Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Sabado, Marso 8, 2014

Maikling Kwento sa Buhay at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo


Maikling Kwento sa Buhay
at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo

Mga kasama at Kapatid sa Paggawa,

Si Ka Romy Castillo, 62 taong gulang, biyudo (ang asawa’y pumanaw noong Disyembre 2012) at may 2 anak (isang babae at isang lalaki), taga-Escalante, Negros Occidental, ang kasalukuyang secretary general ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Noong 1987, naging manggagawa siya ng Philippine Blooming Mills Inc. na matatagpuan sa Brgy. Rosario, Pasig, Metro Manila. Noong 1979, naging bise president ng Philippine Blooming Mills Employees Union - National Federation of Labor Unions (PBMEU-NAFLU). Isa sa tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kanyang unyong pinamumunuan na may 2,600 kasapian noong Mayo Uno 1980 sa Araneta Coliseum. Nang taon ding iyon, naging chairman siya ng KMU Area 2 na sumasaklaw sa Mandaluyong, Pasig, Marikina at Rizal.

Isa siya sa 34 na mga opisyales at lider ng PBMEU na nagpasyang kumilos ng buong panahon sa Kilusang Paggawa nang ganap na magsara ang kanilang pabrika noong 1981. Aktibo niyang kinondena ang Arrest and Search Order (ASO), Preventive Detention Action (PDA) at crackdown ng pasistang diktadurang rehimen ni Marcos sa KMU noong Agosto 13, 1983.

Isa siya sa maraming lider-manggagawa na inaresto, kinulong ng pasistang rehimen ni Marcos noong Hulyo 1984. Siya at apat pang kasama (Antipolo 5) ay isa't kalahating taong ikinulong ng militar sa Camp Bagong Diwa matapos ang nakaririmarim na tortyur sa kanila. Sa loob ng piitan ay nakaranas siya ng iba’t ibang uri ng tortyur, tulad ng water cure, electric shock, at pagkuryente mismo sa kanyang ari na muntik na niyang ikabaog.

Nakalaya siya matapos ang EDSA People’s Power Uprising noong Pebrero 1986. Paglaya ay agad na siyang kumilos at natalaga bilang organisador at lider-manggagawa at ipinadala sa iba't ibang bansa, tulad ng Japan, Germany at Netherlands sa Europa para sa gawaing pakikipagkapatiran sa mga manggagawa / organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa sa Europa.

Pagbalik niya sa Pilipinas ay aktibong kumilos bilang kasapi ng KMU Central Committee. At noong 1989 ay nahalal siya bilang chairman ng KMU National Capital Region (KMU-NCR) chapter.

Noong 1992-93, sa panahon ng panloob na tunggaliang pang-organisasyon sa KMU na humantong sa split ng KMU-NCR chapter sa KMU-national ay tumindig siya sa tama at totoo! At nanawagan siya ng pagtatakwil sa mga Maoista at Stalinista. Naging Founding Chairman siya ng BMP sa Konggreso ng Pagtatatag nito noong Setyembre 14, 1993 sa Ultra, sa Lungsod ng Pasig. Nanungkulan siya bilang Chairman ng Bukluran ng Manggagawa para sa Pagbabago (ang dating ibig sabihin ng BMP) hanggang 1996.

Muli siyang natalaga sa Labor International Work para ilinaw sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa ang Kritik sa Globalisasyon at paninindigan ng BMP laban sa Asia Pacific Economic Forum (APEC) at Globalisasyon (ang patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at labor flexibility) at panawagang SLAM APEC. Depensahan ang Uri, Ipaglaban ang Bayan! Ang Laban ng Bayan ay Laban ng Uri! No to Agression in East Timor! Peace, Not War!

