Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Hunyo 10, 2009

Con Ass salmo

CON ASS salmo responsorio
(ito'y ginanap sa isang rali sa Plaza Miranda, Hunyo 10, 2009, 10:30 ng umaga, at lumabas sa Channel 2 at Ch. 7 ng 12:00 ng tanghali, ang komedyanteng si Tado ang pumapel na tagapagsalita, habang ang mga maralitang kababaihan naman ng KPML ang sa Tugon, ang may-akda ng Salmo ay si Greg Bituin Jr.)

TUGON:
CON ASS NG MGA HUDAS

AY DAPAT NANG MAGWAKAS

TAGAPAGSALITA:
Pagtataksil sa ating bukas
Itong Con Ass ng mga Hudas
Sambayana’y ginawang ungas
Ng Kongresong nagtalipandas.
TUGON:

TAGAPAGSALITA:
Dinulot sa masa’y hilahil
Ng mga kongresistang taksil
Dapat natin silang mapigil
Bago bukas nati’y masiil.
TUGON:

TAGAPAGSALITA:
Hubaran natin ng maskara
Mga taksil na kongresista
Na kinabukasan ng masa
Ang pinaglalaruan nila
TUGON:

TAGAPAGSALITA:
Huwag po nating iboboto
Iyang mga ganid na trapo
Lalo na si Gloria Arroyo
Na nais magtagal sa pwesto
TUGON:

TAGAPAGSALITA:
Si Reyna Gloria’y hindi dapat
Sa pwesto niya ay magluwat
Lalo lang magpapakabundat
Sa yaman ng bayang sinilat.
TUGON:

TAGAPAGSALITA:
Sa tatlumpung pirasong pilak
Sambayanan ang pinahamak
Tayo’y dinadala sa lusak
Ng mga kongresistang tunggak.
TUGON:

Walang komento:

Mag-post ng Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996