Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Huwebes, Abril 23 2009

10 Katangian ng Sosyalismong Tinitindigan ng BMP

10 Katangian ng Sosyalismong Tinitindigan ng BMP

Isa mga pangunahing dahilan ng pagbaklas ng BMP sa KMU ang magkaibang tindig ng dalawang samahan sa oryentasyon ng kilusang paggawa - magkakasya na lamang ba ang mga manggagawa sa pagsusulong ng pambansang demokrasya o ipaglalaban nila ang isang lipunan na bubuwag sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala?

Sa ilalim ng pambansang demokrasya, iinam ang kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa. Subalit mananatili silang alipin ng kapital - mga sahurang alipin na binubuhay lamang para lumikha ng yaman na hindi sa kanila.

Sa sosyalismo na tinitindigan ng BMP, ipapalit ang isang sistema na walang pagsasamantala at pang-aapi sa sinuman. Isang sistema na magtataglay ng sumusunod na katangian:

1. Lipunang walang mga uri. Lipunan na hindi hinahati, hindi sinisino o kinikilala ang tao sang-ayon lamang sa uri niyang kinalalagyan.

2. Lipunang walang imperyalismo at imperyalistang pagsasamantala. Lipunang wawakas sa kapitalismo at kapitalistang pagsasamantala.

3. Lipunang walang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon. Lipunang nakapundar sa sosyal na pagmamay-ari ng mga kasangkapan at mga produktong nililikha nito.

4. Lipunang hindi pinatatakbo ng 'free market' o nakapundar lamang sa tubo at paghahangad ng limpak na tubo. Lipunang nakaplano ang ekonomiya sang-ayon sa layuning ipagkaloob ang lahat ng pangangailangan ng tao.

5. Lipunang ang estado ay pinatatakbo ng mga manggagawa. Lipunang ang buong populasyon ay bahagi ng armadong hukbo ng bayan.

6. Lipunang ipinatutupad ang ganap na demokrasya sa pamamagitan ng direktang partisipasyon ng bawat tao sa gobyerno at sa lahat ng usaping hinaharap ng lipunan.

7. Lipunang ipagkakaloob ang lahat ng pangangailangan ng tao - trabaho sa lahat, libreng pabahay, libreng edukasyon sa kabataan, libreng gamot at pangangalaga sa kalusugan, at marami pa. Ang mga ito ay hindi pribilehiyo kundi karapatan ng bawat mamamayan.

8. Lipunang ang mga pagawaan ay patatakbuhin ng mga manggagawa mismo (workers' self-management).

9. Lipunang ganap na magpapalaya sa kababaihan mula sa pang-aapi sa pagawaan at sa loob ng tahanan.

10. Lipunang bibigkis sa pinakamalawak na pagkakaisa ng buong sangkatauhan.

0 (mga) puna:

Mag-post ng isang Puna

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Tungkol sa Akin

My Photo
Ang lumikha at nagmimintina ng blog na ito ay si Greg Bituin Jr., makata, manunulat, mananaliksik, aktibista, tagasalin at small-time pabliser ng mga aklat. Siya ang nagtatag at namamahala sa Aklatang Obrero Publishing Collective; kasaping tagapagtatag ng grupong MASO at PANITIK; dating opisyal ng aktibistang grupong Kalipunan ng Malayang Kabataan (Kamalayan); editor ng librong Maso - Katipunan ng Panitikan ng Manggagawa, Una, Ikalawa at Ikatlong Aklat; editor ng librong Komyun - Katipunan ng Panitikan ng Maralita, Una at Ikalawang Aklat; editor ng librong Tibak - Katipunan ng Panitikang Aktibista, Unang Aklat; managing editor ng dyaryong Taliba ng KPML; cultural and literary editor ng pahayagang Obrero ng sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP); cultural and literary editor ng pahayagang Ang Sosyalista ng Partido Lakas ng Masa (PLM), dating editor ng magasing Maypagasa ng Sanlakas, atbp.

Mga tagasunod