Aktibo din siya sa kampanya at pakikibaka para sa dagdag sahod ng mga manggagawa at pagtatayo ng Lawin-35, Kilusang Roll Back (KRB) at electoral na mga pakikibaka at pagtatayo ng Partido ng Manggagawa (PM). Kampanya laban sa dayaan, pagpapatalsik kay GMA, at panukalang pagtatayo ng transitional government noong 1998-2006. Pakikibaka ng mga manggagawa ng TEMIC, BLTB, PALEA at MERALCO. Nanawagan ng hustisya laban sa patraydor na pagpaslang sa chairman ng BMP na si Ka Popoy Lagman matapos ang EDSA Dos o kudeta ni GMA kay Erap at kasagsagan ng paghahanda ng Kongreso ng PM noong Pebrero 12, 2001. Nahalal siya rito na myembro ng Central Committee ng PM.

Hunyo 2011 nang magtungo si Ka Romy sa Malaysia bilang bisita ng Parti Sosialis Malaysia (PSM). Naging kinatawan siya roon bilang secretary general ng Partido Lakas ng Masa (PLM).  Pauwi na siya sa Pilipinas noong Hunyo 30 nang siya ay kinuha sa airport at ikinulong ng ilang araw ng Malaysian Government kasama ang 30 pang aktibistang Malaysian. Napalaya siya noong Hulyo 7, 2011 at agad na pinabalik sa Pilipinas.

Si Ka Romy ay magaling na tagapagsalita sa entablado, magaling tumangan ng pulong, hindi diktador, tinitiyak niya na nakakapagsalita ang lahat ng panid, at pinakamahalaga ay ang pagtitiyakniya na ang demokrasya ang nangingibabaw, hindi ang brasuhan, palakasan ng boses (literal) at panggagapang sa mga decision maker. Tunay siyang maginoo at magaling na lider.

Nang buhayin at paaktibuhin ng DOLE ang Tripartismo noong 2007 at nang magpasya ang BMP na magpadalo ng kinatawan dito, siya ang itinalagang opisyal na kinatawan ng BMP sa NTIPC hanggang sa kasalukuyan. Hindi na nga lamang siya nakakadalo sa mga patawag na meeting ng NTIPC dahil sa kanyang karamdaman sa kasalukuyan.

Nahalal si Ka Romy bilang secretary general ng BMP sa ginanap na ika-6 na Kongreso nito noong Nobyembre 26-27 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Ka Romy ay dinapuan ng kanser sa baga. Nang madiskubre ay Stage 4 na. Nagpapa-chemo theraphy siya ngunit magastos. Baka sakaling siya'y mailigtas. Kaya kailangan niya ng tulong ng sinuman.

Ang BMP ay maglulunsad ng Benefit Concert para sa kanya sa Marso 9, 2014 sa General Trias, Cavite at sa Marso 17, 2014 sa Homer's Restaurant sa Lungsod Quezon. Sa mga nagnanais tumulong at makakuha ng tiket para sa konsyerto, mangyaring kontakin si Tina sa BMP ofc sa hatinig blg. 436-4307.

(Ito'y pinagsamang detalye mula kina Ka Ronnie Luna, Ka Gem de Guzman at Greg Bituin Jr.)

Miyerkules, Marso 5, 2014

Piket sa Embahada ng Malaysia, Isinagawa ng mga Manggagawa

PIKET SA EMBAHADA NG MALAYSIA, ISINAGAWA NG MGA MANGGAGAWA

Naglunsad kanina ng piket sa harapan ng Malaysian Embassy ang grupong BMP, kasama ang mga grupong Socialista, Kasama at Katipunan bilang protesta sa umano'y panggigipit sa NUBE (National Union of Bank Employees) sa Malaysia. Nanawagan sila sa Prime Minister ng Malaysia na igalang ang karapatan ng mga manggagawa, lalo na ang mga kasapi ng NUBE. Ang BMP, Socialista, Kasama at Katipunan ay pawang mga kasapi sa WFTU (World Federation of Trade Unions). (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)









