.00 plug down naman sa taxi.

Ang usapin ng paglikas ng ating mga kababayang OFW sa Libya, Japan at iba pa na umaabot sa 1.5 milyong OFW ang dapat na kagyat na mailikas ay hindi mailikas. Ang iba naman ay nagpasya na lang manatili sa mga lugar na iyon kahit na mapanganib dahil sa pananaw na matatapos din naman ang kaguluhan at gutom din naman ang sasapitin nila sa Pilipinas kapag umuwi sila dahil sa kawalan ng matatag na empleyo at kabuhayan sa ating bansa. Walang trabahong mapapauokan sakaling umuwi sila ng bansa. Mismong galing ito sa bibig ni DFA Secretary Albert Del Rosario.

Ang kalamidad na tumama sa Japan at nagaganap na pag-aaklas ng mamamayan sa Middle East at North Africa ay nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at empleyo. Dahil sa pag-uwian ng ating mga OFW liliit ang remittance (Tax) na papasok sa gobyerno at darami ang walang trabaho. Dagdag pa ang napipintong tanggalan sa Calabarzon Area ng mga Japanese Company. Katunayan, halos 100 Japanese firms na ang naghain ng notice for retrenchment sa DOLE-1V-A-Calabarzon.

Kampanyang Mayo Uno

Sa ganitong kalagayan at konteksto natin gugunitain ang nalalapit na Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ilantad natin sa okasyong ito ang tuluy-tuloy na pananalasa ng krisis na likha mismo ng mga kapitalista at paglilinaw sa kahalagahan ng pagbabago at sosyalismo bilang natatanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Kasabay na ilantad ang patakarang kontra manggagawa at maralita ng rehimeng P-Noy at gamitin ito sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa malawak na masa ng sambayanan.

Ang Medium Term Development Plan (MTDP) ni P-noy na nakaangkla sa Public Private Partnership Program (PPPP) ay pagpapatuloy lamang sa patakarang Liberalisasyon, Deregulasyon, Pribatisasyon at Labor Flexibility na nagresulta ng kawalan ng kontrol sa presyo sa pamilihan, paglaganap ng iskemang kontraktwalisasyon sa paggawa na naghubad sa batayang karapatan ng mga manggagawa na maregular sa trabaho, magkaroon ng unyon at CBA, tumaas ang sweldo at magkaroon ng maayos at ligtas na paninirahan.

Ang Order ni P-Noy sa isyu ng PALEA (Affirmation sa Order ni DOLE Secretary Baldoz) na legal ang management prerogative na tanggalin sa trabaho ang 2,600 manggagawa ng PAL at pagsang-ayon na isailalim ang mga ito sa contractual employees ay malinaw na pagwasak sa konstitusyunal na karapatan nating mga manggagawa sa Security of Tenure at ito’y masaker sa ating mga unyon at CBA.

Ang ating mga Kahilingan at Panawagan:

1. Trabahong regular at sahod na makakabuhay ng pamilya. Tax Exemption sa mga manggagawang sumasahod ng P956.00/day pababa.

2. Unemployment Insurance at Mandatory Trust Fund sa Retirement Benefit ng mga manggagawang tumagal na ng isang (1) taon sa empleyo.

3. Subsidyo/Discount sa presyo ng pagkain at mga bayarin sa: Housing Monthly Amortization, Hospitalization, Matrikula, Electric at Water monthly bills

4. Freeze Price: sa presyo ng mga produktong petrolyo at pagkain sa dating presyo nito bago ang kaguluhan sa Middle East at North Africa, at dagdag na parusa sa mga lumalabag sa price control.

5. Tanggalin ang VAT sa produktong petrolyo. Makakatipid ang mga tsuper dito ng halagang P6.00 sa bawat litro ng krudo o gasoline.

6. Ibasura ang oil deregulation law. Para makaalis sa pagkatali ang ating gobyerno sa pagbili ng langis.

Ang mga problema at kahilingan nating ito ay naihapag na natin sa unang araw, SONA at ika-100 araw ng panunungkulan ni P-Noy. Ngunit hanggang sa ngayon ay walang nagawa maliban sa pag-antala sa mga demolisyon sa maralita at tanggalan sa mga manggagawa ng PAL.

Ang ating Tungkulin: Sampung libong (10,000) Mobilisasyon ngayong Mayo Uno sa buong bansa!

Tapos na ang Moratorium sa Demolisyon. May order na rin si P-Noy sa isyu ng PAL. Ibig sabihin tuloy ulit ang mga demolisyon kahit walang tiyak na maayos at ligtas na relokasyon sa mga kapatid nating maralita. Tuloy ang tanggalan sa 2,600 manggagawa at kontraktwalisasyon hindi lamang sa mga manggagawa ng PAL kundi sa buong bansa.

Malinaw na hindi na tayo dapat pang mag-ilusyon sa administrasyon ni P-Noy na pakikinggan at ipagkakaloob ng kusa ang ating mga kahilingan. Kailangan na nating kumilos, palawakin ang pagkakaisa at paigtingin ang ating mga pakikibaka, upang obligahing pakinggan ang sigaw at karaingan ng mga manggagawa at maralita.

Sa unang Mayo Uno ng administrasyon ni P-Noy, isang pambansa at malakihang kilos protesta ang ilulunsad natin, na siyang maghuhudyat ng kabiguan ng mga manggagawa at masang Pilipino sa mga pangakong pagbabago ni P-Noy at tatapos sa natitira pang mga ilusyon. Si Lucio Tan at mga kapitalista ang Boss ni P-Noy, hindi ang masang Pilipino. Sistema at interes ng mga kapitalista ang pinoprotektahan ni P-Noy, hindi ang kagalingan at interes ng masang Pilipino.

Mga Kasama, kasabay nito’y salubungin natin ang matagumpay na paglulunsad (Launching) ng Atty. Hermon and Filemon “Ka Popoy” Lagman Workers’ Foundation ngayong Mayo Uno ng isang pambansa at malakihang pagtitipon na maglalantad sa malalim na krisis ng kapitalismo at mga elitistang Estado nito. Na ang nagaganap na pag-aalsa sa Middle East at North Africa ay di malayong maganap sa ating bansa kung ipagpapatuloy ni P-Noy ang mga patakarang Anti-Labor at Anti-Poor ng kanyang administrasyon.


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996