BMP at NAGKAISA, Nagpiket sa ERC

BMP AT NAGKAISA, NAGPIKET SA ERC

Marso 4, 2014, Martes - Nagpiket ang iba't ibang grupo ng manggagawa sa ilalim ng koalisyong NAGKAISA sa harapan ng tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang iprotesta ang dagdag na namang singil sa kuryente. Nagprotesta ang grupong BMP, APL, SENTRO, PM, PALEA, KPML, PLM, GPNAI at iba pa upang ipakita ang galit ng manggagawa at maralita sa panibago na namang pahirap sa masa. Dumating din doon si Akbayan Party list rep. Walden Bello. Bago matapos ang piket ay nagsagawa sila ng die in o paghiga sa kalsada habang kanilang isinisigaw na ibaba na ang presyo ng kuryente at baguhin na ang pamamalakad sa ERC. (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)








Martes, Pebrero 18, 2014

BMP joins PMT to picket LTFRB Hearing on Bontoc Bus Tragedy

PMT calling for reforms in the transport industry in the light of the recent Bontoc and Skyway tragedies

Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

MEDIA ADVISORY:
February 18, 2014

Transport Group, Militant Labor to Picket LTFRB Hearing on Bontoc Bus Tragedy Tomorrow

What: Picket for Regulation of Transport Industry and Reorganization of LTFRB

When: February 19, Wednesday, 9:00 a.m.

Where: Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office at East Avenue in Quezon City

The Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT) and Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) will organize a picket in front of the LTFRB office in Quezon City tomorrow, February 19. The protest coincides with the regulatory agency's first hearing on the Bontoc bus tragedy that claimed lives of 14 passengers including cultural activist and comedian Tado Jimenez.

Larry Pascua, PMT secretary-general said, "We are calling for reforms in the transport industry in the light of the recent Bontoc and Skyway tragedies, involving the Florida and Don Mariano Marcos bus lines. Strict government regulation must be placed to ensure the safety of the commuting public, who must not fall prey to unscrupulous methods of profiteering".

Pascua added, "In developed countries, safety measures are strictly enforced both in state-owned and privatized mass transportation systems. Vehicles, machines and instruments used in public transport should conform to government standards. More so, transport workers must enjoy sufficient wages and benefits, shorter working hours and humane conditions of work. They do not hesitate to invest on safety because life is more precious than property".

"Unfortunately, in our country, regulation of mass transport to ensure public safety is almost non-existent. Government intervention is exacting only on franchising issues as it is more concerned with collecting various fees from capitalists in the transport industry. The LTFRB and LTO, both widely recognized to be among the most corrupt and bureaucratic agencies in government, should be reorganized and reformed," he added.

At the protest, transport workers, cause-oriented groups and supporters of the late Tado Jimenez carried placards that read: "Regulasyon, hindi korapsyon sa transport industry", "Kaligtasan muna bago tubo ng kapitalista", "Hustisya para kay Tado at lahat ng biktima".

To conclude, Ronnie Luna, vice-president of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) asked, "How many more innocent lives have to be lost to a poorly-regulated, profit oriented transport system? How long will we endure badly-maintained vehicles that continue to threaten the lives of the people? The rightful answers to these questions are not terms of money, sales and costs. It is a question of life-and-death. People before profit"!

The transport group PMT is an affiliate of the socialist BMP.

--------------------------
Contact Persons:
Larry Pascua, PMT Secretary-General 09052050031
Ronnie Luna, BMP Vice President 09088957307











Lunes, Enero 27, 2014

Workers picketed ERC

PRESS RELEASE
January 27, 2014

Workers say resignation of ERC Chair Ducut is not enough:
No real regulation unless EPIRA is repealed
and energy regulating body is reorganized and democratized

MEMBERS of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) picketed the offices of the Energy Regulatory Commission (ERC) in Pasig City this morning. The protesters are calling for the reorganization of the ERC, not just the resignation of its chair, Zenaida Ducut, a former representative of Pampanga and believed to be an ally of the Arroyos.

BMP National President Leody de Guzman said, "The removal of Ducut from the ERC is not enough. It will not reduce even a single centavo from extremely costly power rates now plaguing the Filipino people. Meralco's $0.25/kwh is now the fifth highest in the world”.

He added, “The problem of spiraling electricity rates stems from the twin policies of privatization and deregulation, not from the personal character of the ERC chair, however repulsive she may be to this yellow administration. This dilemma started with the passage of the Electricity Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), which fully opened the doors of the power industry to the richest oligarchs in the land: Lopez, Aboitiz, Cojuangco/Ang, Ayala, George Ty, Alcantara, Manny Pangilinan, Henry Sy and Gokongwei”.

De Guzman clarified, “In a privatized industry under EPIRA, the ERC became a useless ornament to rein in power rates. In actuality, it was an Energy DEREGULATION Commission that could not perform its supposed mandate as a regulatory body. It became an accomplice and ally of corporate interests”.

At the picket, protesters mimicked Makapili traitors by wearing straw bags (bayong) with the slogans “ERC: Tuta ng Kapitalista!” and “ERC: Kasabwat sa Mahal na Kuryente!”. According to De Guzman, the BMP intended to expose the treachery of ERC commissioners who have sacrificed their countrymen to the altars of corporate profit.

“Even if we appoint a saint to replace the much-despised Ducut, government would be virtually powerless to the oligarchs in the power industry as long as EPIRA remains enforced and the ERC is not reformed,” he explained.

The labor leader proposed that the majority of the ERC Board should come from people's organizations, from representatives from workers, farmers, urban poor, professionals, academe, entrepreneurs and other basic sectors. He concluded, “The underlying motive beneath the clamor for the resignation of Ducut is the people’s rage against excessive power rates. It is driven by justice not by simple bloodlust against a perceived incompetent public official. The most fitting conclusion to this controversy is for the Aquino administration to initiate the first steps towards regulating and controlling the power industry, not just to replace a pro-Gloria bureaucrat with a lackey of the Liberal Party”. #













Miyerkules, Enero 15, 2014

‘Sang taong pahirap na Sin Tax, dapat nang ibasura!

Press Release
14 Enero 2014

Contact person:
Gie Relova
0915-2862555
‘Sang taong pahirap na Sin Tax, dapat nang ibasura!

GALIT dahil pagkabawas ng araw ng trabaho nang magsimula ang Bagong Taon, sinugod ng mga empleyado mula sa isang malaking kumpanya ng tabako sa Marikina ang Batasang Pambansa at hinikayat ang mga mambabatas na agad na magpasa ng panukalang batas na magpapawalang-bisa sa Republic Act 10351 o ang Sin Tax Reform Law of 2012. Ang pagpapawalang-bisa sa nasabing batas, ayon sa kanila, ay magwawasto sa inhustisya na ipinataw sa kanila ng pamahalaang Aquino.

Nasa ikalawang taon pa lamang ng pagpapatupad, ang pinakahuling iskema ng batas ay nagbigay sa pamahalaan ng dagdag na P41.1 bilyon ng sariwang kita. Ang kabuuang kita mula sa koleksyon ng excise tax mula Enero hanggang Nobyembre 2013 ay umabot ng P91.6 bilyon, mas mataas ng 6.7 bahagdan kung ikukumpara sa target na buong taon ng 2013 na P85.86bilyon ayon sa ulat ng Bureau of Internal Revenue.

Kabaligtaran sa sinasabi ng mga mambabatas sa pangunguna ni Senador Franklin Drilon at ang pangunahing tagapagtaguyod ng sin tax na si Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance na ang Sin tax ay diumano tutungo sa pagkawala ng trabaho, tinuligsa ng mga manggagawa ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) sa pangunguna ng pangulo ng unyon na si Rodelito Atienza at ng kanilang mga tagasuporta ang  batas sa Sin Tax pati mga may-akda nito.

"Sagad-sagarang nagsinungaling ang mga mambabatas noong deliberasyon ng batas. Dahil sa kanilang mga kasinungalingan, ang mga pamilya ng mga manggagawa'y nagdurusa ngayon sa kakapusan ng panggastos dahil pinagkait maging produktibong trabaho sa mga susunod na limang buwan ang mga manggagawa," ani Atienza.

"Hinahamon namin ang 210 kongresista at 10 senador na ipaliwanag sa amin kung bakit kami sumugod sa Batasan gayong dapat ay produktibo kaming gumagawa sa aming mga trabaho ngayon? Dalhin nila ang kanilang mga graph at charts, isama ang kanilang mga economic adviser mula sa mga prestihiyosong paaralan dito at sa ibayong dagat at patunayan sa amin na ang pagkawala ng trabaho ay kayang maiwasan sa ilalim ng sin tax," ayon pa kay Atienza.

Tinawag ni Atienza ang nasabing batas sa buwis na sadyang hindi makatarungan dahil sa karakter nitong “ipinapasa” at naglagay sa kanilang trabaho sa grabeng panganib. Nagpatupad ng limang buwang pagbabawas ng araw ng trabaho dahil sa paghina sa pamilihan ng kanilang mga produkto.

Sinabi pa ng unyon na sinalubong ng PMFTC management ang Bagong Taon ng pag-shutdown ng kanilang planta ng tatlong magkakasunod na araw, sumunod ay ang pwersahang pagpapagamit ng mga sick leave at vacation leave mula sa ika-anim ng Enero hanggang sa ika-sampu ng Pebrero. Matapos ito, ay babawasan na ang araw ng trabaho ng ilan libong manggagawa hanggang sa katapusan ng Mayo.

"Ang tanging ginagawa namin ay magsikap, wala kaming kasalanan para maging karapat-dapat sa sakripisyong pinapataw sa amin. Kontento na ang pamahalaan sa kanilang buwis at ang mga korporasyon sa kanilang tubo, ngunit bakit kami ang mga nagdurusa," dagdag pa nito.

“Nung masagana ang industriya, kami ang huling-huling nagbebenipisyo ngunit ngayon dahil sa sin tax, ang aming pamilya ang unang-unang pinaghihigpit ng sinturon. Ang tanging "tupa" sa senaryong ito ay ang mga manggagawang masipag na pumasok upang "palamunin" ang pamahalaan ng kanilang buwis at mga kumpanya ng kanilang tubo," protesta ni Atienza.

Sa bahagi naman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), inupakan nila ang administrasyong Aquino sa pagiging kakatwa nito at ni walang ginawa para sa kapakanan ng manggagawa habang nagtatapikan sila ng balikat para sa isang "job well done" habang lumalagim ang kinabukasan ng mga manggagawa.

"Ang pamahalaang Aquino at ang mga kumpanya ng alkohol at tabako ay parang mga unggoy na nagkakamutan sa isa't isa, habang si Aquino at ang kanyang mga opisyal sa pinansya ay umaasa sa mga kita sa buwis habang mina-maksimisa ng mga kapitalista ang patakarang murang paggawa ng pamahalaan para makapiga ng mas malaking tubo mula sa halagang nilikha ng mga manggagawa ng sigarilyo, paliwanag ng lider ng BMP na si Gie Relova.

"Ang pagwawalang-bahalang ito, ‘kainutilan at ang walang-awang pagpapatupad ng mga polisiyang anti-mamamayan ang mga perpektong sangkap upang maganap ang pagkahiwalay ni Noynoy Aquino sa mga manggagawa at sa iba pang naghihirap na sektor, dagdag pa niya.

Nanawagan ang militanteng grupo sa kapwa manggagawa at pamilya ng mga ito sa iba't ibang kumpanya sa industriya na organisahin ang kanilang sarili at itatag ang isang malakas ng kilusan na epektibong kukumbinsi sa mga mambabatas na ipawalang-bisa ang halimaw na Sin tax Law.###



 


 





May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996